Lisa, diba Cath Kidston free shipping sa UK?
Marose and Milette, uy pare pareho pala tayo ng case before. Paranoid yung first OB ko noon si Dra. Eileen Manalo (got her from GT) kaya palagi akong bed rest. Halos 1st trimester ko bed rest ko. Tapos nung pinagpipilitan nya yung OGTT eh naka ilang try na ako sinusuka ko talaga kaya nagpalit na lang ako ng OB.
Okay ang area namin dito sa may Kaimito Valle 2. Maraming mini villages na puro townhouse/low rise condo. Baka gusto nyo rin iconsider. Old school condo kaya may puno puno, hindi separate ang bayad sa parking at okay ang amenities.
Yung helper namin 6 years na sa amin. Bale helper turned yaya siya. Yung recent na nakuha naming helper, okay din naman. Marunong magluto so I don't have to hurry home para makakain na ang hubby ko before he leaves for the office. Malaking bagay. Dati kasi, na stress na ako sa work, na stress sa pag drive tapos pag uwi ko I have to cook dinner pa. They buy their own toiletries. Pero minsan nagpapabili sa akin, tapos di ko na lang pinapabayaran. Hindi naman abuso. Except for malakas gumamit ng Ariel and Kiwi floor cleaners. May dati kaming helper, yung pambahay nya naka Downy, yung amin hindi.
For those who have ipads, try nyo download sa appstore (free) yung Hutos. Cute nila. fave ng anak ko. Sa ipad natuto si Dana ng colors, magspell (word world), makarecognize ng letters, parts of the body, mag count, mag solve ng puzzle (Thomas Train pack) at magmatch ng pictures (memory game). I'm not promoting ipad as a primary learning tool pero I'm just saying that it helps. May benefit din naman

.
I want a house too pero hindi pa kaya ng finances. Contented pa naman kami on what we have right now.

May house na binibigay parents in law ko pero bukod sa malayo (Las Pinas) eh tapat pa ng bahay nila. Malaki siya sa kung malaki pero ayoko pa din. We tried living there for almost a year pero mahirap din kasi malayo sa work and magkaiba pa kami ng shift ni hubby.
Sana may GT gadget na purely pang GT lang :p
Grace, let me know pag naalala mo yung isa pang okay na school in Mandaluyong aside from Explorations ha. Parang malayo ata sa amin yung Explorations. Thanks!
Sobrang dalang ang brownout dito sa amin. Dati nung panahon ng Ondoy, never kaming nawalan ng kuryente. Sabi dati rotating brownout pero hindi nangyari sa amin dahil baka malapit kami sa Meralco Ave? LOL!
Matry nga yang famous patis na yan. Mapatis pa naman ako. Kahit itlog na maalat na ihahalo sa rice, pinapatisan ko pa.
My SIL's fiance is Costa Rican. Parang pinoy lang kasi strong ang family values nila. Very low key profile din.
I tried cooking one of the recipes na nakita ni hubby sa TLC. Stuffed Chicken breast lang na ang stuffing eh breadcrumbs, parsley, parmesan, garlic, egg, salt and pepper. Tapos coat the outside lang ng cornstarch. Then fry! Wagi! Yung original recipe was fish. Kaso hindi kami kumakain ng veggies and fish. Ako ayaw ko talaga. Si hubby nahawa sa kaartehan ko. Bihira lang na fish and veggie ang kinakain ko like yung sa Fish&Co, togue and romaine lettuce.
Lisa, ayaw ng maids ko ang WOW ulam. wala daw laman. Diba si Coco Martin ang model nun?