We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
^sis kaya nga ayoko pupunta sa bahay nina hubby kase for sure kung ano ano na naman sasabihin niya. Alam mo yung paulit ulit siya sa mga gusto niya? HIndi naman siya ang gagastos sa panganganak ko dahil may ipon kami ni hubby, and I told her that, Sabi ba naman KAHIT na daw. Pakialamera talaga! Hindi ko na lang pinapansin kase nakakainis na minsan. Every weekend lang kami magkita ni hubby since sa Makati sya work and dito naman ako sa Cavite. Yung house ng parents ko 30 minutes away lang sa house ng parents nya pero ayokong ayoko na pupunta kami don every weekend. One more thing, she wanted na girl ang apo nya pero boy ang magiging baby namin. Sablay na naman daw. Hay naku, kaya as much as possible after I gave birth and I need to go back to work, hahanap na lang ako ng yaya kesa sa bahay nina hubby maiwan. No way!
Tapos lagi nya pa binibida na hindi na daw sya mag-aasawa kasi sa mga anak ko na lang daw nya ipo-focus yung attention nya.. duhh
thanks sisses theshopaholicprincess, vain_kixie. naku yung SIL ko ngang kasama rin namin sa bahay gusto na bumukod kasi wala raw silang privacy. ewan ko bakit tong asawa ko hindi magets yung ganun. kaya lagi ko pinagdadasal na magka baby na kami, baka sakaling mag iba ang isip nya. sila SIL kasi talaga namang walang privacy, may isang anak sila tapos hindi rin feel ni MIL yung asawa nya. lagi nalang may comment sa lahat ng tao at sa lahat ng bagay naman kasi yung matandang yun. minsan tinanong ako ni hubby kung bubukod daw ba kami. una, nagulat ako kasi naisip ko ano ba yun, forever ba kaming ganito? parang hindi ko ata kaya.. pero dahil alam kong ayaw nyang umalis sa kanila, sinagot ko nalang sya na "keri pa naman sa ngayon, ipon lang muna tayo ng ipon habang wala pang baby." aba, sinagot ba naman ako ng mabilis na "eh bakit ba kasi ayaw mo dyan? (referring to their house)" naloka ako! bahala talaga sya, basta ako nagsscout na ng house and lot na kaya kong bayaran. hanggat maari kasi gusto ko sarili na, para kahit maghulog kami ng maghulog, sa amin mapupunta yung property. sa ngayon ang ginagawa ko nalang, umaalis ako pag weekends para makalanghap man lang ako ng "fresh air".