watch now

Author Topic: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2  (Read 130149 times)

sarsingkit

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #360 on: March 20, 2013, 07:15:35 am »
We've spent a lot of time together na, if they dont like me, naipakita na nila yun kahit papaano. Minsan naisip ko na din yun pero i dont indulge on that kind of thoughts kasi para naman praning lang ako at ako pa ang mgstart ng bad relationship so i still think na genuine naman sakin yung family nya. Plus, pinagsasabihan din naman ako ni MIL so if she doesnt like me in general eh nabring up na nya dapat yun.

break_free

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #361 on: March 20, 2013, 07:34:37 am »
^ sis contented, yun din unang una ko naisip na baka may nasabing hindi maganda yung mga in laws ni sis sarsingkit behind her back for her hubby to think otherwise. pero sana mali yung iniisip natin at siguro misunderstanding lang. :)

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #362 on: March 24, 2013, 08:30:19 pm »
hindi naman conflict..alarming lang kasi bakit ba ang dali dali nilang nagustuhan yung bagong inaasawa ng isa kong BIL..parang yon agad ang naging favorite eh hindi naman nila ganun kilala yung babaeng yan..kahit naman may misunderstanding kami ni Bilas,kahit na may nagawa siyang mali kaya sila naghiwalay ni BIL feeling ko may mali rin itong si BIL..at isa pa,pinatunayan rin ni BIL na tamang magselos si bilas noon sa babaeng yan dahil ngayon yan ang inaasawa na ni BIL eh >:(

after ng hiwalayan nila ng asawa niya,ilang buwan lang nag asawa uli tapos ang inasawa yung Ex..malamang yan di pa sila hiwalay ni Bilas naguusap na talaga sila,kaya nung may nakitang picture si bilas dati na katabi ni BIL si Ex nagalit,,yun naman pala mukhang may something nga,kaya tignan mo nung huli nagkatuluyan rin >:(..ang landi rin nitong babae eh,inasawa rin agad si BIL.di naman mahiya sa balat tapos makita namin sa FB may album yung batchmate ni hubby,nandun itong si second wife ni BIL,may kasamang matandang hapon,at yung anak nila..japayuki yata dati.so sa isang tabi muna si BIL dahil nandyan yung unang asawa niya.tapos si BIL palitaw sa fb,activate/deactivate maya-maya ng account dahil nagtatago yata sa kung kanino..

kaya nung nag outing bumubulong sa akin yung isa kong bilas na medyo api-apihan ni MIL na yung si bagong asawa ni BIL bakit daw parang favorite na fav.na ngayon ??? sa isip ko nga eh syempre yan sila MIL wala pakialam sa iba,basta kung saan liligaya mga anak nila payag yata sila..porque di nila gusto ugali ni bilas,ganyan sila madali pumayag na maghiwalay yung mag asawa na hindi man lang nila pinag usap..paano kung may mali rin pala yung anak nila..ganyan kasi sila eh,ako nga noon sinuntok ni hubby ang sabi pa ni hipag wag raw papagalitan si hubby dahil di raw yun sanay na pinagagalitan at bunso yun..pwe! >:( buti hindi na umulit ni hubby pagbuhatan ako kamay..

sabi ko nga sa hubby ko baka mamaya mang babae rin siya gaya ni BIL tapos kung ano-anong istorya ikwento niya sa kanila para ma convince na masama ako tapos bandang hulu ganyan rin mag aasawa o magkakabit siya..hehe

brendzy

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #363 on: April 10, 2013, 06:03:58 pm »
I am ok with my ILs, although feel ko pa din na may favoritism si MIL sa aming mga DILs nya. syempre mas favorite nya yung wife nung favorite son nya...bf/gf days pa lang ganun na, so ako naman wapakels kasi we are not living with them. Nung nasa Pinas pa kami ni hubby, we just visit them once in a while or pag may occasion. Nung umalis si hubby for Kuwait, syempre I still need to visit them, pero wala yung excitement whatever to see them. hindi ako galit pero ewan ko. my MIL and DIL are mabait naman together with the whole family and clan. i just don't like the favoritism part.
One time na nag-away kami ni hubby because of my parents, nasabi nya na ako daw di ko matanggap family nya. I just hate it kasi nung nasa Kuwait si hubby at nasa Pinas ako, I buy them groceries and give them like 1k each everytime I visit them, normally 3x a month , of course I don't need to tell hubby naman what I give them...I know it's not all about money/material things. I try to bond with them naman kaya lang nasusuya talaga ako whenever my MIL make kwento about sa wife ng fave son niya. I don't also know if there were saying nega behind me. I just had this keber na attitude as long as i don't do anything wrong with them.
« Last Edit: April 10, 2013, 06:08:44 pm by brendzy »

Buhgart

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #364 on: April 15, 2013, 08:42:12 pm »
kakalungkot naman mga in-laws na ganyan. i have my share of really bad experiences sa kanila. minsan, nakakapanggigil pero kelangan magtimpi. wala pa naman sa personalidad ko ang magtimpi to the max.

one experience: me anak sa labas ang asawa ko. sabi ko sa MIL ko, buti na lang, di kamukha ng asawa ko ang bata, kung hindi, mas masakit sa akin.... reply ng MIL ko: alam mo kasi, ang nakakamukha daw ng bata paglabas eh yung mahal na mahal habang ginagawa yung bata. (meaning: ulol na ulol siguro yung asawa ko sa babae nya habang nagsesex sila nung ginagawa nila yung bata, noh?)

another experience: i use the AC especially during summer, kaya medyo mataas bill sa electricity namin. one day, from work, naabutan ko MIL ko sa haus NAMIN na patay lahat ng ilaw habang nagsosolitaryo sya with only the sunlight coming from the window as her source of light around 530PM yun. ask ako: "ma, bakit naman patay mga ilaw? masisira mata mo nyan." reply nya: "nagtitipid kasi ako ng kuryente. kawawa naman ang anak ko na nagpapakahirap para lang mabayaran ang mataas na bill nyo sa kuryente."

another one: anniversary namin ni hubby... i greeted him on FB and his brother saw it. he PMed my hubby greeting him happy anniversary senyo.. di ako makapagpost sa wall mo ng greeting kasi baka magselos si **** (yung ex-kabit ng hubby ko na friend ng BIL ko sa FB)


euwie

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #365 on: April 17, 2013, 11:31:13 pm »
^sis! What da!?!?!?! Alam mo bilib ako sa yo, kaya mo magtimpi. Kung ako ikaw, pasensyahan tayo. Alam ba ng mister mo yan? Ako kasi sinasabi ko sa mister ko kapag naaasar ako in any of my in-laws.

Ang ayoko sa father in law ko, napaka-tactless. Sya na palagi magaling. At yung elder bro ni mister lang magaling sa paningin nya. Sampolan ko kayo. When they visited us here in uae (all expense paid namin ni mister), tinanong ni father in law ano ginawa ng parents ko dito nung nagvisit sila nung atp (tennis) season. Sagot nila MIL at mister, edi para manood ng tennis kasi naglalaro rin ng tennis parents ko. Biglang hirit ni father in law," e baka kasi gaya-gaya lang sila kasi nakanood sila tennis...." heller! Since im 12yo yata nagtetennis na dad ko! And im 32 now no! Sabi tuloy ni mister "anong gaya gaya? Matagal ng nagtetennis mga yun tsaka sila pa nagpagawa ng tennis court sa subd nila!" In your face tuloy si father in law

Sa MIL ko naman, medyo tactless rin. Pero medyo keri ko pa. Sampol. Nung nagmeet kami dati sa manila in one of my flights, nakabakasyon rin sila father in law at MIL sa pinas kasi sa us talaga sila. So family reunion. Andon rin si BIL with his gf. Binida ni MIL na nagpunta raw ng hongkong sila BIL at gf. Ok. So si BIL na lang ba ang magaling sa paningin nyo? Buti na lang, marunong mom ko. Binida nya naman na nag maldives kami ni mister. Oha! Beat that! Che! Nasense rin kasi ng nanay ko ang ugali nila e. Buti na lang mabait mom ko, imbes na maasar sya, natatawa na lang sya.

Sa only BIL ko naman, simpleng kapalmoks lang. Hindi porket nag aabroad kami ni mister e wedding rings na ang pwede nilang irequest na wedding gift ni mister. Hello! Bulag ka ba? Hindi ba nakarating sa yo news na buntis ako?! At hindi sa panunumbat. Sya ba, anong binigay nyang gift sa amin nung kasal namin!? Wala! Tsaka nung nagvisit sya sa us hindi nya dinala yung snow globe ko, nakalimytan kasi bitbitin ni mister kasi nauna sya nagvisit. Kaya payback time!  >:(
« Last Edit: April 17, 2013, 11:46:06 pm by euwie »

break_free

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #366 on: April 18, 2013, 06:57:29 am »
^ Tsaka sis haller wedding ring? Mas maganda yata kung sa kanya or sa kanilang dalawa ng gf niya manggagaling yung pambili ng 'wedding rings' nila (through ipon). :)) Okay lang kung may mag kusang loob mag offer na mag shoulder for that pero otherwise... na awkwardan lang ako hehe. Ako lang siguro yun... :)

euwie

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #367 on: April 18, 2013, 02:40:38 pm »
^naku sis sinabi mo. Yun nga rin sabi ng ate ko. Unless may magpledge sa kanila na sila na sagot sa rings. Tsaka isa pang hinanakit ko sa parents ni mister. Nung kami kinasal, hindi sila umuwi ng pinas. Porket ba civil wedding lang yung sa amin? Yearly naman sila umuuwi tapos hindi nila inadjust. Kaya sa kasal ng kuya nya, nakapanganak na ko nun. 1st apo nila. Bahala nga sila, sila magpunta sa amin. Di ko dadalhin baby ko sa kanila. Ang maldita ko ano?  ;D kakainis kasi e.

Nung isang araw, si MIL tumawag kay mister. Along the conversation, sabi ni mister abonohan muna tapos babayaran ko daw pag uwi ko sa May. Akala ko tuloy hindi si MIL kausap nya kasi bakit may bayaran? Alam nyo kung ano? Pagkain pala ng aso ni mister sa pinas. Susme! Kelangan pa ba ioverseas call yun? Para sa dog food lang!? Hindi na lang ako umimik kasi kawawa naman si mister kung ikumpara ko parents nya sa parents ko. Kasi ang daddy ko bigay kung bigay. Kaya wala syang masabing masama sa parents ko, all praises sya. Kaya naman sa mga kapatid ko sya naiinis kasi abuso daw.  ;D

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #368 on: April 22, 2013, 03:52:30 pm »
^ tama yan sis may dapat naman talaga kalagyan yung mga ganyang tao. Minsan mapagtitimpian mo pa pero ako rin eh I learned not to be mabait na.

Ever since our incident with my SIL, I ignore my SIL. Pag may lakad kami ni hubby, we bring my parents in law with us pero yung SIL iniiwan namin. Bakit ba may asawa sya bakit samin pa sya makikisiksik ng gimik. :P Besides even my MIL doesn't like bringing my SIL ang bigat kasi kasama dahil andami sinasabing issues.

Last week lang me and hubby left my baby at my parents in law to pick up heavy furniture, nakita namin sa garahe ni hubby na umiiyak SIL nya. Aba nung dumaan kami nilakasan nya pa iyak, di namin pinansin ni hubby sabay diretso usap regarding on our plans. Bad lang namin :P

rics

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #369 on: April 24, 2013, 06:31:58 am »
this is not really a conflict, pero last night, we skyped with MIL since it was her b-day and she had a medyo malaking celebration at their house. naiirita ako when she asked my son, "saan ang regalo ko?" within hearing distance sa mga guests who were already there. meron naman kami papadala na pera sa kanya kasi expected na talaga namin yan na manghihingi yan eh, usually pabiro pero may laman ang mga words. isa pa, she was asking for a tablet para daw hindi na nya bitbit ang laptop. yun daw kasi ang uso ngayon. eh that laptop is barely 1.5 years, binili namin for her. sabi ko tuloy kay hubby, sige, buy her a tablet pero kunin mo yan laptop. kainis lang ha, kala nila dali kitain ng pera dito. sila doon happy-happy lang.

bpa

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #370 on: April 28, 2013, 08:00:49 pm »
we have no real conflicts but every time we go to hubby's place they always make it to a point to say that i'm fat. kind of irritates me coz i find it very harsh to say to someone, and to say it every time. there were times i don't accompany hubby to their place just to avoid listening to their rant about how fat i am. they're lucky i have manners, even if they don't have, and i don't make patol. i just smile and turn then roll my eyes. hehe. he knows how irritated i am when i hear them say it, sometimes we just laugh at it coz it's paulit-ulit. to think, i'm not really that fat, just more on the chubby side since i don't get to exercise coz of work (sitting all day) and my katamaran and katakawan. hehe

babykat

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #371 on: April 29, 2013, 08:11:03 am »
^ We have the same pet peeve sis.  Although, di naman rant ang ginagawa nila but they always make a comment about how fat i have become.  Before, it was worse kasi they would always ask if i was pregnant already, etc.  Nagdie down na din naman those comments about pregnancy, but not my weight.  Di ko na lang pinapansin.

bpa

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #372 on: April 30, 2013, 07:36:56 pm »
^ di naman talaga rant. but since they're always saying the same thing with the same tone feeling ko rant na. nakakarindi. honestly, sarap patulan. but i won't.

we're opposite naman in the sense na they're telling me mahirap ma-preggy if i'm fat. eh, sino ba gusto ma-preggy?

crazycoolchic19

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #373 on: May 24, 2013, 09:19:09 am »
Mabait naman inlaws ko kaso may mga bagay na nakakairita talaga like...

1. Ang dami nyang abubot sa bahay, basura na ayaw pa itapon grrrr pag tinatapon ko sa basurahan mga polbong walang laman cologne na walang laman papel,ids, mga notebooks na wala na namang pagsususlatan eh bumabalik sa bahay , at iniipon nya mga balat ng candy, coffee , milk etc, mga karton , lata ng gatas at kung ano anong delata ayaw nya itapon, wala na ko magawa sa kanya gusto ko lahat itapon mga basura nya, bwiset bwiset ako wala naman ako magawa .hinde ko sya maintindihan bakit ganun sya, meron kelangang ipamigay, ibenta ,itapon at i-save na mga bagay. Mga old clothes ng bilas ko at brother inlaw ko dito bagsak pag ayaw na nila..helllo feeling nya tambakan kami, at hilig kase ng inlaws ko kumuha luma damit nila OMG!, one time sa inis ko binigay ko sa pmagbobote/ magkakalakal mga bisikletang sira bag na sira , 2 electric fan na sira, 3 gas stove na sira at kung ano ano pa, at magbibigay ulit ako sa mgakakalakal dahil bwiset na bwiset ako sa basura nya!

2. Yung madalas nya pag off ng ref. sa gabi at on sa umaga, oinagsabihan ko na sya makakasira ng ref yan at lalo lang tataas ang konsumo ng kuryente jan sa ginagawa nya kase kokonsumo ulit yan ng kuryente para makapagpalamig ng ref , ako bumile ng ref na yun sisirain na naman nya :'( kaya nasira old ref namin dahil sa pinagagagawa nya, masyado sya nagmamarunong sa bagay bagay...
« Last Edit: May 24, 2013, 09:27:34 am by crazycoolchic19 »

carlijn

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #374 on: May 24, 2013, 10:38:22 am »
I still have a problem with hubby’s male cousin because he is always so taklesa sobrang nakakagigil, mag bf-gf pa lang kami ni hubby … so many times pinalampas ko mga hirit nyang nakaka-offend, tinatawanan ko lang pero deep inside inis na inis ako.  Sabi ni hubby ugali daw talaga ni mga pinsan nyang lalake to test yung mga wives/gf ng mga pinsan nila.. at kapag nakita nila na pikon ka eh lalo ka aasarin, parang magiging tampulan ka ng tukso o pang-aasar lagi.  Wag ko daw ipapakita na pikon ako.  God knows I tried tawanan lang yung ibang hirit nya pero minsan kasi feeling ko below the belt na at nakaka-offend na talaga eh.  Ilan lang sa examples ng hirit nya:

1.   “o ang taba mo na ah” (kahit hindi naman)
2.   “may kalaban ba dyan?” I would read that sa online conversations nila ni hubby, or mababasa mo sa text or minsan maririnig mo sa bibig mismo ng cousin nya… meaning kapag I am anywhere near or beside hubby habang may pinaguusapan sila
3.   “bat ka nagsama ka ng bantay” if ever hubby would bring me along sa house ng cousin nya kapag may occasion… mahilig kasi yun kapag may okasyon sa bahay nila eh afterwards kung saan saan pa nagyayaya
4.   “eh bat nung last time iba kasama mo, ano nga uli pangalan”… parang tinetest nya talaga kung mapipikon ako.  Dati hindi ako napipikon sa hirit na ito because confident ako na wala ginagawa si hubby, kaso nga nagkaron si hubby ng history mag-stray dahil na din sa influence ng pinsan nya yun, so hindi talaga nakakatulong yung mga ganitong biro.
5.   Or bigla na lang hihirit ng kesyo nagkaron sila ng lakad, parang implying they went somewhere ni hubby na hindi ko alam… pinapaalala yung time na nagloko si hubby.
6.   Then recently, we attended the wake of one of their relative, and this is my third pregnancy so shempre some of their relatives are curious and asked me when I am due to give birth and all, tama ba naman humirit yung pinsan nya sa hubby ko na “sabi ko kasi sayo maglalabas ka ng bahay”…. Na parang saying that my husband has nothing better to do kaya nabuntis na naman ako.

Sobrang na-offend ako sa sinabi ng cousin nya at ilang araw ako talaga mainitin ang ulo dahil pinalagpas ko na naman, gustong gusto ko sha sagutin nung time na yun but I did not want to give their other relatives the impression na pikon ako, dahil I am sure lalo matutuwa yun.  So ilang araw lagi mainit ulo ko sa husband ko.  Actually the following morning sinabi ko kay hubby na nabbwiset ako sa cousin nya… tapos si hubby hindi man lang nagreact o nagsalita sa sinabi ko… so lalo ako nainis. Tapos ayun sinubukan ko kalimutan at hayaan, kaso talagang bothered ako at sobrang affected ako halos hindi ako makatulog sa galit, especially ngayon na emotional ako sa problems na pinagdaanan ko, not to mention hormonal din because I am pregnant. Anyway, so the other night, nabalitaan ko na pupunta cousin ni hubby sa shop namin.  Deep inside I was still very bothered kasi nga parang walang narinig si hubby sa hinaing ko… so hindi ko talaga natiis nararamdaman ko at tinext ko lahat ng inis ko kay hubby, mala nobela nga eh with matching cursing his cousin in capital letters.  Sabi ko sa text kay hubby super nangigigil ako sa galit sa pinsan nya at isang hirit na lang kako nya next time eh ibubuking ko sha sa asawa nya at ipapadala ko picture kako ng kabit nya I don’t care kung sino man kako sa mag-anak nila ang magalit… bastusan kung bastusan at gulo kung gulo.  To this hindi ako nireplyan ni hubby sa text… kala ko nga mag-aaway kami when he got home pero paguwi nya he kissed me pa and with matching pasalubong.  Pero the topic or the content of my text messages were never brought up.

Normal lang ba to? What does this mean na hindi nya pinapatulan mga hinaing ko? Mas pinapanigan ba nya yung pinsan nya? Ano yun wala lang sa kanya nararamdaman ko? kahit feeling ko nabastos ako ng pinsan nya? Hindi ko matanong si hubby directly dahil feeling ko I have said what I wanted to say, and it’s his turn to say something pero wala man lang feedback, and it is fueling my rage lalo.  Imbes sana I can move on na sa nararamdaman ko eh hindi because feeling ko hubby is dismissing my feelings.  Sabi naman ng isang friend ko, baka lang hindi lang masalita si hubby pero he shows it through his actions, na nilambing pa rin nya ko when he got home despite the awful text messages I sent him nung binisita sha ng cousin nya sa business namin.  What should I do? Hayaan ko na lang ba to? Hindi na lang paguusapan? Hindi man lang ba nya pinagsasabihan pinsan nya?  Pero next time talaga eh aawayin ko na pinsan nya kahit sino pang pontio pilatong kamag-anak nila ang kaharap, wala na ako pakialam.  Or ibuking ko na sha sa asawa nya kasi hanggang ngayon eh may kabit sha.  If ever kaya gawin ko yun, kakampihan ba ko ni hubby o magmumuka lang ako t****.  Hay pano ba takbo ng utak ng mga lalake sa mga ganitong sitwasyon.

j a n i z

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #375 on: May 30, 2013, 04:56:22 pm »
^ ako sis naexperience ko na din pero sa mga tito naman ni hubby. for me, its so normal. as in di dapat patulan. and even before sa ex bf ko, ginaganyan din ako ng kuya nya so parang sa tingin ko may mga tao talaga na mapagbiro, di nila mean mang asar basta lang parang to break the ice. yun ganun..

sa mga inlaws ko everytime din magkita kami may ganyan pero after nun, ok naman. kwentuhan na and all tas nilalaro na nila baby namin. for me, wag mo na lang pansinin.  :)

Scubadoobidoo

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #376 on: May 31, 2013, 03:09:21 pm »
After reading all the rants here i have a question? Ano ginawa ng mga hubby nyo? My wife and i live with my parents din (kasi medjo matanda na sila and no one to take care of them na) and although my wife gets along with my parents there have been incidents din. Pag mali ang parents ko i wont back down talaga to defend my wife. Even if it means shouting at them. Dapat kasi hubby nyo knows how to stand up for you din. Granted nakikitira kayo pero its a two way street yan. Hindi lang naman kayo ang nag bebenefit from this arrangement...both parties may benefit kaya walang lamangan. Just my two cents  ;D

euwie

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #377 on: May 31, 2013, 08:30:58 pm »
sis carlijn, siguro kung ako sa yo, gantihan mo ng pang asar yung pinsan ng mister mo. ibuking mo sya sa misis nya through jokes rin the next time na asarin ka. be ready lang na may icounter attack syang pang aasar. kasi nasira na rin naman nya araw ko, edi sisirain ko rin araw nila!

regarding naman sa mister mo, sa tingin ko napagsabihan nya na yung pinsan nya nung nitext mo sya. and kaya siguro extra sweet sya sayo nung dumating sya, kasi alam nyang sobrang badtrip ka na. ayaw ka na nya malamang mastress pa kaya di na nya pinaalala ulit. kung sakaling asarin ka ulit ng pinsan nya, kausapin mo ng mahinahon mister mo kung napagsabihan na ba nya kasi di ka na nagdadalawang isip na lumaban. eto e opinion ko lang naman.

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #378 on: June 01, 2013, 05:21:22 pm »
Umuwi saglit si hubby sa kanila,may kukunin lang,sandali lang naman siya kaya di na kami sumama ng toddler ko..

hinanap kami ni MIL at papa ni hubby,bakit di raw kasama,bilin ko kasi sa hubby ko sabhin dami ako gawa dito sa bahay,saka ayoko rin punta sa kanila.sabhin niya na lang pagod ako  ;D ayun nga,bakit raw ako napagod,ano raw ba gagawin madami dito eh 3 lang kami sa bahay  sabi ng parents niya>:( totoo naman pagod ako saka may gagawin dito.dapat raw maglaba ako agad pag alam na pupunta don o iwanan ko muna,tapos parang ayaw pa nila maniwala na pagod ako,kaka badtrip.

ito pa,yung niece ni hubby di ko alam grade 5 na yata,gusto mag bakasyon dito,dati niyaya ko ayaw payagan ng daddy niya,tapos ngayong “busy days” ko na,saka pinayagan,sabi ko sa hubby ko wag na papuntahin,asikasuhin ko pa yon,mamaya makita aksidente nung relative ng mom niya na taga dito sa condo,eh hiwalay na parents ng niece ni hubby. 8) pinipilit pa,ano ba kala nila nursery yung bahay namin,nag all around na nga ako,alaga pa sa toddler at asawa ko,itambak pa yung pmangkin na pasaway dito..

break_free

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #379 on: June 02, 2013, 04:41:46 am »
agree kay sis euwie, gagantihan dapat yun kasi mga walang modo. tama ba namang ipahiya mo yung asawa ng pinsan mo tas ang reason eh 'hilig lang mag test' duh sino sila para itest ang kahit sino aber? walang modo ang tawag doon, dapat doon pinapahiya din ng matuto, pero itarget mo yung weakness nila ng masaktan. hehe asar eh...


sis fairywinkle79122 tama sis pag hindi mo kaya wag papayag kasi kaw din mahihirapan tas ikaw pa masisisi in case mapabayaan mo kasi di ba busy ka na...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close