Mga sis, naka relate ako sa topic, kasi recently umuwi ang anak ko na may tusok ng lapis sa braso. It broke my heart, pati si hubby super worried, kasi hindi namin pinalaki ang anak namin para lang saktan ng ibang tao.
Tinanong ko yung anak ko kung sino ang may gawa, hindi daw niya kilala kasi ibang section, grade 1 lang siya. Hindi naman na ako nag sumbong sa school, basta tinuruan ko lang yung anak ko, na sa susunod na may gagawa sa kanya ng ganun, or sasaktan at tutuksuhin siya, mag sumbong sa teacher, o sa kahit sinong adult dun sa school, para ma reprimand yung bata on the spot mismo.
And sabihin sa akin kung aawayin pa siya ulit nung bata.
Minsan kasi, aminado naman ako, nasasaktan ang anak ko, kasi through rough playing, kaya sabi ko sa kanya, huwag muna makipag laro sa boys, since ang mga lalaki, medyo rough talaga silang kumilos.
Agree din ako sa inyo mga sis, na kailangan turuan natin ang mga anak natin, na sila mismo ang maghandle nung nambu bully sa kanila, kasi tama naman, hindi nila tayo palaging kasama, and dapat matuto sila on how to handle them.
Proud mother lang ako kasi yung anak ko talaga, very friendly, tapos hindi nananakit ng ibang bata, hindi din marunong gumanti kapag sinaktan

, tapos very peace loving siya, unlike sa ibang bata na gusto eh palaging nang aaway.
Recently lang may naka friend siya na bata na medyo hindi maganda ang ugali, ang gusto nung batang yun, kapag hindi niya type yung isang kalaro nila eh paalisin sa grupo nila, napaka siga, kaya I told my daughter na tigilan ang pakikipag laro sa batang yun, and huwag gagayahin ang ginawa nung bata, kasi hindi maganda na mang aaway ng ibang bata kahit wala namang ginagawang masama sayo.
I also told her to learn how to choose her friends well.
Sana nga mga sis, maging safe palagi ang mga anak natin, and sana pati yung mga bully kids, they'll find peace.