watch now

Author Topic: Developmental Pedia (Thread 2)  (Read 303158 times)

Project60

  • Guest
Re: Developmental Pedia (Thread 2)
« Reply #500 on: June 25, 2015, 09:32:43 am »
Sis Darna88 - thanks for the comforting words. It's nice to feel that there are people who understand and are going through the same things.

Yung sensory issues niya, minsan too active sya... minsan din madiin na hindi niya pa nararamdaman... medyo nakaka hawak na siya ng maayos sa crayon pero madalas nag rerevert siya dun sa maling hawak and super diin. minsan he covers his ears with both of his hands - madalas wala namang dahilan....
tapos pag gigil siya or excited nakaka pinch siya... mabigat kamay niya so madalas pag excited or happy siya medyo mabigat siya mag hug. He just turned 4 this april but we started therapy (OT twice a week + speech once a week) since he was 1.8 years old.


worriedmommy

  • Guest
Re: Developmental Pedia (Thread 2)
« Reply #501 on: June 25, 2015, 11:14:12 am »
my son will be turning 2 na niya. natuturuan ko ng mag-talk, sinasabi niya ang mii mii pag gusto niya ng milk and already said wii kase gusto niya mga play ng wii.

yes, delayed siya. though wala pang check up ng devped. sana nalang makapagtalk na talaga siya...

Project60

  • Guest
Re: Developmental Pedia (Thread 2)
« Reply #502 on: June 25, 2015, 03:08:45 pm »
sis worriedmommy - pa check mo sa dev ped wala namang masama, para kampante ka din...
I can say the therapies naman really helped my son... yung kakilala kong ayaw mag pa dev ped nun 4 na yung son niya halos di pa din nagsasalita...

yung son ko kahit papano nakakasalita na.. not as well as the average kid pero nakaka sentence na sya paminsan minsan.

oreo08

  • Guest
Re: Developmental Pedia (Thread 2)
« Reply #503 on: July 03, 2015, 06:37:07 pm »
I'm worried about our almost 23 month old daughter kasi up to now, she only says dada and mama. Puro nga dada (elmo), dada (tubig), dada ("no deal" sa deal or no deal). Feeling ko confused sya kasi tagalog namin sya kinakausap (as much as possible) pero pag kami ni hubby naguusap and she's within earshot, english kami. Kinakausap rin si baby ng english ng mga tita and tito nya (my husband's side. Di kasi marunong magtagalog). Pero kami ng Mum ko and kuya/SIL ko, tagalog talaga sya kausapin.

Anyway, wala syang kalaro and lagi lang sila ng Mum ko sa bahay, watching TV ::) di ko mapigilan kasi nakakahiya naman magdemand sa nanay ko na wag manood ng tv. She has no problems following instructions, she makes eye contact, she responds when we call her name, and talagang nakakaintindi naman (ng Tagalog... haven't tried English kasi sa "Strictly no talking to her in English" policy ko :P )

We decided to push her ELC (Early Learning Centre) enrolment a bit earlier than planned para maexpose sya sa mga kids her age (2 to 3 yrs old) and lessen TV/gadgets time. 2x a week muna sya pero 7:30am to 4pm ito na laro laro lang.

Sana magwork... pero how many months ba dapat hintayin ko to see if she's improved? Kasi after that time and walang improvement, I'll set an appointment na with a devpedia na talaga. I'm super worried kasi

purple_girl

  • Guest
Re: Developmental Pedia (Thread 2)
« Reply #504 on: July 03, 2015, 07:28:59 pm »
^better make an appointment na sis, then cancel na lang if you think ok na ang baby mo. usually, matagal ang waiting time para makakuha ng schedule, average ata is 3-6 months.

hunny_ally

  • Guest
Re: Developmental Pedia (Thread 2)
« Reply #505 on: July 03, 2015, 07:50:51 pm »
^^if there's language delay, it's better to stick to one language first to avoid confusion.

oreo08

  • Guest
Re: Developmental Pedia (Thread 2)
« Reply #506 on: July 03, 2015, 08:23:59 pm »
^^yeah, I think I'll do that! Matagal nga waiting time rin dito... I think 3 months pedia-allergist palang.

^I'm not sure if I want to stick in just one language kasi if she learns English, baka hindi na maturuan ng Filipino at tanong tanungin na lang din kami ng what  :-\ worry ko rin kasi baka hindi sya matuto magtagalog. Anyway, let's see what the developmental pedia says kasi I'm sure marami na silang naencounter na case na ganito since maraming parents naman really want to raise bilingual kids here. Especially Chinese. Pansin ko, sila talaga ang tyaga taga magturo sa mga anak nila.

izabelle

  • Guest
Re: Developmental Pedia (Thread 2)
« Reply #507 on: July 03, 2015, 09:39:14 pm »
^ i agree na better make an appointment agad then you can cancel naman. I had my daughter checked as early as 18 months kasi nabasa ko din na the earlier madetect ang problem, the better. I don't want to take risk that time e, paranoid mom kasi ako. Wala din naman mawawala if papacheck ko sya. :)

hushush

  • Guest
Re: Developmental Pedia (Thread 2)
« Reply #508 on: July 04, 2015, 08:23:40 pm »
Hello mga moms!sobrang tagal ko na gusto magpost dito.kaya lang tinatamad ako lagi.minsan nasstuck ako then nadedelete ko yun draft ko.kaya habang nadedelay yun pagpost ko lalo akong natatambakan ng mga gusto ko ishare dito.pero ok na din kasi lagi may update sa anak ko kapag naiisipan kong magtype ulit.kaya ngayon sabi ko iiklian ko na lang.kung may gusto pa ako idagdag o may nagtanong saka ako gagawa ulit ng nobela hehe.

My story is about my son who just turned 4 recently. Then last year bago sya nag-3 ipinasok namin sya sa summer classes sa mga mamahalin at kilalang international schools sa ortigas para malaman namin kung ready na sya for nursery. dun nag-umpisa ang problema namin kasi marami syang ayaw sa mga routine ng school.una, ayaw nya na nakamedyas lang sila sa room.hinuhubad nya.ayaw din ng circle time.inde sya interested minsan sa lectures.madalas paikot-ikot lang sya sa loob ng room.pinull out ko sya sa summer class at inilipat sa katabing school.ganun din sya very inattentive.then nirequire sya na mag-shadow teacher.problema kasi late talker sya.pero nakakabasa na sya that time ng CVC words.medyo obssessed sya sa letters at numbers.blocks.like lego or wooden blocks.tabletop puzzles.pero not to the extent na nagme-meltdown kapag mawala sa paningin nya.some sort of a hobby nya.mahaba ang sitting span nya kapag letters at blocks ang nilalaro nya.then pinatignan namin sya sa dev ped kasi nga napaparanoid na ako baka autistic ang anak ko.or may something sa behavior nya. Then lumabas sa assessment na developmentally at par naman sya.at advance pa ng 4mos ang cognitive nya.ang problema nya ay mayron syang temperament na unknown.like selective compliance.inde sya sasagot sa tanong kung inde nya feel.mga ganun.kahit alam nya ang sagot.

Then, nirekomenda na ipa-ot sya.then un SP ay optional daw kasi nakasagot naman while inaassess.partida pa nga naglalaro sya ng toy sa loob ng clinic ni doc while tinetest sya.kaya nya magmulti tasking.lol.since that time pasukan na punuan na yun nearest ot center namin.wala na slot para sa ot kaya naisipan ko na lang ipasok sya sa nursery.then ayun ok naman sya may mga kaklase sya.ang problema since english speaking sya nahirapan sya makisocialize sa mga kaklase nya.kagandahan lang dun sa school na yun inde sya nirequire na mag-shadow teacher unlike sa IS na pinanggalingan nya na pagkamamahal ng rate per hour.at kapag indi ka mag-enroll sa kanila ay bigla na lang aasim ang pakikitungo sayo ng directress nila kahit andun ka para magsummer class lang.

Balik kami sa pedia nya na 1year namin hindi nakita dahil busy sa schooling ang DS ko.pagkakita nya nagfreak out.kung anong reaction nya sa moving up e ganun din sya.medyo disappointed yun pedia nya kasi ineexpect nya na nag-improve yun bata.sabi nya parang inde daw nagbago.then kinontest nya na dapat sinunod ko yun payo ng dev ped.kasi iba yun nursery sa therapy eh.kaya para matapos na ang argument dumeretso kami sa ot center kasi lately nagka-slot sila kaya sinunggaban ko na.

Sa ngyon, 2mos na syang ino-ot.at napakalaki ng improvement sa behavior nya.yun main concern sa kanya ay impulsive sya at mababa ang frustration tolerance.dun din sa ot center sya natutong magsulat mag-isa.kaya napakalaki ng pasalamat ko at di ako ngpatumpik-tumpik.binugbog ko talaga ng ot.dahil delayed ang opening ng klase nila, pina-ot ko ng 7hrs per week. Then 1hr SP. Though napakalaking gastos talaga ng therapy, worth it naman.may mga time na nagmemeltdown sya pero manageable naman.minsan itinatakbo ko sa therapist for possible regression para mareverse kagad.sayang naman yun pinaghirapan namin kung isang araw lang na incident e babalik agad sya sa dati nya behavior.

Within his nursery period, yun isa mga nakita kong problema sa kanya e nahirapan kami pasulatin sya.hirap sya hawakan ang pencil.mahina pa ang wrist kasi 3 pa lang sya eh.pero kung cognitive e pang-kinder na sya kasi nakakabilang na sya up to 100.then ayun nga nakakabasa na.minsan bigla na lang kami nagulat na binasa nya yun boardbooks nya.ewan ko lang if he can fully comprehend yun full content.pero kung word for word naiintindihan nya pwera yun mahihirap na words.nung nagmoving up na sila, nagka-reading award sya.yun isa pang nakita ko problema e inde nya kaya makipagsabayan sa maraming students.pag nakakakita sya ng sumasayaw o pag pinatayo sa harapan e nagtatantrums sya.pag tinatanong ko sya e sabi nya shy daw sya..lagi sya nanonood ng educ vids na karamihan about phonics.kaya kadalasan kahit mahirap na salita nababasa nya.like "devant". Minsan nagbabasa ng signage "don't litter". Minsan kinuhaan ko sya ng passport sa dfa.tuwang tuwa yun encoder kasi binabasa nya yun mga reminders like "no heavy makeup ", etc.forgot na yun mga nakasulat dun.kasi inip na inip na sya sa pila.sabi nya "3 pa lang sya nakakabasa na.pano nangyari yun?" Sabi ko "e kasi po lagi sya nanonood ng word world."totoo yun palanood sya dati nun at dun din sya natuto makabasa.natuklasan lang namin nun nagspell kami ng magnetic letters sa ref at nabasa nya.then sinubukan namin ibang words at nabasa din nya.most of it mga sight words.natandaan lang naman nya.pero laking bagay din.pag may ininstruct ako pinapabasa ko lang sa kanya.mabilis nya natatandaan.ang disadvantage lang pag nasa mall kami at nakabasa sya ng "toy box" or "toy kingdom" e nagkukumahog na.wala kami choice kundi magpunta dun.nakabasa ako ng article about it.ang term ng mga expert dun ay HYPERLEXIA.at inde gifted tulad ng inaakala ng ibang mommies na may same case.never ko inisip na gifted ang anak ko.bakit?una delayed talker sya.pangalawa, may socialization at behavioral issues.but at least inde sya autistic.and hopefully inde at risk for ADHD.

Kinder na sya ngayong SY.medyo advance sya on some subjects.dapat dito ko sya pag-aralin sa school medyo malapit samin pero malayo pa rin.kaya lang nun summer class nagtatantrums sya humihiga sa sahig at ayaw magparticipate sa circle time.mas gusto nya mag-isa at magsagot ng worksheets.sabi nga nun teacher nun inevaluate sya panggrade1 daw yun sinagutan nun anak ko at nasagutan daw.then potential good reader daw.nagdalawang-isip ako ienroll ang anak ko kasi parang di nila alam maghandle ng ganun case.angsusungit tignan ng teaching aid.mukhang kagagraduate lang.then sa ot center nagkita kami ng dati ko officemate at inaya nya ako mag-enroll sa isang school  sa Diliman.sa HSG.sinamahan nya ako pumunta sa school at inassess ang anak ko.then inenroll ko na sya kahit malayo yun school.importante sakin magkaron ng improvement yun nakakainis na behavior ng anak ko.sabi ng ot nya, yun daw ata yun sinasabing temperament ng dev ped nya.kasi kapag nabaguhan sya sa sitwasyon o mga tao ganun ang behavior nya.nagtatantrums at naglulupasay.pero pag nasanay na sya ok na sya.napatunayan ko yun nun bumalik kami sa pedia nya.ok na sya at very sweet kaya tuwang tuwa ang pedja nya.nagpasikat pa sya at nagbasa ng kung anong mabasa nya sa clinic.kaya aliw na aliw ang pedia.inupdate ko sya kung san ko sya inenroll.sabi nya at least hindi daw kami naliligaw.kung may potential man daw yun bata e at least nasa tamang lugar sya.ako naman ayaw ko mag-speculate ng kahit ano tungkol sa anak ko.alam ko kasi hyperlexic lang sya.saka home taught din sya.kaya advance sya.pero that as her mom alam ko na hindi pa sya emotionally stable.inde pa nga sya fully conversational.pag tinatanong sya ng "why" nangangamote pa sya.saka hindi din sya nagtatanong ng why at how.kaya pina-SP ko sya para makahabol sa deadline.ang importante sakin masolve yun behavioral problems nya at iba pang needs nya.lately napansin ko sa kanya very sociable sya sa mga bata dito samin.

To all mommies out there na in denial pa rin.ang advice ko lang wala naman masama mag-effort na ipatingin yun bata.follow your instinct.then sundin ang payo ng dev ped.kasi kung ipagpaliban nyo tulad sakin, baka lumala.mabuti na lang sa anak ko naagapan pa.1year din yung nawala sa kanya.iniisip ko kung napa-ot ko agad baka nasa regular school na sya ngayon.

Project60

  • Guest
Re: Developmental Pedia (Thread 2)
« Reply #509 on: July 07, 2015, 03:47:49 pm »
Ang mahal mahal ng therapy at dev ped siguro yan din ang reason why madaming nag aalangan - an average earning parent (like me!) would definitely have a hard time....

Syempre OT, ST, SHADOW TEACHER, TUITION... sama mo pa ang gas at food.

Take note din na all OTs or STs are created equal. kahit malayo pinagtiyatiyagaan ko talaga yung therabilities - kasi sila yung pinaka complete yung facilities na useful sa issue ng son ko...
Sensory issues kasi so need ng madaming physical activities. comparing dun sa center where my son attends his speech (wala kasing speech slot sa therabilities) ang layo talaga ng facilities. Maliit lang yung help therapy center makati so malamang madali madistract anak ko dun compared sa therabilities. Sa skills naman ng  therapists, i think at par naman yung mga taga help therapy center....

hushush

  • Guest
Re: Developmental Pedia (Thread 2)
« Reply #510 on: July 08, 2015, 08:56:33 am »
Iyun lang ang problema.mahal talaga magpatherapy.pero kung para sa bata naman magdasal ka lang may darating talaga na blessings.tulad sa case namin.nakapag-abroad ang asawa ko.then may dumating pa na extra income kaya naienroll ko sya sa HSG.mahal ang tuition dun.hindi biro.kaya ako todo-suporta na lang sa anak ko.kung anong magagawa ko para sa kanya.kahit umuulan ng malakas punta talaga kami sa ot.kami din naman makikinabang dun.

Pinaka-importante kasi yun role ng nanay para mag-improve yun bata.tulungan kasi iyan.hindi dapat iasa lahat sa therapist kaya sa bahay hino-homeschool ko din sya pag walang pasok.nun summer tinuruan ko sya magsulat.idinikit ko sa mga daliri nya using rubberband yun pencil para matulungan sya mafeel kung pano lagyan ng pressure yun pencil.the rest, yun therapist na ang nagreinforce.di ko naman tinetake ang credit kasi sa ot din talaga sya natuto ng husto magsulat independently.kaya ngayon nakakapagdrowing na din sya.tulad ngayon lagi bagyo.pag wala pasok isisingit ko sya ipa-ot kahit 1hr lang.kapag wala sya sa mood sa lessons hinahayaan ko lang magsulat at magdrowing o manuod.pero kapag nanonood sya ng shows dun ko sya sinusundutan.let say sa peppa pig, tatanungin ko sya, "what is daddy pig doing?" Sasagot sya "daddy pig is climbing on the tree". Ask ko ulit 'why". Iisip sya.pag di makaisip tutulungan ko na."does he want to get something?"sasagot sya "the kite!".then nahulog si daddy pig.ask ko ulit."what happened to daddy pig?" Sasagot "he fell down" ask ko ulit "where?" Sagot sya "from the tree". Where to? Sagot sya "on the mud".ask ko ulet "why did he fall from the tree on to the mud?".sasagot "because he want to get the kite". Pwede na din.pero ikokorek ko yun."he fell down because the branch of the tree was broken".and "because he is heavy".ganun ako magtanong sa kanya.kukulitin ko sya para mapiga sya.para mag-isip sya.although alam ko hirap sya magexpress.minsan pag ask ko iba sinasagot.

Kahapon naglalakad kami sa palengke galing kami sa therapy.dami distractions diba.ask ko sya random question "what is the name of your school?" Ang sagot nya "singing, writing,drawing puzzles, I played with the numbers.." sabi ko "I'm not asking what  you did in school, I'm asking you the name of your school"inulit-ulit ko tanong while walking.then saka lang nya nasagot ng maayos.minsan kasi sa pagiging impulsive nya hindi na nya iniintindi ng maige ang tanong.minsan nga ang sinasagot nya "my classmates are.." e ask ko name ng school nya.hindi name ng classmates nya.kaya inuulit ulit ko random questions  para makita ko kung naiintindihan nya yun tanong at para matest ang focus at concentration nya.need ko sya tulungan kasi 1hr lang nakuha ko SP kahit pa 3hrs ang gusto ko.
Kanina nanonood kami sa happykids.tv ng nursery rhymes.yun "piece of paper". Ask ko sya "what is the girl doing?" Sagot sya "sweeping the floor".ask ko "why?" Sagot sya "because the floor is dirty".then nagsalang ako ng Brainy Baby dvd.sabi nya "i want to watch shapes and colors." Ask ko "why?" Sabi "because i want to learn".I gave him kisses and hugs.kapag maganda ang sagot sya with matching "anggaling-galing naman ng batang yan".at least kahit papano may nakikita ako improvement simula nun ma-SP.though wala pa sya 1month sa SP.mantalang dati kapag tinanong sya ng why e indi talaga sumasagot.minsan nagtatago o umaalis para makaiwas sa tanong.

izabelle

  • Guest
Re: Developmental Pedia (Thread 2)
« Reply #511 on: July 11, 2015, 03:54:00 am »
I agree mahal talaga ang therapies, Hindi biro. Right now, 1,200 per session ang OT and Speech Therapy ng daughter ko. (home service)

More than the therapy , i think ang pinaka importante ang role natin as parents. Yan ang natutunan namin ng husband ko when our daughter was diagnosed with Developmental delays a year ago. Kahit ilan therapy pagawa mo sa bata, kung sa bahay e hindi naman naprapractice yun or wala din tayong time for them, baliwala ang therapies.

ghye

  • Guest
Re: Developmental Pedia (Thread 2)
« Reply #512 on: July 30, 2015, 04:24:52 pm »
I tried calling the offices of some developmental pedias for an appointment and the earliest schedule I was able to get was that of Dra. Ma. Veronica Reloza of Makati Med on August 4, 2015.  Any feed backs on her please.  I was just wondering why she's got an open slot on that date yet isn't it that developmental pedias are so hard to book.  I also asked the help of a pedia friend to help me look for a dev't. pedia and she also told me that it's so hard to get a schedule with them which made me more wonder why I was able to get a booking that early.  Any feed backs on her please.  Thank you so much.

purple_girl

  • Guest
Re: Developmental Pedia (Thread 2)
« Reply #513 on: July 30, 2015, 04:35:47 pm »
^hi sis, dra reloza if my daughter's dev ped. okay naman siya. i believe i posted a feedback about her in this thread. please try to backread. before, medyo matagal din bago ako nakakuha ng appointment, months din yung waiting time ko. baka nagkaroon siya ng cancellation kaya may available slot or may nagkaroon ng change sa sched niya kaya naging available yung august 4 niya.

ghye

  • Guest
Re: Developmental Pedia (Thread 2)
« Reply #514 on: July 31, 2015, 09:16:43 am »
^Thanks sis.  I hope my son will be okay with Dra. Reloza.  The next available developmental pedia that I was able to book will be on September 17, Dr. Pabs.  I'm a bit nervous though but to give a peace of mind, I must bring my son to one. Thank you again.

worriedmommy

  • Guest
Re: Developmental Pedia (Thread 2)
« Reply #515 on: July 31, 2015, 10:18:15 am »
My baby turned 2 already. Nasasabi na niya ang “mommy” and onti onting words. Delayed lang talaga siya pero kita naman na gusto na niya magtalk talaga.

[-c-h-a-]

  • Guest
Re: Developmental Pedia (Thread 2)
« Reply #516 on: July 31, 2015, 10:40:24 am »
I read na by 2 years old, our babies should be saying 70-100 words na ::) honestly, it's upsetting for us mothers to read things like these. But what if our babies are so much advanced naman in other things? Doesn't that matter too?

My 23 month old daughter is starting "school" (more like play school) in 2 weeks (2 whole days every week) and my husband and I are hoping this will encourage her to talk more especially because she will interact with kids her age.

I'll give her 3 months before I contemplate about seeing a speech therapist and developmental paedia.

She might be a delayed talker but my gosh, her gross and fine motor skills are so advanced! She held her head up as soon as she was born. She rolled over, crawled and walked early. Her paedia kept saying she's so developed for her age and she'll be smarter than all of us in that room ;D
« Last Edit: July 31, 2015, 10:47:09 am by gumdrops26 »

ghye

  • Guest
Re: Developmental Pedia (Thread 2)
« Reply #517 on: July 31, 2015, 04:20:38 pm »
How about Dr. Marizel Dacumos of SLMC.  Any feedbacks on her please.  I texted the secretary and the next available schedule is August 10, 2015 naman.  Dr. Dimalanta is December pa.

worriedmommy

  • Guest
Re: Developmental Pedia (Thread 2)
« Reply #518 on: August 01, 2015, 10:32:17 am »
^hi ghye, i have 2 skeds with dr dimalanta for august 20  (quezon city) and august 26 (global) both afterlunch. PF niya is 5,000.

do you want it? i will not be going and i am planning to cancel na kase and sayang naman ang 2 slots na meron ako.



« Last Edit: August 01, 2015, 10:34:05 am by worriedmommy »

ghye

  • Guest
Re: Developmental Pedia (Thread 2)
« Reply #519 on: August 01, 2015, 05:02:19 pm »
^Hi sis worriedmommy.  Thank you so much for the offer.  Kindly have the slot at SLMC Global reserved for me please.  If we will not proceed with Dra. Rellosa on August 4, we'll go to Dr. Dimalanta.  Again thank you so much.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close