watch now

Author Topic: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2  (Read 129800 times)

vain_kixie

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #520 on: February 25, 2016, 12:13:11 am »
Yung poor mindset pala is not only for the poor but also sa working class: yung dapat tumulong ang anak sa magulang. Bwiset na bwiset ako sa [textspeak!] ako and MIL ko ngayon!  Nurse ang MIL ko sa states, earning very well tapos gusto gamitin name ng husband ko and company to loan a car here, although sila naman mag babayad monthly. I dunno why they dont want to use their own name!!! Inis na inis ako may magulang pala na they would put their child's name in debt for their own sake. Ang parents ko kasi hindi ganun..they would pay my debt for sure. Ayaw ng parents na we give them gifts etc, yung money namin for our enjoyment daw yun. Ayaw ko pagamit yung name ng husband ko and company kasi we are planning to get a housing loan ourselves.. siempre bawas sa pwede namin i loan yung amount ng car loan na gusto nila.

Maiintindihan ko pa kung hindi sila able eh, kaso able naman sila. Baka nga mas madami pa silang pera samin pero bakit ilalagay pa nila anak nila (hubby) sa alanganin. Ayun umiyak dad and mom ni hubby, di daw matangap na humindi siya. Of course ang sinisisi nila is me. But i dont care. Ako ang tama kaya kahit umiyak pa sila ng dugo hindi sila priority. May anak na kami he's our priority. Ako na ang first family niya and hindi sila. Conjugal na ang properties...His utang also becomes mine kaya no waaaay!

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #521 on: February 25, 2016, 01:18:51 am »
Sil kakairita ka rin talaga minsan. Naiinis ka eh pareho naman kayo ng ugali. Ikaw humingi ng favor natural mag eexpect syo

Purple_Power

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #522 on: February 25, 2016, 09:41:35 am »
vain_kixie While reading your post I was about to tell you na very strong dapat ipaglaban niyo na hindi dapat pumayag si hubby, though on your last paragraph buti na talaga na hindi pumayag. I tell you that is horrible kapag pumayag si hubby. You will never know what will happen rin kasi next. Kapag pumalya sila sa pagbabayad, yung asawa mo masisira ang pangalan at credibility yet hindi na siya makakapag apply sa mga big companies. Alam ko ito kasi yan ang nangyari sa mismong pinsan ko na may malaking potential pa man din. Nagkaroon pa sila ng big gap between my Aunt and him. Hanggang sa mamatay hindi pa rin sila nagkaayos. Ni hindi nga umattend ng burial o bumisita nung namatay na itong Tita ko eh! Kaya in your case kung sisihin ka nila hindi mo na problema yun, sila na ang may malaking problema.

Priceless

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #523 on: February 25, 2016, 10:53:21 am »
@vain_kixie & @purple_power, I fully understand your comments, pero baka naman may perfectly good reason ang parents in law ni hubby for doing this? I can tell you that in my case, I've asked my parents to take out a loan for purchasing assets in to be put under their name, but I make sure that I have given them a significant amount of cash in their banks beforehand so that they can pay for the amortization. I pay the downpayment and more, so that the amortization is super low and the loan term is really short, but I have valid reasons (tax, legal, convenience, etc) for not putting it under my own name, and I am really grateful that my parents have done this for me. 

sarsingkit

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #524 on: February 25, 2016, 12:06:30 pm »
^I was thinking that same thing. Baka naman kasi because they are in the US eh ayaw nila the hassle of sending documenents to and from the Philippines. Why not compromise and ask for a good sum of money as downpayment tutal they have the means naman.

Purple_Power

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #525 on: February 25, 2016, 12:22:54 pm »
In case of vain_kixie since she still mentioned debt, nagegets ko a bit kung bakit hindi siya pumapayag as a wife. Although it is more interesting if she will elaborate more the details. The advantage on their side is may consent sila about this kind of plan. Unlike sa cousin ko ang masama wala siyang alam na ginamit na pala ang name niya. As I heard maliit pa lang or bata pa yung cousin ko nun. Nagkautang utang Tita ko tapos hindi nabayaran yung bahay hanggang sa naremata yung bahay nila sa NJ. Ang nasirang pangalan yung sa cousin ko wala na tuloy siyang chance to work in big companies eh genius pa man din siya. Nung nangyari ang alitan na ito may asawa't anak na rin siya. Of course may issue rin yung wife ng pinsan ko with the mother. I heard pa nga parang naiinis itong Tita ko sa wife ni cousin something like pinipigilan in terms of finances.

vain_kixie

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #526 on: February 25, 2016, 01:21:46 pm »
Father in law just moved back to the Philippines that's why he wants to buy a car. He has all the documents he needs with him to get that car. Kaya nga the moment hubby said that he doesnt want his name on it,  eh tinawagan na niya yung bank manager na friend nila and immediately got pre approved.  Nakuha na niya yung car just yesterday and it was under his name and not hubby's. Thank God. Hindi naman sa madamot ako pero right now kasi we really are looking into buying a lot or a house and lot, as in this year or early next yeear so i need the credit line.

And they didnt even ask hubby before hand ha. Tumitingin lang sila ng car, when father in law liked something na the car dealer asked kanino lalagay na name sa loan forms, aba bigla nalang tinuro si hubby.

He has his own bank account here and may friend pa sila na bank manager so obviously able naman. I just dont understand why they want to hassle us with it. Tapos sila pa nagalit kasi hindi ako pumayag. Iba na tao ngayon, sila na may favor sila pa nagagalit. I just want them to respect our financial decision and not act as if pera nila yung pera ng husband ko.

May time din kasi the tita of hubby wanted to borrow money/check, we didnt lend. Nagalit nanaman in laws ko, pautangin daw! Eh di sila mag pautang, sila pala may gusto.

Girltalker2

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #527 on: February 27, 2016, 08:10:55 pm »

@ vain_kixie - kala ko naman sa inyo papagamit yung car or something

On the other hand, baka ayaw nila ibang Tao makinabang sa car, or some reason...


May time din kasi the tita of hubby wanted to borrow money/check, we didnt lend. Nagalit nanaman in laws ko, pautangin daw! Eh di sila mag pautang, sila pala may gusto.

Tama! Bakit kayo ang ipapahamak eh may money naman sila at sila gusto mag grant ng loan sa tita

grrrlscout

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #528 on: March 02, 2016, 01:02:57 pm »
Ayun umiyak dad and mom ni hubby, di daw matangap na humindi siya. Of course ang sinisisi nila is me.

Sobrang relate ako ngayon dito. We're engaged pa lang, but we've been living with his parents para makatulong sa kanila sa pag-upa ng bahay. Yung situation kasi namin is kaming dalawa ang nagbabayad ng house dahil hindi ganun kalaki kumita yung parents niya. I used to rent my own flat, pero nakiusap sakin yung fiance ko na sa kanila na lang. Pero nung kinailangan namin lumipat ng bahay (the owner wants to renovate) I put my foot down that I want to move out na talaga, which I will do with or without my fiance. Gusto nila sumama sa bagong lilipatan na bahay, pero nag-decide na kasi kami na we want to start living on our own. Ayun iniyakan kami at nasumbatan pa ko na kesyo tinanggap daw nila ako sa bahay nila. Kaya si fiance super guilty. And kahit di nila sinasabi, knowing his family I know they blame me kahit di ko naman pinilit na sumama siya sakin.

vain_kixie

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #529 on: March 02, 2016, 01:21:44 pm »
You will eventually learn to not care what they think/feel about you. hehe ako wala na paki lalo na pag feel na feel ko na tama ako. So yeah they will have to deal with it din na may asawa na anak nila and hindi sila ang priority. Sorry conjugal na ang lahat including liabilities.

Wow eh diba kaya ka lang ng move in dahil kulang sila ng pang rent? Ako din nasumbatan na pinatira daw kami, eh di kung alam ko lang doon nlng ako sa parents ko may extra house naman kami. Hindi pa nanunumbat parents ko kahit na mag away pa kami. Sabi ko nga kay hubby kawawa naman siya binibilangan siya.

grrrlscout

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #530 on: March 03, 2016, 08:16:59 am »
Naisip ko nga din yan eh! Sa isip ko yung mommy ko nga hindi ako sinabihan ng ganun ever, sila pa? Never ko din naramdaman na they have my back. They are great parents to my fiance pero hindi ko na feel yung support na yung for me, kahit na hindi rin naman nila ko pinakitaan ng masama talaga. Isa sa mga pinakamalaking sama ng loob ko is yung nagkasakit mom ko. My mom and I, kami lang kasi talagang dalawa. Hindi ko naaasahan ang mga kamag-anak namin, and they know that. So gusto ko siyang iuwi muna sa bahay na shineshare namin para may kasama muna habang may sakit. Pero tinanggihan nila ko. Inaway ko talaga fiance ko. At ang ending ay dinala ko pa rin siya sa bahay.

I think nandun na din ako sa walang paki sa sasabihin nila sakin. Ang importance na lang nila sakin eh dahil magulang sila ni fiance at alam kong hindi siya magkaka-peace of mind pag hindi sila ok. Pero, tingin ko, hanggang dun na lang ako. You are lucky you have nice parents! At least kahit anong mangyari may pupuntahan ka.


Purple_Power

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #531 on: March 03, 2016, 10:01:28 am »
Just same here umabot sa point wala na rin akong pakialam since naghahanap lang naman parati ng gulo at away itong granny in law eh! Nung una sinunod ko pero umabuso kaya hindi ko na ginawa, napansin ko na lalong maghahanap ng mali para lang makipag away eh may trabaho ako kaya wala akong oras sa walang kwentang bagay. The more na iintindihin mo feelings and thinking nila about you maiistress ka lang yet it is like wasting time pleasing them then in the end it doesn't make sense at all. Nung bf ko pa nga lang si hubby, one time dumalaw ako sa kanila then we stayed to his room, pinag-aayos ba naman ako ng kama ni hubby then ang banat niya is para raw makita ng lola niya na marunong ako. Naku ha! hindi ko nga ginawa ano yun I am going to please his Lola? Nakalimutan ko na kung paano ako nakipag-usap kay hubby nun eh! basta ang ending hindi ko na ginawa kasi parang ang baba ng pakiramdam ko. Dati dahan dahan ako pero ngayon sobra sobra na ang pananalita ko kay hubby until the point na siya mismo wala nang pakialam at alam niya na nega ako sa Lola niya.

bluish_mommy

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #532 on: March 04, 2016, 10:28:46 am »
inggitera, ayaw malalamangan. nakatutok lagi mga mata sa kung anong ibibigay ko sa side ko. eh ano pera ko naman ginagamit ko, hindi pera ng anak nila noh!

babycandies

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #533 on: March 07, 2016, 08:26:16 pm »
Sisses, hope I can ask for your pieces of advice..
 question..
My MIL is a strong,very  hardworking (SAHM) with small businesses ( halos 70 y/o na, well-off sila and my hubby is the only child) .. She insists always that after I give birth (I will be giving birth soon), I should work asap (30-45 days daw after). I'm not working now bec the pregnancy was very delicate during the 1st trimester.. Now, she's very eager for me to work asap after my delivery.. actually even during my bedrest days she was suggesting that I should find work.. She also lives nearby (very near!). My husband is not pushing me to work, he can afford to provide for us ( and we are not dependent on my ILs financially), and I would really love to take care of my first child for a year ... How do I deal with this? She's kind naman pero I just can't tolerate this pushy behavior of hers. Help!

Purple_Power

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #534 on: March 08, 2016, 06:32:35 pm »
^Nasubukan mo na bang mag explain dyan sa MIL mo? First you should talk to your hubby regarding this matter that his mother is already pushing you to work. Hindi ka pwedeng ma stress kahit after delivery. Sa DOLE nga may batas dyan eh! kung ilang months sa normal and kung ilang months rin for the CS then paid pa.

You can also try to work homebased as long as kaya mo and hindi stressful. Ako after 1 week giving birth nakapagwork na ako online. Kaya ko kasi online lang naman na nakaupo saka hindi naman siempre ako nagtravel.

If she has that pushy attitude I strongly suggest na sana you live with your parents first with the baby. Sabihin mo sa husband mo you cannot tolerate that kind of attitude especially if he cannot settle the issue between you and his mother. Hindi pwedeng kapapanganak mo pa nga lang sobra namang pressure agad ang ibibigay sayo ng MIL mo.

Naalala ko tuloy nung after I gave birth this GMIL gave me stress na wala namang naicontribute kundi my mom was the one who helped us financially. Kaya never again lalo na for his MIL. Ang plano ko nga magpatawag ng pulis kapag mangyayari ulit ito, or kung pwede no in laws allowed to my room after giving birth. CS ako nun at hindi pwedeng magsalita.

jen_rose27

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #535 on: March 09, 2016, 02:42:01 am »
Pasali mga sis. Mejo mahaba ito so bear with me.  ;D

Ang pinakaayaw ko sa in laws ko ay yung pagiging pakialamero nila and they think they could get away with everything. I used to like my in laws pero ngayon wala na akong amor sa kanila. In time siguro matututunan ko ulit silang mahalin.

Si hubby ang bunso sa 3 magkakapatid. 2 of his older brothers ay nakapagasawa at nagkaanak ng maaga. Close ko naman yung mga asawa ng mga kapatid nya kasi we share the same feelings towards our in laws.

Nagsimula yung pagiging aloft ko sa kanila simula nung may sinumbong sa akin yung isang sis in law ni hubby. It's about money eh, parang iniisip ata ng in laws ko na ako may hawak ng pera ng asawa ko. Dito kasi kami nakatira ni hubby abroad so parang inaasahan nila na magpadala si hubby monthly.  Ang rule kasi naming magasawa, wala kaming pakialamanan sa ipon namin. Meron kaming joint account then meron kaming individual accounts. So in short hindi ko hawak pera ng asawa ko. My in laws think na ako nagcocontrol ng pera ni hubby kaya hindi sya nagpapadala sa kanila. Personally pag pera pinaguusapan mejo sensitive ako dyan kasi ayaw ko sa lahat ay yung pinagbibintangan ako about sa pera. Mga sis, I don't even know how much ipon ni hubby hindi din nya alam yung akin.

Pumunta sila dito para magbakasyon so nagstay sila sa amin for 3 months. Wahhh! Ang hirap makisama. Isa pa sa pinakaayaw ko ay yung irerearrange mo gamit ko lalo na sa kusina kasi gusto ko kung san ko huling nilagay, dapat andun lang. Si mil grabe pagdating nila dito yun agad ginawa. Inayos nya yung gamit namin sa banyo & kusina. Nainis talaga ako kasi parang invading of space ko yun. It's our house, our rules dapat.

Naku mga sis madami pa pero hindi ko na imemention kasi talagang mahaba. Andyan yung nakialam sila sa kasal namin, pabago-bago isip sa gusto sa susuotin. Last minute bumili ng bagong dress kasi ayaw nya daw yung napili nya. Talagang stress ang inabot ko sa kanila. You would think na yung father in law ang mas mellow pero sya pa mas malala. Pati sa pagsisimba namin, sinisita nila kami pag hindi kami nagsisimba. Sinasabi pa nung tatay na ano daw ba relihiyon namin? Sila nga puros simba pero kung ano-ano naman lumalabas sa mga bibig nila. Kaasar lang! Hahaha.

Anyway, nung umuwi kami sa pinas para magpakasal sinabi ko kay hubby na sya ang kumausap sa magulang nya dahil hindi na maganda yung mga naririnig ko about sa akin. So he did pero hindi ko lang alam kung itatake nila yung seriously.

Purple_Power

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #536 on: March 09, 2016, 10:14:39 pm »
^Naku ha! hindi ko yata maatim yang pagiging pakialamero nila. You have all the right naman na maghawak ng pera ni hubby and mag control as well the in the first place masakit na reality talaga na hindi naman responsibilidad ng hubby mo ang parents niya. Yes he can help pero hindi meaning nun na hahawakan ng biyenan mo ang leeg ng asawa mo pati ikaw. Iritang irita pa man din ako kapag lahat pinapakialaman as in nagiging uncomfortable na ako.

jen_rose27

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #537 on: March 10, 2016, 05:00:46 am »
Ay sinabi mo pa sis! Nakakimbey talaga.

Minsan pa pag sinasabi ko kay hubby na bakit ganun magulang nya wala sya reaction. Feeling ko kinakampihan nya pero alam ko nakukulitan na din sya sa kanila wala lang syang masabi. Hahaha! Nagpaparinig na nga lagi na gusto daw ulit nilang magbakasyon dito eh. Sabi ko kay hubby ayoko ng stress lalo na trying to conceive kami. Siguro sa sobrang inis ko lang sa kanila kahit gumawa lang sila ng konting mali, para sa akin malaki na. Ayaw ko man magpaapekto minsan kasi malayo naman sila sa amin at hindi namin palagi nakakausap pero nahihirapan pa din ako na patawarin sila. I came from a broken family kaya I was hoping na sila tatayo bilang pangalawang magulang ko kaya masakit na ganun na lang treatment nila sa akin. 

Purple_Power

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #538 on: March 10, 2016, 02:51:12 pm »
^Ako nga minsan nasabihan ko na si hubby na pakasalan na lang niya Lola niya kung siya rin lang iintindihin niya. Hate ko pa man din na inoobliga akong please siya, well not literally na sinasabing dapat please siya or magpa impress sa kanya pero darating na rin yun eh! Pinagsabihan yun ng matindi ni hubby kaya sandali lang nag bruha sa akin itong Lola eh! Kaya kapag tinotopak na naman ang target na niya yung Uncle ni hubby at mismong si hubby, hindi na ako. So long story nawalan rin ako ng amor, umabot na sa point na ganun.

imprincessfiona

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #539 on: May 03, 2016, 03:48:42 pm »
May gusto lang akong i-share mga sis. I really hate my BIL. Sobrang EPAL nya. Nung una akala ko concern sya sa akin pero nitong huli panay ang paninira nya sa akin sa facebook. Nagstart kasi ang gulo namin nung humiram sya sa akin ng 45k. Walang pagdadalawang isip pinahiram ko sya. Ni-loan ko iyon with interest one year to pay at deducted sa salary ko every payday. Pumayag ako kasi matino iyong usapan namin na magbabayad sya regularly. Nung first 3 months ok pa kasi nakakabayad pa pero nung mga succeeding months hindi na. After 1 year, na-fully paid ko na iyong loan hindi pa din nya nababayaran iyong balance na 15k. Pag sinisingil ko sila (kapatid at bayaw) deadma lang sila parang ako pa iyong nahihiya maningil sa kanila. Dapat nga sila mismo magsasabi sa akin kung kelan sila magbabayad pero wala lang deadma lang. When my mom was hospitalized, akala mo umasta sya ang nagbayad ng bill eh puro bigay ng Tita and Tito  ko from States iyong pera. Nung kaharap namin si kuya akala mo sa pera nya galing iyong inabot nya e galing iyon kay Tita and Tito. Nung nakalabas ng hospital si Mom alam nila na may extra money si Mom pambili ng mga gamot niya talagang kay Mom humihiram alam naman nilang pambili ng maintenance meds iyon. Kapal talaga nila. Ayaw ko maramdaman iyong galit sa kapatid ko pero sumusobra na sila eh. Nung naoperahan ako gusto nila sila ang sumundo sa akin sa hospital nung nag checkout ako pero ayaw ng asawa ko kasi gusto nya siya ang mag-asikaso sa akin. Sumama loob nila sa akin at ang masama pa nito kung ano ano ang post nila sa facebook na kesyo "kasumpa sumpa" daw ako kaya never na sila magiging concern sa akin. Ilang days nila hindi dinalaw si mother dahil doon at ako na daw bahala sa kanya. Matapos nila utangan iiwan nila. I think hindi pa nila nabayaran iyong utang nila kay Mom pati nga iyong sa akin 3 years na hindi pa bayad. Pinalagpas ko iyong post nila sa facebook pero itong recent ang hindi ko na-take. Birthday kasi nung anak nila (inaanak ko din) nung April 22 pero iyong celebration April 24 (Sunday) invite nila ako thru facebook na never ko ni-replayan. Nagdrama king na naman si BIL at nagpost sa fb na kesyo ngayon lang daw nya napatunayan na hindi ako KAPAMILYA. Nagtatanong daw kasi iyong bata kung bakit wala ako sa birthday nya. Anong gagawin ko kung ayaw ko talaga pumunta? Ayaw ko kasi makipag-plastikan na OK kami where in fact hindi naman talaga. Do I owe them an explaination? (Itanong nila sa pagong baka sakaling sumagot iyon LOL). Mabuti pa nga iyong ganito, hindi ko sila kinikibo/ pinapatulan kesa kung ano ano pang masasakit na salita ang masabi ko sa kanila. ATM never ako nagreact sa post nila. Actually matagal ko na silang unfollow. Ayaw ko ng post nila puro ka-NEGAhan. Super affected sila sa hindi ko pagkibo. Dun naman sila magaling e sa paninira sa ibang tao. Hindi lang nasunod iyong gusto nila mangyari kung ano ano nang sasabihin behind your back. Hay naku magbayad muna sila ng UTANG nila bago sila magmalaki sa akin. Alam ko madami sila naitulong sa akin nuon pero hindi naman yata tama na isumbat nila sa akin iyon. Sobra sobra na kasi iyong ginagawa nilang mali e. Actually hindi lang sa BIL ko ako galit pati sa kapatid ko. Santo ang tingin nya sa bayaw ko e may pagka-demonyo naman (sorry for the word). I am really pissed off sa kanilang dalawa. May alas ako na ginawa kung sakaling manumbat sila. Lahat ng post nila sa FB screenshot ko para ipamukha ko sa kanila pag nagkaharap harap kaming tatlo.
« Last Edit: May 04, 2016, 10:12:57 am by imprincessfiona »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close