I still have a problem with hubby’s male cousin because he is always so taklesa sobrang nakakagigil, mag bf-gf pa lang kami ni hubby … so many times pinalampas ko mga hirit nyang nakaka-offend, tinatawanan ko lang pero deep inside inis na inis ako. Sabi ni hubby ugali daw talaga ni mga pinsan nyang lalake to test yung mga wives/gf ng mga pinsan nila.. at kapag nakita nila na pikon ka eh lalo ka aasarin, parang magiging tampulan ka ng tukso o pang-aasar lagi. Wag ko daw ipapakita na pikon ako. God knows I tried tawanan lang yung ibang hirit nya pero minsan kasi feeling ko below the belt na at nakaka-offend na talaga eh. Ilan lang sa examples ng hirit nya:
1. “o ang taba mo na ah” (kahit hindi naman)
2. “may kalaban ba dyan?” I would read that sa online conversations nila ni hubby, or mababasa mo sa text or minsan maririnig mo sa bibig mismo ng cousin nya… meaning kapag I am anywhere near or beside hubby habang may pinaguusapan sila
3. “bat ka nagsama ka ng bantay” if ever hubby would bring me along sa house ng cousin nya kapag may occasion… mahilig kasi yun kapag may okasyon sa bahay nila eh afterwards kung saan saan pa nagyayaya
4. “eh bat nung last time iba kasama mo, ano nga uli pangalan”… parang tinetest nya talaga kung mapipikon ako. Dati hindi ako napipikon sa hirit na ito because confident ako na wala ginagawa si hubby, kaso nga nagkaron si hubby ng history mag-stray dahil na din sa influence ng pinsan nya yun, so hindi talaga nakakatulong yung mga ganitong biro.
5. Or bigla na lang hihirit ng kesyo nagkaron sila ng lakad, parang implying they went somewhere ni hubby na hindi ko alam… pinapaalala yung time na nagloko si hubby.
6. Then recently, we attended the wake of one of their relative, and this is my third pregnancy so shempre some of their relatives are curious and asked me when I am due to give birth and all, tama ba naman humirit yung pinsan nya sa hubby ko na “sabi ko kasi sayo maglalabas ka ng bahay”…. Na parang saying that my husband has nothing better to do kaya nabuntis na naman ako.
Sobrang na-offend ako sa sinabi ng cousin nya at ilang araw ako talaga mainitin ang ulo dahil pinalagpas ko na naman, gustong gusto ko sha sagutin nung time na yun but I did not want to give their other relatives the impression na pikon ako, dahil I am sure lalo matutuwa yun. So ilang araw lagi mainit ulo ko sa husband ko. Actually the following morning sinabi ko kay hubby na nabbwiset ako sa cousin nya… tapos si hubby hindi man lang nagreact o nagsalita sa sinabi ko… so lalo ako nainis. Tapos ayun sinubukan ko kalimutan at hayaan, kaso talagang bothered ako at sobrang affected ako halos hindi ako makatulog sa galit, especially ngayon na emotional ako sa problems na pinagdaanan ko, not to mention hormonal din because I am pregnant. Anyway, so the other night, nabalitaan ko na pupunta cousin ni hubby sa shop namin. Deep inside I was still very bothered kasi nga parang walang narinig si hubby sa hinaing ko… so hindi ko talaga natiis nararamdaman ko at tinext ko lahat ng inis ko kay hubby, mala nobela nga eh with matching cursing his cousin in capital letters. Sabi ko sa text kay hubby super nangigigil ako sa galit sa pinsan nya at isang hirit na lang kako nya next time eh ibubuking ko sha sa asawa nya at ipapadala ko picture kako ng kabit nya I don’t care kung sino man kako sa mag-anak nila ang magalit… bastusan kung bastusan at gulo kung gulo. To this hindi ako nireplyan ni hubby sa text… kala ko nga mag-aaway kami when he got home pero paguwi nya he kissed me pa and with matching pasalubong. Pero the topic or the content of my text messages were never brought up.
Normal lang ba to? What does this mean na hindi nya pinapatulan mga hinaing ko? Mas pinapanigan ba nya yung pinsan nya? Ano yun wala lang sa kanya nararamdaman ko? kahit feeling ko nabastos ako ng pinsan nya? Hindi ko matanong si hubby directly dahil feeling ko I have said what I wanted to say, and it’s his turn to say something pero wala man lang feedback, and it is fueling my rage lalo. Imbes sana I can move on na sa nararamdaman ko eh hindi because feeling ko hubby is dismissing my feelings. Sabi naman ng isang friend ko, baka lang hindi lang masalita si hubby pero he shows it through his actions, na nilambing pa rin nya ko when he got home despite the awful text messages I sent him nung binisita sha ng cousin nya sa business namin. What should I do? Hayaan ko na lang ba to? Hindi na lang paguusapan? Hindi man lang ba nya pinagsasabihan pinsan nya? Pero next time talaga eh aawayin ko na pinsan nya kahit sino pang pontio pilatong kamag-anak nila ang kaharap, wala na ako pakialam. Or ibuking ko na sha sa asawa nya kasi hanggang ngayon eh may kabit sha. If ever kaya gawin ko yun, kakampihan ba ko ni hubby o magmumuka lang ako t****. Hay pano ba takbo ng utak ng mga lalake sa mga ganitong sitwasyon.