tintin19 Gaano ka na nga ba katagal nakatira with your hubby and MIL? Ako nga pinagsabihan na mismo ng Nanay ko na huwag na raw ako makipag away nang husto sa asawa ko tungkol sa Lola niya since siya naman nagpalaki sa asawa ko.

Oh well tama naman pero siempre kapag nakatira ka with your in law talagang hindi na ito maiiwasan. Mahirap sa tulad nating mga wife na nakatira tayo sa in law and yes technically ang trato lang sa atin is nakikitira lang kaya ang magiging systema ang laki pa ng utang na loob natin. Now that I've also experienced a horrible in law natuto akong mag stand and labanan at the same time. Ako pa nga nagbibigay ng konsensya to hubby kung gusto ba niya maranasan ng daughter namin yung pinaras sa akin ng Lola mo? Ang kinagandahan talaga sa part ni hubby he really talk to his Lola ng do's and don'ts kaya naagapan agad eh! Kapag sinabi ko na ayoko nito at nagreklamo kay hubby agad agaran niyang sasabihin sa Lola niya. Kaya Lola niya natutong magpigil na kapag mainit ang ulo at may gusto pagbalingan hindi na ako naisasama kundi yung tito at si hubby na lang. It came to the point na yung Lola na rin ang nag-adjust sa akin. Nagkaroon na rin ako ng freedom to express everything ng derechahan kay hubby lalo na yung mga ayaw niyang marinig about sa Lola niya sa akin niya narinig and I really defended it.
About naman sa pagtitira ni husband sa amin naman, tutol rin nung una talaga si hubby kasi natatakot siya na kung ano na lang raw sasabihin ng magulang ko. Nataon rin kasi Nanay ko offered us na sa kanila tumira, 1 compound but different house pero it boils down na kasama pa rin namin parents ko. Nanay ko strongly nag offer na kami tumira sa another house dahil umalis na bro ko yet may issue naman siya sa father ko kasi ang kinatatakot ng Mama ko na ipaupahan sa iba. Nanay ko naman na nagsabi mismo na hindi pa naman namin kaya maging independent kasi hindi pa kami ganun ka stable financially and yet we need help, alam rin naman ng Nanay ko na nag-aabot rin ako sa bahay nila hubby. Kaya yung worries ni hubby kung kaya ba ako buhayin is not a big deal anymore to my mom, yet pinagsasabihan ako ni mama ko na huwag ko raw nag asawa ko

Biglaan ang naging decision ng paglipat namin, yet hindi naman kami nag-usap ng maayos regarding ni hubby tungkol sa paglipat dito sa bahay ng parents ko basta nag affirm na lang ako sa Nanay ko na dito na kami titira. Tutol si hubby kasi ang sinasabi niya na dahil dun daw kami sa kanila nakatira. Nanaig talaga mabuti yung sinabi ko na ayaw ko na kasama yang Lola niya. Of course pinag-awayan pa rin namin. Pero in the end wala nang nagawa si hubby kasi dahil nga ayaw ko eh ayaw ko na.
Natural lang na maging masunurin tayo sa magulang o nakatatanda sa atin, pero isipin rin naman kung ano ang reasonable at hindi na. Nainis rin ako kay hubby noon na panay ang sabi ayaw ng Lola niya ng ganito at ganyan. Nagsawa na rin ako sinabi ko puro na lang Lola mo iniintindi mo. My hubby is expecting me na intindihin yung Lola niya but eventually nagsawa rin ako at hindi na ako pumayag.
Dinerecha ko rin si hubby na parang akong nakatira sa mga buwaya na pagkakaisahan ako at ako ang agrabyado siempre ako yung lumipat doon. Lahat ng derechahan sinabi ko kay hubby lalo na yung ayokong lumaki yung bata sa ganung environment. Nagplano na nga bumili ng ear muffs si hubby para hindi marinig yung talak ng Lola niya.
In your case na anticipate ko rin yang kapag sinunod mo siya sumbat pa rin in the end. Kaya nga in my case sa una pa lang hindi ako sumunod kasi alam ko na yan eh! Nainis pa nga ako minsan na pinaabot pa sa akin ni hubby yung binili niyang pasalubong para maappreciate ng Lola niya.

Dati nga nung magboyfriend pa kami sinabihan ako na iligpit ko yung bed ni hubby para makita ng lola niya na marunong ako. Hindi ko nga ginawa kasi I am pleasing na eh!
To be honest with you hindi ko rin maimagine ang sarili ko to be with your partner baka nasabi ko pa sa kanya eh bakit hindi na lang Nanay mo pakasalan mo kung mas bibigyan mo pa sila ng importansya at responsibilidad kesa sa aming mag-ina. Kung ako nga nasabi ko kay hubby dito sa bahay ng parents ko na pakasalan mo na lang kaya Lola mo kung sa kanya ka rin lang sampalataya and my hubby was like

grabeeeee!!!! ganun agad?

Ano ba respond ni hubby mo kapag nagbabanta ka? Sa lahat ng namention mo na payo sayo ng mga kaibigan at kakilala mo ang strongest na masasabi ko umuwi ka sa parents mo. Seems that kung bantay sarado ka it means na tinatali ka rin ng asawa mo. Paano ba yung pagbabantay niya? Kasi in my case ang nangyari nung andito na kami ni baby yung hubby ko talaga nag adjust na tipong uuwi sa bahay nila at hindi na araw araw nakakasama yung Lola then uuwi sa amin nangyari na rin na kung kelan lang pwede. I tell you nahirapan si hubby rin. Kung nasa systema mo na yung gusto mo nang makipaghiwalay then I think it is your high time to ask your hubby who to choose. Ganun talaga eh! You have to stand na hindi mo naman siya pinakasalan para dalhin pasakit ng pamilya niya eh! Kung ganyan rin lang eh dapat ganyan rin siya sa side mo. Yan rin ang paulit ulit kong sinabi kay hubby, kinargo ko problema ng Lola niya na hindi naman dapat at buntis ako nun. Kaya ngayon sa mismong Nanay niya nagwawarning na ako kay hubby. Sinabi ko talaga na tama na yang Lola mo ha! huwag na yang Nanay mo kung ayaw mo magsalita ako ng hindi maganda sa kanya at hindi mo na ako mapipigilan. Kahit sa bata I gave a warning na hindi pwede basta yung paluin na lang o gawin basta basta. Kanina lang I already told my hubby hindi na pwedeng manipulahin ako ng Lola mo pati pamilya ko tungkol sa displina. Baka magsalita ako sa Lola niya ng hindi maganda kapag may nagawa sa bata na hindi ko gusto.