watch now

Author Topic: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2  (Read 130183 times)

caramelli

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #320 on: February 04, 2013, 12:45:37 pm »
^makapag demand naman ILs mo sis, hindi man kayo binigyan ng chance na ka mamili ng paaaralin nyo. buti maayos magsalita hubby mo. hubby ko kasi madalas pag nabadtrip sa ILs ko, nakataas na ng boses yun, minsan tuloy ako rin naiipit, parang sa akin sila naiinis kapag nasisita sila ng hubby ko.

tannya

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #321 on: February 05, 2013, 05:40:00 pm »
Hahaha super dami. ThingS literally.

One of it, i remember, was when I was in the hospital para sa CS delivery ko sa first baby namin. Andun si hubby ko the day after na hiniwa ako - hindi para alalayan ako, kundi para alalayan ang mga in-laws ko. I felt so bad about it at ilang months din before ko na let-out kay hubby yun.

On that time kasi nung dumating si hubby eh 'akalain mo nga naman' at dumating din mga in-laws ko. May nireseta si doc that lunch time and nainom ko ang gamot in the late evening na! Here's why... Ni-lunch-out ni hubby ang matatanda at kapatid niya and sabay check-in sa hotel sa tapat. Tinesting pa daw ng dad niya ang jacuzzi ng hotel kaya natagalan. Lalo lang akong nainis and somewhat na-frustrate sa sarili ko if kung talagang tama ba ang napangasawa ko :(

Nasa nursery lang noon c baby and that mismong day ay pinilit nilang i-room-in ang bata. Since andoon sila eh di okay. I thought okay naman kasi nga may magbabantay which is my MIL (nagpaiwan kasi aalagaan daw nya ang 'neneng' (apo) nya eh and chose to stay that night sa hospital imbes na sa hotel sa tapat ng hospital-katawa talaga). Well, hindi yun nangyari. Awang awa pa ko sa sarili ko that time dahil imbes na ako ang nagpapahinga ay sila pa ng anak nya (asawa ko) ang nakatulog. Anga naman hayaan ko ang bata sa kaiiyak magdamag? Syempre di ko matake yon no samantalang sila eh ang himbing pa ng tulog!!! My gawd talaga ang MIL ko ang natulog sa tulugan ng bantay samantalang ang hubby ko ay natulog sa kama ko!!!

dami pang scenes there sa hospital...ik-kuwento ko nalang next time ;)

justineo

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #322 on: February 06, 2013, 07:03:33 pm »
Civil naman kami ni MIL, wala naman kaming pinag-aawayan, bihira din kami magkita pero may panahon na may nasabi syang nasaktan ako:

1. initially kasi gusto namin ng church wedding, nung birthday ng isang pinsan ni husband and everybody was present, tinanong kami ng pinsan ni husband in front of his relatives (tito, tita and cousins) kung saan namin gustong church magpakasal. Sumagot si hubby na sa Manila Cathedral daw nya gusto, good reactions naman narinig ko pero nung medyo tumahimik na, nadinig ko si MIL sinabi sa pinsan ni hubby nang pabulong na "gusto pa mag-papa-reserve, parang artista". At medyo di maganda ang tono nya. Paano yun, dadating na lang ba kami basta-basta sa simbahan?

After one week, nakatanggap ako ng mala-telenobelang text message sa MIL ko saying na sana daw maging practical kami, tutulungan daw nya kami sa wedding pero gusto nya sa kanila sa Cavite ang wedding. Kung hindi sa Cavite ang kasal, di daw nya kami susuportahan. Yung gagastusin daw namin sa Manila maraming marami na daw ang mapapakain namin sa Cavite non. At isa pa daw, mas malaki daw ang angkan nila. Paramihan ito ng angkan. Ang dating talaga ng text message nya ay di sya pupunta sa kasal namin kung dito sa Manila gagawin. Sabi nga ni hubby wala na raw sya pakialam kung di pupunta ang nanay nya. Hindi talaga ako pumayag at sabi ko na lang kay hubby na sa Manila ang wedding at papayag na ako na practical, nag civil wedding na lang kami.

2. Dahil sa Manila ang wedding at relatives lang ang invited noon, sabi namin babawi kami sa binyag ni baby. Ayoko sa bahay nila gawin kasi marami kaming bisita na manggaling pa ng Bulacan at Manila pagkatapos pagdating sa Cavite kakain ng nakatayo? Ganon kasi sa kanila, magdamag ang event kaya kahit 3 tables lang okay na kasi di sabay-sabay ang dating ng tao, ang iba sa loob ng bahay kumakain, iba naman nakatayo, iba nagkakasya sa maliit na space. Di ko naman pinabyahe ng malayo ang guests namin parang maging uncomfortable. Na-convince ko si hubby mag clubhouse kami, pumayag na ako na sila ang magluto, nag rent na lang kami ng utensils, kumuha ng wait staff at nagpa venue dress up. Naging mas magastos pa compared sa kumuha nalang sana kami ng caterer, wala pa sana kaming naabalang madlang people, pero dahil ganon sa kanila pag handaan na dapat sila magluto, pumayag na ako. Siguro one month before the binyag, nadulas hubby ko na sinabi pala ng MIL ko na kung sa clubhouseang binyag wala kaming makukuhang tulong sa kanya dahil gusto nya sa bahay. Di naman kami humihingi ng tulong, yung ginastos namin pera naming mag-asawa. Nung binyag dumating sya ng maaga sa reception at sabi ng mom ko nagandahan ang MIL ko. Pffft!

break_free

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #323 on: February 06, 2013, 08:08:38 pm »
Sis tannya kaasar naman yan super! Imber na ikaw ang center of attention kasi need mo ng care and all dahil kaka CS mo lang, parang sila pa yung dapat iplease and all.

miei2dolcifigli

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #324 on: February 11, 2013, 03:44:16 pm »
I guess normal lang kay sis hallerness to feel that way lalo wala na siya katuwang...I myself is possessive with my kids...kahit na sa sarili ko relatives parang hesitant pa ako minsan iwan mga anak ko. maybe you can talk it over siguro with your sis-in-law. hirap kasi minsan isipin na malayo ka sa mga anak mo.

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #325 on: February 13, 2013, 05:59:00 pm »
Kaka badtrip lang SIL ko.kasi ako na nga nag volunteer na tumulong para sa family outing namin,ako pa sinisi nila.kasi naman ang hirap ng sched ng fam.nila hubby.kaya pag may lakad kami ni hubby at daugh.di namin sinasabi sa kanila dahil alam namin di yan matutuloy.laging ganyan.

ako nag book sa resort,kinuha ko sila tag iisang room kasama kami ni hubby.after 1 week sabi ko baka kasi gusto na niya bayaran na yung mga kwarto dahil first come first serve yon.di naman pwedeng patagalin dahil next week na yung outing baka maubusan kami ng kwarto.ang hirap makipag negotiate dahil ang dami nila,tapos yung 2 br iisa na lang.pag kinakausap lately puro busy siya,nasa meeting.naintndhan ko naman kaso pag yung kwarto naunahan kami,ako na naman mahihilo maghanap.buti sana kung trabaho ko yun.excited raw ako.di naman.kahit nga di matuloy yun kahit ba sagot niya.mas ok sakin kung kaming tatlo lang ng mag ama ko.magulo naman kasi sila.ako pa nasisi nangulit kaya pag naunahan sila sa mga kwarto bahala sila mag outing mag isa.

tannya

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #326 on: February 15, 2013, 01:18:00 pm »
^ hahaha sana may like button. likelikelike :)

tannya

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #327 on: February 15, 2013, 01:22:42 pm »
Sis tannya kaasar naman yan super! Imber na ikaw ang center of attention kasi need mo ng care and all dahil kaka CS mo lang, parang sila pa yung dapat iplease and all.

hahaha sis di k to napansin ah?oo as in kaasar...di ko naman hinihinging maging center of attention pero sana naging considerate sila sa, ehem, may sakit. ikaw ba naman kumikirotkirot ang sugat mo hayaan kang mag-baby-sit na di ko naman aslanan ma-room in ang bata? worst, kalimutan pa ng asawa ko ang makabili ng gamot ko because of asissting them.haaaaay.life nga naman...

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #328 on: February 15, 2013, 02:20:53 pm »
yung sa pag be-bless sa matatanda..sa amin kasi sa side ko hindi uso yon dahil ayaw ni Inay--ang lola ko. :D kiss lang sa amin eh..ngayon sa family ni hubby uso yon..wala naman problema sa akin kasi ako naman eversince pinakilala ako sa relatives niya,nakiki bless rin ako sa mga matanda..kaso itong anak ko  kaka 2 years old lang nung isang araw.na pe-pressure akong turuan mag bless dahil magkikita kami ng mga in-laws ko >:(

last Christmas kasi sinasabi na yung anak ko raw hindi ko tinuturuan mag bless kaya hindi marunong..buti pa raw yun si baby____ na isa pang apo na nakatira sa kanila marunong kahit 6 months pa lang.lagi naman nila kasama sa iisang bubong yon,nasanay na rin sigurado,kitang kita ko naman hindi bless yun ginagawa ng baby,sinusubsob nung helper nila yung mukha sa kamay ni MIL eh  ;D syempre pinaka ayaw ko i-compare ang anak ko kahit kaninong bata,lalo na di ko ka-dugo,kahit pamangkin ng asawa ko,sino ba sila ::)

syempre nahihiya ako sabihan ako ng ganun sa harapan ng madami nilang relatives.ilang taon lang ba yung anak ko.kahit naman hindi marunong mag bless yun bata sa murang edad malambing naman sa kanila,at laging nakangiti,hindi nagingilala pag kinarga nila,di gaya ng mga apo niyang taga dun lang malapit sa kanila,marunong nga mag bless,hindi naman nakikipag usap sa kanya hahaha  ;D ngayon tuloy turo ako ng turo,ang sistema kasi eh minsan lang sila makita ng bata,sana lang hindi makalimutan sa sunday.pero sabi ko nga sa asawa ko pag sa uulitin marinig niya na mag reklamo nanay niya,magsalita naman siya na bata naman yun kaya wag nilang madaliin..tuturuan ko naman yung anak ko pag lumaki pa ng kaunti,alam ko naman yun dahil marunong naman ako mag respeto sa matatanda..kakapikon lang kasi..mag bless ako sa kanya ng 1000 times para manahimik siya :P

charnel

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #329 on: February 19, 2013, 04:37:55 am »
Ako nga parang gusto ko na ring mainggit sa sister inlaw ko! Kasi dahil gusto kong makatulong Sa family Ng husband ko yung sang Bahay  namin pinaupahan namin Sa kanila Ng mura Lang tapos ang rental nun diretso Sa nanay nila sustento ni hubby...kumuha Ako Ng St. Peter plan Sa nanay nila dahil alam ko pag dating time n yun nanay nila si hubby lahat,ipon at budget din Ako to the max tapos maki kita ko Lang Sa FB nya Kung saan saan nakarating Lagi may reunion Sa classmate, going out high skul friends nila NASA 40s na cya...di ba magastos din yun....tapos kami ipon tipid dahil iniisip ko pag nagkasakit magulang nila  kami maglalabas, asar Lang Ako...pag family matters Lagi wala pera pag Luho ayun carry Lang....hay naku buhay talaga..

rhed

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #330 on: February 21, 2013, 03:33:03 pm »
when my mil learned that we have a cebu-bohol trip next month, she commented a couple of times "wow, ang dami nyo pera"  ::) ;D di ko na lang pinansin, hubby is still giving her allowance on time bakit parang ang bitter nya  ::) my parents were happy about our trip naman..... hai, in laws haha

KVsWahmmy

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #331 on: February 26, 2013, 05:36:36 pm »
with my MIL, wala naman masyado, siguro dahil na din sa nakabukod kami, though malapit lang din kami sa kanila nakatira (mga 5 minutes away). hindi kami araw-araw nagkikita so walang chance magka-issues masyado. hehe.

my biggest issue is with my brother-in-law and his wife.. I swear, iba ang inis ko sa kanya. Here's why. He's the panganay. He has two kids with his first wife. Naghiwalay sila, naiwan sa kanya mga bata. He used to live with my parents in law. Even then, he wasn't exactly what you would call the responsible father. Pag may needs ang mga bata, nung single si hubby (or nung wala pa kami anak), madalas, in the end we have to provide or si MIL ang maghahanap ng paraan. He didn't spend much quality time with them din, pag off nya or weekends, either tulog sya or wala sya sa bahay nila maghapon magdamag. so since wala kami anak ni hubby non, and he was really close to the kids, kami ang nagpapasyal sa mga bata. Halos tawagin na kong nanay ng mga bata noon. May trabaho si BIL nyan ha, though minimum wage, so fine. Pero eventually he got a better paying job. Fast forward, na-annull na ang marriage to the first wife. Si BIL, nagpakasal na sa girlfriend. Ang mga kiddos with the first wife, ayun, nasa MIL ko pa din. He now has a new son with the new wife. And they live about 30 minutes away from my MIL's house.

Ang masaklap: 1. Kung puntahan nya ang mga anak nya, siguro mga twice a month lang. And he only stays at the house for 30 minutes to an hour at most. Kung ilalabas ang mga bata, parang himala, kasi veeeery rarely mangyari. At kung magkasama sila, mga 1 hour lang din. Lakas maka-quality time di ba? To think he only lives one jeepney ride away. Daig pa OFW sa dalang magparamdam. 2. BIL is responsible for the kids' tuition fees, while the first wife provides for the baons and all other stuff. Pahirapan singilin si BIL pagdating ng bayaran ng tuition fees. Sobrang pahirapan to the point na umiiyak na si MIL sa frustration at sa pag-aalala kung san maghanap ng pambayad tuition. Tatawagan sya ni MIL, hindi sinasagot ang phone. As in. Nakakaloka. 3. May new anak na si BIL, who's less than a year old, ito ang winner, kay MIL sya nagpapahanap ng yaya. O di ba? Matapos iwan yung two kids nya sa MIL ko, nakuha pa magpahanap ng yaya. Samantalang si MIL, who's already in her late 60's ang naglalaba ng damit ng mga anak nya, naghahanda ng baon araw-araw, tumutulong sa assignment, umaattend ng school events - in short, sya ang nagpapalaki dun sa dalawa for the past decade. The nerve talaga.

Itong si 'new' SIL naman, I swear is another headache. She once texted the elder kid na nakatira kay MIL (hubby's nephew) na sabihin kay MIL na wag silang manghingi ng manghingi ng pera sa tatay nila dahil hirap na nga daw magprovide sa kanila ng anak nya. Nagtext kasi yung bata asking their dad for their tuition fee, kasi nung si MIL nga ang tumatawag, mega deadma. So baka nga naman pag yung bata, makaramdam ng awa. Ayun   yung babae ang nagreply sa text. Sabi pa nung girl through text, sya na nga daw nagproprovide sa milk and diapers ng baby nila. Pero di ba dapat naman? Parent din sya nung bata eh, so malamang if di maprovide ng asawa nya, e di sya. Kailangan talaga itext pa sa mga anak ng asawa mo? Ang masaklap nito, siempre bata yung nakabasa non, and one way or another, maapektuhan sya. Nung nabasa yon ng MIL ko, as usual, naiyak na naman sya. :( Ayun sa isang close cousin ni hubby na close din sa bro nya, is parang yung new wife daw ata ang pumipigil kay BIL na magbigay sa MIL ko for the kids.

Tapos ayun si orig SIL, though may consistent presence naman sa buhay ng mga bata, still wala pa din sa care nya yung mga anak nya. Bakit? Ewan ko. May trabaho din naman sya. In short, kaya nya sigurong buhayin naman yung mga bata, but she chooses na iwan pa din sa MIL ko yung kids. It puzzles me.

I mean come on, fine nagkahiwalay silang dalawa. So kailangan talaga iwan sa lola at pahirapan ang lola sa pagpapalaki ng mga bata WHEN both of you are well and able naman to AT THE VERY LEAST provide for the kids financially? And hindi ba puedeng mageffort naman konti si BIL to at least still be a father figure to his kids pa din? At anong problema nitong si new wifey at ganun sya magsalita? Nanay din sya, she should think about how BIL's kids do not have a 'family structure' to depend on, wala ang nanay nila sa kanila, at wala din ang tatay.

Super nakakaawa yung MIL ko and lalo na yung mga kids. :( We try our best to help, pero siempre, hindi naman puedeng basta na lang i-tolerate yung ginagawa ng mga in-laws ko (sis and bro in law). Ang saya-saya nila masyado, para lang silang nagiwan ng bata sa play place ah. At least dun binabalikan para iuwi, e sila silip na nga lang ginagawa, napakadalang pa. Tsk.

break_free

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #332 on: February 26, 2013, 10:36:55 pm »
KVsWahmmy, naloka ako sa pagka irresponsible ni BIL mo ha. Kawawa naman yung MIL mo, though yung SIL naman (SIL nga ba? as in kasal sila ni BIL? correct me if I'm wrong po sis ha), well kung mag jowa-jowaan lang naman sila ni BIL ay wala naman ata siyang responsibilidad sa mga kids pero yun nga di rin naman tama na mag text ng ganun...ang dapat encourage niya si BIL na gumawa ng paraan. Kaloka talaga yan sis.

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #333 on: February 26, 2013, 11:39:16 pm »
ang arte kasama sa outing..sobrang pa-importante.sila ang nagiging cause of delay kaya ayoko talaga silang isasama sa susunod.

KVsWahmmy

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #334 on: February 27, 2013, 12:37:06 am »
sis break_free: when the marriage to the first wife was annulled, he and the gf (now wife) got married, pero Christian wedding ata yon, kasi sa simbahan kinasal si BIL dati, so hindi na puwede sa Catholic church sya pakasal ulit. Definitely hindi na responsibilidad ni new wifey yung 2 kids, pero yun lang sis, she knows naman before they got married na BIL has two kids and of course those kids are still BIL's responsibility. May trabaho naman si BIL, which means hindi naman sya hihingi kay new wifey ng pampaaral ng mga bata. Ang masaklap lang dun is if true na pinipigilan nya si BIL magbigay sa dalawang anak nya for the tuition fee. AT ang nakakaloka don, if nagpapapigil din si BIL. True na true nakakaloka.

Nalulungkot lang ako para kay MIL, kasi it's not like 'pangluho' yung hinihingi nya for the kids. Pampaaral yon. And she's already in the late 60's, wala silang work ni [textspeak!], and we can only help so much dahil magpapaaral na din kami this year. :(

Really really sad lang talaga, kaya ang laki ng inis ko sa kanila dahil I cannot find the logic in how parents can actually do that to their own kids...  :(


break_free

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #335 on: February 27, 2013, 04:03:08 am »
^ Naaawa din ako sa MIL mo sis, while yung ibang MIL ay problema ng karamihan ng sis natin dito, ako naaawa sa MIL mo. Naawa din ako sa mga kids, kasi kakalakihan nila yung ganyang setup...possible din na maging ganyang magulang sila WAG naman sana. Good luck sa iyo sis. :)

chofontanilla

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #336 on: February 27, 2013, 11:56:59 am »
Same tayo situation sis. Inis kay BIL. Pareho ng kwento may wife and kids siya then pareho silang pulis kwento ni hubs pinalabas daw ni bil na nanlake si wife kaya nambabae din siya napaniwala niya si mil saka 2 sisters ni hubs pero si hubs hindi alam niya kuya niya ang may kasalanan so nagkahiwalay galit na galit sila mil sa wife then yung 3 bata kay wife na lumaki si bil naman easy go lucky simula noon hanggang ngayon tinyente na siya sustento ng anak galing kay sil na may pera bakit? Kasi walang magawa si sil lagi sinasabi ni mil kawawa naman daw si bil eh to think napakalaking pera nakukuha ng mga pulis, then palihim pang binibigyan ni mil si bil ng pera linggo linggo. Ang mga bata 2 beses lang sa isang taon pumunta dito kasi gf ni bil ang dinadala niya, mali diba? Ni hindi nga nabalitaan ng mga bata na namatay na lolo nila kasi gf ni bil ang dinala niya sa libing, mali pa din. Si gf naman ni bil napakasipsip kulang nalang subuan si mil kapag kakain kapag nagsasalita umuulan ng po ang sinasabi tawagin daw ba kong ate eh mas gurang pa siya saken. Kung ilike ang pics ng anak ng 2 kong sil wagas mapera kasi yung 2 ginagawan pa niya ng collage pero pic ng anak ko di man lang mapansin nabuko ko tuloy na sipsip talaga. Kaya kada nakikita ko siya puro kaplastikan ang naaalala ko sakanya. Si mil naman pabor lagi kay bil kahit nagkautang utang na nakabangga at marami pang problemang binabalita kada linggo siyempre ang magbabayad ng perwisyo niya si sil nanaman. Pero kay hubs lagi inis si mil kahit si hubs ang naghuhugas ng plato, nagddrive sa kanila anytime, nagaasikaso ng shop ni isa wala kaming problemang binigay sakanila pero inis pa din siya lagi. Oh life kapag nakalipat kami sigurado mahihirapan sila hihintayin nalang namin yung araw na yun kasi alam namin malapit na yun.

sistah!

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #337 on: February 28, 2013, 01:56:10 pm »
im so frustrated. my sister in law doesnt like me. hates me, hates me, hates me talaga. it was fine as long as interaction between us is kept to a minimum and she works abroad so deadma na. i have a good relationship with my immediate in laws except her and pretty decent relationship with my husband's relatives so while we dont hang out a lot as a group, everytime there's a party, we're ok naman. masaya naman. but recently, sil decided to stay here na so things are rather strained. pag may party or gathering, i dont get to chika with the other relatives because she  makes it obvious that i am not welcome in the group. whenever we visit our in laws, as soon as she sees me, walk out na sya at magkukulong na kwarto nya. so frustrating because i can see how this annoys my husband to pieces. nakakainis sya.

Priceless

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #338 on: February 28, 2013, 06:09:09 pm »
^Maybe you need to find out what your SIL's issues are. Kasi you mentioned na with the other in-laws, your relationship is decent, "ok" lang. Sometimes kasi there might be something underlying na the other inlaws are good at hiding (pormal and civilized lang sila pero deep inside inis din sila sayo and they feed that on to the SIL who is more open and vocal about disliking you). I would say that use it as an opportunity to find out - although dapat subtle ka din lang kasi baka the more you press and try to "be on good terms" with everyone, lalo lang silang mainis sayo at gawan ka pa ng intriga.

I have an auntie-in-law who is "HATED" by my biological auntie for so many reasons - social climber, trying hard, baduy, palengkera, walang breeding, etc etc etc. Although alam na ng buong pamilya ang characteristics ni AIL, wala namang magagawa dahil kasal na sila so, pinakikisamahan nalang sya ng rest of the family (although behind her back pinagtatawanan pa rin sya) pero si biological auntie hindi marunong magplastic kaya she would rather avoid the AIL. Wala syang pasensyang makipag plastikan kasi. In some ways mabuti na rin si biological auntie kasi nagpapakatotoo sya sa sarili nya...

Over time matatanggap din nya ang situation - otherwise, you'll just have to live with the fact na never kayong magiging close. Accept it and move on, just enjoy the company of the people who you like and like you back.

sistah!

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #339 on: March 01, 2013, 04:30:30 pm »
^ my husband's family kasi are very close to each other. they're not just related by blood. they're also friends as in sila sila na cousins ang magbabarkada. with the cousins and the siblings, we have a good relationship. i just think it's not like my SIL's relationship with them kasi syempre they have history na and they see each other all the time. i've gone out with them and all and okay naman lahat, we just dont do that all the time and i only go pag niyaya. i dont naman set the dates and all.

i really think it's just my sil who has issues with me. i used to think kasi that the issues were all mababaw. she pointed them all out to my husband before we got married, he married me anyway. LOL. but those issues, no matter how babaw, talagang makes for very uncomfortable times. awkward talaga.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close