sis, pano itratrato ni hubs mo yung anak nya sa labas the same way sa mga anak nyo, eh you won't let him. of course hindi nya pwede basta pagalitan yun, absentee father na nga sya. and the more na pipigilan mo yung hubs mo sa gusto nyang makabawi sa anak nya, the more na para sa asawa mo eh umahaba ang listahan ng utang nya sa anak nya. I will not be surprised kung that son of his will be his favored child.
besides mag rebelde man ang bata, lumaki man yang criminal it doesn't change the fact the anak sya ng asawa mo, it doesn't change the fact na may responsibilidad sya dun sa anak nya.
ask yourself sis, if your own kid, ang mag pasaway, mag rebelde or maligaw ng landas, will you love your kid less? I sure hope not, kids like that just needs more love and guidance.
your husband and the kid's mom are the parents, if you are more pro-active sana you can also be the third parent of this child. As parents of course they should discuss the problems of the kid. hindi naman siguro porket sinabi na nag rerebelde eh gusto na ipatapon dyan sa inyo. maybe nag uusap lang sila what is best for the kid. at dyan ka dapat mas worry. yang bonding na yan sis. na baka ito pang si mom ng anak ni hubs mo ang more understanding, baka sya pa nakikipasintabi para sayo. I mean baka sya pa yung " naku baka nakakahiya naman kay britney, o baka sya pa yung kamusta na ba yung mga anak nyo ni britney?"
how about your kids sis, do they know about their brother? do you teach them to love their brother. Don't you want them to have a relationship with their brother?
sa isang banda sis. naiintindihan ko rin kung agenda man ng nanay ni stepson mo na makarating sa abroad yung anak nya. like many filipinos, baka para sa kanya mas magiging maganda ang future ng anak nya, or pareho sila kasi nga pwede sya mapetisyon ng anak nya in the future.
pero syempre sis iba iba tayo, marahil hindi ko maintindihan yung fears mo. it's either you're just protecting your family kahit ma argabyado one innocent kid, or you're doing the right things. I don't know.
ang alam ko lang sis kaya siguro hindi naging masyadong mahirap sa akin mag mahal ng anak ni hubs sa iba, kasi nung bata ako nung naghiwalay ang parents ko at inasawa ng dad ko yung kabit nya, madamot sya, sa pera, sa oras ni papa pati pag inaasikaso kami ng father ko pinag seselosan nya. kaya alam ko yung feeling. ngayon sya parin ang asawa ng dad ko, at kasundo ko naman na sya now. medyo madamot parin at selosa pa rin sa time ng father ko. pero madaming nasasabi sa kanya ang father ko behind her back.