sa wakas nairaos din ang kasal ng barkada ko.. it was exhausting, stressful, but all of it was worth it..
masyadong mahaba kung ikukuwento ko dito in detail ang mga nangyari, pero after everything that has happened, isa lang ang nasambit ko:
"pag ako kinasal kukuha ako ng OTD kahit ano pa ang budget ko."nakita ko sa friend ko yung sobrang stress the month up to the moments before ng kasal nya. around that time kasi her hands are already full -- follow-up ng mga suppliers, follow-up ng RSVP, asikaso ng leave nya sa office, pick-up ng mga gamit, etc.
the day before the wedding, imbes na natutulog na sya ng around 8pm dahil 4am ang gising nya for the preps, ayun at nage-edit pa ng AVP at inaayos pa lahat ng gamit para sa hotel. dumagdag pa yung stress na dinulot ng pagsabi sa kanya ng nanay nya na hindi sya pupunta (long emo story po ito). makikita mong sinusungitan na nya ang lahat -- H2B nya, kaming bridesmaids nya, mga kausap nya sa phone, etc. although may light moments naman dahil andito kaming friends nya to lighten up the mood (joke time, kuwentuhan, etc) at para lang ma-relieve na ang stress nya. kahit na patulugin na namin sya para makapag-pahinga na, parang ayaw pa nya hangga't hindi nya nakikita na ok na lahat. paulit-ulit naming sinabi na 'kami na gagawa nyan' para lang matulog na sya. BTW, 1:30am na sya natulog.
pagmulat ng mata nya ng around 5am (inaayusan na kaming mga ento by that time), checklist agad ang hinanap nya at nagtanong agad kung ayos na ang ganito-ganyan. bilang hindi naman nag-stay sa hotel ang mga abay ni groom, at dumarami na ang mga tao sa room ni bride, kaming tatlong bridesmaid ang nagkusang puntahan si groom at i-assist si P/V. si bride naman kasama ang MOH, MIL, at yung bridesmaid na close sa kanya. before kami umalis ng hotel kasabay ni groom, dinala na namin yung mga flowers para mabigay na sa mga sponsors.
throughout the ceremony and reception maayos naman ang flow. medyo nagkagulo lang noong reception kasi maraming guests at abay ang naligaw kung paano pupunta sa reception venue galing ng simbahan (medyo mahirap kasi syang hanapin IMO). wala tuloy intro parade ng mga ento members.
the way I see it, the reason kung bakit hindi kumuha ng OTD ang couple is more than the budget -- it's because
sobrang particular sa detail si bride, yung tipong kung pwedeng sya na lang gumawa lahat, na hindi naman pwede. nahalata ko yun the way na ayaw nyang bitawan yung mga ginagawa nya the night before the wedding where supposedly nagpapahinga na sya. ayan tuloy, na-stress sya nang husto although hindi halata noong wedding day dahil ang ganda pa rin nya, bias aside.

dahil doon, sinabi ko sa sarili ko,
"pag ako kinasal kukuha ako ng OTD kahit ano pa ang budget ko."