with my MIL, wala naman masyado, siguro dahil na din sa nakabukod kami, though malapit lang din kami sa kanila nakatira (mga 5 minutes away). hindi kami araw-araw nagkikita so walang chance magka-issues masyado. hehe.
my biggest issue is with my brother-in-law and his wife.. I swear, iba ang inis ko sa kanya. Here's why. He's the panganay. He has two kids with his first wife. Naghiwalay sila, naiwan sa kanya mga bata. He used to live with my parents in law. Even then, he wasn't exactly what you would call the responsible father. Pag may needs ang mga bata, nung single si hubby (or nung wala pa kami anak), madalas, in the end we have to provide or si MIL ang maghahanap ng paraan. He didn't spend much quality time with them din, pag off nya or weekends, either tulog sya or wala sya sa bahay nila maghapon magdamag. so since wala kami anak ni hubby non, and he was really close to the kids, kami ang nagpapasyal sa mga bata. Halos tawagin na kong nanay ng mga bata noon. May trabaho si BIL nyan ha, though minimum wage, so fine. Pero eventually he got a better paying job. Fast forward, na-annull na ang marriage to the first wife. Si BIL, nagpakasal na sa girlfriend. Ang mga kiddos with the first wife, ayun, nasa MIL ko pa din. He now has a new son with the new wife. And they live about 30 minutes away from my MIL's house.
Ang masaklap: 1. Kung puntahan nya ang mga anak nya, siguro mga twice a month lang. And he only stays at the house for 30 minutes to an hour at most. Kung ilalabas ang mga bata, parang himala, kasi veeeery rarely mangyari. At kung magkasama sila, mga 1 hour lang din. Lakas maka-quality time di ba? To think he only lives one jeepney ride away. Daig pa OFW sa dalang magparamdam. 2. BIL is responsible for the kids' tuition fees, while the first wife provides for the baons and all other stuff. Pahirapan singilin si BIL pagdating ng bayaran ng tuition fees. Sobrang pahirapan to the point na umiiyak na si MIL sa frustration at sa pag-aalala kung san maghanap ng pambayad tuition. Tatawagan sya ni MIL, hindi sinasagot ang phone. As in. Nakakaloka. 3. May new anak na si BIL, who's less than a year old, ito ang winner, kay MIL sya nagpapahanap ng yaya. O di ba? Matapos iwan yung two kids nya sa MIL ko, nakuha pa magpahanap ng yaya. Samantalang si MIL, who's already in her late 60's ang naglalaba ng damit ng mga anak nya, naghahanda ng baon araw-araw, tumutulong sa assignment, umaattend ng school events - in short, sya ang nagpapalaki dun sa dalawa for the past decade. The nerve talaga.
Itong si 'new' SIL naman, I swear is another headache. She once texted the elder kid na nakatira kay MIL (hubby's nephew) na sabihin kay MIL na wag silang manghingi ng manghingi ng pera sa tatay nila dahil hirap na nga daw magprovide sa kanila ng anak nya. Nagtext kasi yung bata asking their dad for their tuition fee, kasi nung si MIL nga ang tumatawag, mega deadma. So baka nga naman pag yung bata, makaramdam ng awa. Ayun yung babae ang nagreply sa text. Sabi pa nung girl through text, sya na nga daw nagproprovide sa milk and diapers ng baby nila. Pero di ba dapat naman? Parent din sya nung bata eh, so malamang if di maprovide ng asawa nya, e di sya. Kailangan talaga itext pa sa mga anak ng asawa mo? Ang masaklap nito, siempre bata yung nakabasa non, and one way or another, maapektuhan sya. Nung nabasa yon ng MIL ko, as usual, naiyak na naman sya.

Ayun sa isang close cousin ni hubby na close din sa bro nya, is parang yung new wife daw ata ang pumipigil kay BIL na magbigay sa MIL ko for the kids.
Tapos ayun si orig SIL, though may consistent presence naman sa buhay ng mga bata, still wala pa din sa care nya yung mga anak nya. Bakit? Ewan ko. May trabaho din naman sya. In short, kaya nya sigurong buhayin naman yung mga bata, but she chooses na iwan pa din sa MIL ko yung kids. It puzzles me.
I mean come on, fine nagkahiwalay silang dalawa. So kailangan talaga iwan sa lola at pahirapan ang lola sa pagpapalaki ng mga bata WHEN both of you are well and able naman to AT THE VERY LEAST provide for the kids financially? And hindi ba puedeng mageffort naman konti si BIL to at least still be a father figure to his kids pa din? At anong problema nitong si new wifey at ganun sya magsalita? Nanay din sya, she should think about how BIL's kids do not have a 'family structure' to depend on, wala ang nanay nila sa kanila, at wala din ang tatay.
Super nakakaawa yung MIL ko and lalo na yung mga kids.

We try our best to help, pero siempre, hindi naman puedeng basta na lang i-tolerate yung ginagawa ng mga in-laws ko (sis and bro in law). Ang saya-saya nila masyado, para lang silang nagiwan ng bata sa play place ah. At least dun binabalikan para iuwi, e sila silip na nga lang ginagawa, napakadalang pa. Tsk.