@smm_0411, thank you for your recommendation sis.
accessible ako sa mga hospitals like:
the medical city
st lukes global (mas madaling byahe dun kesa sa qc)
makati med
ang daming pedia, nakakalula sa dami at pati mga PF nila. medyo province po ako, usually pedia check up ranges from 150-300 lang. yung devped dito na sa area namin once a month lang dumarating & 6 lang patient na naccomodate. waiting din ako, number 8.
ang daddy niya kase, late talker din, 4 years old na daw nung nagsalita, pero hello! syempre i want my baby to talk na.

kahit po expensive mga devpedia, for me investment parin na puntahan sila, para sa peace of mind rin po.
Share ko lang po.
My baby is 20 months. Sumusunod naman sa instructions and honestly, smart siya. Alam niyang paraanan how to get things. Like nung tinago namin yung cooler na inaapakan niya to get to the window, hinanap niya yun and kinuha niya ulit. Kumakain naman siya ng maayos. Nakikipaglaro din sa cousins pag andun sila. Pag sinabi ko na smile, kiss, hug, nag-oobey naman. Pag nakikita nakakalat ang phone, damit or eye glasses ko or ng mom & sis ko, kukunin niya ang inaabot sa amin. Nagssmile naman and pinapakita pag gusto ang bagay. Pag ayaw na mag-eat, he will close his eyes and look away + may smirk. Pag may gusto sa kitchen, like spoon or plate, tatayo sa high chair and pipilitin abutin, pag di abot talaga, papakita na may inaabot + say “aaaaa” while pointing to something. I mean, alam niya gusto niya, pag mali ang inabot ko, ituturo yung gusto talaga.
Pag pala gusto ng milk, pupunta sa milk station niya & kukunin/aabutin yung milk niya. Pag gustong lumabas ng house, pupunta sa door and try abot yung lock. Pag gusto lumabas ng room, bababa ng bed and aabot yung door at mag-aaya na lumabas by holdling my hand.
Instruction wise, I can say really na okay siya. Marunong pa nga mang-inis like pag ayaw niya yung nakaplay sa TV, tapos ayaw namin ilipat, its either papatayin niya ang cable box or may ppress siya sa TV, then titignan ako. i-turn on naman niya ulit eh.
Pero delayed talker. Nasasabi palang is “Ma”. Like, “oh if you want to this you say Ma”, then sasabihin niya “Ma”. Pansin ko pag tinuturuan eh medyo irritable. Pero may times naman these past few days na while walking sinasabi niya " mamamamama" or "babababababa"
I really pray that nothing is wrong with my baby. Elder sibling kase niya nag-walk w/out support ng 1year old exacto and talked very early. While siya, hindi agad nag-walk (1 year & 2 mos) and ngayon di pa nagttalk talaga.
Sorry if long post po.