watch now

Author Topic: birth experience/feedback: Chinese General Hospital  (Read 198026 times)

Beng01

  • Guest
Re: birth experience/feedback: Chinese General Hospital
« Reply #160 on: April 25, 2014, 09:04:32 am »
hi sis Beng01 for me sis mabait syang ob, anak ang tawag niya sa mga patient niya. She is really good kasi every tanong ko naman nasasagot niya lahat with complete explanation. then napakamalumanay niyang magsalita. Mukhang experienced doctor din niya. Dami ko ng napuntahang OB pero sa kanya ako nagstay. :) 

ok sis sweetberries thank you for the feedback, I am actually eyeing her para maging OB ko. Naghahanap kasi ako ng mura magpaanak pero magaling at experienced na. Also gusto ko din na OB na advocate for vaginal delivery hindi yung mahilig lang magcesearian. I hope ganun siya, bukod sa paging TLC :)
Natutuwa ako kasi puro good feedback ang naririnig ko about her. Nirefer lang din sya sakin ng friend ko good thing may FN na nagpoprove ng credibility niya :)

babythug28

  • Guest
Re: birth experience/feedback: Chinese General Hospital
« Reply #161 on: April 26, 2014, 09:09:40 pm »
hi sis sweetberries thank you for the response. I think reasonable na yung quote nya tapos semi private pa. I am thinking of sa ward na lang para mas less :-)

What is she like as an OB? Mabait ba or civil lang? Thanks :)

sis 3 yrs ago, si dra zamora yung OB ko. laki na din pala ng tinaas nya. 50k lang quote nya sa kin for private back then. wala akong philhealth. medyo nakaless kami kasi what we did is nag ward muna 1 night before ako ma CS. so yung rate for 1 night is less na, and yung naging rate din ng mga gamot, pati doctor's fee, mga ganun pang ward. nung nilabas na lang ako saka kami lumipat sa private room. all in naka 55k kami kasama na dun yung naging expenses namin sa pagkain ni hubby at mga bumisita :D

as a doctor, gusto ko siya. hindi siya mahilig magpaadmit kung hindi naman necessary, hindi siya mahilig mag CS unless kelangan lang daw talaga. sa case ko kasi CS na ko sa panganay and nagkaron ng infection so CS na din ako kay bunso.

sweetberries

  • Guest
Re: birth experience/feedback: Chinese General Hospital
« Reply #162 on: April 28, 2014, 08:33:44 am »
Hi sis babythug28, oo nga e medyo ang laki nga ng tinaas kay dra zamora, last saturday kasi nung nagpacheck up ako may nakausap din akong patient na dati na rin nangangak kay dra tas last 2005 daw ang bill niya was only 12k normal delivery then ward stay tas 2008 daw bill niya was 16-20k normal delivery then ward din stay. yung sayo sis all in na 50k? kasama na lahat then private pa :) naku sana makahingi ako kay dra ng discount hehe Good to hear na di sya mahilig mag CS, preferred ko rin kasi ang normal delivery. Thanks sa feedback sis :)

Sis Beng01, welcome :) sana sis magustuhan mo rin sya as ob.. ang medyo down side lang sa kanya sis kung 9-12 ang clinic niya minsan darating sya ng bandang 10am na tas need mo punta ng clinic niya ng maaga para mauna ka sa listahan pero beside dun sis as ob ok na ok sya :) balitaan mo ko sis pagnagpunta ka na kay dra :)


babythug28

  • Guest
Re: birth experience/feedback: Chinese General Hospital
« Reply #163 on: April 30, 2014, 08:45:11 pm »
^ yes sis. 55k mga ganun siguro kasama na expenses namin kasi mabili kami ng food para sa mga nabisita. and wala kaming philhealth kaya walang naless sa min nung time na yun.

Beng01

  • Guest
Re: birth experience/feedback: Chinese General Hospital
« Reply #164 on: May 06, 2014, 05:07:45 pm »
hi sis sweetberries!
Just an update :). I went to Dra. Zamora's clinic last friday (May 2). Late na ko nakapunta kc tumawag muna ko to confirm if she's in, mag 11AM na ko nakapagpalista.
Nagulat ako kasi she's chinese looking at mataas na babae, nasa 5'9 to 5'10 yata ang height.
Then finally my turn na, first nagbreast examine muna niya ako, then she advice me to continue taking Folart (Folic) at wag muna daw ang vitamins. She's more into the welfare of the baby and if I eat healthy food only, I can get the right nutrition I need daw.
Napansin ko sa kanya, bukod sa health namin ni baby, concern din siya sa mas matitipid namin. Kaya she adviced me to get my urine and blood tests sa isang lab na mura, tapos hindi nya nilahat muna para hindi raw ako magulat sa gastos. She also offered me "paluwagan" parang ipon/savings para sa panganganak, that way nakakapag ipon na kaunti na hindi mabigat sa bulsa.
I am happy na ganoon ang attitude niya, tapos with her experience I think magaling siyang OB. Affiliated din siya ng Maxicare so at least ang consultation ko sa kanya ay free ;D
Mabait din siya at direct to the point pero caring din naman, she called me anak. Siguro she's old enough to be my mom (I am 29 years old).

My follow up check up is on June 7 :)

Ang downside siguro sa pagpunta sa clinic niya in CGH, is super traffic sa tapat ng hospital. I am coming from Novaliches so nadadaanan ko La Loma which is really ma traffic. Sana bago ako manganak sa CGH, tapos na gawin yung road/canal repair infront.
« Last Edit: May 06, 2014, 05:13:44 pm by Beng01 »

hidi13

  • Guest
Re: birth experience/feedback: Chinese General Hospital
« Reply #165 on: May 08, 2014, 01:56:51 pm »
Sharing my experience in CGH

Gave birth last May 1, 2014 to a baby girl
OB: Dr. Madelene Ang De Joya

Around 5:30am akala ko naiihi lang ako so nag cR ako, pag higa ko ulit may tubig pa din na lumalabas sakin. Wala ako naramdaman kahit anong pain so ignored it for a couple of hours. Nung nagtuloy pa din I tried calling my OB but got no answer, wala din reply sa text messages.

Around 5pm nakausap ko na din si OB (so mga 12hrs or so na ko may watery discharge) and she ordered me to go to the hospital ASAP. Arrived at the hospital at around 6:35pm, pag IE sakin 1cm pa din so CS na daw ako or hindi nya ma promise na safe si baby madeliver tru vaginal delivery. Nag agree na kami sa CS para saf nga si baby. 7:29pm gave birth to a healthy baby girl. :)

Hospital experience was ok, mababait ang nurses sa ward at delivery room. Below ang natatandaan ko sa bills namin:

Total Hospital bill: 35k less philhealth naging 22K
Pedia: 3500
Anes: 10k
OB: 43k
Ward with aircon ang room namin 1050/day
Total bill: 79k

YES. 43,000php ang siningil ni OB samin. Nung pinapaliwanag nya yan, nung nasa ward pa ko akala talaga namin ni hubby yung 43k eh buong hospital bill na namin kaya oo lang kami ng oo. Yun pala PF nya pa lang yun. Laglag panga namin nung makita namin total bill namin. Hindi ko alam kung bakit umabot sa ganon PF nya, gusto ko nang mailabas ng hospital si baby so no choice, na. Pumayag naman sya na mag down muna ng 2k sa hospital, the rest sa clinic na lang niya namin babayaran upon follow up consults.

Beng01

  • Guest
Re: birth experience/feedback: Chinese General Hospital
« Reply #166 on: May 09, 2014, 11:04:00 am »
hi sis hidi13, ang mahal naman ng pf ng OB mo...
I am not sure with Dra. zamora kasi nirefer lang sakin dahil magaling at mura daw.
Kaya I plan na manganak sa CGH with Dra. Zamora.

Sana naman hindi umabot ng ganyan kalaki ang bill namin, ang target namin is mga 50k lahat lahat na,,,

BTW, congrats dahil may baby girl ka na :)

LeallianFaye

  • Guest
Re: birth experience/feedback: Chinese General Hospital
« Reply #167 on: May 09, 2014, 08:39:40 pm »
Sharing my experience in CGH

Gave birth last May 1, 2014 to a baby girl
OB: Dr. Madelene Ang De Joya

Around 5:30am akala ko naiihi lang ako so nag cR ako, pag higa ko ulit may tubig pa din na lumalabas sakin. Wala ako naramdaman kahit anong pain so ignored it for a couple of hours. Nung nagtuloy pa din I tried calling my OB but got no answer, wala din reply sa text messages.

Around 5pm nakausap ko na din si OB (so mga 12hrs or so na ko may watery discharge) and she ordered me to go to the hospital ASAP. Arrived at the hospital at around 6:35pm, pag IE sakin 1cm pa din so CS na daw ako or hindi nya ma promise na safe si baby madeliver tru vaginal delivery. Nag agree na kami sa CS para saf nga si baby. 7:29pm gave birth to a healthy baby girl. :)

Hospital experience was ok, mababait ang nurses sa ward at delivery room. Below ang natatandaan ko sa bills namin:

Total Hospital bill: 35k less philhealth naging 22K
Pedia: 3500
Anes: 10k
OB: 43k
Ward with aircon ang room namin 1050/day
Total bill: 79k

YES. 43,000php ang siningil ni OB samin. Nung pinapaliwanag nya yan, nung nasa ward pa ko akala talaga namin ni hubby yung 43k eh buong hospital bill na namin kaya oo lang kami ng oo. Yun pala PF nya pa lang yun. Laglag panga namin nung makita namin total bill namin. Hindi ko alam kung bakit umabot sa ganon PF nya, gusto ko nang mailabas ng hospital si baby so no choice, na. Pumayag naman sya na mag down muna ng 2k sa hospital, the rest sa clinic na lang niya namin babayaran upon follow up consults.


Sis, ward ka na tapos 79k ang bill mo. Huhu. :( Iniisip ko sana dito o sa Sioson parang mas feel ko na sa sioson ngayon.

hidi13

  • Guest
Re: birth experience/feedback: Chinese General Hospital
« Reply #168 on: May 10, 2014, 12:46:52 am »
Mura lang actually mga sis considering pa na emergency CS ako, total hospital bill namin with pedia and anesthesiologist PF is 39k lang, si OB lang talaga nagpalaki, mas malaki pa sa hospital bill :( hindi ko din maintindihan bakit  ganun kalaki PF niya :(

sweetberries

  • Guest
Re: birth experience/feedback: Chinese General Hospital
« Reply #169 on: May 13, 2014, 01:00:36 pm »
hi sis Beng01 :) now lang ulit ako nakavisit sa thread na to :) happy ako at nagustuhan mo si dra zamorra :) na-ask mo na ba regarding package niya? ako rin sa ngayon nagbibigay na kame ng 500 every check up para sa delivery, ibabawas daw yun sa total ng bill namin. swerte naman sis at affiliated pala siya ng healthcard mo, bawas gastos din yun. sa new world niya ako nirefer with regards sa mga laboratory at compared sa iba mas malaki talaga ang mura dun.

naku yun din nga ang concern namin ni hubby, yung road reconstruction sa tapat ng cgh.. super traffic nga papunta dun, sabe ko nga baka pag di pa natapos yun at due date ko na baka lakarin ko rin papuntang ER. hehe :) from QC din ako sis :)

Beng01

  • Guest
Re: birth experience/feedback: Chinese General Hospital
« Reply #170 on: May 13, 2014, 01:18:25 pm »
hi sis sweetberries, nag ask ako ng package pero hindi daw pa niya sasabihin kung magkano. Sa mga susunod daw na consultation doon nya malalaman. Sa tingin ko kc kailangan muna nya makita ang result ng lab test results ko para masabi nya yung condition ko. Iyong sa paluwagan naman, my husband and I decided na ipunin na lang ang money kesa sumali sa paluwagan.

Sa New World Lab niya din ako nirefer siguro mas mura dun  ;)
Kelan pala ang expected due date mo sis? Ako sa October 31 pa.

sweetberries

  • Guest
Re: birth experience/feedback: Chinese General Hospital
« Reply #171 on: May 14, 2014, 10:25:57 am »
^ ah i see, siguro nga ibe-based niya yung package sa condition ng pregnancy.. hope everything will be ok based sa result ng mga test mo :) sa july 9 [textspeak!] edc ko kaya konting kembot na lang at makakasama ko na si baby! :)

Beng01

  • Guest
Re: birth experience/feedback: Chinese General Hospital
« Reply #172 on: May 14, 2014, 11:12:46 am »
Malapit ka na pala sis sweetberries :)

Good luck sa panganganak ha, take care and God bless :)

sweetberries

  • Guest
Re: birth experience/feedback: Chinese General Hospital
« Reply #173 on: May 15, 2014, 02:15:41 pm »
^ thanks sis.. i'll share na lang din kung ano magiging experienced ko sa cgh once na makapagdeliver na ko.. god bless din sis :) enjoy your pregnancy!

karlisa rence

  • Guest
Re: birth experience/feedback: Chinese General Hospital
« Reply #174 on: May 22, 2014, 01:55:21 pm »
hello mga teh.. mukang matagal na tong post na to pero dito na lang din ako magtatanung..  :) bago lang ako sa site and 1st time mom din ako.. gusto ko din sana sa cgh manganak.. any advice naman dyan kung sinu ok na OB and how much total expenses.. thanks in advance mga sis! nice to meet you all..  :D

momzyK

  • Guest
Re: birth experience/feedback: Chinese General Hospital
« Reply #175 on: May 24, 2014, 08:15:36 pm »
Hi sis @karlisa si dra. valen co sya ang ob ko sa CGH lapit na due ko this june na. ang quote nya saken is 20k+ for ward, 25k+ semi private 2 bed, 30k+ private room. painless na yan sis and with philhealth pag walang philhealth parang add 10k ata. All in na yan except pedia fee na 3k-5k ang fee. Mura na rin compare sa iba.
2 days stay narin pala yan. mabet rin naman si dra. kaso talagang haba lang na pila nya marami kase syang pasyente and start ng clinic nya is 8pm na.

+arte20+

  • Guest
Re: birth experience/feedback: Chinese General Hospital
« Reply #176 on: May 26, 2014, 08:58:16 am »
^hi sis, sya din OB ko! it's nice to know na may kapareho akong OB here. :) sa september naman due ko at thanks for the info re her packages kasi di pa ako nakapagtanong sa kanya. by next month pa sa next check-up ko plan namin, sabay na din ng ultrasound for the gender ni baby. excited na din kami ni hubby! good luck on your labor sis..

mahaba nga pila kay dra. valen co pero worth it naman. mukha syang masungit for me sa itsura pero mabait at makulit din. papagalitan ka talaga nya pag pasaway ka. ;)

Beng01

  • Guest
Re: birth experience/feedback: Chinese General Hospital
« Reply #177 on: May 26, 2014, 11:04:10 am »
Ask ko lang, nagpa quote ba sa OB, at sinabi nyang for example, 25k for normal and 35 for CS.
Pf nya lang ba yun o iyon na ang tentative na babayran sa hosp (pf ng ob, anes pedia, room rates etc)?

I want to know kung pf lang yun, baka kasi magkagulatan pag dumating na hosp bills...

momzyK

  • Guest
Re: birth experience/feedback: Chinese General Hospital
« Reply #178 on: May 26, 2014, 05:50:23 pm »
@Beng01 All in na yan sis Pf, hospital bills etc.. Ang hindi lang kasama sa quote nya is yung pedia fee :) Ask mo rin sa OB mo sis regarding dyan kung [textspeak!] iqquote nya sayo is what included.

@+arte20+
Korek sis mukang mataray pero mabait naman si dra. valen parang family ob na kase namen sya lahat halos samen sya nagpaanak pati opera ng auntie ko sya din  ;D Medyo walang preno lang talaga minsan salita nya kaya pag hindi mo sya kapa may times na maooffend ka hehe.

Beng01

  • Guest
Re: birth experience/feedback: Chinese General Hospital
« Reply #179 on: May 27, 2014, 09:39:32 am »
Thank you sis momzyK at least may idea na ko, ask ko din OB ko ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close