watch now

Author Topic: Re: Seafarer's Family Part 6  (Read 90062 times)

guilleanne

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #300 on: August 10, 2011, 05:34:41 am »
yup sis nicolle, yung pa belt bag. sakin gamit na gamit ko yan, pag mag tratransact ako sa banko yan ang dala ko saka jan ko nilalagay yung pera. si hubby hindi nya masyadon gustong gamitin.


sis silver barrow, ingat lang din dun sa bundol gang, basta pag binangga kayo hawag ka na mag stop lalo na kung may insurance naman yung car nyo. nangyari na yan sa tita ko dito sa cavite, humarurot lang sya nung sinagi sya.

Mas convenient nga siguro sa kanila yung backpack, si hub kasi naka office attire pag nag rereport sa office, naka neck tie pa, tapos sabi ko mas bagay yung messenger bag na style, pati mag maganda nakalagay yung laptop nya dun, ayaw parin. pero mas madami nga talgang naka backpack dun sa office nila. kaya hinayaan ko na.

keisha

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #301 on: August 10, 2011, 09:07:07 am »
sis tet, ang gandang idea nga yun. safe na safe.. ikaw ang hindi safe, mapapalaban.. LOL!  ;)
ok lang yun sis, hindi na matao yun...flaunt the wedding ring..

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #302 on: August 10, 2011, 09:22:32 am »
sis tet, go go go!! moment moment! happy for you!! ;D

barefoot_taka

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #303 on: August 10, 2011, 02:30:01 pm »
hi mga sis!
kawawa naman yung nanakawan sa car. ang saklap naman. ang laking pera nun! pero kawawa din yung mga nagpadala.
sis serendipity02 HP ka nyan! ayos!
sis swit_squiggle awww sad! ako din di pa rin sanay sa biglaang alis kahit na lagi namang ganun ang nangyayari.
sis silverbarrow hubby ko din laging nagyayaya ng check-in pag dumadating kahit di naman alanganing oras ang dating. ::)

sweetie28

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #304 on: August 11, 2011, 08:55:09 am »
good morning beautiful ladies here.. :)
last month lang ako nagpost na umalis na si hub ito at pauwi na naman  :), next week kasi bebenta na pala ang barko,pagdating lang niya doon tsaka niya nalaman,. natutuwa at naiinis ako kasi, natutuwa dahil syempre magkikita na naman kami ni hub naiinis dahil, nakapag adjust na sana ako kahit paano sa pag alis niya, ito at ma eexperience ko na naman pag umalis siya ang palagi nating nararanasan na lungkot pag umaalis sila start all over again naman ang adjustment.

sa mga sisses na nakaranas na nabenta ang barko ng hub nila at umuwi pano ba ang sistema pag ganon tuloy ba ang contract paglipat nila sa ibang ship or umpisa na naman ng contract kasi parang ngayon lang ata makaka experience si hub n benta ang barko di ko pa din kasi naitatanong sa kanya kung pano ba ang contract kasi underway pa sila.

ingat mga sisses..

jhenrheign

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #305 on: August 11, 2011, 11:07:58 am »
silverbarrow-uwe na pala hubs mo... get ready na sis...hehe!  ;D

nakakaloka naman yung nanakawan sa car, nakwento ko yun kay hubby, pero kasalanan din nung nag iwan kasi bakit naman nya iniwan sa car naging kampante naman masyado na iwanan nya dun... sabi nga ni hubs kung ganun daw pala kalaki ang dalang pera sana umuwe na lang muna sila at sinafety muna ang pera... sa panahon ngaun mahirap na, pinaghirapan ng matagal sa barko tas mawawala lang ng ganun... nakakapanghinayang...

si hubby naman pag dito sya manila messenger bag ang gamit nya hindi backpack... yung back pack nya hand carry nya lang pag umaalis na sya... usually pag mag report sya at may dalang syang documents at pera sumasabay sya sa pinsan kong taga agency nila...hehe! kahit di sya makauwe agad kasi hinihintay pa nya pinsan ko okei lang daw basta safe ang mga dokumento nya...

^dun sa unang contract ni hubby binenta yung barko na sinakyan nya, pero continuous ang stay nya dun sa barko di sila pinauwe eh... bagbaba nya dun sa nagreport sa bagong agency na may hawak na nung barko pero after nya mag report bumalik din sya dun sa dati nyang agency...


sweetie28

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #306 on: August 11, 2011, 11:29:23 am »
-
^dun sa unang contract ni hubby binenta yung barko na sinakyan nya, pero continuous ang stay nya dun sa barko di sila pinauwe eh... bagbaba nya dun sa nagreport sa bagong agency na may hawak na nung barko pero after nya mag report bumalik din sya dun sa dati nyang agency...

sila kasi sis uuwi lahat, korean ang nakabili , greek dating owner, . so di ko alam kung pagdating manila isampa agad siya and continous lang ba yong contract sabi naman ng BIL ko na papipiliin daw ang seaman kung gusto agad sakay or bigyan ng bunos na 1month salary basic lang siguro malamang :), di ko alam kasi di pa namin napag usapan ni hub kung ano na ang sabi sa kanila baka pag andito na manila, pero kung ako syempre bonus na lang at least kasama ko pa si hub kahit one month :)

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #307 on: August 11, 2011, 03:37:29 pm »
Hello sa lahat! I’m back, tapos na ako mag hibernate. Lagi akong online, pero bihira ako magbasa ng mga threads, namimili lang ako these past days ng babasahin. I think I’m fine. May takot pa rin buong family namin, but at least, we’re all trying to move forward. Medyo paranoid lang kaming lahat ngayon. Para tuloy akong bumalik sa pagiging teenager, maya’t maya nakacheck sa akin nanay ko. Thank you sa lahat ng nagbigay ng prayers and support lalo na sa FB.

Sis Ren – sweet naman ni hub mo, talagang nagtiyaga siya for you ha, at iniyakan ka niya. Haba ng hair. You’re worth-it naman eh.

Sis Betty – okay yung sa HIV test ha. Interested ako dun, mahanap nga rin yung thread na yan. Thanks for sharing.

Sis Tet – HPP! Enjoy, enjoy. I agree, magcheck-in muna kayo, mahirap na panahon ngayon, delikado. Baka masundan si bunso. Hihi :D

Sis Seren – naninibago ako, nasanay kasi ako na nakikita ka sa kabilang thread at hindi ditto, hehe. Anyway, wow HPP ka na rin. Enjoy. Nakauwi na si H2B mo? May mga wedding fairs na parating, yihi….makakasama mo na siya :D

Sis Swit_Squiggle – kamusta ka na sis? Nakaalis nab a si hub mo? Keep yourself busy na lang para iwas lungkot.

Sis Jonna – nabasa ko post mo sa isang thread tungkol dun sa madaldal na mayabang. Sana sinabi mo sa kanya na ang kayamanan niya eh barya mo lang. Hehe. :D

Nakakalungkot naman yung balita sa seaman na nanakawan ng laptop at pera sa loob ng car.  Ang dami talagang magnanakaw sa mundo. Hayst! Nakakatakot at iba na talaga panahon ngayon, parang mas dumadami pa mga bad guys. Tama nga, we must take extra precaution, ika nga ni Sis Eva, di bale nang paranoid, at least safe. Kaya lang minsan, kahit na paranoid na, hindi pa rin safe.  :( Samahan din ng prayers.  :)

Welcome sa lahat ng bagong sampa.

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #308 on: August 11, 2011, 06:55:06 pm »
sis chie buti naman oks kana ;),,basta ingat lagi at lalo nat nag iisa ka lang.. ;)
natawa ako sa comment mo ha..how i wish hehehhe... buti nga mabait ako that time naku pero gigil na gigil na ko nun..diko tuloy nakunan ng pix yun alaga ko dahil sa kanya >:(....
kaloka kasi sana quiet lang sya kung anong meron sya di na dapat ibulgar kaya ata 7times na daw syang nahoholdap...

GOD BLESS SA LAHAT

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #309 on: August 13, 2011, 09:56:20 am »
salamat mga sisters ilang oras na lang ang bibilangin  ;D

  kawawa nga si hubby kasi ang tagal ng lay-over nila sa abu dhabi...14 hours !!! dapat naman pinag hotel man lang sila  >:( ang masaklap pa nito...nagkaroon pa ako ng period kahapon kaya purnada tuloy check in namin.....haiyzzzzzzzzzzzzz

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #310 on: August 13, 2011, 10:03:32 am »
sis tet natawa ako dun ahhh,,so LPP ka pala ngayon hindi HPP hehheheh,,
siguro bonding na lang muna kayo sa kids then after a week or 2week siguro pwede na honeymoon uli,,, ;)

ingat maya...GOD BLESS

barefoot_taka

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #311 on: August 14, 2011, 12:53:55 am »
^^ natawa din ako dun.  ;D naranasan na din namin yang pagkadating ni hubby either first day or second day ko. kaya asar talo. hehe

guilleanne

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #312 on: August 14, 2011, 08:43:54 am »
naku sis silverbarrow isa lang sagot jan ni hubby, "hindi naman ako inglesia.."

No offense meant po sa mga INC ha, ibig lang po sabihin ni hubby na ok sya sa dinuguan. tee hee!


Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #313 on: August 14, 2011, 02:04:05 pm »
silverbarrow naku, ang saklap nga nyan sis! LOL. ako swerte pa naman at hindi pa kami nakaranas na nagkameron ako sa araw ng uwi ni hubby. hehe baka madepress yon. HAHAA!

swit_squiggle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #314 on: August 14, 2011, 03:05:39 pm »
wow..dito lahat ng topic covered sa GT. hehe. hahanap ka pa ba ng iba?

health.gal salamat sa pagkakamusta. eto still adjusting pa rin, mabuti na lang at nauso ang internet at cellphone ngayon, araw araw kaming nagkakamustahan.

silverbarrow kaloka. super tawa ako. excited pa naman kayo sa araw n yan.

guilleanne may bago naman akong natutunan.hehe

buti na lang pagkaalis ni hubby hindi humabol ang dugo-dugo brigada. red alert ako.

yang21

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #315 on: August 15, 2011, 11:39:46 pm »
kamusta po! *wave*

i'm back! super toxic last week dahil sa order ng cakes. habang back read na naman ako. hehe..

kaakawa nga yung nakuhanan ng pera sa car. sayang naman, alam ng may malaking dalang pera iniwan pa sa car ang bag. hindi ba't uso na talaga yang ganyan. kahit nga artista nabibiktima eh.

nakapanood ako ng soco last week, yun palang pinatay na mag-ina na nilagay sa freezer ng kamag-anak nila, ang padre de pamilya ay seaman din pala. kakaawa kase bumaba siya na wala na ang pamilya niya.

regading naman sa bag, pansin ko din sa dating agency ni hub mostly mga naka back pack! tama si sis guilleane para nga silang si dora kase laging bitbit ang back pack. lol  si hubby ganyan din. mas gusto niya ng backpack.

minsan may paper bag pa siya, naalala niya kasi kinwento ko sa kaniya na sa mga jeep, ang mga magnanakaw sako na mismo dala at pinalalagay dun ang bag. nabiktima na kase ang kuya ko dati. as in buong bag talaga ang binigay niya. ni try pa nga niyang hablutin kaso tinutukan siya ng baril kaya pati tuloy relo niya nakuha. buti nga at hindi pinutok. mahirap lang sa work ng kuya ko kase panggabi/call center agent. anyways, sabi niya kunin na nila bag niya wag lang papeles niya. dahil yun ang kabuhayan niya. lalo't mahirap kumuha ng mga certificates.

share ko lang yung ginawa ko nung sunday, natuwa ako ng matapos ko. sulit ang pagod.
http://i680.photobucket.com/albums/vv169/genlan/IMG_0027.jpg

xilac

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #316 on: August 17, 2011, 09:44:50 pm »
hi sis pwede po mag ask ng mga agency ng hubby nila & any feedback? thanks :))) super hindi na ko updated..

betty

  • Guest
Re: Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #317 on: August 18, 2011, 06:10:50 am »
question mga sis: can our seafarers just go home without a valid cause even if you will shoulder the replacements airfare?

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #318 on: August 18, 2011, 06:33:03 am »
sis bet lam ko dapat may valid reason kasi diba may contrata sila?,,,but then ishare ko lang ha si hub ko kasi dati biglang umuwi wala pa syang 1 week na nakakasampa europe yun byahe nya that time so mga ilan days pa lang saya sabarko,,,dahil medyo mahaba byahe sa uerope diba?..,nagkainitan kasi sila nung kapitan nya that time dahil ata sinigawan sya eh hate pa naman nung ang sinisigawan sya kasi nga di nya din nakasanayan ang manigaw ng tao,,so ayun umuwi sya bale almost $1000 then ata ang pamasahe nya pero di na sya siningil kasi parang equal na lang daw dahil sa halip na may salary sya for 1 week yun na lang ang kinuha sa kanya,,then nung nagreport sya dito sa pinas kinausap sya nung may ari mismo ng manning agency ayun tatawa tawa lang daw hahhaha.. then niline up na lang sya sa ibang barko,,,

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #319 on: August 18, 2011, 06:38:19 am »
sis betty, ang alam ko, hindi rin pwede, pero kung talagang ayaw na ng seafarer at ipagpipilitan niya umuwi, aside from sagot niya pamasahe, bad record pa siya (tama ba sis nuna?)

sis yang - ganda ng mga cakes mo  ;)

good morning sa lahat  ;)


 

Latest Stories

Load More Stories
Close