watch now

Author Topic: Baby Due on July, August, September 2011 V  (Read 71135 times)

aybori

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #100 on: July 19, 2011, 12:37:42 pm »
sis babyyo si dra ocampo OB ko, kala ko pareho tayo hehe

Grabe ako pala ang laki na ng total weight gain ko 20lbs na at 29wks waaaaaaaa
naparesearch na naman tuloy ako pero parang ok pa rin, ito sabi
http://www.americanpregnancy.org/pregnancyhealth/eatingfortwo.html



purplesassy

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #101 on: July 19, 2011, 02:12:19 pm »
Sis aybori ako 28lbs na nagain ko, turning 31 weeks this week na ko hahah :P

purplesassy

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #102 on: July 19, 2011, 02:19:11 pm »
sis kyrie26 pareho lang tayo 30 weeks ang prepregnancy weight ko naman eh 113lbs pero 141lbs na ko ngayon kaloka, although di ako mataba tingnan :) sana siksik kay Reese lahat :)

ana mimi

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #103 on: July 19, 2011, 02:21:59 pm »
thanks mga sis. sa umpisa daw talaga masakit magpa BF, yun din talaga ang complaint ko maliban sa tahi ko na mahapdi pa din til now. here's my birth story:

JULY 8

12:45am: Nag Rupture ang bag of water ko na may kasamang blood.

12:45am-:3:30am: Naglakad lakad sa loob ng bahay at inayos ang mga dadalhin then naggupit ng kuko at nagpaganda pa. nagkulong na ako sa CR para ilabas lahat ng dumi ko sa katawan pero still andami pa ring poop na lumabas during labor.hehe

1:30am: ginising ko yung nanay ko.

3:30am: tumawag na ng tricycle yung tatay ko

4:30am: pinahiga na ako sa may delivery room

7:35am: lumabas na si baby

antagal ko sa may DR.. well, ako lang naman pasyente sa may clinic kaya ayun libot ako kapag dumarating ang pain, napapatayo ako sa higaan. tili ako nang tili sa pain. eto mga sinigaw ko:

AYOKO NA!
HINDI KO NA KAYA MA!
DALHIN NYO NA AKO SA OSPITAL!
MAGPAPA-CAESARIAN NA AKO!
PLEASE PAINLESS NALANG!

tawa lang nang tawa yung nanay ko saka yung mga andun, grabe, sa sobrang sakit ng labor e wala ka na pakeelam kahit fully naked ka na. naku, kiber talaga kahit na mag-poop ako nang madami at naihian ko pa yung OB. haha. bloopers talaga.

di ko masyado na gets ang tamang pag iri nun kaya andami lumabas na pula sa face ko. basta mga sis, pag may lumabas na poop sa pag iri nyo, tama yun. ayun lang. si baby kase humaba ang ulo dahil di maganda pag-iri ko.

prettysherry

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #104 on: July 19, 2011, 02:33:20 pm »
^ sis galing naman ng story mo!! and in fairness ang bilis mo pa rin nag-labor and nanganak! shocks sana kame din ni baby maikli lang ang labor!! yan talaga ang takot ko e!!

@kyrie -- wow sis ok naman pala weight mo e! ako nga starting ko was 110 lbs and yung last timbang ko at 28 weeks weight ko was 134 lbs!! Nagulat din nga yung ob ko kaya inulit niya pa ulit yung pagtimbang ko!! kaya medyo kinakabahan ako sa next check up ko & i'm hoping na this time ayos lang ang weight ko!! :) pero will ask na rin siguro if i need to do that glucose test kasi 30 weeks na ako e just to be safe din!

BTW mga sis, lahat ba ng ob nagpapagawa ng birth plan? or sa ibang hospitals lang ito? Gusto ko kasi idemand na ma-follow namen ni baby yung steps sa Unang Yakap protocol e.  I just learned about this from the seminar i attended.  Kaya if ever gusto ko sana included ito sa birth plan ko. 

kyrie26

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #105 on: July 19, 2011, 02:37:12 pm »
sis anamimi, lol!! comedy naman yung kwento mo sis anamimi! pero with an 8pound baby coming out, maski sino naman eh mapapatili na!

sis prettysherry- talk lang with your ob maski now mo na sabihin sa kanya. ang alam ko, they cant say 'no' kasi government protocol na yung unang yakap :)

sis purple, ako nakaka15pounds na pero this july eh biglang tumaas weight gain ko. so baka tuloy tuloy na sya. di naman daw kalakihan katawan ko. may korte pa naman daw lol! so sana kay baby pumunta yung mga iniimbak kong weight. pero feeling ko yung weight na nagain ko sa first trimester ko, sa hita, binti, braso, mukha, likod, tiyan at bilbil ko napunta!! tapos yung weight na nagain ko ng second trimester, kalahati sa boobs kalahati sa balakang. tapos itong third trimester, hayan na sa tummy na kasi nagshoshow na talaga sya ;D

imagine, baka 5-6weeks kami hindi nagkita nung assistant ng ob ko. so nung nagpunta ako yesterday, sabi ba naman saken 'buntis ka po?'. di ako nakilala kasi may tiyan na ko haha! natuwa naman ako kasi dati, ako pa magvovolunteer sa mga tao nung info na buntis ako. kahapon eh sya na yung nauna nagsabi 'buntis ka?' hehe! sya unang nakapansin ng pagbubuntis ko ever!!! pero partida yun kasi lagi akong nasa bahay at super minsanan lang makalabas.

ana mimi

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #106 on: July 19, 2011, 02:46:57 pm »
^^ buti nga at mabilis lang ang labor pero eskandalosa ako masyado dun, nagising na yata yung mga tao sa kabilang establishment. haha. dun sa may pinaganakan ko e talagang ginagawa yung Unang Yakap. hehe, yun na daw kase bagong protocol ng DOH.

^naku, comedy man e wala na ako magagawa, yun talaga yung nafi-feel ko nung mga panahon na yun. haha. kapag napapanuod ko yung video ng labor ko, natatawa nalang ako.

ako mga sis, lumobo bigla nung nag leave sa work at nagka UTI pa ako nung 40 weeks na ako kaya ingat ingat. ang hirap na nanganak na may UTI, naku, puro inject ng antibiotic kay baby

kathon

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #107 on: July 19, 2011, 02:55:25 pm »
Sis ana mimi, true! Sakit magpabf! AkO hanggang ngayon may kirot pa din, lalo na sa unang pagsuck nya, pero pag nagtagal ok naman na..
Ituloy lang natin yan sis! Para di kay baby at para din sa atin yan.. :)


Ako sis, hindi na pinayakap si baby sakin, kasi nga kelangam sya dalhin sa operating room para tahiin yung nahiwa sa kanya.. Imagine mga sis nabuhat ko baby ko after 2 days pa, nung pauwi na kami at binigay na nung nurse ang baby ko.. Hindi naman ako makapag emote kasi ang daming tao nun.. Kaya kinagabihan ko na lang sya pinagmasdan ng matagal..
« Last Edit: July 19, 2011, 02:58:38 pm by kathon »

rapids

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #108 on: July 19, 2011, 03:04:56 pm »
congrats sis jhenrheign and ana mimi, magkasabay pala tayong manganak mas nauna ka lang ng 5 mins :)

ishko

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #109 on: July 19, 2011, 03:18:29 pm »
grabe pala... mahirap talaga ang maging mommy,  madami sacrifices lalo na yang labor na yan... minsan tuloy napapaisip ako na bakit hindi na lang tayo natulad sa chicken na paglabas ng itlog e sexy pa din ang mommy chicken tapos kailangan lang nya painitan hanggang maging sisiw  ;D

in fairness dun sa mga madaming anak, ang galing nila, paano nila kinakaya na panay ang paglabas ng bata e ang hirap magbuntis at lalong mahirap manganak  :'(

sana tulad din ako ni sis ana mimi na mabilis lang ang labor  :)

purplesassy

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #110 on: July 19, 2011, 03:22:13 pm »
Sis kyrie26: 2 lbs pa lang weight gain ko this month weird, pero ok lang naman :)

Sis ana mimi: at least tapos ka na, rest ka na lang muna :)

Sis prettysherry: kami this month ata magbibirth plan :) sa Monday na check up ko eh, pero check muna ng Friday para sa result ng ultrasound :)

Sis  ishko: same sentiments here, ayoko din ng matagal na labor, ayoko nga magtagal sa ospital eh :) sa bahay na nga lang ako magpapadalaw eh :)

Syempre baldado ako, hanggang online shopping lang powers ko, ayun nagpagacustomized ako ng 8 hairbows for my baby, tango tango na lang si hubby hahha, pinartner ko yung mga bows sa onesies nya :)

aybori

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #111 on: July 19, 2011, 05:25:15 pm »
sis purplesassy kakatuwa kala ko ako lang ang may malaking weight gain karamihan pala sa atin ganon hehe

kakatuwa si sis ana mimi, sa 1st baby ko may nakasabay ako bata 18yrs old ang ingay din nung naglalabor nung nasa Labor room (ata tawag nila sa TMC) kami panay ang sigaw ng mommy, ako nung naramdaman ko na yung sakit nagpa-epidural na ako tas pag na-numb na nakakatulog ako, naggising ako everytime na naghihilik ako ng malakas nyahahaha. tas nung dinala ako DR di ko pa rin kinaya mag normal na CS pa rin ako, dambuhala yung anes ko, dinadaganan ako hirap na hirap na nga ako huminga ng nakatihaya na pwesto.


Paano mga sis yung unang yakap? Kasi before (2007) paglabas 1st baby ko nilapit sakin tas nilapit sa nipple ko, ganon lang.

pomelo06

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #112 on: July 19, 2011, 09:53:41 pm »

sis Tea97- ganun nga un pain intense tuwing morning, nagstart na rin ako ng hand excercise para kahit pano  malessen un pain at hope na makatulong un high dose ng vit. B

re weight gain: nagkaroon din ako ng biglang weight gain. 12lbs for a month.. hehe..

sis ana mimi: natuwa naman ako sa story mo.  ;D baka ako pag naglabor ganun din kaingay. mukhang masakit nga talaga ahh..

ishko

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #113 on: July 20, 2011, 09:41:40 am »
gusto ko din sana pag naglabor ako kasama ko si hubby... dun sa san juan de dios, hindi daw pwede na kasama ang hubby sa may labor room... e ang hirap naman nun... talagang naka-focus ka lang sa labor, e di super duper feel mo ang hirap.. gusto ko sana na habang naglabor e magbasa basa or music para kahit pano marelax.. e kung ako lang mag-isa baka umiyak na lang ako nang umiyak dun sa sobrang awa sa sarili or kung may kasama na ibang naglabor din, naku, baka mahawa ako ng sobrang emote sa sakit..

re: weight gain, ngayon ay 2 lbs a week ang gain ko.. diet na ako nyan, sa umaga ay milk with oatmeal, tapos lunch na meat, gulay at rice then meryenda ay saging saba, banana q or turon.. then dinner ay fish at half rice tapos fruits.. ang laki ko na  ;D

amberdeler

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #114 on: July 20, 2011, 12:52:28 pm »
ako naman
simula nung nabuntis ng January, 13 lbs na nadagdag sa akin now at almost
32 weeks..
:)
normal pa naman daw sabi ni OB
sa last ultrasound ko...
3.5 pounds na si baby..
lapit na.......awwww

prettysherry

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #115 on: July 20, 2011, 02:13:01 pm »
@kyrie26 & purplesassy -- sige will really ask my ob this sat, my next check up, about the birth plan and yun sa unang yakap protocol na yan! Sana maging ok ang lahat! Will ask na din about her packages para at least maready na.  Magrequest din ako sa kanya for ultrasound para if ever covered ng health card! hehe :) kaso kabado talaga ako sa weight kasi kanina nag-weigh ako and parang 136 lbs na ako so 2 lbs dagdag ulit!! Which is ok naman since 2 weeks kame d nagkita ng ob ko so pasok sa 1 lb/week...sana lang huwag na magdagdagan until sat!!

jAzMyNe018

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #116 on: July 20, 2011, 04:53:25 pm »
good aftie!

baguhan lang ako rito pero i've been reading for quite awhile na. since nalaman ko atang preggy ako. :D my due date is on the 23rd of august pa kaya sobrang nakakainip na. excited na kaming makita ang baby girl namin.  ;)

ana mimi

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #117 on: July 20, 2011, 05:23:39 pm »
^ welcome to the thread sis..

re weight gain: hinay hinay lang po kayo sa pagkain mga mommies. ako talagang nahilig sa salty, sweets at rice kaya nahirapan ako ilabas si baby.

grabe talaga yung labor, di ko makalimutan. minsan kapag naiisip ko e di ko madecribe. gusto ko nang sakalinkase yung sarili ko nun para ma distract ang pain. haha. nung nakahiga na ako sa DR kapag anjan na contractions napapatayo ako at lumalabas pa ako DR sa sobrang sakit. pero worth it naman. basta galingan lang pag iri. pag lumabas na si baby wala na din ang pain.

re unang yakap: may thread ng unang yakap dito, alam ko mostly done lang sya sa mga lying in facilities e. ginawa namin to ni baby, simula nung lumabas sya saken e di na sya inalis, maliban lang nung dinamitan sya. paglabas nya kase, nilapag agad sa tyan ko, at dun nilinis. after cord cutting e pinadede ko agad.

purplesassy

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #118 on: July 20, 2011, 06:30:35 pm »
Nakakabaliw naman tong bed rest na to, nag bleed kase ako ulit yesterday eh, mukhang 1 month extension ako ng bed rest nakakaloka

simplymj

  • Guest
Re: Baby Due on July, August, September 2011 V
« Reply #119 on: July 20, 2011, 08:28:43 pm »
Nakakabaliw naman tong bed rest na to, nag bleed kase ako ulit yesterday eh, mukhang 1 month extension ako ng bed rest nakakaloka

@purplesassy:

I pray for safety of your baby and you. Ganyan talaga, continue to follow doctor's advice, it's for your own good. Mas problema kung magkaproblem yung delivery mo. Ako ganyan din before, was advice for months bedrest, matigas ulo ko kaya na CS ako... God bless

 

Latest Stories

Load More Stories
Close