watch now

Author Topic: Re: Seafarer's Family Part 6  (Read 89865 times)

gelei

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #180 on: July 25, 2011, 09:35:57 pm »
sis REN: OMG sis di na yata ako makakatulog tom morning na ang dating ni hub. the best part talaga ang susundo sa airport :)

sis iggypop grabe :( ansakit naman.. haaaayyyyy... sana di mangyari sa ating lahat yan mga sis.
lahat dumadaan sa pagsubok pero sana lahat malalagpasan natin. (thankful din sa thread na to..we have our support group that always gives sound advices and tips plus shared experiences na nakakatulong sa atin)

sis betty si hub ayaw din na mag work ako..since my eldest  pinag resign na ako sa work which is okey lang naman sa akin kasi gusto ko din maging full time mom talaga kaya tumutulong tulong na lang ako in my own little way. pa sideline-sideline din. anyway nung mag bf-gf pa lang kami nun.. paalis na din ako waiting for visa to work abroad pero biglang nagbago ang isip matinding pag uusap ang nangyari.. ang ending nag back out ako. sya nagbayad ng fee kasi binawi ko papers ko. (mostly ng seaman ayaw nila mag ofw din ang gf or misis).

sisyang buti ka pa sis galing mo na mag bake.. sana magka oven na din at makapag practice. dream ko din yan. hehe

sis nicolle naku sis di mo na kelangan mag work .. hehe.. andyan naman si sir eh.. sobra sobra na kayamanan.. nga pala tama ba nabasa ko.. pwede kumuha ng passport without nbi clearance.. tia

hi to all.. godbless everyone.. :)

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #181 on: July 26, 2011, 07:24:55 am »
good am sisses :)

sis gelei wow moment mo na today!,,,go!go!go!fight!fight!fight :D
  -regarding PP nga pala sabi ni sis bet pwede nga daw wala,,update kita pag nakalusot ang ama ko,,sa aug 12 kc sched nya :)..

God bless us

chasiderwin

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #182 on: July 26, 2011, 09:35:13 am »
sis gelei  ;D, happy for you...tama ka kahit umulan man yan ang ang pinakamagandang gawin sa airport ang sumundo

sis Nuna korek ako ang alam ko lang gawin brownies ready to cook pa  :(

sis yang21 prayers for your father-in-law

sis nicolle pwede rin kasi puro si mister ang  ;D

sis betty sa akin matagal na ako pinapatigil since may baby na kami, pero minsan naiisip ko din kasi mahirap ang buhay, araw-araw nag mamahal lahat ng presyo, sana lang kung magresign na ako ng tuluyan di hanapin ng katawan ko ang office work.

babymom20

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #183 on: July 26, 2011, 09:36:58 am »
sis gelei, go go go! ikaw naman ang ipagccheer namin hehe

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #184 on: July 26, 2011, 09:55:43 am »
Nakakalungkot naman nangyari sa friend mo sis Iggy.

Sis Swit_squiggle - have you read the Secrets of a Fascinating Wife? Ganda din, an eye-opener.  May sariling thread siya dito sa GT. You might be interested to read the book. May softcopy ako, send me a PM if you want one.

Sis Gelei, enjoy your day. Correct ka, the best part talaga ang pagsundo. Pati aura ng mga tao sa arrival area eh sobrang light at glowing compared sa aura sa departure  ;)

Sis Yang, galing ng mga pics ng cupcakes mo. Practice mo na gumawa ng malalaking cakes (pinagpipilitan ko talaga noh? hehe). Anyway, hope your [textspeak!] gets well soon.

Sis Ren, ikaw, mauubusan ng bigas sa kaban? I don't think so, pareho kayo ni Sis Betty, idol ko sa paghahandle ng pera.

Sis Nuna - thanks sa reply mo sa email. Medyo worried din me kasi. At least, medyo kampante na ako. Just to share with the rest, sa contract kasi ngayon ni boyfie super hirap makatiyempo ng signal sa kanila (both internet and satellite phone), kaya sobrang naninibago ako. Last contracts kasi niya, everyday kami nakakapagchat (minsan twice a day pa). Ngayon, twice a week call lang, kaya sobrang naninibago ako. Eh nagkataon hub ni Sis Nuna eh nakasampa na rin dati sa ship ni boyfie ngayon, kaya humingi ako ng feedback kung ganun ba talaga sa barko na yun.

Hay naku mga sisses, nakakatakot dream ng mommy ko. She had a nightmare daw na may gusto pumatay sa kapatid niya pero ang mukha ng kapatid niya sa dream eh si boyfie ko. Kaya kinamusta niya agad si boyfie, at pinapasabi niya na mag-iingat. Sabi ko kay mommy na ang dreams, mga naghalong-halong subconscious images lang, at wala talagang meaning (siyempre, ayoko ipakita na natatakot ako sa kwento niya), sabay banat ba naman sa akin eh sa Bible si God nagbibigay ng message through dreams. So sinagot ko na lang siya pabalik, sabi ko na maraming bayarin si boyfie sa wed preps kaya malamang ang gustong pumatay sa kanya eh mga suppliers, at ang message ni God eh kung gusto niya tumulong, bigyan na lang niya kami ng pera pambayad, sabay tawa ako. Ayun, nanahimik din mommy ko. Haha. Pero seriously, natakot ako sa kwento niya.

Hello po sa lahat. Good (late) morning to everyone  :)

betty

  • Guest
Re: Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #185 on: July 26, 2011, 10:04:10 am »
waah sis hindi ako amgaling sa money, magaling gumastos lang LOL

regarding dream, nanaginip ako kagabi. pasakay daw kame eleveator tas may mga pulis sa scene.sa loob ng elevator
may family na namatay, may pugot na ulo, may mga bata na chinese looking. natawa pa ako kase may umihi na bata eh tigok na sya tatamaan pa ako hahaha
natakot ako ha! over sa pagka morbid tong eksena, eto pa nakaktawa, nakasakay kame dun sa elevator habang andun sila,.

jona, yes pwede yang mga ID na yan including Tin id basta may picture

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #186 on: July 26, 2011, 10:29:43 am »
sis nuna i have a contact sa fb na taga batangas na nagawa ng cake.

sis betty, san sya dito sa batangas? hingin ko sayo contact number, email or website nya. grabe ang hirap maghanap dito eh. thank you!  :)

yang, naexcite naman ako! sige pagisipan ko nga mabuti. kung desidido na talaga ko mag bake! hihi baka pwede din negosyo? kaso zero knowledge ako sa baking. yan ang ayaw kong subject nung higschool, kagalit ko kasi yung teacher ko don. hahaha!

health.gal you're welcome sis. message mo lang ako kapag may tanong ka, baka sakali may alam ako. hehe =) naku, wag ka magworry masyado. pray pray lang tayo. ako nga minsan din nananaginip ng masama talaga tungkol pa sa family ko. di ko nalang ipinagsasabi/kinukwento kapag ganun. nagppray nalang talaga ako.

naku bat kaya ganun mga panaginip natin. ako naman 2 nights ago, ang panaginip ko nakakita ako ng namatay sa harap ko mismo. heart attack yata, chinese. tapos yung sunod naman, parang american yata.. dead bodies naman yung nakita ko.. ang weirdo.

yang21

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #187 on: July 26, 2011, 03:32:11 pm »
hello mga sis!!

naku huwag naman din sanang mangyari sa atin yung sinapit ng friend mo sis iggypop..

si hubby nagagalit sa akin, napatawag ng di oras dahil nga sa para daw akong galit sa text ko sa kanya. nagsosorry din dahil wala daw silang signal at namisplace nga niya ang celfone niya. at sabi pa sa akin, wag daw akong ganun kase nga pressured na siya sa captain. tapos ako dinadagdagan ko pa. mabigat daw para sa kaniyang mag-work kapag ganun na naiisip niyang galit ako. at sabi pa nga niya, trabaho daw ang pinunta niya dun. tapos kinwento ko yung mga sumasampa ng mga babae. ayun, nawala pagkaseryoso at tumawa.

natatawa siya sa akin, kaya daw pala napraning ako. :D tapos sabi niya sa akin dahil doon inaway ko na siya sa text na kahit wala siyang kaalam alam. ayun inasar ako ng mokong. sabi niya, mga ibang lahi daw lang yun. sabi ko may pinay na rin. sabi niya anong gagawin daw ng babae sa barko eh mabibigat nga daw work dun. sabi ko na lang hindi ko alam. siguro ang kumabit. hehe..

basta, okay na ako. happy ako kase okay din si hubby. though may bad news dahil nga nasa hosp. papa niya.

yang21

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #188 on: July 26, 2011, 03:44:00 pm »


chasiderwin - thanks sis! he's doing good na. enough rest na lang need.

gelei - go sis! hpp!

health.gal - sis, sana nga. hehe.. magpractice na ako kase may nagtanong na sa akin 3-tier na fondant wedding cake.  para sa september daw.

nuna - sis buy ka ng book para sa pagstart sa baking o kaya mga websites. ganun din ginawa ko. basa basa lang. saka nood sa youtube ng mga tips.

buti pa si sis ren and betty tips naman diyan sa pag-iipon.

kami ni hubby gusto din namin magbusiness. kaso budget pa rin ang prob. eh. saka sabi nga niya, bahay na lang daw muna unahin namin. mas masarap din kaseng may sariling bahay. saka gusto na niya akong ilayo dito sa amin, mga kapitbahay kase namin ay ang mga kamag-anak kong uso ang crab mentality.


betty

  • Guest
Re: Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #189 on: July 26, 2011, 04:09:05 pm »
sa pagkakaalam ko po hindi requirement ang NBI, eto lang kase ang pinakamadaling source of personal info
na makukuha same day bukod sa birth certicate.

lately ive been feeling helpless kase wala nga jowa ko. parang ang dami ko gusto gawin na di ko magawa kase wala
 sya. na isa pa si Lucas sa dahilan baket din lol
i hope can have my drive again.

Nuna

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #190 on: July 26, 2011, 04:50:20 pm »
sis yang, sige basa basa muna ako. diko din alam ano kailangan ko to start eh! hehe! thanks much!
sis betty, thanks sa PM. add ko sya. kakilala sya ng prof ko nung college pala. =)

health.gal

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #191 on: July 26, 2011, 06:38:52 pm »
shucks, chief engr yung isa sa victims na sumakabilang-buhay sa bus incident sa skyway. sad  :(

swit_squiggle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #192 on: July 26, 2011, 08:22:46 pm »
sis healthgal sige. forward mo sa akin yan. hehe. salamat salamat. interested ako ng sobra. hehe. nakita ko nga ang sa tv, naku pu, kawawa naman ang family nun. doble ingat mga sissies di natin talaga alam kung kelan ang oras o. i even got the shock of my day when i was informed that my neighbour died just this saturday. on vacation kami ngayon..naku napaiyak talaga ako.

sis yang maganda yang hobby mo at the same time gawin mong business. yan yung dapat na meron pag mag bibuisiness. find your inner passion. go go lang!!

sis betty, malapit na akong lumagay sa feelings mo. paalis na din si hubby. natawagan na sya na bumalik. huhuhu

napadaan lang mga sissies. have a power mga sissies!!

betty

  • Guest
Re: Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #193 on: July 27, 2011, 07:28:34 am »
good morning mga sis!

gusto ko sana magluto ng champorado kaso di ako marunong kaya tuyo at scramblef egg ang agahan hehe

serendipity02

  • Guest
Re: Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #194 on: July 27, 2011, 08:11:26 am »
good morning mga sis!

gusto ko sana magluto ng champorado kaso di ako marunong kaya tuyo at scramblef egg ang agahan hehe

malagkit, tubig at milo lang yun sis, para ka lang nagsaing tapos pasobrahan mo ng tubig, pag in-in na saka mo lagyan ng milo :)

nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #195 on: July 27, 2011, 08:24:58 am »
maulan na morning sisses :)

sis betty if tamad mode ka naman meron ng nabibili sa grocery yun champorado na naka mix na=) yun nga lang maliit serving nya per box.. i forgot the brand,,,

pro sarap breakfast mo ahhh tuyo yummy fave ko yan sira diet ko pag yan ang ulam :)

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #196 on: July 27, 2011, 08:58:14 am »
maulang umaga mga sis  :)

 sis betty, ako din di marunong magluto ng champorado  na home made kaya yung instant na lang bili ko, White King ata yun , masarap naman!!!


nicolle

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #197 on: July 27, 2011, 09:13:30 am »
sis tet oo nga yata white king ata yun,,yun ba yung nasa box sya? diba may arroz caldo din yun? :)

silverbarrow

  • Guest
Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #198 on: July 27, 2011, 09:19:29 am »
oo sis, yun yon white king nga pero di ko pa na try yung arroz caldo :)

betty

  • Guest
Re: Re: Seafarer's Family Part 6
« Reply #199 on: July 27, 2011, 09:31:32 am »
salamat mga sis.

grabe sis Jona diet mode kapa? naku naman christinebReyes lang dating mo noh.

paalis na bagyo, salamat naman

 

Latest Stories

Load More Stories
Close