watch now

Author Topic: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2  (Read 129922 times)

gharz412

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #480 on: December 01, 2015, 03:02:14 pm »
I'm not sure if this is the right thread to vent out my issue with my MIL. But it has something to do with these. Mabait naman siya eh supportive naman until last saturday nga. I posted in other thread din about hubby na minsan hindi naman talaga nagpapaalam or a minute before bago umalis dun magpapaalam saken. So mga sis hubby asked me a favor to stop muna sa work ko and be a fulltime mom and wife focus lang ako dun siguro mga three or twice a month lang kame namamasyal so here comes november since may this year ganun mga sis bahay lang talaga so kahit minsan naiinip ako dahil diba kahit naman katulong kelangan ng rest day. So 2nd week of nov. We planned na mamasyal kaso di natuloy kase nagkasakit yung 2year old son namen so sabi ko next week and hubby agreed so as usual hindi nanaman natuloy dahil narin sa kabusyhan ng asawa ko within those week yun nnga na si hubby twice sinusundo ng mga kaibigan nya na kahit ayoko or pumayag man ako wala narin akong magagawa gawa nadin na andiyan na sila so i tried to understand peri sabi ko baka naman pwede na tayo mamasyal ng nov.28 kase yearly kme nanunuod ng pyrofest and sakto nga na nung last sat. Dapat. So before pa nun umaalis pa yan si hubby with my MIL na hindi nagpapaalam which is okay pa sana eh mga sis hindi ko alam kung ano nilalakad nila and halos may mga times na hindi ko na nakakasama kumain asawa ko na pinalagpas ko so heto nnga here comes nov.28 nagsabi tong MIL ko na makikipagparty daw siya so inisip baka isama niya na naman anak niya. So tinanong ko si hubby ng maraming beses kung sasama ang sabi niya hindi daw dahil merondaw siyang client at kotseng titignan nagbbuy and sell hubby ko mga sis. So sabi ko okay basta yung usapan naten 7pm aalis tayo and i even asked him kung dito siya sa bahay maghahapunan and he said yes. So around 430 umalis sila. Nag antay ako hanggang dumating 7pm so i called his phone pero cannot be reached so i called my MIL and tinanong ko kung kasama niya si hubby and she said yes and binigay niya yung phone kay hubby. I said "kumusta ang party?" Nag eenjoy kaba? Kala ko ba may client kang kakausapin? So yun lang and then i hang up the phone. Mga sis around 750 dumating si hubby sa bahay as in napaiyak sa sobrang galit ko sa kanya. I only asked for his time and why did he lie to me. I even asked him many times kung sasama para sana kung alam ko hindi na ako umasa na aalis kame. I find so unfair kase im not asking for anything but only his time. I gave up my job i rarely even see my friends and family. Pero siya halos araw2 kasama family. Kase mga sis nakiusap si hubby na dito muna kame sa lumang kung san andito yung dad niya para daw maalagaan namen. Hiwalay na kase inlaws ko not legally pero [textspeak!] mil ko umuuwi sa anak niyang panganay so kame dito pero mil ko may ari ng bahay na toh kaya laking taka ko nung nov.29 umaga dumating siya and nagpprepare ako ng labahan ko. Binagsakan, niya ko ng pen sa table and nakasimangot siya and nung lumabas pabagsak din as in malakas sa gate so di ako umimik. Ginising ko si hubby i asked him kung ano sinabi niya kagabi sa nanay niya. Ang sabi pinamamadali na niyang umuwi kase nagalit daw akosabi pa ni hubby di naman daw din kase alam ng nanay niya kung anong reason bakit ako nagalit. And it wasnt even my fault sabi ko kay hubby talked to her kase diko deserved treatment niya saken kung may problem siya wag niya ko dabugan dahil isa na ako samga pinaka maluwag na asawa na kahit pagsama sa mga check ups niya at party niya hinahayaan ko silang mag ina. Kaya until today di niya ako kinakausap i didnt mind her as well na pati apo niya dinadamay niya. Kung di lang ako naaawa kay hubby uuwi ako smen. Hindi kase ako [textspeak!] tipong nagpapaapi but since i still respect her diko na pinapansin kahit magdabug siya wag lang maubos pcensiya ko. Im just so dissapointed with her. Di pa niya alam story react agad to think na ang anak niya may kasalanan sken. Pcensiya na napahaba story ko. Hindi ko langkase alam kung makakatagal ako dito.
« Last Edit: December 02, 2015, 09:46:09 am by gharz412 »

tischarmedlife

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #481 on: December 02, 2015, 02:44:54 am »
^ for me sis, you deserved your husband's time of course and sa lagay na yan na mas madalas pa silang magkasama ng nanay nya kesa sayo, I would have been mad din if I were you. Issue din namin ng hubby ko ang time. I discussed it with him and eventually naintindihan naman nya so now, pag day off nya sa akin lang talaga sya.  ;D Talk it out with your husband. I'm sure he'll understand. ;)

gharz412

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #482 on: December 02, 2015, 09:44:54 am »
@tischarmedlife; alam ni hubby sis may mali siya its just that i dont understand why his mom reacted like that. Im not against her and besides ang issue is between me and hubby di panga niya alam yung side ko pagdadabugan niya ko. Yun yung kinakadisspoint ko sa kanya.

duhyan

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #483 on: December 02, 2015, 10:11:04 am »
;D so true!!!! Nasigawan na nga ng OB ko minsan yung GMIL ko eh! Alam ng pedia at ng OB yung mga concern ng matatanda pagdating sa bata eh! kaya conflict. Ineexample niya sa akin yung Nanay ni hubby na kesyo naglalakad raw every morning during the time ng preggy siya para raw hindi mahirapan manganak eh samantalang CS rin naman ng 3 beses. You also said it right sa last part. talagang maikli ang pasensya nya sa mga tao at binubulyawan niya. Mali rin naman yung mga dinikta niya sa akin about pagluluto, and the way she cooks very unhealthy and improper. Natikman na nga ng Tita ko minsan at napuna na sobrang maalat. Kaya napatawag siya ng di oras sa Mommy ko and they were alarmed.

MIL ko din ganyan magluto! Haha nakakaloka lang kasi mas marunong pa sa doctor. Naiistress nga ako everytime na ikekwento nya yung buhay ng ibang tao. Good thing sinasaway sya ni hubby na wag pakialamanan kasi hindi naman ikauunlad ng Pilipinas yon. Lol

sarsingkit

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #484 on: December 02, 2015, 10:41:17 am »
^^you just did the right thing in talking to your husband to talk to her mother. I personally have not had any altercation with my in laws but anything that means serious business, I let my husband talk to them. So for now, ignore mo na lang si MIL, hindi nyo din naman sya kasama araw-araw.

Now regarding your husband's time. Sometimes kasi, when one of the partner is stay at home, the other partner thinks that you are always available. So si husband, maybe, thinks that since you are always there for him, iniisip nya, he can always make it up to you. When he realizes that your time is precious, he'll be clamoring for it more. My husband and I have different work hours and we both have part time school so busy kami lagi and Friday night, Saturday night and Sunday lang kami nagkikita. Other than that, we see each other pero tulog ang isa. Because of that, napansin ko, hindi ko na sya kailangan sabihan na magspend naman kami ng time. Sya na mismo knows, that if he missed spending time with me on a Sunday, next weekend na ulit ang bonding namin.

Purple_Power

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #485 on: December 02, 2015, 03:27:46 pm »
Regarding husband's time. Naiimbyerna ako during that time na hindi ko makahingi ng tulong sa husband ko sa mismong bahay. Mas inuna pa niya yung rant ng Lola niya na wala namang kwenta at pare pareho lang naman yung mga nirereklamo, hindi pa nakuntento sa mula ulo hanggang paa na panglalait sa mga anak niya at pagmumura niya. Sa inis ko sinabi ko na gusto ko nang umuwi sa amin kung ganyan rin lang.

gharz412

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #486 on: December 02, 2015, 07:17:06 pm »
@sarsingkit: hinayaan ko na nga siya sis actually ngayon may changes naman si hubby. Diko ndin masyadong pinapansin mil ko basta okay kame ng anak niya basta sa pagkakaalam ko wala akong ginawa sa kanya.

la_pinay

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #487 on: December 08, 2015, 03:30:46 pm »
^ I feel you sis. "feeling entitled" is the best word to describe it. MIL ko rin feeling deprived pag may date or out of town kaming mag asawa (wala pa kami anak). even when we buy things for our house. laging may inggit factor. she'll suddenly bring up things na gusto nya ipabili.

my biggest fear din is yung sa kanya umikot  ang mundo namin. lalo na [textspeak!] pag nagka anak kami, ngayon pa lang eh nagpaparinig na sya na hindi nya keri mag alaga. ako naman ayoko talaga tumanaw ng utang na loob. tsaka hirap pag living with MIL eh feeling nila in control sila sa lahat ng bagay. example na lang is hindi pwede gumamit rice cooker kasi magastos sa kuryente. eh helloooo sino ba nagbabayad ng bills??? hindi nako nakakatimpi minsan talagang sinasabi ko na kay hubby pag naririndi ako sa mother nya. tska hilig magparinig. parang eveything has to be done her way.

Purple_Power

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #488 on: December 08, 2015, 04:16:18 pm »
Nakakarelate rin ako dun sa yung gusto umikot ang mundo at buhay sa biyenan. Hindi ko rin na enjoy ang pregnancy days at saka yung fresh days ng pag-aasawa namin. Kasi puro byenan ang pinagikutan ng pag-aasawa namin. Alam mo yung feeling na parang hindi iisang tao ang inasawa mo kundi itatali mo rin ang sarili mo sa biyenan. Yung feeling na parang akong nakabigti sa byenan araw araw. Nakipag-away ako ng matindi sa asawa ko nandahil sa Lola niya. Nanginginig talaga ako sa galit. Ngayon ni makita ayoko na. As I mentioned earlier akala ko naman kasi marangal na tao Lola niya the way na pinababango ng hubby ko mga mali ng Lola niya, but sad to say nakita ko na lahat.

tintin19 you mentioned this
kaya lang pinagkakait nilang mag-ina ang bata sa pamilya ko. Di pala siya nag-eenjoy sa pag-alaga ng bata, e di sana ipaalaga nila yung bata sa pamilya ko na matutuwa pa.

Sa pagkakaintindi ko na mag-ina it is your husband and your in-law. Ang tanong ko dyan bakit nila kailangan ipagkait at ano ang karapatan nila? Ikaw ang INA at galing sa tyan mo ang sarili mong anak kaya WALA SILANG KARAPATAN! na parang pag-aari ng MIL mo ang bata. Kasi kung ako nasa lagay na yan, nakikipag-away na ako sa pagkakait na yan. Although to be honest in our case naman ako gumagawa nito na ilayo yung bata sa Lola ni hubby in which inamin ko na rin naman kay hubby na gusto ko nang ilayo ang bata sa Lola niya. Ayoko nang madamay pati anak ko sa mga pagwawala ng Lola niya. Kanina lang sinabihan ko na hindi pwede sa anak ko yung sasabihan pa ng Lola at ng Nanay niya na "gusto mo palo?" now pa lang kahit hindi pa nangyayari inuunahan ko na asawa ko dahil nga ayoko sa kanila. Saka nung pagkapanganak ko rin inangkin agad nitong Lola yung bata eh! so ako naman para sa akin tama na. Oo nga pala bakit hindi ka na lang umuwi sa family mo? or dun na lang kayo ni hubby? Kasi ako umuwi talaga saka dito na kami ni hubby nakatira, paminsan minsan na lang umuwi si hubby sa kanila. Alam ng Nanay ko story ko sa Lola ni hubby, kahit Mama ko inis rin, though nung bday ni baby sinabi raw sa Mama ko na pasensya na raw sa kanya.

la_pinay naranasan ko rin yang pinagbawalan akong manood ng TV pero kami naman rin nagbabayad ng bills. Samantalang siya maghapon nanonood. Umalis na lang rin ako sa bahay nila hubby kasama yung bata. Escape root na yung pinag enroll ko yung bata sa swimming. Muntikan ko na nga ring murahin Lola niya eh! Kasi iba talaga asal. I also have issues to my past Lola yung Nanay ng Mama ko, pero kapag naicompare ko mas may breeding pa rin Lola ko.

sarsingkit

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #489 on: December 09, 2015, 01:11:46 am »
Araw-araw si MIL may sermon, sumbat o hingi ng pakonsuelo. Parang bata na kailangan pasalubungan ng takeout fastfood gabi-gabi bilang kapalit sa kanyang pag-aalaga.. kahit na alam niyang kapos kame. Feeling entitled, akala mo may pinatagong pera. Hindi ba apo naman niya inaalagaan niya? Nasaan ang unconditional love? Samantalang ang magulang ko, willing mag-alaga ng bata ng walang kapalit, kaya lang pinagkakait nilang mag-ina ang bata sa pamilya ko. Di pala siya nag-eenjoy sa pag-alaga ng bata, e di sana ipaalaga nila yung bata sa pamilya ko na matutuwa pa.

Ikaw yung nanay, insist that you have the right to your child na ipaalaga sa kung kanino mo gusto. So ipaalaga mo nalang sa parents mo total sabi mo masaya sial alagaan yung anak mo.

Although, I will say, your MIL deserves to be rewarded by taking care of your child. Magbabayad din naman kayo for a yaya diba, so I think, giving her something a little token here and there is not bad at all. Old people, especially grandmothers want the happy aspects of having a baby. Kasi at that age, tapos na dapat sila sa pag-aalaga. She has already paid the price with your husband. Nalulungkot din siguro na stuck sya sa bahay. Kaya kung mas okay yung parents mo, insist mo na lang na dun na lang alagaan.

Purple_Power

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #490 on: December 09, 2015, 12:12:49 pm »
^I actually understand your point that Grandmothers deserve to be rewarded pa rin, pero I strongly believe hindi na nakakabuti yung paniningil kasi in reality the more they are doing it mas lalong nakakawalang gana. Baka lang tintin19 did her part of doing it pero nakakafrustrate na pinaparamdam sa kanya na kulang pa rin. I could actually relate a bit to her kaya I know the feeling of sinisingil lalo na pwede naman palang ipaalaga sa sarili niyang Ina na ikatutuwa at hindi pa hihingan ng kapalit. I just cannot imagine kung bakit ipagkakait ng mag-ina yung bata napaka ironic lang. Baka naman kasi navolunteer pero nanghihingi rin naman ng kapalit. Ano ito ex deal?

The advantage lang on my case na I am working at home pero kung office base ako malamang nyan ganyan rin ang experience ko, yet wala pa man din akong tiwala sa Lola ni hubby. Umabot rin sa point na hindi na ako sumusunod sa lahat kasi ang daming dinedemand nitong Lola and the more I am doing it lalo pa siyang naghahanap ng mali. Kaya nagsawa na rin ako, then kami ni hubby away ng away hanggang sa siya rin nag-adjust at pinagsabihan nitong Lola kung bakit ako naging ganun. Sa totoo lang I realize those old people can adjust too. Kaya naman nila, hindi ko lang alam kung they are just giving you challenge sa patience.

ney2me

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #491 on: December 09, 2015, 01:41:37 pm »
Dami talagang issues sa mga ILs, lol..

Ako naman swerte sa asawa, malas sa in laws. Yung mil ko, ka tanda tanda na utangera pa din..katkat ng utang, di ko alam saan dinadala kinikita ng father in law ko..kumuha ng bagong condo at sasakyan, wala naman pambayad. Ok lang sana eh kung di kami guguluhing magasawa.. Ang siste, sa min gusto ipasa yung kinuha nyang condo. Buti na lang me excuse na ko kasi kakukuha ko lang din ng bahay..at ngayon, nangungutang na naman, di nya iniisip na nagiipon kaming mag asawa kasi manganak na ko next year. Text ng text sa kin, sabi ba naman madamot daw asawa ko, at yung magiging baby daw namin magiging madamot din sa min!! Me mga verses pa sa bible, as if napakasama naming magasawa..The nerve talaga!!! As if tutulad ako sa kanyang asa sa anak!! Kasalanan ba namin na  masyado syang maluho at waldas?? Me asawa na anak nya at start pa lang kami magpamilya!! Kahit kelan muka syang pera..mag bf-gf pa lang kami ng anak nya, inuutangan na ko. Walang bayaran! Pati mother ko inuutangan!! Kapal!!

Yung bil ko naman, me asawa't anak na, asa pa rin ke husband. Nung time na magpakasal sya, manganak asawa nya hanggang panggatas ng anak nya sa amin pa rin. Lumuwas ng manila, sa amin na ang accommodation, me monthly allowance pa. Pati padala sa asawa't anak nya, sa asawa ko nanggagagaling. Baka naman pati pagaaral ng anak nya sa min pa rin!! Lalaking walang backbone!! Kainis!!

Purple_Power

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #492 on: December 09, 2015, 02:38:02 pm »
^Grabe hindi ko kinaya ang MIL mo sa kwento mo pa lang.  ;D Hihimatayin ata ako nyan. Dapat lang na hindi magbigay si husband sa kanila ano. Hindi naman sa kailangan maging madamot pero naman huwag naman pasakitan ni husband mo mga luho at pagiging pasaway nila. And that with the bible verse kasalanan yan sa 10 commandments ha! using God in vain para maging mabenta yung pangonsensya niya at mapilitan kayong magbigay. Yang utang na yan talagang hindi mawawala yan hanggang mamatay unless makulong siya or may ibang mangyari para matauhan siya. Your story actually reminds of my Aunt although hindi naman parehong pareho. Yung Aunt ko is sister ng Papa ko, ang kwento sa kanya lokong loko sa napangasawa niyang Thai noon yung tipong magpapakabaliw nandahil lang sa lalakeng yun. Because of that umabot sa point na utang rin ng utang o hingi ng hingi ng pera kung kani kanino na wala nang bayaran paano kasi samahan mo pa na sugarol ang lalakeng ito. Meron pa nga kamuntikan na siyang ipakulong pero tinulungan naman ng hipag ng pinsan ng Papa ko. Maraming issues. Umabot sa point na ginamit pala nitong Aunt ko yung name nung anak niya I think regarding sa utang rin sa pabahay, basta sa US ito eh! Hindi nabayaran ng tama so nadawit pangalan ng pinsan namin tapos dahil dun hindi makakatrabaho sa malalaking companies yung pinsan ko whereas he has big potential dahil genius siya. Nangyari tuloy of course galit talaga cousin ko sa kanya hanggang sa nung nagkasakit kinamusta lang over the phone then days after that namatay na Aunt ko. Pero hindi nakipaglibing yung cousin ko. Of course yung mga tao lalo na tatay ko would say negative things dun sa pinsan ko. Although ako naiintindihan ko siya na alam ko pinatawad na niya yun pero ayaw lang niya maging literal tapos magiging subject ng issue.

My point lang is huwag naman umabot sa point nandahil lang sa utang ng MIL ang dami na niyang nakakaaway tapos madadamay pa kayo. Pwedeng mangyari yun. Yang utang sa totoo lang SAKIT pa rin yan eh! Disease na mahirap nang ma cure. Huwag lang kayong paapekto sa paawa at pakonsensya effect niya. Kasi you'll never know kayo naman nagsusuffer.

ney2me

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #493 on: December 09, 2015, 04:25:03 pm »
^ay nako sis sinabi mo pa!! Buntis na buntis ako stress-in ako sa pangungutang nya! Hindi nagkulang ang asawa ko sa parents nya, ang problema, abuso naman. Mabait ako sa mabait, pero wag nya naman idamay pati batang pinagbubuntis ko! Na magiging madamot din sya paglaki! O diba ang bait ng byenan ko? Before kung ano anong reason nya para lang makapagpadala ng extra pera sa kanila, nagiimbento pa sya ng sakit, kaya nadala hubby ko. So since, nag-aaway na sila mag-ina dahil sa pera, gusto nya sumikreto ng utang sa kin, at wag ko daw sabihin sa anak nya..turuan pa ko nagsinungaling!! Di ko rin alam kung pano nya nauubos padala ni father in law..katkat pa ng utang! Alam ko lang me kayabangan talaga si mil. Tagal tagal walang napundar. Imagine, gusto mga signature pa na bags samantalang mga baka at kalabaw lang naman makakakita sa probinsya nila!! Samantalang ako pinipilit kong tipirin kita ni hubby at business ko kasi me mga binabayaran kami at darating pa si baby. Before napautang na rin namin siya, utay utay ang bayad, halos pa thank you na lang, kaya nakakadala talaga.

ney2me

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #494 on: December 09, 2015, 04:56:58 pm »
Dagdag ko pa...everytime magtetext si mil, kamusta muna sa simula. Sunod na text nya kelangan ng pera. Kaya everytime me narereceive akong text, kinakabahan ako eh. Parati kasing ganun. Pag nasa manila yan at nagbakasyon sa min,  feeling ko ayaw pasapaw sa kin sa anak nya. Gusto na sa kanya atensyon ng anak nya. Parati ko nahuhuli na pinag aaralan mga galaw ko. Pero ok lang, dedma lang sa kin. I remember one time na nagbakasyon sya, pinagshopping pa namin sya ni hubby. At nung uuwi na sya, binigyan pa ni hubby ng pocket money worth 4k. Pagkahatid sa airport, tinext ako, salamat daw sa "limos" namin!! Kaloka, limos lang pala sa kanya yung 4k!! Ako pa talaga tinext nya!!
Never ako naging masamang manugang sa kanila. Kasi bilin ng mother ko magkulang na ko sa kanila, wag lang sa in-laws ko. Pero kung ganyang ginagawa kaming palabigasan ng asawa ko, di naman yata pwede, lalot magkakaanak na kami. Di habambuhay kami ang susuporta sa buong pamilya nila. Hirap kasi inuna nila ang luho, kaya yan ang anihin nila ngayong matanda na sila.
Ay nako salamat na lang at malayo probinsya nila. Kung nasa isang bubong kami, baka ano na masabi ko.
Buti na lang din at ok kami ni mister. Actually, nahihiya nga sya sa pinaggagagawa ng nanay nya eh, lol.

Purple_Power

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #495 on: December 09, 2015, 06:16:39 pm »
^Parang alam ko na kung bakit sya ganyan. May pinagyayabangan siya sa probinsya. Honestly very common yan saka marami na rin akong alam na taong ganyan yung nagpapadala sa simpleng chismisan at inggitan tapos nakikisali siya run. Ayan tuloy parang feeling ko nagsimula siya sa utang na napapatawad yung maliit lang tapos lumalaki ng lumalaki. Tapos lahat binobongga niya para lang hindi siya matalbugan. Result is ibang tao ang naghihirap dahil sa pakikipagpayabangan niya sa ibang tao. Ang hirap nyan. Parang sa kasinungalingan lang rin siya nabubuhay. Yet ayaw niya umalis sa comfort zone.

sarsingkit

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #496 on: December 16, 2015, 12:10:32 am »
The ultimate solution is for you to move and get a separate house but then parang ang tagal ata ng ultimatum mo. 2017 pa, 2 years pa yun. I would give it a shorter time and see what happens. You wanna to test him kung gagawin nya kaso parang ikaw yun natetest kasi nagbabanta ka na humiwalay pero hindi natutuloy.

ney2me

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #497 on: December 16, 2015, 07:55:54 am »
^^hi sis tintin19, nag changed na nga ko ng cel number para maiwasan ko na si Mil eh, though me blessing din naman ni hubby. Ayaw nya rin ako ma stress sa family nya, lol. Di ko rin sya ina-add sa fb. Ok na rin yun, iwas sa problema. Buti na lang din at madalang kami magkita, hirap makisama sa mga in-laws noh!!

Purple_Power

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #498 on: December 18, 2015, 04:49:44 pm »
tintin19 Gaano ka na nga ba katagal nakatira with your hubby and MIL? Ako nga pinagsabihan na mismo ng Nanay ko na huwag na raw ako makipag away nang husto sa asawa ko tungkol sa Lola niya since siya naman nagpalaki sa asawa ko.  ;D Oh well tama naman pero siempre kapag nakatira ka with your in law talagang hindi na ito maiiwasan. Mahirap sa tulad nating mga wife na nakatira tayo sa in law and yes technically ang trato lang sa atin is nakikitira lang kaya ang magiging systema ang laki pa ng utang na loob natin. Now that I've also experienced a horrible in law natuto akong mag stand and labanan at the same time. Ako pa nga nagbibigay ng konsensya to hubby kung gusto ba niya maranasan ng daughter namin yung pinaras sa akin ng Lola mo? Ang kinagandahan talaga sa part ni hubby he really talk to his Lola ng do's and don'ts kaya naagapan agad eh! Kapag sinabi ko na ayoko nito at nagreklamo kay hubby agad agaran niyang sasabihin sa Lola niya. Kaya Lola niya natutong magpigil na kapag mainit ang ulo at may gusto pagbalingan hindi na ako naisasama kundi yung tito at si hubby na lang. It came to the point na yung Lola na rin ang nag-adjust sa akin. Nagkaroon na rin ako ng freedom to express everything ng derechahan kay hubby lalo na yung mga ayaw niyang marinig about sa Lola niya sa akin niya narinig and I really defended it.

About naman sa pagtitira ni husband sa amin naman, tutol rin nung una talaga si hubby kasi natatakot siya na kung ano na lang raw sasabihin ng magulang ko. Nataon rin kasi Nanay ko offered us na sa kanila tumira, 1 compound but different house pero it boils down na kasama pa rin namin parents ko. Nanay ko strongly nag offer na kami tumira sa another house dahil umalis na bro ko yet may issue naman siya sa father ko kasi ang kinatatakot ng Mama ko na ipaupahan sa iba. Nanay ko naman na nagsabi mismo na hindi pa naman namin kaya maging independent kasi hindi pa kami ganun ka stable financially and yet we need help, alam rin naman ng Nanay ko na nag-aabot rin ako sa bahay nila hubby. Kaya yung worries ni hubby kung kaya ba ako buhayin is not a big deal anymore to my mom, yet pinagsasabihan ako ni mama ko na huwag ko raw nag asawa ko  ;D Biglaan ang naging decision ng paglipat namin, yet hindi naman kami nag-usap ng maayos regarding ni hubby tungkol sa paglipat dito sa bahay ng parents ko basta nag affirm na lang ako sa Nanay ko na dito na kami titira. Tutol si hubby kasi ang sinasabi niya na dahil dun daw kami sa kanila nakatira. Nanaig talaga mabuti yung sinabi ko na ayaw ko na kasama yang Lola niya. Of course pinag-awayan pa rin namin. Pero in the end wala nang nagawa si hubby kasi dahil nga ayaw ko eh ayaw ko na.

Natural lang na maging masunurin tayo sa magulang o nakatatanda sa atin, pero isipin rin naman kung ano ang reasonable at hindi na. Nainis rin ako kay hubby noon na panay ang sabi ayaw ng Lola niya ng ganito at ganyan. Nagsawa na rin ako sinabi ko puro na lang Lola mo iniintindi mo. My hubby is expecting me na intindihin yung Lola niya but eventually nagsawa rin ako at hindi na ako pumayag.
Dinerecha ko rin si hubby na parang akong nakatira sa mga buwaya na pagkakaisahan ako at ako ang agrabyado siempre ako yung lumipat doon. Lahat ng derechahan sinabi ko kay hubby lalo na yung ayokong lumaki yung bata sa ganung environment. Nagplano na nga bumili ng ear muffs si hubby para hindi marinig yung talak ng Lola niya.

In your case na anticipate ko rin yang kapag sinunod mo siya sumbat pa rin in the end. Kaya nga in my case sa una pa lang hindi ako sumunod kasi alam ko na yan eh! Nainis pa nga ako minsan na pinaabot pa sa akin ni hubby yung binili niyang pasalubong para maappreciate ng Lola niya.  >:( Dati nga nung magboyfriend pa kami sinabihan ako na iligpit ko yung bed ni hubby para makita ng lola niya na marunong ako. Hindi ko nga ginawa kasi I am pleasing na eh!

To be honest with you hindi ko rin maimagine ang sarili ko to be with your partner baka nasabi ko pa sa kanya eh bakit hindi na lang Nanay mo pakasalan mo kung mas bibigyan mo pa sila ng importansya at responsibilidad kesa sa aming mag-ina. Kung ako nga nasabi ko kay hubby dito sa bahay ng parents ko na pakasalan mo na lang kaya Lola mo kung sa kanya ka rin lang sampalataya and my hubby was like  ??? grabeeeee!!!! ganun agad?  ;D Ano ba respond ni hubby mo kapag nagbabanta ka? Sa lahat ng namention mo na payo sayo ng mga kaibigan at kakilala mo ang strongest na masasabi ko umuwi ka sa parents mo. Seems that kung bantay sarado ka it means na tinatali ka rin ng asawa mo. Paano ba yung pagbabantay niya? Kasi in my case ang nangyari nung andito na kami ni baby yung hubby ko talaga nag adjust na tipong uuwi sa bahay nila at hindi na araw araw nakakasama yung Lola then uuwi sa amin nangyari na rin na kung kelan lang pwede. I tell you nahirapan si hubby rin. Kung nasa systema mo na yung gusto mo nang makipaghiwalay then I think it is your high time to ask your hubby who to choose. Ganun talaga eh! You have to stand na hindi mo naman siya pinakasalan para dalhin pasakit ng pamilya niya eh! Kung ganyan rin lang eh dapat ganyan rin siya sa side mo. Yan rin ang paulit ulit kong sinabi kay hubby, kinargo ko problema ng Lola niya na hindi naman dapat at buntis ako nun. Kaya ngayon sa mismong Nanay niya nagwawarning na ako kay hubby. Sinabi ko talaga na tama na yang Lola mo ha! huwag na yang Nanay mo kung ayaw mo magsalita ako ng hindi maganda sa kanya at hindi mo na ako mapipigilan. Kahit sa bata I gave a warning na hindi pwede basta yung paluin na lang o gawin basta basta. Kanina lang I already told my hubby hindi na pwedeng manipulahin ako ng Lola mo pati pamilya ko tungkol sa displina. Baka magsalita ako sa Lola niya ng hindi maganda kapag may nagawa sa bata na hindi ko gusto.
 

Priceless

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #499 on: December 18, 2015, 05:17:43 pm »
@tintin19, hindi mo naman siguro masisisi ang MIL mo kung bakit nagrereklamo sya nang ganyan ganyan nalang sa iyo. Ang hirap kaya mag alaga ng bata, especially at that age and most of the day pa. Mag hire ka sana ng yaya to help her look after your kid. And kahit mag offer si MIL na sya nalang ang bayaran instead of hiring a nanny, don't take her up on the offer - dahil babalik at babalik kayo sa problema na yan. Sabihin mo kay hubby yun ang compromise nyo nalang para di ka mag alsa balutan. Sya ang dumiskarte kung papano nya babayaran ang sweldo ng katulong.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close