watch now

Author Topic: Madamot.  (Read 32359 times)

whinx

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #80 on: October 11, 2012, 08:09:44 pm »
I did discuss na this with hubby since una kong post...He had the same argument as people here who think that I'm madamot. However, sa kapayapaan ng lahat, he said na he agrees with all of my argument. So, sa ngayon, ang bottomline namin is NO. Pero siyempre, baka in the future, buksan ulit niya yung issue. Ang akin lang naman, naiinis ako na siya ang nagdedesisyon ng lahat. Hindi naman nanggagaling dun sa mag-ina yung idea eh. Nanggaling kay hubby, siguro guilt trip. OK lang kung nasa Pinas kami pare-pareho. Pero ibang lugar ito eh...

May i ask sis saang country kayo? Kasi kung near phil lang naman, i agree with sis Msfi na vacay muna para matest...

aiden

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #81 on: October 11, 2012, 09:05:55 pm »
^agreed on vacation suggestion. However, it shouldn't be a "test". It shold be the opportunity to build a relationship. Kapag "test" ang konsepto ay titignan ang mali sa tao right?

whinx

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #82 on: October 11, 2012, 11:16:35 pm »
^ i agree na it should be an opportunity to build relationship and hindi to look at kung ano mali :) what I meant by test is para malaman if mggng ok or otherwise... Somehow pg ngbakasyon yung kid sa kanila assess pa din ang situation, behavior and characteristics ng isat-isa and kung mg jive b :)

ysa.belle

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #83 on: October 12, 2012, 03:19:20 pm »
For me, it may be negative sa mga ibang GTalkers pero the vacation thing is both a test and an opportunity.

An opportunity para makabawi ang hubby ni sis britney sa bata and mabawasan naman yung guilt na nararamdaman niya. Test para naman makita ni sis britney if anong klaseng pagpapalaki yung ginawa nung mother nung bata sa bata and if magkakasundo silang lahat. Hindi naman kase madali ang magpatira ng bata sa house mo lalo na sa ganyan na situation.


Pero naisip ko lang na dati hindi naman hinanap ng mother nung kid ang hubby ni sis britney... maybe kase ayaw ng mother na makipag communicate na sa  hubby ni sis britney di ba? and si hubby of sis britney naman ang nag-effort na makita yung kid, why all of a sudden na nasa abroad na sila eh okay na rin sa mother? + hindi na nag-asawa yung nanay ng bata. something is not right ata eh.

Britney

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #84 on: October 12, 2012, 05:10:33 pm »
^I agree with you ysa.belle. Alam nila kung saan nakatira si hubby, never pinadalhan ng picture at kung ano ano pa hanggang sa lumaki yung bata. Eto namang si hubby, hindi na niya nahanap kasi lumipat daw ng bahay yung mag ina so may rason siya na hindi niya mahanap.
Anyway, labas na ako sa kung anumang rason meron yung mag ina. Hindi rin naman sila nagpu-push kay hubby na kunin nga yung bata at patirahin dito. Eto lang talagang si hubby ang naggi-guilt trip. Bigla na lang susulpot at kukunin yung bata sa nanay. Tapos etong si nanay, for some reason, parang OK lang sa kanya. Siguro past is past sa kanya.
Pero nasabi ko na kay hubby ang stand ko...

Priceless

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #85 on: October 13, 2012, 04:48:08 pm »
Sabi nga nung isang sis sa isang post, sometimes when we get into a relationship na alam nating may "past" yung partner natin, we need to accept the baggage that comes with it at the time that you accepted him/her unless sa simula pa lang tinago nya yun sa iyo (na may anak sya for example) and be able to accept whatever impact that "baggage" brings in later life.

Kung tutuusin, kung makipagmatigasan ang anak nya, mas magiging malaki ang impact (at baka mas ayaw mo pa ang resulta) nun sa asawa at pamilya mo. Mabuti nga na ngayon pa lang, ang asawa mo na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi magmukhang madamot sa - well in fact - karapatan ng anak nya.

Again, e ano kung nasa abroad ka? Ano naman kung hindi nyo talaga ma-take ang ugali ng bata at pabalikin nyo ng Pilipinas? You set the rules from day one that she/he needs to follow you and if she/he doesn't then out sila sa house mo. Ganun din sa Pilipinas = if they don't follow your house rules, then out din. Ang pagkakaiba lang, imbes na siguro bus or jeep ang sasakyan nung bata pauwi sa nanay nya, eroplano. At ano naman kung mas magiging mahal ang ticket pauwi? Akala ko ba walang kaso sayo ang paggastos ng tatay nya sa kanya?

Baka naman mas wala kang tiwala sa asawa mo to treat all his kids fairly. Ganun ba ka-irresponsible ang asawa mo? Meron bang instances in your past that made you doubt his ability to be fair? To put you and your kids as a priority in his life?

finally, I ask you to read this article - maganda, baka makatulong sayo

http://www.dailymail.co.uk/news/article-2217078/Its-womans-nightmare-Hello-caller-said-Im-husbands-secret-child.html

Britney

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #86 on: October 13, 2012, 10:51:24 pm »
At ano naman kung mas magiging mahal ang ticket pauwi? Akala ko ba walang kaso sayo ang paggastos ng tatay nya sa kanya?

Baka naman mas wala kang tiwala sa asawa mo to treat all his kids fairly. Ganun ba ka-irresponsible ang asawa mo? Meron bang instances in your past that made you doubt his ability to be fair? To put you and your kids as a priority in his life?

finally, I ask you to read this article - maganda, baka makatulong sayo


---Wala naman talagang kaso na pabilikin yung bata sa Pilipinas kung sakali mang hindi siya sumunod sa rules dito. Walang problema sa pamasahe,pera lang yan. Madali bang gawin yun kung itong si hubby eh naggi-guilt trip? Eh ngayon pa nga lang, sinasabihan nung nanay na wag pagalitan kung mababa ang grades nung bata. Si hubby kasi siyempre minsan, nagtatanong din siya pag grading time...Hindi naman pagagalitan ni hubby eh, siyempre iyon ang topic nila pag nag usap sila mag ama, musta ang grades and all...Eh di kung andito siya, yun ang magiging rule, "wag pagalitan yung bata lalo na nasa ibang bansa siya." Kilala ko ang husband ko. Sa kid namin, talagang pinapagalitan, sinisigawan ang bata pag hindi sumusunod sa kanya. Eh yung bata kaya na iyon, puwedeng pagsabihan? Eh ngayon pa lang, nagbababala na yung nanay na huwag pagsabihan yung bata baka daw magrebelde...
On the other hand, ang ganda nung article...I wish I'm like the author but I'm not. I will try to be like her. I guess I'm just trying to live a simple life but hubby just wants to be happy without considering the situation...

slovy

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #87 on: October 14, 2012, 01:47:16 am »
Hi sis britney! :)

nararamdaman ko sis you're not against naman talaga dun sa bata ehh. Alam ko na matatanggap mo naman talaga sya. Nagkakaproblema ka lang ng ganyan dahil feeling ko me fear ka dun sa nanay nya.. totoo ano? dahil syempre may past sila ni hubby, nagkaanak pa sila.. tas hindi na nga nag-asawa ulit.. may pagkaselosa ka siguro ano sis? well, normal lang naman yang selos, ako nga din eh minsan! lol..  kaya lang hindi pa rin ako agree na hindi ka pumapayag sa desisyon ni hubby mo na papuntahin ang anak nya dyan..

yung nanay nung bata na sa tingin ko pinag-ugatan nitong pagmamatigas mo, wag mo na syang isipin, past is past. just imagine this sis ah, medyo related ito sa case mo.. totoo ito sis, my sister in law --penitition nya bf nya now hubby na, may anak isa high school nun, ngayon college na. ang balita ko the child and the mom eh may constant communication. the mom remains single too. tumutulong pa sil ko sa studies nung bata, provide him everything. pero ok lang sa sil ko.. why? kasi in that way daw alam nya matutuwa hubby nya. kasi diba from the very beginning nung processing of papers pa lang for petition pwedeng sabihin nya hindi na isama ang bata pero hindi nya ginawa dahil naaawa din sya sa bata, at yun ang gusto ng hubby nya at yun ay may consent din from the mother. hindi nya iniintindi yung mother. though nababalitaan ko may times na hindi nagkakasundo ang sil at hubby nya, pero it's not because of the child or the mother. it's just because of his husband's attitude.

so sis why not give your hubby a chance? maybe sabik lang din sya makasama anak nya. anak din kasi nya yun eh. yun namang attitude ng bata, wag mo rin sis pangunahan.. be positive.. isipin mo ha, walang kakampi yung bata dyan, 1st time nya kayong makasama I dont think may K magmamaldita yun. yung nanay nagpasabi sa husband mo na wag pagalitan yung bata, it doesn't mean naman brat na agad.. nanay sya eh, nagsisigurado lang yun. kahit ako siguro, sasabihin ko rin yun incase mangyari sakin yun. and the mother being opportunista, oo pwede. pero malay nyo rin gusto lang pagbigyan yung anak na makasama tatay nya..  parang unfair lang porke't anak sa iba hindi na pwedeng makasama ng ama lalo na at nasa ibang bansa sila. aba, hindi naman tama yun.

lam mo sis, itong nangyaring ito sa inyo, magiging problema nyo itong mag-asawa habambuhay hanggat hindi ka papayag sa gusto nya, ang worse pa eh baka mawala respeto nya sayo, mas gugustuhin mo pa ba yun sis?

« Last Edit: October 14, 2012, 01:52:06 am by slovy »

dhuday

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #88 on: November 17, 2012, 12:20:58 pm »
Yes you are selfish and full of insecurities based on your posting.  Nagseselos ka ba sa nanay ng bata? syempre na naman pag andyan yung bata sa inyo, tatawag dyan ang nanay at maaaring magkausap sila ng asawa mo at pag nagkawork na ang bata, malamang kunin na nya nanay nya..so baka naman hindi yung bata ang threat sa family mo na sinasabi mo at yung nanay nya.. ang iniisip na baka makagulo in the future. Well mahirap nga yan kung yan ang iniisip mo. Pero walang basehan na mag isip sa problema na hindi pa nangyayari..at  parang wala kang tiwala sa asawa mo.

Ilugar mo ang sarili mo sa bata, at sa asawa mo. Maswerte ka nga at kumpleto ng pamilya mo at mga anak mo simula't sapul kasama ang tatay nila. Pero yung bata? I feel for the child. Malamang bigla lang din nalaman nung bata na may tatay pala sya at nanabik na makasama ang tatay. Hindi lang pera sis ang kailangan ng bata..sa totoo lang di naaapreciate ng bata ang pera at hindi rin nila naalala ang materyal na bagal. Ang naalala nila ang yung mga good memories lang ..not tangible. Intindihin mo sana ang asawa mo natural lang yung ugali na ayaw pagalitan at lahat susundin kasi bumabawi yun..kumbaga getting to know each other pa lang at gusto nya mapalapit sa anak nya. Maswerte ka kasi you have everything..pero yung bata? kaawaan mo naman sya.

Eh ano kung titira sa inyo, kapatid yan ng mga anak mo at anak yan ng asawa mo. Suklian mo ng kabutihan kasi may reward yan eh mas lalo kang pagpapalain. 

Wala naalala ko lang yung October baby movie true story ng isang unwanted child na pinalaki at minahal ng ibang tao at kung pano nya nafeel ang rejection sa mismong nanay nya.

Mahirap sa sitwasyon mo pero acceptance at ang pagpapakita ng kabutihan ay may magandang kapalit sa pagkatao mo. Maaatim mo ba na mabuhay ang asawa mo na may guilt sa puso nya hanggang pagtanda nya dahil hindi nya nagawa ang gusto nyang gawin para sa anak nya kasi pinigilan mo? Mahirap kalaban ang guilt sis at yan ang sisira sa relasyon nyo.

Open your heart to that child ..listen to people here na naging mabait na madrasta sa kanilang mga step children.

Hindi naman siguro oportunista yung nanay ng bata kasi kung sana ganun sya eh di sana tinago yung anak. Baka yung anak ang gusto at syempre kung ako man ang nanay..welfare ng anak ko ang importante ..pano na lang kung may mangyari sa akin..atleast may tatay sya na malalapitan. It happens..at natural na lang na at the end ..yung kalagayan ng bata ang mananaig hindi yung pride.
« Last Edit: November 17, 2012, 12:41:16 pm by dhuday »

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #89 on: November 17, 2012, 11:33:46 pm »
Madamot raw ako kasi ayoko payagan asawa ko magbigay ng mamahalin na christmas gift.paano naman kasi yung ibang tao,malakas pa sa kalabaw,ayaw mag trabaho.ultimo pangluho sa kapatid pa ipapabili.mag asawa na palamonin ni MIL.kahit ba pera ng asawa ko yun.napaka galing naman ni brother in law.mag aasawa,mag aanak,wala parehas trabaho.tapos yung luho ipapa regalo.kapal rin.

kakainis tong asawa ko.di bale.magsama sila.uto uto kasi siya sa kapatid niyang juan tamad.

Britney

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #90 on: December 28, 2012, 07:37:05 pm »
Can you please interpret this for me? Sabi nung mother parang nagrerebelde daw yung bata. Di daw alam nng nanay kung ano gagawin ngayon? The more na mahirap kung itira sa amin dahil magkakaisyu sa pagdidisiplina. Teenager na daw kasi. Kahit anong bait talaga ng bata, pag teenager na, nag iiba ang ugali...Hindi ko lang alam kung nagpaparinig yung nanay o gusto niya lang ibigay sa amin yung bata para wala na siguro siya problema...Pagdadamot pa rin ba na ayaw ko talaga itira sa amin?

rianne_mallows

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #91 on: January 06, 2013, 01:41:26 am »
so issue is, nagrerebelde and bata kasi teenager na at baka itira sa inyo?

i dont think moving with your family will be good for the kid. why?

- laki sa nanay.. kahit rebelbe iyan, nanay pa din ang comfort zone niyan tapos ilalayo niyo

- if maging brat sa poder mo, FOR SURE mahihirapan madisiplina si hubby mo at  i-spoil iyan ni hubby mo to make "bawi" for the times na hindi sila magkasama.. cliche but it's true
it's not good for the kid na lumaking brat .

- rebelde na nga ititira pa sa isang "hostile environment" sensya na.. wala akong ibang words na ma-isip to describe it.  diba nga ayaw mo siya jan? hindi naman bato iyong bata na hindi makaramdam.   baka lalo magrebelde kasi feeling niya pinamigay siya ng nanay niya at hindi naman siya welcome sa napuntahan niya

sarsingkit

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #92 on: January 06, 2013, 06:13:42 am »
If I were the mom of the anak sa pagka-binata,hindi ako papayag na makasama niya si TS. Pre-judged na yung anak ko na outsider, baka masama ugali etc.

While I find the TS's reaction normal, kailangan sabihin na MALI ito.

I pity the husband too. Napipigilan siyang maging mabuting ama sa LAHAT ng kaniyang mga anak.

agree with this and all of lonelymiss comments.

anong klaseng pagrerebelde ba yan? pumatay ng tao, nagdrugs, laging lasing? if these are normal teenage problems that you think you went through as well eh wag na pansinin. ang dami ng nagsabi sayo dito na mas ok nga na malayo kasi ikaw ang makakapgset ng rules. why dont you comprise na kung papayag ka tumira sa inyo yung bata pero ikaw magseset ng rules. when i say rules, preexisting house rules. hindi yung iba ang rule sa kanya, iba sa mga anak mo. also, isipin mo, ano ba ang pwedeng gawin na batang ito para matuwa ako sa kanya, then guide her towards it.

i also think it is too judgmental of you to think na "sino ba naman ang hindi papayag". sis, may nanay din yung bata. is that how you think of the mother, na ok lang malayo sa anak nya basta nasa ibang bansa. mahihiwalay sa kanya para saan? para makapagaral pero titira naman sa inyo na hindi rin naman nya alam ang ugali. may fears din yang mga yan. wag mo agad isipin na ikaw ang dehado dito.

you are blowing things out of proportion. you think too much of the negative. konting masabi or magawa lang nung mom and kid, may counterattack ka agad na negative thoughts. and pray sis. sabi nga sa Evan Almighty, " If someone prayed for the family to be closer, do you think God zaps them with warm fuzzy feelings, or does he give them opportunities to love each other?" yun lang. all the best :)

break_free

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #93 on: January 13, 2013, 01:18:43 am »
Yes, 'kadamutan' yun pero I think nasa lugar naman.

Eh kung baliktarin natin ang situation na si babae ang may anak sa labas, I don't think papayag si Mister na tumira ang bata sa bahay nila.

At isa pa dapat timbangin na baka mag cause pa ng conflict sa bahay kapag tumira ang anak-sa-labas sa bahay nila.

About discipline issue naman dapat mag seek ng counselling yung nanay nung bata kung paano ang tamang pag discipline sa bata na nasa ganung situation. May mga friends ako na galing sa broken family pero matitino naman at matatalino pa sa klase.

At yung pag rerebelde, sign yun na mas lalong di dapat isama sa new family ng dad. tama si sis rianne_mallows na baka lalong mag rebelde yung bata dahil baka ma feel niya na pinamigay siya ng nanay. it's the nanay's job na ipa feel sa bata ang pagmamahal. tsaka yung nanay dapat mahiya naman siya na maaring mag cause pa ng kaguluhan sa family ni mister yung pinaplano niya. duh

guilleanne

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #94 on: January 19, 2013, 03:49:47 pm »
sis, pano itratrato ni hubs mo yung anak nya sa labas the same way sa mga anak nyo, eh you won't let him. of course hindi nya pwede basta pagalitan yun, absentee father na nga sya. and the more na pipigilan mo yung hubs mo sa gusto nyang makabawi sa anak nya, the more na para sa asawa mo eh umahaba ang listahan ng utang nya sa anak nya. I will not be surprised kung that son of his will be his favored child.

besides mag rebelde man ang bata, lumaki man yang criminal it doesn't change the fact the anak sya ng asawa mo, it doesn't change the fact na may responsibilidad sya dun sa anak nya.

ask yourself sis, if your own kid, ang mag pasaway, mag rebelde or maligaw ng landas, will you love your kid less? I sure hope not, kids like that just needs more love and guidance.

your husband and the kid's mom are the parents, if you are more pro-active sana you can also be the third parent of this child. As parents of course they should discuss the problems of the kid. hindi naman siguro porket sinabi na nag rerebelde eh gusto na ipatapon dyan sa inyo. maybe nag uusap lang sila what is best for the kid. at dyan ka dapat mas worry. yang bonding na yan sis. na baka ito pang si mom ng anak ni hubs mo ang more understanding, baka sya pa nakikipasintabi para sayo. I mean baka sya pa yung " naku baka nakakahiya naman kay britney, o baka sya pa yung kamusta na ba yung mga anak nyo ni britney?"

how about your kids sis, do they know about their brother? do you teach them to love their brother. Don't you want them to have a relationship with their brother?

sa isang banda sis. naiintindihan ko rin kung agenda man ng nanay ni stepson mo na makarating sa abroad yung anak nya. like many filipinos, baka para sa kanya mas magiging maganda ang future ng anak nya, or pareho sila kasi nga pwede sya mapetisyon ng anak nya in the future.


pero syempre sis iba iba tayo, marahil hindi ko maintindihan yung fears mo. it's either you're just protecting your family kahit ma argabyado one innocent kid, or you're doing the right things. I don't know.

ang alam ko lang sis kaya siguro hindi naging masyadong mahirap sa akin mag mahal ng anak ni hubs sa iba, kasi nung bata ako nung naghiwalay ang parents ko at inasawa ng dad ko yung kabit nya, madamot sya, sa pera, sa oras ni papa pati pag inaasikaso kami ng father ko pinag seselosan nya. kaya alam ko yung feeling. ngayon sya parin ang asawa ng dad ko, at kasundo ko naman na sya now. medyo madamot parin at selosa pa rin sa time ng father ko. pero madaming nasasabi sa kanya ang father ko behind her back.

Britney

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #95 on: February 13, 2013, 12:08:52 am »
Had a vacation with the kid for several days. Hindi siya nagsasalita kasi nga medyo teenager na.
Mukhang hindi talaga uubra...Walang effort on the part of the kid na mag open ng conversation. Panay kami lang ang nagtatanong...Laging nasa cellphone lang.

Britney

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #96 on: March 21, 2013, 03:01:44 pm »
Hi brownmug,

Hindi mangyayari ang dorm kasi may bahay naman bakit sa dorm pa, magastos yun...Atsaka nasa ibang bansa kami sis...Kung nasa Pinas, OK lang eh...

Di ba pwede mag dorm na lang yung kid while there? Weekend na lang at sem break lang umuwi sa house ninyo.

Normally, ganun naman talaga pag nag kolehiyo na?

Kady_14

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #97 on: March 21, 2013, 03:53:36 pm »
Ang haba, hindi ko nabasa lahat. hehe...

Sa akin hindi siya kadamutan, una kasi may family na kayo and ngsusustento naman na si husband di ba? Kung ako ang mommy nun bata, hindi ko pa din siya ibibigay kasi anak ko yun, lalo't he's still a minor, kahit pa magbubuhay hari siya at giginhawa sa ibang bansa. Well unless he's already an adult and yun ang napili niya. GO!

I have a friend na anak sa pagkadalaga ng Mommy, all her life si Mom lang nya ngpalaki sa kanya, me occassional padala ang Dad na me family na and based sa US. Dito siya sa Pinas nag graduate hanggang college pero 1-2 years after graduation pumunta na siya sa US and dun na tumira until now. Actually nagulat kami na pumayag siya sumama sa Dad nya to think na Mom nya nagtaguyod sa kanya. Pero di siya ng live with Dad and his family, OK naman sila, padalaw dalaw lang siya dun. I think she lived with her mom's relatives in the US nun bago pa lang siya dun.

sarsingkit

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #98 on: March 22, 2013, 08:46:24 am »
Pauwiin mo na lang yung bata sis. The situation is just bringing out the worst in you.

break_free

  • Guest
Re: Madamot.
« Reply #99 on: March 22, 2013, 09:00:29 am »
^ Tama sis. Kawawa yung bata, kelangan din pakinggan yung side niya. I have a feeling na baka na-misinterpret lang siya ng nanay niya na nag rerebelde, di ba?


Had a vacation with the kid for several days. Hindi siya nagsasalita kasi nga medyo teenager na.
Mukhang hindi talaga uubra...Walang effort on the part of the kid na mag open ng conversation. Panay kami lang ang nagtatanong...Laging nasa cellphone lang.
Syempre sis what do you expect, feeling complete stranger talaga siya sa family ninyo. You can't expect na magiging close closan agad siya sa inyo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close