Author Topic: Wedding without otd/coordinator :)  (Read 67284 times)

donselle

  • Guest
Re: Wedding without otd/coordinator :)
« Reply #160 on: November 30, 2013, 10:55:38 pm »
sa wakas nairaos din ang kasal ng barkada ko.. it was exhausting, stressful, but all of it was worth it..

masyadong mahaba kung ikukuwento ko dito in detail ang mga nangyari, pero after everything that has happened, isa lang ang nasambit ko: "pag ako kinasal kukuha ako ng OTD kahit ano pa ang budget ko."

nakita ko sa friend ko yung sobrang stress the month up to the moments before ng kasal nya. around that time kasi her hands are already full -- follow-up ng mga suppliers, follow-up ng RSVP, asikaso ng leave nya sa office, pick-up ng mga gamit, etc.

the day before the wedding, imbes na natutulog na sya ng around 8pm dahil 4am ang gising nya for the preps, ayun at nage-edit pa ng AVP at inaayos pa lahat ng gamit para sa hotel. dumagdag pa yung stress na dinulot ng pagsabi sa kanya ng nanay nya na hindi sya pupunta (long emo story po ito). makikita mong sinusungitan na nya ang lahat -- H2B nya, kaming bridesmaids nya, mga kausap nya sa phone, etc. although may light moments naman dahil andito kaming friends nya to lighten up the mood (joke time, kuwentuhan, etc) at para lang ma-relieve na ang stress nya. kahit na patulugin na namin sya para makapag-pahinga na, parang ayaw pa nya hangga't hindi nya nakikita na ok na lahat. paulit-ulit naming sinabi na 'kami na gagawa nyan' para lang matulog na sya. BTW, 1:30am na sya natulog.

pagmulat ng mata nya ng around 5am (inaayusan na kaming mga ento by that time), checklist agad ang hinanap nya at nagtanong agad kung ayos na ang ganito-ganyan. bilang hindi naman nag-stay sa hotel ang mga abay ni groom, at dumarami na ang mga tao sa room ni bride, kaming tatlong bridesmaid ang nagkusang puntahan si groom at i-assist si P/V. si bride naman kasama ang MOH, MIL, at yung bridesmaid na close sa kanya. before kami umalis ng hotel kasabay ni groom, dinala na namin yung mga flowers para mabigay na sa mga sponsors.

throughout the ceremony and reception maayos naman ang flow. medyo nagkagulo lang noong reception kasi maraming guests at abay ang naligaw kung paano pupunta sa reception venue galing ng simbahan (medyo mahirap kasi syang hanapin IMO). wala tuloy intro parade ng mga ento members.

the way I see it, the reason kung bakit hindi kumuha ng OTD ang couple is more than the budget -- it's because sobrang particular sa detail si bride, yung tipong kung pwedeng sya na lang gumawa lahat, na hindi naman pwede. nahalata ko yun the way na ayaw nyang bitawan yung mga ginagawa nya the night before the wedding where supposedly nagpapahinga na sya. ayan tuloy, na-stress sya nang husto although hindi halata noong wedding day dahil ang ganda pa rin nya, bias aside.  ;D

dahil doon, sinabi ko sa sarili ko, "pag ako kinasal kukuha ako ng OTD kahit ano pa ang budget ko."


purple_evie

  • Guest
Re: Wedding without otd/coordinator :)
« Reply #161 on: December 05, 2013, 09:38:35 am »
Very well said sis donselle, kasi the OTD, really helps, kahit on  - the day lang. Kasi diba dapat on your day, stress free yung bride and groom. Dapat enjoy lang.

During my wedding last Nov 2011, nung wala pa ang OTC ko, umiyak pa ako. as in. kasi sympre wala pang nag -aalalay, call time is 9am kasi. Kaso 7am pa lang mga relatives ko nasa hotel na, sa akin lahat pa inaasa at nagtatanong kahit na instruct ko. Ayun pag dating ng coordinator na si MS. Kredz, sya lahat ang umayos. At last, with smila at stress free ako nung wedding ko. Parang nasa ulap lang.  ;D

Annie M.

  • Guest
Re: Wedding without otd/coordinator :)
« Reply #162 on: December 05, 2013, 05:28:17 pm »
Hello all,

I am planning my own wedding, without a coordinator. Ang inspiration ko actually is my boss who got married last month lang in a very low-key Catholic church wedding. It wasn't a matter of budget eh, pero talagang she's the type na hindi mahilig sa pomp and pageantry. She had no coordinator, no entourage, and even wore a knee-length dress instead of a long gown. The wedding was super chic. The Catholic ceremony was also short, parang shortened version. "Wedding rites" yata ang tawag?

Anyway from what she has told me, a coordinator-less wedding is very possible, and the Catholic churn even encourages such simple weddings. The priest commended her and her fiance daw for choosing to give their money to charity instead of spending it on a lavish wedding.

She also said that the church - the one in Eastwood - offered a package na all-in na, flowers, soloist, even the reader/commentator. I'm not sure how much pero I'll ask. I'll update tomorrow.

 

Annie M.

  • Guest
Re: Wedding without otd/coordinator :)
« Reply #163 on: December 06, 2013, 05:58:52 pm »

The no-coordinator / no-entourage Catholic church wedding was featured pala, in case you are interested:

http://www.designerdiscounted.com/feature/2013/chanel_wedding_herve_leger.html

The total cost daw was P120,000 including the church package at Eastwood (P30,000) and the hotel buffet at Eastwood Richmonde Hotel Cafe (P1,020 each) plus extras like wedding rings, documentary requirements, etc.

So yes, mukhang possible talagang walang coordinator.


kdion

  • Guest
Re: Wedding without otd/coordinator :)
« Reply #164 on: February 04, 2014, 09:15:33 am »
Sis, parang medyo mahirap yata kapag walang OTD. Kasi di ba sila nagaasikaso kapag nakasalang ka na sa makeup and photoshoot? Tapos sa reception sila na ang bahala sa lahat. Parang nakakastress yata yun. Hehe

rhamneroj16

  • Guest
Re: Wedding without otd/coordinator :)
« Reply #165 on: February 04, 2014, 01:00:47 pm »
NO coordinator nung kinasal ako dahil mas maganda yung ikaw parin nasusunod pati time mo hawak mo. May work pa ako nan and two months prep LOL

kdion

  • Guest
Re: Wedding without otd/coordinator :)
« Reply #166 on: February 04, 2014, 10:37:17 pm »
Really? Ang galing mo sis rhamneroj16! Possible pala talaga na walang ccord on the day.

hafeehearts

  • Guest
Re: Wedding without otd/coordinator :)
« Reply #167 on: February 05, 2014, 04:17:03 am »
Share ko lang mga sis, sa tingin ko un No Coordinator weddings ay possible naman for those intimate weddings na tipong mga 60pax below ang attendees. Pero based on weddings na naatenan ko kapag a 100pax na mas maigi talaga na kumuha na lang.

Just this last December I attended a wedding of a friend's brother. Nakaka awa sila, kasi sobrang hassle. 4 am na gising pa sila para sa mga last wedding diy details nila. Tapos nun umaga na nagkagulo gulo sila sa schedule to the point na hindi na masyadong nakapag pictorial ang side nun bride kasi wala na nagmomonitor. Gahol na gahol na sila sa oras na-late pa sila sa simbahan kahit katabi lang ng preps location. Pagdating naman sa reception kinulang yun food nila kasi sumobra ang number ng visitors nila.
Ang dahilan nila kung bakit di kumuha ay dahil madami naman mga kapatid na pwede tumulong, ang kaso kasi kasama din un mga kapatid sa entourage. May mga suppliers din sila nun na medyo late na dumating.

Kaya ang payo ko lang, tipirin niyo na un ibang details pero wag ang pagkuha ng OTD. Iba din kasi na may isang taong nag-ooversee ng lahat sa araw ng wedding mo. Kasi kung stress ka sa wedding day parang hindi ka din naman nakatipid nun dba?

rhamneroj16

  • Guest
Re: Wedding without otd/coordinator :)
« Reply #168 on: February 05, 2014, 09:56:40 am »
Sa akin naman kasi no coordinator kapag okay ang mga suppliers mo and very responsive all the time. Tsaka syempre kukuha ka lang yung maasahan na at marunong tumupad sa usapan :)

About the food dapat sinabihan na nila yung owner ng catering nila na pasobrahan yung food. Yung amin kasi 100pax. Yung provider namin for catering okay sila kasi pasobra sila incase dumami yung visitors. Kasi ako that time feeling ko sosobra yung bisita namin kaya sinabihan ko narin.  Then lahat naman ng suppliers ko okay sila ontime :) Kaya ako sa inyo advise ko kahit wala ng coordinator basta ayos lahat ng suppliers. ;)

rhamneroj16

  • Guest
Re: Wedding without otd/coordinator :)
« Reply #169 on: February 05, 2014, 09:58:40 am »
Really? Ang galing mo sis rhamneroj16! Possible pala talaga na walang ccord on the day.

Yes Sis, pero yung cousin ko sya ang emcee at the same time parang sya narin ang coordinator nung wedding day namin. Lahat naman kasi ng suppliers namin very responsible, Sumusunod sa usapan :)

kdion

  • Guest
Re: Wedding without otd/coordinator :)
« Reply #170 on: February 05, 2014, 03:34:26 pm »
Good for you sis! Sana ganyan din sa wedding ko :)

rhamneroj16

  • Guest
Re: Wedding without otd/coordinator :)
« Reply #171 on: February 05, 2014, 03:40:24 pm »
Good for you sis! Sana ganyan din sa wedding ko :)

Yes. Sana Sis maayos lahat ng suppliers mo kahit walang coordinator ;) plus kung may close friends or cousin ko na pwede coordinator why not them diba? ;)

C+C

  • Guest
Re: Wedding without otd/coordinator :)
« Reply #172 on: February 05, 2014, 05:39:22 pm »
kung 60 guests below lang kame at may mga pwede akong kunin as coord for the day,.. di ndin ako magsasayang ng budget sa OTD,.. sayang din kasi un eh,.. tpos di kapa rest assured na magaling talaga sila.. nagbayad kana,.. wala padin,.. so di padin assurance na pag may otd ka eh "all is well" na sa big day nyo  ::)

escobarina420

  • Guest
Re: Wedding without otd/coordinator :)
« Reply #173 on: February 05, 2014, 08:35:50 pm »
yung friend ko hindi ko masabihan na need nya talaga ng OTD, umasa na lang sa kaibigan na marunong daw sa ganun, pero nung inask ko friend nya, mas marami pa kong alam sa mga do's and donts kaya ako na lang panay bigay ng payo  ::) parang niloloko lang sya ng friend nya sa mga sinasabi sa kanya. ultimo photo/video at banda kinukuha low quality ang mahal pa

hafeehearts

  • Guest
Re: Wedding without otd/coordinator :)
« Reply #174 on: February 05, 2014, 10:09:27 pm »
yung friend ko hindi ko masabihan na need nya talaga ng OTD, umasa na lang sa kaibigan na marunong daw sa ganun, pero nung inask ko friend nya, mas marami pa kong alam sa mga do's and donts kaya ako na lang panay bigay ng payo  ::) parang niloloko lang sya ng friend nya sa mga sinasabi sa kanya. ultimo photo/video at banda kinukuha low quality ang mahal pa

Siguro maganda na advisan mo din siya na kumuha ng OTD kung talagang mukhang di nila kaya. Madami naman na dito ang mga nashare na affordable rates pero ok naman ang service. Yun sa event na kaka share ko lang, I suggested my friend na sabihan yun couple na kumuha na lang ng OTD since kasi un mga may naka-assign na task for the wedding ay kasama sa entou. Ayaw daw ni bride kasi may mga naka assign na. Come wedding day ang unang sabi ng friend ko sakin is sana pinilit niya si Bride to get one or kahit siya na lang ang nag chip in. Minsan kasi sa wedding day there are small details na parang before wedding akala kaya naman, pero yun ang nakakalimutan. Yun lang simpleng task na sino ang magpapalakad ng entou sa simbahan mukhang simple pero mamali lang ng pagbukas ng pinto minsan nagiging aberya na.

Isa pang suggestion ko din sa mga brides na hindi kukuha ng OTD, maganda siguro inform niyo ang entou niyo of their duties specially on the wedding day. Ang mga Maid of Honor at Bridesmaids ay talagang may role na ginagampanan sa wedding, hindi yun pupunta lang para magpapicture. Brief them na in times of need sila ang unang takbuhan niyo. Dami ko ng naatenan na ganyan, un Maid of honor pinapabayaan ang Bride walang umaassist.

shabby

  • Guest
Re: Wedding without otd/coordinator :)
« Reply #175 on: February 06, 2014, 01:00:41 am »
Hi mga sis, ako rin sa ngayon, hindi ko pa gusto kumuha ng wedding coordinator. May kabarkada ako na nagawa naman yun. Kabarkada namin na isa, plus officemate niya, ang tumulong sa kanya during the reception. Sa church, wala naman tumulong na iba kasi may admin staff yung mismong church. Hindi ko nga lang alam pano niya ginawa yung during preparation sa hotel.

I agree sa mga posts ninyo na malaking factor kung reliable and high-quality ang suppliers, hindi talaga kailangan ng wedding coordinator. For me, kahit marami pa guests, kaya pa rin kahit walang coordinator, basta okay nga ang suppliers. Sana nga talaga, ganon lahat ng suppliers natin! ;D

em-em321

  • Guest
Re: Wedding without otd/coordinator :)
« Reply #176 on: February 06, 2014, 04:40:18 am »
i applaud those na kinaya na walang coordinator ang weddings nila. as in. hehe. kanya kanya lang din talaga siguro.

personally, ako kahit lahat ng friends ko halos magagaling din sa events, hindi ko sa kanila iaasa, kasi gusto ko mag-enjoy sila sa wedding ko. tsaka kahit pa gaano kawilling yang mga yan at kahit kamag-anak pa, walang sense of responsibility pag hindi sila officially "hired" eh, wala silang pangangalagaan pangalan dahil hindi naman talaga yun ang work mismo nila. ayoko din na magkasiraan kami after dahil lang may mga pumalpak or dahil naoverlook nila ang ilang bagay, tsaka marami din sila kakilala sa wedding ko, for sure madidistract sila or mas gugustuhin talaga deep inside na makihalubilo sa mga yun. ayoko din na ang memory nila sa wedding ko eh pinagod ko sila imbis na consistent sila fresh para jumoin sa picture-taking. lalong ayoko na habang minemake-upan ako eh maya't maya ako nagtatanong sa mga tao na "okay na ba yung ganto? dumating na ba yung ganto? yung sa reception okay na ba yung ganto?" hay kalerki. panira yun. haha. ilang beses na ako tumulong sa friend na ikakasal, hindi talaga sya biro. tsaka hiring a wedding coordinator in my opinion will ensure pa nga na wala ako extra babayaran dahil ieensure nila na on time lahat, hindi maeextend sa venue dahil on time din nagstart, at higit sa lahat eh hindi ako magbabayad ng sobrang extra pag may gatecrashers na di naman invited. ang hassle pag friends or relatives ang magdecline sa mga yan magpapasok. hindi sila makakatanggi whereas kung coordinators, di naman nila kakilala yan pero ang bilin ko kasi talaga pag wala sa list, wag papasukin kesehodang plus 1 or plus 2 pa yan ng relative. haha.

sa mismong araw, willing ba ako irisk na mabulilyaso lahat dahil tinipid ko yung sa paghire ng professional to ensure everything na pinaghirapan ko ay well executed? I don't think so. I won't risk it. As in. hirap kaya ulitin ito. haha. mas gusto ko pa nga tipirin ang gown ko na once ko lang masusuot eh kesa yung paghire ng kahit man lang on-the-day coordinator dahil forever ang memories ng mga disaster sa wedding. ganon lang talaga kasi ako kasigurista. :) hehe.
« Last Edit: February 08, 2014, 01:44:24 am by em-em321 »

gracita13

  • Guest
Re: Wedding without otd/coordinator :)
« Reply #177 on: February 06, 2014, 02:09:43 pm »
same thoughts as sis em-em321 may idagdag lang ako ng kunti hihi  ;D
sa mga b2b na nagdadalawang isip kumuha ng otd question lang,kaya nyo ba i-risk ang once in a lifetime event ? im not saying na magiging palpak ang wedding nyo pero ang aken lang PAANO NGA KUNG GANUN? paano kung meron kang pasaway na mga suppliers,you'll never know, kayang i-risk? im not saying din naman na once may otd ka walang palpak,paano kung mismong otd mu sila ang pasaway,.,eh kaya nga andito tayo sa gt diba para makahanap ng magagaling na otd pero kaya naman ng bulsa  ;)
yes sissies hindi biro ang 10k-25k para sa otd but sissies come to think of it nakatipid ka nga puro naman palpak ang maaalala mu sa wedding mu,ubusin mu man yang natipid mu pang shopping hindi na maibabalik ang memories eh.
nung wedding preps sabe ko sa sarili ko hindi ko kailangan ng bonggang wedding,ang gusto ko lang maayos, naging issue ko din yan ayaw ng MIL ko madami daw silang kamag anak na gagawa nyan,.,ok pinakinggan ko pero labas sa kabilang tenga.unang una hindi naman sya magbabayad, pangalawa para din samen lahat yun and guess what? after ng wedding kinausap ako ni MIL "ang galing nga mga coord mu" paano sitting pretty lang sila eh,.,relaks  ;) kinausap din ako ng father IL ko may nagsabe daw sakanya mababa ang 500k ang wedding na to maayos at maganda.but hell no! kung saken lang sinabe yun edi sana binida ko ang gt sakanya hahaha!
« Last Edit: February 06, 2014, 03:08:56 pm by gracita13 »

C+C

  • Guest
Re: Wedding without otd/coordinator :)
« Reply #178 on: February 06, 2014, 02:54:06 pm »
^sino otd mo, sis? na-curious lang ako :) sana ok din ang na-booked ko :) kundi di ko sila babayaran lol

gracita13

  • Guest
Re: Wedding without otd/coordinator :)
« Reply #179 on: February 06, 2014, 03:07:28 pm »
^Events by thoffy sis  :) ikaw sino?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close