watch now

Author Topic: Baby Due on July, August, September 2011 V  (Read 71138 times)

ana mimi

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #120 on: July 20, 2011, 10:34:54 pm »
^^ sundin  mo nalang ang OB mo. alam mo naman na para din yan kay baby.

jhenrheign

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #121 on: July 21, 2011, 09:05:29 am »
thanks mga sis...  ;D

sinu na susunod?

hay, sarap ng feeling na kasama na si baby... kahit puyat at pagod pag tinititigan ko na sya, nawawala lahat yun.. even si hubby, super happy kahit puyat kami lague...  ;) one time pati si ate nya ginising nya dahil nag cry sya ng malakas... usually 12 midnight gising sya up to 3 or 5 am...
 
5 days na si baby ngaun... day 3 kaya na nya i lift yung head nya pag nakadapa... she even kicks hard na pag hawak mo sya at nasipa nya ang dibdib mo or tummy mo, kung di mo hawak ng mabuti eh lilipad sya...hehe! takaw na din nya... mix feeding sya ngaun kasi di pa enough supply ko, after nya BF sa akin kelangan pa nya mag formula... takaw kasi sobra... di sya matutulog hanggat di nya sya nakaka BF sa kin...  :)

di na masakit tahi ko ngaun... inalagaan ko kasi ng betadine at warm water... medyo maga pa pero not painful na kahit nakaupo...

kathon

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #122 on: July 21, 2011, 09:13:50 am »
^agree sis! Kahit super pagod ka na at gusto mong magpahinga makita mo lang na mahimbing yung tulog nya.. Naku wala na lahat ng pagod mo. :)

Bukas 1month na si baby! :)) parang kelan lang.. Ang bilis ng panahon.. Dati, kaya ko pa sya buhatin ng isang kamay, ngayon kaya ko pa din pero nakakangawit na kagad.. Sa susunod, naku di ko na ito makakarga.. :(

kailee

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #123 on: July 21, 2011, 11:07:07 am »
hays, thank God, at medyo recovered na ko.. here's my birthing story

i hope di to magkaron ng nega effect sa ibang sissies natin. :o

july 12 - naglakad ako ng marami from 1pm - 7pm yung gala time kung san san na inabot ko..
i asked bf kung pwede nya ko samahan bukas sa clinic, since day off nya.. but he refused kasi may company vs company na laban sa dota. lol

july 13 - around 2:40 am, nagising ako para mag cr. pag tingin ko may bloody show, i wore napkin na. wala pang contractions kaya humiga muna ulit ako. pero di na ako makatulog, dahil kinakabahan na ako. i texted ms herlyn, yun gmidwife sa clinic about this. and i was advised na magpunta sa clinic this morning. i time ko contraction pag meron na.

nagonline pa ako around 4am, para inform si bf na naglalabor na nga ako. nagkakatawanan pa kami sa fb post nya dota o si baby? sira talaga.. XD mejo nagkakaron na ko ng contraction nito, pero super bearable.. irregular yung time.. nag offline kagad ako, try ko matulog.

around 5am, sanabihan ko na si nanay ko, about sa blood and punta kami clinic ng mga 9am.ng concentrate na din ako sa cr nito, para matanggal yung mga mga kung ano ano. hehe

930am, nakarating kami sa clinic, 4cm pa lang daw ako, estimate nila, mga 3pm pa ako. so maglakad lakad na muna daw ako. nag gala pa kami ng mother ko, at kumain sa jollibee ng bfast. sa jollibee, napapahinto na ako sa sakit ng contraction..

nakabalik kami sa clinic ng mga 1040am, may isang patient na nagpa IE lang, pero pumutok na panubigan nya. so sya na muna inattend ng mga midwife and nurses., dun muna ako nag stay sa labor/recovery room. nagagawa ko pang mag text nito. :D inuupdate ko si bf..

mga 1130am dumating na si bf sa clinic. waiting pa rin kami, tapos nag dedeliver na yung isang patient sa kabilang room. nakakatayo pa ako nito para mag cr.

**di ko na monitored ang time after this**
paghiga ko, naalala ko, kinukunan ako ng bp, fht ni baby, and natimer-an nila contractions ko ng every 2 mins. namimilipit na ko nito sa sakit.

nung nilipat na sa katabing bed ko yung nanganak earlier, naglinis na ata sila sa delivery room, maya maya ako naman ang dinala doon. sa pagkakatanda ko mga 1pm ata yun.. pag IE sakin, 6cm pa lang ako. so sabi, ay mga 7pm pa ako, since mabagal progress.
kasama ko si bf nun, pag nag cocontract, hinihilot nya yung likod/balakang ko. umiiyak na din ako sa sakit. tinanong ko pa sya, ilang oras na ba kaming nagiintay sa delivery room.. sabi nya 10mins pa lang. o_o pero feeling ko sobrang tagal na.. maya maya, bigla akong napasigaw. "natat@e na po ako!" i remember, mga advices sakin, feeling ng manganganak na is yung napopoop ka.. ayun, bigla pag IE sakin, biglang 9cm na kagad ako.

nag rush over sila, tinuruan din nila akong umire, nung pumutok panubigan ko, nakita nilang color yellowish/greenish na.. meaning nag poop na si baby sa loob.. later, parang napagod ako sa pagire, pag check nila sa heart beat ni baby, narinig ko din na sobrang bagal na, di din maganda breathing ko, kaya nilagyan nila ako ng oxygen. paglagay nung oxygen, umayos din heartbeat ni baby. at dahil sinasave na nila si baby, parang siniko/push na nung isang nurse yung sa may left lower rib ko. sabagay sa full blown ire ko.

baby out: 2:57pm

wag na daw umire para sa placenta..

nung tatahiin na ako, using local anesthesia, eto ang di ko ma bear. talagang nag sisisigaw ako sa sakit. dito ako nagrequest mag pa painless. o__o di din sila makapaniwala ngayon lang.. ayun.. tinawagan pa dr.

sigruo around 3:30pm dumating yung dr..
nagsimula ang torture/pinakamaksakit/lahat ng pinaka. lahat ng sigaw, nasigaw ko na lahat ng dasal. lahat ng pwede kong kapitan. sinusuntok ko din yung dingding sa sakit.
kahit madami nang anes na binigay sakin, ramdam ko lahat, onting galaw, ramdam ko sakit. painless na painful. naririnig ko din nanay kong nagiiyak na sa labas, pinapagalitan sya nung mga nurse. dapat daw lakasan nya loob nya. pinapagalitan na din ako nung mga tao sa delivery room. nag sosorry naman ako. XD
narinig ko din na kung ittransfer na ba ako sa hospital para patutulugin na lang ako.. kung oo, yung ob na nagtatahi pa rin gagawa, machcharge lang ako ng malaki sa er, recovery room at kung ano ano pa. so tuloy tuloy na lang.. narinig ko, na sobrang marupok pala balat at muscles ko, narinig ko din na yung isang tinahi nya, natanggal? dahil napunit yung balat ko. :o
tinatanong din ako kung may history ako ng asthma kasi hingal yung paghinga ko. nilagayan ulit ako ng oxygen. continous yung pagkuha ng bp, three times din ako natusukan ng dextrose kasi pumuputok ugat ko. dahil din sa likot ko. si bf, nasa tabi ko, support, kinakapitan ko, nauutusan din sya ni dr. na magabot ng kung ano ano. mi inexplain si doc sa bf ko about sa tahi ko, di na daw pantay yung pem ko, kasi yung sa last part na tatahiin, yun daw pinaka sensitive, dampi pa lang ng daliri, sumisigaw na ako. so, time heals na lang. aaa.. i cant imagine. o__o
hanggang sa binuhusan na nila ng liquid yung part ko, para malinis, feeling ko alcohol sa sobrang hapdi. pero sabi nila tubig lang.. pero grabe hagulgol ko, "tama na po pls.."

pagkatapos, tinanong ko kung anong oras na.. mga 7pm na ata yun.. di ko akalain na mahigit 3 hrs akong tinahi.. sabi nga nila, mas matagal pa sa cs.. ayun, natulog na ko.. dumating din family ni bf, naririnig ko iyak ni baby.. groge pa ako.. maya maya, pinabuhat ako sa bf ko, para ilipat sa recovery room..

july 14 - still at recovery room.. sabi pa nung isang nurse na lalaki, na nag assist, sa tagal nya daw na nagttrabaho sa clinic, since 2004, ngayon lang sya naawa sa pasyente..ako daw ang record breaking, napaka sensitive, and first time talaga nilang nagkarong ng pasyenteng tulad ko..
--chineck nung isa pang dr yung tahi ko.. sigaw na naman ako.. u__u
--by afterlunch, nilagyan ako ng cateter kasi walang urge ng pagwiwi, almost 24hrs na.. sakit..


july 15 - tinanggal yung cateter, mejo nakatry na din akong makatayo nito, pero hilo pa ako. and kung ano anong stimulation ang ginawa para makawiwi ako.. pinaupo ako sa cr, then open lang yung gripo.. then success! :)

by 6pm after ng injection kay baby ng anti-biotics, nakauwi na kami.

**sobrang nagpapasalamat ako sa lahat ng midwife and nurses sa clinic na yun.. sobrang tutok sa care.. hay, mamimiss ko talaga sila..**

pasensya na mahaba na ewan. XD






kyrie26

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #124 on: July 21, 2011, 11:17:39 am »
sis kailee congrats! buti nanalo si baby over dota  ;D

wow, parang napagod ako sa story mo sis, tapos nagbasa lang ako ha! di ko maimagine yung ikaw mismo. parang nagcrocross legs ko ngayon sa takot hehe.. and ang hirap huminga. katense yung experience mo.

pero thank God all is well na ngayon. kasama nyo na si baby at unti unti ka ng magheheal. alagaan mo na lang sarili mo sis! isipin mo na lang battlescar yan. lahat ng pregnancies daw meron battle scar tayong dadalahin ;)

ang tanong- may balak ka pa mag baby ulit sis? hehe!! congrats to you and your whole family!!

jhenrheign

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #125 on: July 21, 2011, 11:39:35 am »
kailee-buti naman sis okei na kayo ni baby... pareho pala babies natin nag poop na sa loob, kaibahan lang di naman nakakain si baby ko ng poop di na sya nag anti-biotic... God is good pa din kasi naka survive kayo ni baby mo and good thing nandyan ang bf mo para bigyan ka support... you are blessed kahit na sobra ang pinag daanan mong hirap sa labor and delivery... get well soon sis...  :)

kathon-ang bilis one month na baby mo agad... ako naman 2 days na lang, 1 week na sya... hehe!

aybori

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #126 on: July 21, 2011, 12:28:37 pm »
katakot naman nangyari kay sis kailee :-[

ishko

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #127 on: July 21, 2011, 02:29:47 pm »
^congrats kay sis kailee.. pero nakakatakot nga.. ganun pala yun, hindi lang labor kundi pati yang tahi tahi e problema pa din ang pain...  :o

ishko

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #128 on: July 21, 2011, 02:36:35 pm »
^ welcome to the thread sis..

re weight gain: hinay hinay lang po kayo sa pagkain mga mommies. ako talagang nahilig sa salty, sweets at rice kaya nahirapan ako ilabas si baby.

grabe talaga yung labor, di ko makalimutan. minsan kapag naiisip ko e di ko madecribe. gusto ko nang sakalinkase yung sarili ko nun para ma distract ang pain. haha. nung nakahiga na ako sa DR kapag anjan na contractions napapatayo ako at lumalabas pa ako DR sa sobrang sakit. pero worth it naman. basta galingan lang pag iri. pag lumabas na si baby wala na din ang pain.

re unang yakap: may thread ng unang yakap dito, alam ko mostly done lang sya sa mga lying in facilities e. ginawa namin to ni baby, simula nung lumabas sya saken e di na sya inalis, maliban lang nung dinamitan sya. paglabas nya kase, nilapag agad sa tyan ko, at dun nilinis. after cord cutting e pinadede ko agad.

grabe ang description mo sis sa labor.. as in "sakalin talaga ang sarili".. wag sana mangyari sa akin ito...

Q: kung mahirap talaga ang manganak, uulit pa ba kayo or isang baby lang ok na?  ;D bakit yung iba e madami ang anak.. haha

prettysherry

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #129 on: July 21, 2011, 02:52:46 pm »
@kailee -- sis congrats!! grabe natakot naman ako sa story mo!! parang hindi ko ata carry yun ginawa at pinagdaanan mo sis!! Kaya hanga ako sa iyo!! But its a good thing na ok kayo both ni baby!! YUn naman pinakamahalaga e!! PAgaling ka sis!!


^ ako kahit na d pa ako nanganganak, gusto ko pa sana 1 pa ulit if God willing & sana baby girl naman!! :)

kailee

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #130 on: July 21, 2011, 04:24:47 pm »
hehe.. pasensya na.. sabi nga nung dra sakin, mukang magkakatrauma/phobia na akong magkaanak ulit.. kaya ganun katagal pagtahi sakin, dahil daw, precipitate delivery, ni hindi na prepare na makahiwa yung nagpapaanak sakin, so ayun, kusa syang napunit punit. madami at malalim daw..

haays, pero sabi nga nila time heals! aaaaa.. God bless sa mga sissies, iba iba naman kasi talaga ng case, kahit ako di ko akalain na sa pagtatahi ako mahihirapan, di ko akalain na ganun pala ka sensitive yung skin and muscles ko..

good birthing exp naman yung sumunod sakin, ako na mag share para sa kanya XD

2days syang labor, 1cm.. nagkalagnat na din sya... pero super easy ng pag ire nya, super elastic daw ng daanan ng baby nya! ni kahit isang hiwa o tahi wala. :D

how i wish ganun ako. XD

aybori

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #131 on: July 21, 2011, 04:37:17 pm »
waaaaaaa grabe sis talagang nag punit punit? di hindi pa kaw nakakaupo? pano pag poopoo?

ishko

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #132 on: July 21, 2011, 04:48:17 pm »
^nakakaloka sis yung nagkapunit punit... may possibility pala na mawasak ang ating pinakaiingatan at pinakatatago..

hirap maging mom.. bakit kasi dun pa ang daanan ng baby.. haha

pomelo06

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #133 on: July 21, 2011, 06:28:33 pm »
sis kailee- feel ko un pain mo, paano kaya ako..  :'( gusto ko pa man din sana manganak na next week para kabirthday ko si baby, pero parang di pa ako handa.. mababa kasi tolerance ko sa pain.. at si husband naman mas nervous pa kaysa sa akin.. pero dapat kayanin :D

purplesassy

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #134 on: July 21, 2011, 06:31:36 pm »
Congrats sis kailee! :)

Nagpa ultrasound ako kanina, finally high lying placenta na ko Grade 2,sobrang tuwa ko talagang muntikan pa ko sumigaw. Nagulat din ako kase kahit 2lbs lang yung gain ko this month, almost 4 lbs na yung baby ko at 31 weeks, ang laki nya hahha!

BTW sis, any idea ano ibig sabihin ng Grade2 placenta? sa Monday pa kami magkikita ng OB ko :)


pomelo06

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #135 on: July 21, 2011, 06:44:53 pm »
sis purplesassy- grade2 ang age ng placenta mo, tama sa weeks ng pregnancy mo.
                        happy for you at okay na placenta mo :D

rapids

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #136 on: July 21, 2011, 07:30:52 pm »
congrats sis kailee!!!


kailee

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #137 on: July 21, 2011, 08:00:05 pm »
@purplesassy: sabi sakin nung dra, nung nagpa BPS ako, sa placenta din daw ma babase yung maturity ni baby.. sakto lang yang sa weeks mo. yang grade 2. :)

kathon

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #138 on: July 21, 2011, 08:44:14 pm »
Sis kailee! Congrats! Enjoy mo na si baby! :)

About sa panganganak ulit, tinanong ako nyan ni hubby before ko ipanganak si Baby Anaiah, sabi ko gusto ko pa ng isa, boy naman.. Kung mapagbibigyanulit kami ni Lord.. Si hubby naman ayaw na nya, ok na daw yung isa, since mahirap nga kasi ako magbuntis..
After ko manganak at maexperience yung first few weeks ng puyat, breastfeeding, etc. Parang nagdadalawang isip na ako.. hehe :) haaay! Si Lord na bahala sa amin. :)

Mga sis, isa isa na kayong nanganganak!

pomelo06

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #139 on: July 21, 2011, 09:00:24 pm »
sis ilang weeks ideal mag paBPS. tomorrow kasi 37weeks na namin ni baby? and ok lang ba kahit walang request. TIA

 

Latest Stories

Load More Stories
Close