watch now

Author Topic: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2  (Read 130097 times)

miei2dolcifigli

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #300 on: January 25, 2013, 07:36:14 pm »
oo nga naman...alangan naman na ipa sex change mo yung baby mo para lang matuwa sila...haaays. sana sana lang...medyo limit naman ni MIL mo yang pangingialam niya...hindi nakakatulong sa inyo mag asawa yan dahil kung mamanipulahin niya lang pagsasama niyo, sana binalik niya nalang sa tiyan niya anak niya.

carxs

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #301 on: January 27, 2013, 09:23:38 pm »
I hate my mother in law to the fact na puro lang sya daldal, in short puro yabang at kwentong barbero lang. Also their bunsong babae na ang arte arte na akala mo rich kid.. gggrrr.. grabe naiinis ako sa kanila. There was one time na we went to manila kaming 2 lang ng baby ko (1 year na si baby), syempre at that age malikot na ang bata so may tendency na pumapayat talaga then he's a boy pa so active talaga sa kalikutan, naimbyerna ako nung sinabi ng MIL ko na "umalis kayo nun dito sa manila na mataba si baby tapos bumalik nanaman kayo dito na payat sya", so anung ibig sabihin nya dun? na hindi ko inaalagaan yun apo nila? e pure breastfed pa rin si baby 'till now he's 1 year and 4 months na. Then she's telling me na "iwan mo na lang si baby dito at ako mag-aalaga" hay naku ah!! sya daw mag-aalaga eh there was a time na umalis lang ako for 3 hours to buy some stuffs sa mall ayun tawag na sila ng tawag sa akin kasi daw hindi daw tumitigil sa kakaiyak yun bata, e before I left I prepare everything and told them everything from milk to his pang change, (the mall is about 20 mins. ride lang from their house),hindi na ako nag-rush kasi I know my husband was there din naman. When I got home ayun todo kwento sya sa akin about sa pag-wawala ng bata. My husband was to one who calm my baby kasi he knows kung anung gusto nya. Then dun ko na sinabi sa MIL ko na "[textspeak!] 'ma? pwede ko na bang iwan si baby dito?" then she said " ang hirap palang patahanin yan, susko!! di ko na nga natapos yun mga gawain ko dito sa bahay e!" then I told her "oh kala ko ba gusto mong alagaan na si baby?" ayun di sya naka-imik. To think she's a mother of 5 per bat ganun?? Kaya sabi ko sa husband ko na kung namimiss nya kami e sya na lang ang lumuwas dito sa province.

caramelli

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #302 on: January 27, 2013, 10:30:48 pm »
MIL ko kung makapagsalita, kala mo utusan nya ako. This noon, while I was cooking lunch, aba kumatok sa amin sabay sabi sa akin, "Ano ba niluto mong ulam?!" Sinagot ko nga ng "Monggo", ang bastos kasi. Akala mo hindi ako asawa ng anak nya, pakiramdam ko tuloy pinapamukha nya sa akin na dito ako nakikitira sa kanila. Eh responsibilidad ko pa ba yung kakainin nya? Kung tutuusin, lalake ang anak nya at responsibilidad ng anak nyang mag provide ng matitirhan namin. Parang dapat palagi ko syang bigyan. Kapag binigyan mo naman, kung hindi may comment, manghihingi pa ulit. Nakakagigil talaga! Feeling ata nya, por que dito ako sa bahay madalas mag work, eh basta basta nalang yung trabaho ko at parang gusto nya eh hindi na ako tumigil sa kakaluto at kakabigay sa kanila. Wala kasing alam eh! Alam ko kung ano anong pinag uusapan nila kapag nakatalikod ako. Lahat naman ng pakikisama ginagawa ko, lagi pa ring may nasasabi. Lahat ng manugang nya may "code name" sya. I wonder kung anong tawag nya sa akin. Pinagdadasal ko nalang palagi na sana bigyan pa ako ni Lord ng mahaaaaaaaaaaaaabang pasensya.  >:(

Priceless

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #303 on: January 28, 2013, 11:06:41 am »
^Does she talk to your husband (her son) or her other children (or in laws) like that? As much as possible hindi talaga maganda yung nakikitira sa mga in laws or kamag anak after marriage kasi hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng friction.

caramelli

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #304 on: January 28, 2013, 11:33:49 am »
^Hi sis! Madalas syang ganun. Madalang lang ata yung "nasa mood" sya at maayos magsalita. Sa mga anak nya parang ganun din pero naman, sanay na yung mga yun sa kanya kaya nga madalas syang sagot sagutin. My hubby always tells me na ganun lang daw magsalita yun. Pero maski na, iba iba pa rin naman ang tao, depende sa kinalakihan. Sakto nga na kausap ko mom ko sa phone kahapon nung ginanon nya ako, pati sya nagulat kasi parang siga raw. Hindi lang siguro ako sanay sa ganun dahil parents ko parehong softspoken. Walang ganun magsalita sa bahay kaya nagugulat ako pag ginaganon ako ni MIL. Ang point ko lang sis, hindi sya ganun sa ibang manugang nya, lalo dun sa asawa ng isang ate ni hubby, as in nahihiya sya. Sabi ng mom ko, pagpasensyahan ko na raw dahil matanda na at sanay na raw siguro masyado sa akin kaya ganun. Kahit anong pasensya gawin ko, tinatablan pa rin talaga ako minsan ng pagkainis. Re pagtira sa inlaws, wala pa kaming sariling house ni hubby, pero plano "kong" kumuha na (kasi parang ayaw ni hubby na iwan nanay nya).

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #305 on: January 28, 2013, 01:24:26 pm »
^ ay naku sis, take it also from me na it's still nice na nakabukod kayo and be firm on getting your own place. Sabi nga ng ibang sisses dito na iisa lang ang reyna sa bahay. Pilitin mo hubby mo na bumukod kasi ibang family na kayo.

vain_kixie

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #306 on: January 28, 2013, 02:36:09 pm »
carmelli, oo bumukod ka. Kung wala pang money mag ipon kayo for it. Kahit for rent lang basta you have your own place. If I was in your position nako bebenta ko lahat ng gadgets ko, jewelry etc para lang may liquid cash ko pang down ng rented  apartment or condo or kahit room lang. Kasi the more you stay with your in laws mas lalo kayong mag-aaway ng hubby mo dahil maasar ka sa nanay niya. It's just not worth it.


Kami nga ni hubby nasa states na ang family niya ha, naeembyerna parin ako sa kanila minsan. Lalo pa siguro kung nandito sila sa Manila or I am living with them.

nageinna

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #307 on: January 28, 2013, 03:13:04 pm »
^sis kaya nga ayoko pupunta sa bahay nina hubby kase for sure kung ano ano na naman sasabihin niya. Alam mo yung paulit ulit siya sa mga gusto niya? HIndi naman siya ang gagastos sa panganganak ko dahil may ipon kami ni hubby, and I told her that, Sabi ba naman KAHIT na daw. Pakialamera talaga! Hindi ko na lang pinapansin kase nakakainis na minsan. Every weekend lang kami magkita ni hubby since sa Makati sya work and dito naman ako sa Cavite. Yung house ng parents ko 30 minutes away lang sa house ng parents nya pero ayokong ayoko na pupunta kami don every weekend. One more thing, she wanted na girl ang apo nya pero boy ang magiging baby namin. Sablay na naman daw. Hay naku, kaya as much as possible after I gave birth and I need to go back to work, hahanap na lang ako ng yaya kesa sa bahay nina hubby maiwan. No way!

omg sis, sa akin naman lagi niya sinasabi boy gusto niya! kasi traditional chinese family ni hubby so boy talaga preferred kids pag ganon. i can understand that to be honest. ako man gusto ko rin ng boy kasi sa family ko, all girls kami magkakapatid. kaya gusto ko talaga boy maging first apo. pero bad trip ako, since TTC kami ni hubby now, lagi niya sinasabi dapat boy daw maging baby. ayaw daw niya girl. and talagang sinasabi niya na ayaw niya! dun ako nainis. feeling ko pag nag girl yan ako pa masisisi niya. kaya kahit na ako gusto ko ng boy, parang mas na iimagine ko ngayon baby girl. kasi feel ko walang may gusto sa kanya pag naging girl nga maging future baby ko. kaya pinag ppray ko nalang ngayon, sabi ko masaya na ko any gender. basta importante healthy baby. and isa pa, every month tinatanong ako niyan kung dumating na ba period ko. heller, mas alam pa niya cycle ko kaysa sa mom ko eh. and nakaka stress yung tanong siya ng tanong! tapos gusto niya pacheck up na agad sa doctor. samin naman ni hubby we're not rushing. if it comes, it comes kumbaga. eh sa pangungulit niya every month nasstress na ko. hindi ba niya naiisip kaya hindi pa ko nabubuntis eh dahil sa kakaabang niyang mabuntis ako.

caramelli

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #308 on: January 28, 2013, 11:50:17 pm »
thanks sisses theshopaholicprincess, vain_kixie.

naku yung SIL ko ngang kasama rin namin sa bahay gusto na bumukod kasi wala raw silang privacy. ewan ko bakit tong asawa ko hindi magets yung ganun. kaya lagi ko pinagdadasal na magka baby na kami, baka sakaling mag iba ang isip nya. sila SIL kasi talaga namang walang privacy, may isang anak sila tapos hindi rin feel ni MIL yung asawa nya. lagi nalang may comment sa lahat ng tao at sa lahat ng bagay naman kasi yung matandang yun.  minsan tinanong ako ni hubby kung bubukod daw ba kami. una, nagulat ako kasi naisip ko ano ba yun, forever ba kaming ganito? parang hindi ko ata kaya.. pero dahil alam kong ayaw nyang umalis sa kanila, sinagot ko nalang sya na "keri pa naman sa ngayon, ipon lang muna tayo ng ipon habang wala pang baby." aba, sinagot ba naman ako ng mabilis na "eh bakit ba kasi ayaw mo dyan? (referring to their house)"  >:( naloka ako! bahala talaga sya, basta ako nagsscout na ng house and lot na kaya kong bayaran. hanggat maari kasi gusto ko sarili na, para kahit maghulog kami ng maghulog, sa amin mapupunta yung property. sa ngayon ang ginagawa ko nalang, umaalis ako pag weekends para makalanghap man lang ako ng "fresh air".

hallerness

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #309 on: January 29, 2013, 02:25:59 pm »
ang sa akin naman is my SIL.. kasi ba naman hinihingi nya yung anak ko sa akin.. I'm a widow and have two kids.. nagababakasyon sa kanila paminsan-minsan yung mga bata, pero the last time na hinatid nila sa akin yung mga bata eh pinapagpa-alam ba naman sa akin na dun na lang daw sa kanila yung mga bata, dun na daw mag-aral at tumira.. kunin ko na lang daw every weekend.. aba! at ako pa talaga ang makikihati? >:( naisip ko lang.. bakit? patay na ba ako o hindi ko na ba nabubuhay ang mga anak ko kaya kinukuha sa akin? >:(

tinanong ko yung panganay ko'ng anak (who's 10 years old) kung kaninong idea yun.. sabi nya sa tita daw nya.. at NO DEAL daw sya dun, yung bunso ko lang ang na-brainwash nya.. kaasar talaga  >:(

caprice

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #310 on: January 30, 2013, 01:49:23 pm »
^ ano yun, parang tuta lang na hinihingi? tuta nga minsan ang hirap rin mag-let go. anak pa kaya!

hallerness

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #311 on: January 30, 2013, 06:59:07 pm »
^yun nga.. naloka talaga ako, kaya ayoko na tuloy sila pagbakasyunin dun.. maski nung buhay pa asawa ko at doon pa kami nakatira sa kanila, pakialamera na talaga yung SIL ko na yun eh.. oh well.. ::)

Tapos lagi nya pa binibida na hindi na daw sya mag-aasawa kasi sa mga anak ko na lang daw nya ipo-focus yung attention nya.. duhh ::)

sarsingkit

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #312 on: January 31, 2013, 09:10:09 am »
Tapos lagi nya pa binibida na hindi na daw sya mag-aasawa kasi sa mga anak ko na lang daw nya ipo-focus yung attention nya.. duhh ::)

Sis, hindi ba parang ang touching naman ng sinabi nya. parang nagmamalasakit sya sa mga bata. i know medyo oa yung kuhanin nya yung mga anak mo pero baka naman naaawa sya sa mga anak mo kasi nga wala ng daddy. namatay kasi yung mommy ko, bata pa lang ako kaya super grateful kami ng kapatid ko sa lahat ng care na binibigay samin. dont worry, ikaw pa rin naman ang nanay pero syempre for your kids kulang pa rin. magseseek pa rin ng love and care yan sa ibang tao lalo na sa mga taong related sa daddy nila.

Priceless

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #313 on: January 31, 2013, 09:53:49 am »
^I agree...

^^Siguro na mis-interpret mo lang ang sinabi ng SIL mo. Hindi naman siguro porket sinabi niya yun ang intention nya is agawin sayo ang mga bata, na paki alamera sya. Pasalamat ka nga dapat na may nagmamalasakit at nagmamahal sa mga anak mo bukod sa iyo. Ikaw naman inisip mo kagad na bine-brainwash ang mga anak mo - feeling ko masyado mong binibigyan ng malisya ang good intentions ng SIL mo. Dapat ikaw nalang nagsabi sa anak mo, na "see, your auntie loves you very much! but mama loves you too and will be sad if you leave".

I'm currently pregnant and mga kamag anak ko, nagsasabing sa kanila nalang daw ang baby ko pag labas, tapos bibisita nalang daw kami ni hubby. Sabi ko maraming nakapila na nanghihingi ng babies ko, pumila sila, pag napagod akong mag-alaga, pwede nilang hiramin. :)

hallerness

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #314 on: January 31, 2013, 12:55:33 pm »
@priceless and sarsingkit thanks for your inputs ha.. mejo tinamaan naman ako dun.. for sure naman may malasakit sya, pero ang sa akin lang sana, eh mas sila sana yung nagpaintindi sa mga bata na dapat kay mommy pa rin sila magi-stay, sure, pwede nila hiramin yung mga bata, kaya nga nakakapag-stay sila dun eh, yun nga lang hindi na sana nila binibigyan ng idea na dun na lang sila magi-stay forever kasi dun may ganito, may ganyan, at sa akin wala.. she's like buying my kids, they told my kids na may snake sa titirhan naming bahay (nakakuha na kasi ako ng sarili kong bahay na hinuhulugan and lilipat na kami dun by summer).. tapos lalabas pa na ako pa yung tipong manghihiram sa mga anak ko.. nakakasama lang kasi ng loob, buhay pa naman ako at napapalaki ko naman ng maayos yung mga anak ko pero sana wala naman sanang ini-inject na ideas na ganun.. she may have good intentions pero sana iniisip nya rin yung ways how she execute those good intentions kasi nakakasagasa ng tao.. hindi pa naman kasi ako patay para kuhain sa akin ang mga anak ko eh..

caprice

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #315 on: January 31, 2013, 02:07:03 pm »
^ actually, nakaka-touch nga na love nya kids mo pero yun nga, wag naman yung sa kanila na lang tumira at mag-aral kasi may nanay pa naman. maganda na may plans sya for your kids pero nasan ka dun sa plans nya?

Priceless

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #316 on: January 31, 2013, 03:33:43 pm »
^^As I said, ikaw nalang ang dapat umintindi sa SIL mo. Isipin mo na ikaw nalang ang bridge to maintain the relationship between your kids and your in laws dahil nga wala na si hubby mo. Baka dahil sa loss mo of your husband, medyo nagiging overly sensitive ka lang sa SIL mo, hindi naman siguro na she's trying to buy your kids' love away from you. Alam naman siguro ng kids mo na ikaw ang nanay, at iba pa rin ang pagmamahal ng nanay kesa sa auntie.

Ngayon if you focus your energies on keeping your children away from your in laws, hindi naman kaya mag back fire sayo and instead ang mga anak mo ang makapulot ng negative vibes? Suggest ko na be consistent ka nalang sa iyong parenting tasks - reaffirm your love and care and support for  your kids and teach them that there are a lot of people who love and care for them, isa na doon ang SIL mo, so they have to be good kids. Wag yung ikaw pa ang magtatanim (kahit na sa mga subtle actions or pahapyaw na salita) ng masasamang ideas about your in-laws and your SIL sa mga anak mo.

One day, there will be a time when your kids will have stronger influences from other people - not necessarily those who mean well like your SIL...You should prepare your kids and yourself for that.


theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #317 on: January 31, 2013, 05:46:52 pm »
thanks sisses theshopaholicprincess, vain_kixie.

naku yung SIL ko ngang kasama rin namin sa bahay gusto na bumukod kasi wala raw silang privacy. ewan ko bakit tong asawa ko hindi magets yung ganun. kaya lagi ko pinagdadasal na magka baby na kami, baka sakaling mag iba ang isip nya. sila SIL kasi talaga namang walang privacy, may isang anak sila tapos hindi rin feel ni MIL yung asawa nya. lagi nalang may comment sa lahat ng tao at sa lahat ng bagay naman kasi yung matandang yun.  minsan tinanong ako ni hubby kung bubukod daw ba kami. una, nagulat ako kasi naisip ko ano ba yun, forever ba kaming ganito? parang hindi ko ata kaya.. pero dahil alam kong ayaw nyang umalis sa kanila, sinagot ko nalang sya na "keri pa naman sa ngayon, ipon lang muna tayo ng ipon habang wala pang baby." aba, sinagot ba naman ako ng mabilis na "eh bakit ba kasi ayaw mo dyan? (referring to their house)"  >:( naloka ako! bahala talaga sya, basta ako nagsscout na ng house and lot na kaya kong bayaran. hanggat maari kasi gusto ko sarili na, para kahit maghulog kami ng maghulog, sa amin mapupunta yung property. sa ngayon ang ginagawa ko nalang, umaalis ako pag weekends para makalanghap man lang ako ng "fresh air".

sis, hanggat keri mo scout for a house. Tama yan! Not that sinusulsulan kita pero ako na mismo nagsasabi na its better talaga bumukod. It happened to me and my husband. I don't have any problems to my in-laws pero yung asawa ko nagkaproblem sa mom ko. Eh yung pagtira lang naman namin sa bahay eh temporary lang while we are waiting na matapos yung construction ng bahay namin. Alam din naman ng mom ko na temporary lang pero it feels like she can't wait to get rid of us. Dahil nagka-problem kami with my mom, ayun nagalaw ko yung ipon ko for our house furnishing para sa down ng apartment at pagbili ng mga gamit namin sa apartment. It was spontaneous decision pero mas nakahinga kami ng husband ko at nakakilos ng maayos. Kahit akong anak na ng nanay ko nagkaka-conflict pa dahil nga nasa iisang bahay lang kami.

caramelli

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #318 on: February 01, 2013, 03:36:56 pm »
^thanks sis sa advice ha. sana ganyan din asawa ko mag isip kagaya mo. actually nakikita rin naman ni hubby yung mali sa ugali ng mga tao sa kanila, kaso nga lang minsan hindi nya magets yung "woman's instinct". like pag sinabi kong parang nakasimangot ate nya or mom nya sasabihin nya sa akin na wag daw akong paranoid. hello, babatiin mo or bibigyan mo ng food tapos no response at ang nakakapikon eh wala akong ginagawa sa kanila. alam ko nag uusap usap sila kapag wala kami ni hubby sa bahay. nadulas minsan yung isa kong SIL, sabi katulad daw ako nung bilas nya na hindi raw lumalabas ng kwarto. the nerve! makapag salita, kala mo ang buti buti nyang manugang sa inlaws nya. at pati pala yung madalas na pag stay ko sa kwarto eh pinupuna pa nila. hindi ko alam kung mga t*nga o ano, alam naman nilang nagwowork ako sa bahay, alangan namang dun ko ikalat laptop at mga gamit ko sa sala, sasabayan pa ng kalat nung mga pamangkin ni hubby.

happybee$$$

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #319 on: February 02, 2013, 01:24:57 pm »
There can never be two queens in a castle lol. Riot talaga pag magkasama MIL and SIL and ikaw.Kahit na minsan all are good naman, at some point talaga nagkakakitaan kayo ng bad side so if you want to be a happy camper move out of their castle.

On my ILs naman, kakainis lang sa kanila na everytime I am asking them to look for a nanny for my little boys eh puro helper na gustong mag-aral ang binibigay sa akin. I want to help send kids to school by all means but not now! I want to prioritize my kids' education first. Hindi ko pa nga nararanasang magpaaral ng sarili kong anak eh ibang tao na agad. Gusto kasi nila kaming gawing extension ng kabutihan nila, okay naman yun pero naman oa na yata ang hingi nila sa amin eh. Yung helper, magcocollege and part time lang sa bahay magwowork daw sayang naman daw kasi matalino. Sige okay lang sa akin, free house, free food siya sa akin basta maglinis linis siya. Dapat din hindi siya full load sa school para naman makawork pa siya sa bahay. Kaso ang gusto pa ng MIL ko kami daw magbigay ng allowance!Malaman laman  ko pa eh sa june na gusto magaral ng bata, wala din siyang pang tuition fee! Kami pala lahat sasagot dun sa education ng bata.Kakainit ng ulo sabi ko helper need ko para maalagaan kids ko while me and hubby work, hindi po scholar ang pinapahanap ko!!!!!

I don't talk that much, buti na lang si hubby can deliver words na hindi nakakaoffend sa mom nya. Ako kasi I learned to say na si hubby po magdecide dyan and lucky me because I know kami prioritize ni hubby. Kasama naman sa long term plan namin ni hubby ang magpascholar pero hindi pa po now and pede po ba choice po namin yun kung sino!!!!Charity begins at home (relatives) hindi yung sinu-sino lang!

Inhale.Exhale.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close