sis willow_24, wala din akong alam sa ganto. Ang sabi rin ng friend ko wala na silang budget kaya help na namin parang gift na rin namin. Nagbabasa lang ako dito at help din ako ni sis karmi.
Based on my experience:
1. Dapat maging strict sila sa calltime. Iremind din nila sa umaga para walang malalate. Dapat gabi palang nakaorder kana ng packed foods for breakfast or lunch kung magpapadeliver kayo at sila na ang bahalang magdistribute ng packed foods sa relatives mo at suppliers. Dapat ding meron straw para sa paginom. Upon delivery ng flowers, dapat idouble check din kung may kulang. Ilagay sa body form ang gown and arrange ang accessories for picture taking. Meron din dapat silang emergency kit and sewing kit ang OTD mo. Maganda rin kung may car sila na ginagamit para comfortable sila kasi kami nung wedding ng friend ko nagtataxi kami
2. Yung contact numbers, contract, payment etc mas maganda nakacompile sa clear folder pati yung napagusapan sa email then papirmahan sa supplier mo para yun ang irereview ng OTD mo kung nasusunod ba yung napagusapan.
3. 1 week before the wedding need makapagset ka ng meeting for your suppliers. Ibigay mo na rin sa OTD mo yung CD, (AVP) CD (reception songs), guestbook with pen, guest list with table assignments, list of single ladies and men, invitation/rsvp, games props and prize (kung meron games) misalettes, reception program, reception layout, payment to suppliers (better kung check). Wedding Itinerary naman ibigay mo sa lahat ng suppliers mo.
4. Dapat din iremind yung bridal car na kelangan 15 minutes early sya sa calltime.
5. Double check the items for church and reception venue.
Church
1. Check the choir, priest and yung flowers
2. Distribute flowers, misalettes and cue roles (moh, mob, mog, ps, ss etc)
3. Yung nakatoka sa offer dapat sa likuran nakaupo.
4. Don’t forget to bring a ballpen hehe
5. Dapat alam ng coordinator mo kung kelan bubuksan yung pinto ng church timing lang daw sabi ni sis karmie.
6. Bigyan mo ng list yung OTD mo ng pictorial sequence.
7. Inform ang mga abay na sila magsasaboy ng petals sa labas ng church just listen to photographer's instruction.
VENUE:
1. 2 hours before the wedding alam ko gantong time nagsesetup yung caterer idouble check na lang yung venue, caterer, cake, light and sounds, event stylist, and yung souveniers iayos na rin. Ask mo din kung what time sila matatapos. Check din ang cr kung malinis at kung may tissue and soap dispenser. Kung wala mas magandang malagyan. Kung magiiwan ng gamit sa venue ipareceive para kung may mawala sa kanya mo hahanapin.
2. During church pictorial yung 2 coordinator diretso na agad sa venue for guest and gift registration. Yung mga gifts i-inventory or pwede lagyan ng number para malaman kung may nawawala. Check din kung walang nagtatago ng food.
3. Dapat meron copy lahat ng suppliers mo ng reception program.
4. Assist newlywed in their postnuptial photoshoot, retouch time etc
5. Assemble entourage for grand entrance.
6. Distribute petals kung gusto ulit ng couple na sabuyan sila.
7. Assist the host in reception program
8. Icheck ang food and iparefill kung ubos na.
9. Check ulit kung tinatago ng caterer yung food.
10. Dapat din may container kung walang maprovide ang caterer para sa mga sobrang pagkain.
11. Dapat meron din nagsusupervise sa light and sounds. Dapat may extra copy ng mga CD if ever na hindi magplay.
12. Dapat alam din ng guest nyo kung sila ang magspeech para hindi magkagulatan.
13. Assist din ang couple for table picture taking.
14. Ipaikot ang guestbook.
15. Distribute souveniers and ps gifts
16. Ensure suppliers deliver per contract.
16. Endorse all materials to couple.
17. Si OTD na bahala sa payment ng supplier after the wedding then rest para reminiscence ang naaccomplish hehe!!!
De bale 5 kami tumulong sa friend ko 2 sa hotel, 1 sa church and 2 sa venue nung morning tapos nung wedding na mismo 4 ang nasa church. Yung isa nagsusupervise sa venue. Kung friends mo yung magiging coordinator pwede din mauna na sila sa picture taking next to priest ganun ginawa ni kiz_me para my remembrance pa rin sila

Isip pa ako sis pag may naalala ako. Hindi ako professional pero dahil love ko friend ko kinarir namin hehe. kung may budget ka kuha ka ng OTD try mo sis event simplified, TOE, kiss the girl, mr and mrs infinite, alpha event mngt professional sila sa stress hehe. Good luck sis pray lang para maging maayos ang wedding nyo ni h2b. Happy preps! Sorry naman napahaba
