watch now

Author Topic: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10  (Read 75040 times)

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #340 on: May 19, 2011, 10:22:45 am »
I want danggit! ;D tsaka danggit tocino! :)

teka, yung gt mommies na group tayo tayo lang ba? :)
« Last Edit: May 19, 2011, 10:24:47 am by Grayce »

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #341 on: May 19, 2011, 10:25:07 am »
Maussie, thanks sa Nuvalife and AllVitaminsPlus info ha... try ko nga dyan para sa next order ko dyan

na lang ako kung mas mura nga than amazon...

On spot checks sa bahay, favorite ko iyang ginagawa :D palagi kong reason sa maid namin ay ang bait na namin sa kanya kaya sana sulit naman ang bayad and effort ko to beautify her... i bought her scholl para matanggal ang bitak bitak ng skin nya sa heels kasi pag nag slippers sya, naiinis si Bong (hubby ko) na nakikitang ganon ang heels nya... ipin lang talaga nya hindi ko pa mawork.. kaya excited na ako sa January to get her new set of teeth.. pati eyeglasses nya pinapalitan ko kasi mas malabo pa sa lasing ang itchura ng lens nya.. reimburse ko naman sa office kaya ok lang.. pero naka $180 din ako sa kanya doon.. kaya pag nagspot check ako, ineexplain ko kung bakit masama ang loob ko.. dapat pulido ang paglinis at pati ilalim ng sofa/tables nakukuha.. at ang likod ng mga divider naisasama sa linis.. hindi pwede ang "pwede na"..

On groceries, gusto ko enough lang for the week kasi minsan sa dami hindi ko napapansin ang expiration date.. nanghihinayang ako magtapon.. at hindi nauubos agad kasi ang konti namin kumain.. ang rice namin, 2 gatang in one meal ay madami na.. on toiletries naman or sabon sabon, hindi masyado malaki binibili namin kasi meron times na gusto ko magpalit ng brand at natatagalan ako ubusin muna ang meron sa bahay.. mahilig ako mag try try ng kung ano anong brand dito kasi.. hehe

skipper, add me up.. Pia Bong ang username ko.. sino na mga na-add mo..? hanapin din kita :)

ratacutie

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #342 on: May 19, 2011, 10:26:23 am »
sandali mamaya BR ako. Emotional meeting muna puntahan ko tapos Lolo Dad's.

Temporarily adios.

emeenem

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #343 on: May 19, 2011, 10:29:36 am »
Rata, vaporizer helps Dana when she has stuffy nose. Steam bath also.

Help mga moms, may way pa ba ibalik ang nanigas na Play Doh? after a few minutes lang kasi na exposed ang dough, naninigas agad. I end up throwing them. Baka may paraan pala di ko alam.

No need to pin this thread. Laging nasa taas ng Girltalkers Networks. :)

SI Ingrid ba of baghag yung may pics pero takip lagi ang face nya?

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #344 on: May 19, 2011, 10:31:05 am »
Nesz, masarap nga ang boneless tinapang bangus from Malabon.  The best!  Saka ang patis at bagoong at pancit malabon na original. ;)

Tin and Lia, I will send you PM re your Shoppersville orders. ;)

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #345 on: May 19, 2011, 10:34:42 am »
Weng and Marcia, salamski sa apps!!!!

Weng, hindi ko gets si basahang madumi.. ano iyon? hahaha ano nangyari kay chloe?? bakit meron dugo? nadapa at nakagat labi??? excited din ako!! isama mo si chloe!

mag yayahoo groups ba? parang mas mahirap iyon.. mapupuno email ko :D

Jen, true on basahan.. isa pa ang basahang kupas.. naiinis ako sa itchura nun.. pati ang hand towel ayaw ko ng may amoy.. nandidiri ako sa ganon.. kaya isang dosena meron kami nyan para walang dahilan na walang pamalit..

neszreyes

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #346 on: May 19, 2011, 10:35:56 am »
^^yes the best! kaya if may magpapabili para sa EB PM niyo lang ako..

Highly reco ko na kaya kong bitbitin:

Boneless Tinapang Bangus
Bagoong
Patis

yum!!!!

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #347 on: May 19, 2011, 10:39:44 am »
Lurker mode pero eto magpo-post na naman ako haha.

Re basahan.  May binibili akong cotton kitchen towels made in India sa Landmark na maganda and malambot, tapos classy ang design (ayoko ng may prutas prutas haha).  Minsan nga Martha Stewart pa ang brand.  May stock ako palagi kasi ayoko rin ng kupas.

Try ninyo ang Swiffer at Lysol/Clorox wipes pag nagmamadali sa punas or walang maid.
« Last Edit: May 19, 2011, 10:41:18 am by marose17 »

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #348 on: May 19, 2011, 10:42:05 am »
On walker, hindi kami nakagamit nito.. exersaucer lang.. walking wings bumili ako pero hindi nagamit.. mas naging ok pa ang lampin... mas nacocontrol ko... pinaligiran din namin ang bahay ng puzzle mats.. most of the time, sa indoor playground sya nagpapractice dito kasi malambot ang ground..

On condo and house, sa paranaque talaga ang house ko na pinaparent namin ngayon.. pero dahil sa most likely Makati area kami magwork pag umuwi kami ng pinas, bumili kami ng condo na pinaparent din.. wala kami nilalabas na monthly ammort para sa condo kasi ang bayad sa rent ng house ang nagbabayad sa condo ammort plus the monthly rent fee ni condo.. it's enough to shoulder including the parking.. pinapaikot lang namin ang pera.. ang vacant lot namin sa sucat ang hindi napapakinabangan kasi wala pa kami pera para patayuan ng apartment.. saka na siguro pag fully paid na si condo.. 5yrs na lang.. konting tiis na lang..

pasensya na ulit kasi ang layo pa ng binabackread ko... kaya si posts ko ay napakalayo sa current topic..

clueless

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #349 on: May 19, 2011, 10:51:40 am »
Backread nanaman. Sabi ko makapag-gt ako wala si b pero ngayon lang ako nagising and i have to shower in a few.

Marose, i'm so tempeted to get a 15" batchel in yellow. Or a 13" or 14" satchel. Nagemail nga ako sa schu if they have it in stock. If not, i will probably get from the GTer who sells. She has stocks arriving end of the month, open for reservation. A few hundred more expensive than schu pero ok lang. But she doesnt have batchels. I hope schu replies agad at nal-low eq moment nanaman ako.

Rata, lolo dads na today? Kami di pa makasingit sa sched, sana today kasi wala si b pero ang asawa ko mahirap gisingin.

Grace, i'm excited nga to attend the focus groip discussion. Basta it's about baby stuff daw. 8 lang kami. I asked nga if they need pa kasi i can refer jen and kim kasi 0-6 months babies namin but they have all 8 na.

Pia and grayce, thanks ha. Grayce, deposit ni hubby payment mamaya.

Re yahoogroups, bawal din sa office like GT so either way mahihirapan ako magtype. :P pero at least medyo mas private don?

Re basahan, i buy yung retaso na tinahi na maging round basahan. Sa kalye madami at sa palengke. Disposable basahan siya, super mura.

Kitchen towels ko are regular hand towels kasi ayaw ko din ng prutas design. Dish towels di ako gumagamit kasi lahat diretso naman sa dish dryer so no need to wipe.

Key words lang nakikita ko at sinasagot ko. Di ko alam kung ang sagot ay may kinalaman sa issue ng key words ng yon. :)

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #350 on: May 19, 2011, 10:53:55 am »
Marcia - if April to August ka, ganyan din time ako nagco-consult kay Dra M. Aug 2008 ako nakunan eh, so after that, babu na din.

Pia - check mo si Michelle sa Friends List ko, or dun sa GT Mommies, nandun name niya. Nag-post siya ng pix ng baby niya with dad. Add mo na siya  ;)

Re Yahoo groups - okay din pero alangan ako kase dami ko na nare-receive sa yahoo mailbox ko, isama pa dyan ang mga groupons  ;D

Re hand towels - di ako bumibili nyan kase si MIL, mahilig magpadala ng mga ganyan. So inaambunan na lang ako.

Re basahan - mga hand towels din na mura from SM ang pinapagawa kong basahan. Mas absorbent kase and tiyak tanggal ang dumi/libag sa kitchen tiles.

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #351 on: May 19, 2011, 10:59:23 am »
jen, marose, from the sound of it, scary na cya :( 1 of my aunties here, bed rest rin cya pag nagbubuntis, d ko alam ano condition nya dati since i never asked her or nakichika about it. one of my closest friend naman na parang ate ko na, may endometriosis naman. kaya d na makabuo. prior to that when she got pregnant, nagka placenta previa pa cya. kaya bedrest daw cya nung nalaman on her 8th month e pareho ko pa namang gala yun... ;D

nakakabigat ng puso pag nakakarinig ako ng mga ganyan since i had ovarian cyst before, tapos PCOS pa ako. kaloka. the culprit is stress according to dra. illescas :-\ eh yun yung mga oras na madalas ako mastress sa family kaya yun.

tinatakam talaga ako sa frap ngayon pero ayoko ng masyadong OA na pila, kaya sa changi airport kami gagala ni J mamaya ;D sana lang makatulog cya para kahit papano i can do some reading. namimiss ko na tumambay sa labas para lang magbasa ng books..

pia, ayoko rin ng dirty basahan! :( yan ang kinaiinisan ko sa mga boys dito. kaya kunsumido ako sa mga to everytime na makikita kong madumi ang bahay (which is madalas lalo na ngayon). major sermon inaabot nila sakin thru text ::)

lisa, inggit ako sa FGD! madaming ganyan dito and i got invited twice na, nasa $70 ang bayad. kaso d ko naman maiwanan si J or  alanganin naman na isama ko :( sayang, pambili rin ng chanel yan o :P

yapeegurl

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #352 on: May 19, 2011, 11:01:00 am »
On yaya's toiletries, J&J shampoo sya yung honey.. Lux pink ang soap, colgate ang toothpaste, nivea lotion, at calamansi ang deo nya... ang lux naman dito ay 6 small bars for $1.50 so ok lang.. ang shampoo is $7.90 yung pinaka malaki na.. maiksi naman buhok so ok lang.. nivea lotion ay ang tira ko.. actually ang lotion nya palaging tira ko.. paiba iba kasi ako ng lotion (mostly mga whitening sakin hahaha)

Maussie, gusto ko ng AAP na book.. dadaan ako sa fully booked.. green mangoes ko din ay with knorr seasoning naman noon.. ang sarap! nangangasim ako!

Bisaya mommy ko.. Ilokano daddy ko.. i understand both dialects.. but I can only converse in bisaya (pero gamay lang.. hehe)

Re: Patis, hindi ako mahilig dito pero one time nagdala dito ang mommy ko na patis galing romblon.. til now meron pa at ang sarap nito with tinola and nilaga... si yaya and bong nag aaway sa patis kasi nagalit si bong na ang bilis naubos eh favorite daw nya.. sabi ko hayaan na lang kesa sa sya magkasakit sa bato..

Tin, si yaya na gf ni pinsan ba ang bumalik? pano nangyaring bumalik? nitext mo ba? or kusa lang?

marose17

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #353 on: May 19, 2011, 11:05:12 am »
Lisa, ang bango ng leather ng Cambridge satchel!  Gusto ko muna makita kung maganda talaga.  Maganda naman.  Iniisip ko pa kung paano ko gagamitin. Gusto ko talaga ng pink pero carry ko kaya eh senior moment na nga ako madalas.

Kay krisslim ka ba order?  May 1 pa kong kilala na seller hindi taga GT.

Hindi ako mahilig pala sa green mangoes.  Mas mahilig pa si hubs.  Kakaloka, si Marty mas type ang green na Indian mango kaysa ripe mango.

Pia, Ilokano pala ang dad mo.  Ilokano si hubs.  100%. Pero hindi siya kurips.

domestic diva

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #354 on: May 19, 2011, 11:05:45 am »
^masarap din ang sapin sapin from Malabon :D

Marose: ako din. Looking only sa bags. Kaya ko pa magpigil. Whew! Have other things to invest in before luxury shopping.

Lisa & Jen: sometimes I buy round basahans na retaso esp the ones sold going and coming home from Trinoma. That street na may golf course? Ang kyoot kasi ng mga design ng retaso basahan nila. And then correct, tapon na. I also buy the basahans at SM. Absorbent siya. And I color code the basahans. Kailangan para spot ko agad pag maling basahan gamit ng maids.

Sino in charge sa yahoogroups? Sali ako :D

wengerts

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #355 on: May 19, 2011, 11:08:19 am »
hindi ko alam if good move ba yung yahoogroups haha kasi madaming hindi makakasunod ;D whatchatink gels?


domestic diva

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #356 on: May 19, 2011, 11:16:07 am »
Hi Weng! In my experience, I feel that it's better. I have a mommy group that I've been friends with for 14 years (including the time we were all pregnant with our kids) and nakakasunod naman kami sa mga topic.  Walang nahuhuli kasi may mga subject sa emails :)

redrose

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #357 on: May 19, 2011, 11:16:35 am »
Grace - may mga retaso din ako. Binibili ko dun sa mga bata na naglalako sa daan, kawawa eh. Nagagamit din as basahan yun.

Weng - ano pa ba ibang way para ma-private usapan aside from yahoo groups? Oo nga, minsan kase minsan super private na ang chikahan natin dito. Mahirap na! Baka may mga lurker na chuchu  ;D
« Last Edit: May 19, 2011, 11:19:13 am by redrose »

kimdimatulac

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #358 on: May 19, 2011, 11:19:45 am »
weng, baka si odette is si dette?

LC lemming sisses and lisa, pano ba malalaman if authentic ang LC? meron ako nakita sa sulit super mura lang eh. i asked why mura, she bought them on sale daw sa UK. here's the link of her ad.

Grayce

  • Guest
Re: Moms of the Childbirth and Child Care Threads - Part 10
« Reply #359 on: May 19, 2011, 11:22:02 am »
marose, natawa ako dun sa ilocano = kurips ;D may ex ako dati na madalas mapagkamalang ilocano dahil sa sobrang kakuriputan. tipong one time nasa gh kami e i bought a drink, nakiinom cya tapos naubos nya, i asked him to buy me a new 1. ayaw ba naman! >:( talagang nagdabog ako infront of his friends & told them na pagsabihan friend nilang kuripot tapos sabay walk out. LOL.

ok lang ang pink bag! go na! ;D nice cya lalo na pag mga soft colours lang na clothes ang suot.

pia, for some weird reason d ako mahilig sa patis. takot ako sa maalat dahil takot ako sa water retention :P and nakaka puffy eyebags! siempre umiral ang pagiging vain ko na naman ::)

nakupo, manggang hilaw! pag nasa manila ako unahan kami madalas ng brother & mommy ko dito. LOL. pero talo kami palagi ng mommy ko sa brother ko :P

grace, pareho tayo. hanggang tingin lang talaga muna. mahirap nang mapasubo. ang pinakamahal lang na bag na nabili ko for myself is coach. kung meron man ako iba, most of the time kinupit ko nalang from my relatives a.k.a. mga lola ko ;D madami kasi ako mga vintage na clutch ng bally, ferragamo, valentino o diba halatang mga galing sa lola ko, ang mga brands pang dekada 70's hehe!

kim, hallu batchmate! ;D ingat sa pagbili ng LC madaming fakes nowadays. kahit dito meron ako mga nakikita  :-\

 

Latest Stories

Load More Stories
Close