hays, thank God, at medyo recovered na ko.. here's my birthing story
i hope di to magkaron ng nega effect sa ibang sissies natin.

july 12 - naglakad ako ng marami from 1pm - 7pm yung gala time kung san san na inabot ko..
i asked bf kung pwede nya ko samahan bukas sa clinic, since day off nya.. but he refused kasi may company vs company na laban sa dota. lol
july 13 - around 2:40 am, nagising ako para mag cr. pag tingin ko may bloody show, i wore napkin na. wala pang contractions kaya humiga muna ulit ako. pero di na ako makatulog, dahil kinakabahan na ako. i texted ms herlyn, yun gmidwife sa clinic about this. and i was advised na magpunta sa clinic this morning. i time ko contraction pag meron na.
nagonline pa ako around 4am, para inform si bf na naglalabor na nga ako. nagkakatawanan pa kami sa fb post nya dota o si baby? sira talaga.. XD mejo nagkakaron na ko ng contraction nito, pero super bearable.. irregular yung time.. nag offline kagad ako, try ko matulog.
around 5am, sanabihan ko na si nanay ko, about sa blood and punta kami clinic ng mga 9am.ng concentrate na din ako sa cr nito, para matanggal yung mga mga kung ano ano. hehe
930am, nakarating kami sa clinic, 4cm pa lang daw ako, estimate nila, mga 3pm pa ako. so maglakad lakad na muna daw ako. nag gala pa kami ng mother ko, at kumain sa jollibee ng bfast. sa jollibee, napapahinto na ako sa sakit ng contraction..
nakabalik kami sa clinic ng mga 1040am, may isang patient na nagpa IE lang, pero pumutok na panubigan nya. so sya na muna inattend ng mga midwife and nurses., dun muna ako nag stay sa labor/recovery room. nagagawa ko pang mag text nito.

inuupdate ko si bf..
mga 1130am dumating na si bf sa clinic. waiting pa rin kami, tapos nag dedeliver na yung isang patient sa kabilang room. nakakatayo pa ako nito para mag cr.
**di ko na monitored ang time after this**
paghiga ko, naalala ko, kinukunan ako ng bp, fht ni baby, and natimer-an nila contractions ko ng every 2 mins. namimilipit na ko nito sa sakit.
nung nilipat na sa katabing bed ko yung nanganak earlier, naglinis na ata sila sa delivery room, maya maya ako naman ang dinala doon. sa pagkakatanda ko mga 1pm ata yun.. pag IE sakin, 6cm pa lang ako. so sabi, ay mga 7pm pa ako, since mabagal progress.
kasama ko si bf nun, pag nag cocontract, hinihilot nya yung likod/balakang ko. umiiyak na din ako sa sakit. tinanong ko pa sya, ilang oras na ba kaming nagiintay sa delivery room.. sabi nya 10mins pa lang. o_o pero feeling ko sobrang tagal na.. maya maya, bigla akong napasigaw. "natat@e na po ako!" i remember, mga advices sakin, feeling ng manganganak na is yung napopoop ka.. ayun, bigla pag IE sakin, biglang 9cm na kagad ako.
nag rush over sila, tinuruan din nila akong umire, nung pumutok panubigan ko, nakita nilang color yellowish/greenish na.. meaning nag poop na si baby sa loob.. later, parang napagod ako sa pagire, pag check nila sa heart beat ni baby, narinig ko din na sobrang bagal na, di din maganda breathing ko, kaya nilagyan nila ako ng oxygen. paglagay nung oxygen, umayos din heartbeat ni baby. at dahil sinasave na nila si baby, parang siniko/push na nung isang nurse yung sa may left lower rib ko. sabagay sa full blown ire ko.
baby out: 2:57pm
wag na daw umire para sa placenta..
nung tatahiin na ako, using local anesthesia, eto ang di ko ma bear. talagang nag sisisigaw ako sa sakit. dito ako nagrequest mag pa painless. o__o di din sila makapaniwala ngayon lang.. ayun.. tinawagan pa dr.
sigruo around 3:30pm dumating yung dr..
nagsimula ang torture/pinakamaksakit/lahat ng pinaka. lahat ng sigaw, nasigaw ko na lahat ng dasal. lahat ng pwede kong kapitan. sinusuntok ko din yung dingding sa sakit.
kahit madami nang anes na binigay sakin, ramdam ko lahat, onting galaw, ramdam ko sakit. painless na painful. naririnig ko din nanay kong nagiiyak na sa labas, pinapagalitan sya nung mga nurse. dapat daw lakasan nya loob nya. pinapagalitan na din ako nung mga tao sa delivery room. nag sosorry naman ako. XD
narinig ko din na kung ittransfer na ba ako sa hospital para patutulugin na lang ako.. kung oo, yung ob na nagtatahi pa rin gagawa, machcharge lang ako ng malaki sa er, recovery room at kung ano ano pa. so tuloy tuloy na lang.. narinig ko, na sobrang marupok pala balat at muscles ko, narinig ko din na yung isang tinahi nya, natanggal? dahil napunit yung balat ko.

tinatanong din ako kung may history ako ng asthma kasi hingal yung paghinga ko. nilagayan ulit ako ng oxygen. continous yung pagkuha ng bp, three times din ako natusukan ng dextrose kasi pumuputok ugat ko. dahil din sa likot ko. si bf, nasa tabi ko, support, kinakapitan ko, nauutusan din sya ni dr. na magabot ng kung ano ano. mi inexplain si doc sa bf ko about sa tahi ko, di na daw pantay yung pem ko, kasi yung sa last part na tatahiin, yun daw pinaka sensitive, dampi pa lang ng daliri, sumisigaw na ako. so, time heals na lang. aaa.. i cant imagine. o__o
hanggang sa binuhusan na nila ng liquid yung part ko, para malinis, feeling ko alcohol sa sobrang hapdi. pero sabi nila tubig lang.. pero grabe hagulgol ko, "tama na po pls.."
pagkatapos, tinanong ko kung anong oras na.. mga 7pm na ata yun.. di ko akalain na mahigit 3 hrs akong tinahi.. sabi nga nila, mas matagal pa sa cs.. ayun, natulog na ko.. dumating din family ni bf, naririnig ko iyak ni baby.. groge pa ako.. maya maya, pinabuhat ako sa bf ko, para ilipat sa recovery room..
july 14 - still at recovery room.. sabi pa nung isang nurse na lalaki, na nag assist, sa tagal nya daw na nagttrabaho sa clinic, since 2004, ngayon lang sya naawa sa pasyente..ako daw ang record breaking, napaka sensitive, and first time talaga nilang nagkarong ng pasyenteng tulad ko..
--chineck nung isa pang dr yung tahi ko.. sigaw na naman ako.. u__u
--by afterlunch, nilagyan ako ng cateter kasi walang urge ng pagwiwi, almost 24hrs na.. sakit..
july 15 - tinanggal yung cateter, mejo nakatry na din akong makatayo nito, pero hilo pa ako. and kung ano anong stimulation ang ginawa para makawiwi ako.. pinaupo ako sa cr, then open lang yung gripo.. then success!

by 6pm after ng injection kay baby ng anti-biotics, nakauwi na kami.
**sobrang nagpapasalamat ako sa lahat ng midwife and nurses sa clinic na yun.. sobrang tutok sa care.. hay, mamimiss ko talaga sila..**
pasensya na mahaba na ewan. XD