watch now

Author Topic: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2  (Read 130217 times)

break_free

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #340 on: March 01, 2013, 07:06:46 pm »
^ Sis ano yung mga issues na 'mabababaw' lang? Hmm maybe may tampo or selos siya. Anyway sis continue to be kind to her. Hayaan mo siya ang mag mukhang masama or bitter. :)

sixteen16

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #341 on: March 02, 2013, 08:04:25 pm »
ang hirap ng may conflict/gap between sa gf ng brother mo.. buti na lang at hindi nauwi sa kasalan.. kundi gugulo ang pamilya namin dahil lang don sa girl.. hindi namin kinaya ang girl.. buong pamilya ng brother ko kinalaban nya.. ang tapang!

4 years na sila na hindi namin pinapakialaman ang buhay nila.. sa bahay umuuwi si girl pero hindi sya nakikipagbonding sa amin.. ok lang sa amin yun.. one day nagkaayayaan manuod ng sine at kumain.. so picture taking.. aba nag-inarte.. ayaw makipagpicture kasama kami.. sya pa ang nagalit.. so nagtataka kami what's wrong.. picture lang naman yun.. so mejo nag-isip-isip na kami na parang may mali.. so i investigate sa fb ni girl.. no pictures with my brother. we tried to tag a picture na kasama ang brother ko pero kelangan nya muna ng approval bago maview sa public. pili lang yung inaapprove nya yung parang nakipagpicture lang sa kanya si brother ang inaapprove nya.. so mabait pa din kami at nakikisama.. dapat sya ang makisama kasi sya ang nakikitira sa bahay pero kami pa ang nakikisama. minsan napagsabihan ko si brother na wag nya ibili ng mga gadgets si girl kasi kung magpabili sa brother ko mga latest apple products pa ang hinihiling. so naglaylow si brother.. nagtataka kami bakit hindi na sa bahay umuuwi si girl.. si brother ko naman super tiwala kay girl.. busy daw. may family vacation etc.  hanggang sa sya na mismo ang nakahuli sa kalokohan ni girl..

lakas pa ng loob ni girl magpost sa fb nya against our family na hindi daw sya ganung klaseng babae tulad ng iniisip namin,, kami naman deadma lang.. pinagpray na lang namin sya.. sobrang thankful kami lumabas din ang totoo.. so ewan ko na lang ngayon kung may mukha pa syang ihaharap sa amin.. ang bait namin sa kanya.. welcome sya sa family namin.. iniinvite namin lagi sya pero sya mismo ang hindi sumasama.

gold digger na, marami pa palang lalaki.. hayy.. nakakaawa sya.. cum laude pa naman..

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #342 on: March 05, 2013, 12:39:16 pm »
Yung SIL ko... di malaman anong problema kung naiinggit ba or sadyang may saltik sa utak...

di umattend ng binyag ng anak ko dahil sa pag iinarte tapos idadamay pa mga anak nya sa pagiging drama actress nya. Ayun araw araw na pumupunta kami sa bahay ng in laws ko para iwan baby ko palagi aburido... gustong gusto ko naman inisin... after all pinakisamahan ko sya ng maayos and sinasama namin sya minsan sa gala pero what she did to me was really priceless. Kulang ata sa pansin ng asawa nya kaya samin naiinis. Hindi ko naman kasalanan na bago ako nag asawa siniguro ko yung mapapangasawa ko eh kaya ako alagaan at panindigan which is exact opposite ng asawa ng SIL ko...

Oh well from this day forward, I don't want any interaction with her or with her kids. Not our loss but hers... halatang halata kasi na naiinggit to the highest level kasi frustrated sa asawa. :P

mslcgrey

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #343 on: March 05, 2013, 05:08:52 pm »
^ hindi pa rin pala tapos ang drama sa inyo... hayaan mo na lang.
but sana wag nyo na lang idamay sa misunderstanding yung mga kids. let them grow na close with each other. labas naman sila sa issues nating mga adults.  :)

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #344 on: March 06, 2013, 02:35:33 pm »
^naku di pa tapos :D. Everytime na pupunta kami sa in-laws ko yung nakasimangot nyang mukha yung nakikita namin. Di ko pinapansin or binabati. Unlike before na kahit bad mood sya binabati ko sya. Kahit husband ko di sya binabati or kinikibo. He finds it rude and immature yung ginawa nya samin last Sunday. Saka hindi lang talaga yun yung issue. Dami issue ng ate nya di na namin ma-trace kung ano pinaghuhugutan nya.

Pati mga anak nya dinadamay nya. So for now mas ok na sakin na di nya pinalalabas anak nya. Sya naman nahihirapan di naman kami. Ka-stress lang talaga kasi gusto lagi nasa eksena sya. Actually icing on the cake lang yung eksena nya nung Sunday dami pa yan dramatic episodes nung mga nakaraang araw/buwan. :P

mslcgrey

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #345 on: March 06, 2013, 03:13:07 pm »
^bakit kaya may mga ganoong tao na hindi na lang maging happy for other people? especially if relatives mo sila, be happy na lang for them. well, there are really people na illogical! basta ang important, kayo mag-asawa walang problem.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #346 on: March 06, 2013, 04:17:30 pm »
^yun nga sis eh... yan din tanong ko sa husband ko bakit ba hindi nalang sila maging masaya para sa amin. Hindi rin namin alam anong issue nya bakit pati in-laws ko sinusumbatan nya ng kung ano ano which happened years ago na kasalanan din nya. To be honest with you last Sunday lang din namin napag usapan ni husband yung mga recent events. Sa amin dalawa we seldom argue talaga and kung meron man petty arguments lang talaga pero nito na nga nung dumating ang issues ng mga relatives parang ang root cause kung bakit minsan nagtatalo kami eh dahil din sa mga relatives namin.

Ewan ko ba anong issue ng SIL ko sa asawa ko. Kung tutuusin di nya dapat silipin asawa ko. Kung naging ok yung estado ng husband eh dahil yun sa hardwork nya. Kaya nakapagtapos husband ko ng college eh dahil sa scholarship. Yung sister nya nung time na nag aaral ng college di tinapos pag aaral dahil nabuntis agad and pareho sila nung husband nya na di nakatapos. Eh nung time na yun ok pa yung parents ni husband kasi pareho may work. All throughout yung SIL ko dun na nakatira sa parents ni husband and hinati pa yung bahay para sa kanila. Yung husband kasi ng SIL ko walang kahit anong drive para ipagpatayo sya ng house. Hindi namin alam kung frustrated ba sya na nakikita kami na nag rrent ng apartment at may binabayarang bahay or ok kami ng husband ko...

Yun nga sabi ng husband ko maging masaya nalang kami and focus sa family namin.

sorry napakwento na ako haha :D... vent out lang.

Noylabmay

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #347 on: March 06, 2013, 08:00:27 pm »
mga sis dati rin dami kong hinaing sa sister in law ko, ganun pala yun no pag lumayo na yung family mo as in walang mashadong communication at sobrang pinag dasal ko na sana matuto na mag say no ang husband sa mga hingi ng kapatid nangyayari rin kaya ngaion mejo happy na

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #348 on: March 07, 2013, 01:37:35 pm »
^ i agree with you. Inaantay lang din namin ni hubby na magawa yung house namin para di na namin masyado makita SIL ko. Even hubby ko di rin pinapansin kapatid nya. Sobra kasing unreasonable. Buti nalang hubby ko naka-side lagi sakin even on financial matters.

contented

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #349 on: March 07, 2013, 08:07:26 pm »
Hello mga sissies. I'm new here and I want to share lang may sentiments about may MIL.. actually mabait naman siya kayalang may mga sinsabi siya minsan na nahurt ako ng sobra. Like kapag nag kwento ako saknya about sa progress ng business ko na okey ang kita.. na ganito ganyan ang ireresponse nya "e di magpasalamat ka sa Dyos.. magdasal ka. hindi ka marunong magdasal at magsimba" sinagot ko " si nanay naman nagdadasal ako.. madasalin akong tao nay" tapos sagot nya ganun ba bakit hindi ka marunong magsimba.? sabi ko naman nay dumadaan ako ng church at lumuluhod at nagdadasal... dapat daw kapag sunday, nag sisimba naman ako pero hindi evry sunday paminsan minsan lang.. pero madasalin akong tao! Na hurt talaga ko kapag sa ganyan nauuwi usapan namin.. tapos ask pa nya parents ko sabi ko hindi din nag simba every sunday pero madasalin nanay ko saka same ng gingawa ko dumadaan ng church para magdasal din.. minsan nakasagot ako ng ganito "importante naman nay kilala at alam mo na may Dyos at marunong kang magdasal... at hindi ka gumagawa ng mali at hindi ka marunong manakit ng tao... " nung sinabi ko yun sabi nya "bahala ka" sabay walk out. SIya kasi kapag nagdadasal malamaman mo talaga bukod sa nakikita ko siya na nagdadasal naririnig ko din though bulong pero halatang nagdadasal ako kasi i always closed our door bago mag pray o kaya kahit nakaupo lang madalas sa isip kinakausap ko si God... saka pansin ko sa kanya hindi siya marunong rumespeto ng paniniwala, yung ibang panagkin nya kasi born again kung ano ano sinasabi na kesyo kakaibang paniniwala daw dapat daw pabinyagan sa catholic mga anak... kasi wala daw kwenta binyag sa born again kasi inaalay lang pero walang papel.. sinabi ko syempre nay may papel din un.. gusto ko sabihin sa kanya "nay sana marunong kayong rumespeto sa ibang religion since active kayo sa simbahan dapat malawak pang unawa nyo sa ganyan.." kayalang sa isip ko lang yun nasasabi.. hehe! saka nahurt din ako kapag yung anak nya na babae bumili o nagshopping ipagmamalaki na yung mga brands na binili like penshoppe.. nadulas ako sabi ko mura lang naman sa penshoppe.. karamihn nga ng pambahay ko penshoppe sabi nya mahal daw mga tig 1k plus daw.. sabi ko hindi po. Tapos kapag may bago ulit buy SIL ko mag comment ako "ate ang dami mo talaga pera mahal mahal nyan ha.. sisingit sa MIL.. bat mo alam! Hello  ba siya? hindi ako ignorante sa mga signatures items.. nakahurt na madalas naiinis ako.. actually madami pa :(

tannya

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #350 on: March 11, 2013, 02:14:58 pm »
^medyo prangkang wala nang ibang masabi ang MIL mo sis...hahaha...inviting away hahaha sorry natawa lang ako sa 'inviting away' ko ;)

PurplePeach

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #351 on: March 11, 2013, 06:05:12 pm »
What i dont like about them... Pareho ako ninyo lahat dito. Common lang ata ito sa lahat ng may mga in laws. Sa pinoy kasi, mga askal ugali ng karamihan. Away bibig lang.  Chinese pa nga kami kaya mas lalong karumal dumal. Mga mukhang pera at pangalan ang pino protektahan nila.

Yan mga hanap away na yan, just turn your back and walk away. My motto sa mga in laws, if you are nice, i'll be nicer. Pero kung bad ka, i will be your worst enemy. Ako swerte ako sa hubby ko. Mabait sobra. Hindi ugaling intsik. Malas lang din ako sa mga in laws. Mabuti na lang hindi sila ang pwede magmalaki sa akin dahil may "sinasabi" din ang pamilya ko. Sorry sila. Hindi ako ang tipo na sasantuhin ko sila. Pag gusto nila ng war, lalong pwede rin ako dun.  :)

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #352 on: March 11, 2013, 08:49:19 pm »
sis contented mawalang galang na sa MIL mo pero dapat yata yang advice niya sayo na magdasal,magsimba at kung ano-ano pa ay ibalik mo sa kanya..mukhang siya ang dapat magsimba..totoo lang minsan may ma e-encounter kang tao na ang hilig magsabi o mag suggest ng kung ano-anong ka-banalan  pero tignan mo sila mismo nagsasalita may topak rin hehe  ;D ako isang Born Again Christian,pero aaminin ko nagsimba rin ako sa Catholic minsan.pero kahit anong religion meron ka,wala na paki si MIL doon,igalang na lang ang kani-kanilang paniniwala diba..importante alam natin na may iisang Diyos diba  :) siya nga naturingan Catholic ganyan ugali diba?siguro inggit lang yan MIL mo


anyway ako naman ang isip bata ko lang kanina,habang nag general cleaning ako sa isang kwarto namin,nahagilap ko yung mga natanggap kong regalo last Christmas from SIL at MIL,pansin ko lang ako at yung isang bilas ko ang laging nakaka tanggap ng cheap na regalo pag pasko galing sa kanila..pero sa ibang bilas ko ang gaganda ng bigay ni SIL,sa akin yung binigay na bag wala naman zipper,ang laki pa,paano ko naman magagamit yon parang Bayong..tapos yung Tote Bag na Marc Jacobs grabe naman sa kintab parang warning device,tapos super haba,mukhang makaka bunggo naman ako sa mall pag may laman na yon. ;D di pa bagay na dalahin lagi dahil di naman ganon mga style ng bag ang pang everyday use lalo na nanay na ko.parang may dala kang pusang patay na nasa garapon na may formalin,naalala ko yung bag ko sa Zoology nung college,nilalagyan ng pusang naka babad sa formalin,yung lalagyan nun ganun kahaba yung bigay na bag sakin tapos ang kintab sobra,,di naman ako sa namimintas pero feeling ko tuloy ganun ba ka-cheap yung tingin nila sakin kaya sa akin mga mumurahin bigay..tapos sa isa kong bilas puro mamahalin ang gifts..yung bagong gf ng BIL ko dahil naghiwalay na sila ng Wife niya,nabigyan rin ng magandang gifts kahit di pa nila kilala masyado..bakit kaya ganon? kaya tuloy yung regalo nila hindi ko magamit lagi..sakin lagi napupunta yung mga pangit tapos pag di nakitang gamit ko papagsabhan ako sa text na sayang raw.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #353 on: March 12, 2013, 03:10:54 pm »
^ ay naku, ako ngayon ko lang naaalala... sana di ko pala binigyan ng MNG na bag SIL ko. :P hmp! she does not deserve it!  >:(

contented

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #354 on: March 12, 2013, 04:58:02 pm »
@ sis tannya: tama ka sis prangkang wala ngang ibang masabi.. sobrang nasasaktan ako sa sinsabi nya kayalang pinakikisamahan ko talaga ng bongga kasi nakikitira kami ng asawa ko tutal malapit lapit na din kaming bumukod, sana bukas na yon.. haha

@ sis fairywinkle79122: Yun nga sana marunong nga siyang rumespeto, tama ka sis yang MIL ko sobrang hilig magsasalita o magsuggest, at kapag may ginawa ka kahit yung iba napuri ka na sa kanya pipintasan ka pa kaya never ko silang pinagluto, ay nagluto na pala ako one time pakbet, hay grabe ang dami kong narinig na negative feedback tapos na siya kumain dami pa din pintas sa luto ko, kaya hindi na ko umulit magluto... pero madalas sinasabi niya sa akin love na love niya ko, pero hindi ko maramdaman mabait siya sa ibang aspeto pero talagang sa pagsasalita nya sa akin at panghihimasok nya sa amin nasisira ang buhay may asawa ko, walang alam ang asawa ko lagi naman siyang nasa trabaho at wala akong balak sabihin ayoko ng magkagulo pa. Pagsisilbi ko sa asawa ko piankekeaalam.. minsan pinapakain ko anak ko tapos natanaw ng MIL ko parating na asawa ko sabay bulong sa akin... ipaghain mo na asawa mo bilisan mo, sabi ko "nay kumakain pa si bibi ko" sagot ba naman e ano? kumuha ka plato magsandok ka ulam ng karga yan hindi naman forvever kang magsasandok diba? e hubby ko okey lang naman sa kanya na di ko muna siya pagsilbihan kapag inaasikaso ko anak namin.. pero ginawa ko pa din, nilgay ko muna sa kuna bibi ko   kahit hindi pa tapos kumain tinuloy ko na lang after.. tapos nadatnan ako ng asawa ko na nag sasandok tapos napalingon siya sa pagkain ni bibi sabi nya.. nagpapakain ka ng bata ako na dyan.. umepal si MIL sabi nya "kaya nga sabi ko nga ako na maghain sayo e, ayaw! GRRRRRRRRRRRRRRR!!! i hate her so much... nasasaktan talaga ko sa knya, nakikisama ako ng maayos kahit ganun siya hindi ko siya sinasagot ng pabalang ayaw ko ng gulo.. :(

sis nakarelate ako dyan sa gift gift na yan... panget din napupunta sakin basta may maibigya lang sila kaya minsan ayaw ko na mag effort mag gift sa kanila pipintasan lang naman!


theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #355 on: March 18, 2013, 01:46:09 pm »
Just yesterday, my MIL and Father in Law had lunch with us. Nagkwento MIL ko na nagtatanong daw SIL ko kung galit daw ba kami ng husband ko dahil di sila pumunta nung binyag. Sabi ng MIL ko.. "Natural dahil gumastos sila at nasayang lang"... nagtaka pa SIL ko eh hindi na nga namin sya pinapansin. Even yesterday when we were dropping off my baby at my MIL's house nakasalubong namin sila sa labas pero di namin binati ni hubby. My hubby is too pissed din talaga sa sis nya.

break_free

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #356 on: March 18, 2013, 01:58:53 pm »
Sis contented kalorki ang MIL mo. Bakit may feeling ako na baka nainggit siya sa life mo kaya yung frustrations niya lumalabas sa mga comments niyang bitter.


Sis theshopaholicprincess good thing talaga naka side sa iyo always si husband at sana lang magawa na house ninyo sa lalong madaling panahon.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #357 on: March 18, 2013, 02:29:31 pm »
^ thanks sis break_free. Sana nga magawa na yung house para di namin nakikita. For now naman tolerable naman situation kina hubby. Actually even my MIL naasar din sa sarili nyang anak. :P Husband ko kasi medyo fed up na rin sa inarte ng sis nya kaya sabi nya sakin wag nalang ako ma stress sa kapatid nya.

sarsingkit

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #358 on: March 19, 2013, 07:49:33 am »
I like my in laws so much. What i dont like is how my husband thinks na ayaw ko sa family nya. My husband works at night so kami lagi ni MIL and SIL ang nagdidinner, naggogogrocery etc. i mean, mas madami pa kaming bonding moments kesa kay hubby. At mas madami pa kaming napagkakasunduan ni BIL kesa sa kanila ni hubby. But then, one day sinabihan ako ni hubby na sana daw warm ako sa family nya. I hate that he is so uptight about my relationship about my in laws. I consider my relationship with them na very comfortable. We make joke, we know a lot about each others life tapos parang hindi pa rin enough para kay hubby. Hindi ko na gets. Ang hirap na nga to make this extra edge of being close to the in laws because in the first place eh medyo problematic son etong si hubby, so si MIL eh mas close talaga sa brother and sister nya. Tapos parang extra pressure pa from hubby na hindi ko gets kung bakit eh ok naman kami ng family nya. Haaay. Wala lang. Share ko lang

contented

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #359 on: March 19, 2013, 03:59:11 pm »
I'm here again, releasing my il feelings with them lalo na sa MIL ko, hate her so much, parang hindi ko na kakayanin talaga 'to, masakit talaga siya magsalita hirap na kong makisama. ang hirap wala akong problema sa asawa ko pero sa MIL sobrang lala at bawat araw na dumadaan mas lalo nya ko nahurt, wala ako magawa kasi nga need ko makisama pero nakakainis at nakakasakit na sobra. :(

@sarsingkit: sis hindi kaya yung mga in laws mo may nasasabinbg negative about sayo sa hubby mo kaya ganun? what you think?


 

Latest Stories

Load More Stories
Close