watch now

Author Topic: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2  (Read 130061 times)

manhattanite

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #260 on: December 15, 2012, 12:04:16 am »
ako mga sis ok naman ang relationship with parents-in-law.  ang nakakagigil talaga na kinasusuklaman ko SIL ko.  napaka-parasite sa pamilya.  buti nalang hinde directly sa aming mag asawa.  pero nakakarindi makita sha every day na nakatunganga lang sa house (we live in my hubby's family home.  kaming 3 lang dun kasi ang family ni hubby nasa canada na), kain ng kain and hingi ng hingi ng pera sa in-laws ko.  she never worked a day in her life.  nabuntis sha ng maaga, at 16, so yung in-laws ko ang bumuhay at nagpalaki dun sa anak nya, na ngayon nasa canada na dn.  and my SIL is 43 na ha.  imagine buong buhay nya nakarely lang sha kila mama and daddy para mabuhay.  ang luho luho pa tsk.  nag asawa sha eventually pero yung napangasawa naman nya eh numero unong bum dn.  kaya ayun silang mag asawa eh palamunin pareho.  hinde nakatira samen ang asawa nya kasi mama's boy so dun sa alabang nagstay sa family nya.  grabe talga ang SIL ko, mga sis.  baliw-baliwan effect sha kunwari para kaawaan sha ng in-laws ko para bigyan sha ng pera.  mga katulong sa house inaaway nya.  ang ingay ingay pa minsan wala namang sinasabing matino.  juice ko.  ate sha ng hubby ko pero lumalabas na si hubby ang kuya kasi lagi shang pinagsasabihan dati na ayusin nya buhay nya and magtrabaho naman sha kahit maliit ang sweldo at wag umasa sa mga magulang nila.  ayun hinde nakikinig at may ganang pang magalit pag kinakausap sha ni hubby ng masinsinan.  tapos magsusumbong pa sa parents nila na kesho inaapi daw namin sha lol.  baliw talga.  plano na namin umalis sa house nila next year.  hopefully makakita na kami ng place namin kasi balak na namin magkababy and ayokong lumaki ang anak ko ng may ganong klase ng tao sa paligid baka kung ano pang ituro nun sa anak ko. 

annerella

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #261 on: December 28, 2012, 07:25:59 am »
My In-Laws are very supportive naman.  Though scared ako sa kanila, for one, si mom-in-law is a former teacher and may pagka-strict.  Si dad-in-law naman and bro-in-law eh may pagka-sarcastic.  I haven't had the chance to live with them since they are based sa Vancouver and they only visit the Philippines like once a year lang.  So by the time we migrate, adjust with the environment and the people I'd be living with. 

Minsan tuloy nakakahiya minsang tumanggi sa request nila.  Every New Years Eve may family reunion sa hometown ni Mommy sa Bulacan and they want us to go there.  I've been going there for 2 years straight na.  2 years ago since wala si hubby, I brought my tita who wasnt much of a help at all (Our kids were 1 and 3 years old that year) nagnakaw pa ng bottle ng baggoong. Nakakahiya.  Then last year, hubby was here naman so even if I didn't want to, nag-stay kami dun for 5 days.  This year, wala si hubby, kaya I had to turn down the request though alam kong medyo na disappoint ko si Mommy.

Sa akin lang naman,  birthday ko din kasi ng 31 and it might be the last year and the first-and-last year mag-ce-celebrate si Bunso ko ng New Year with my side of the family since we're just waiting sa pagbalik ng passport na may visa from the embassy.   This year din 3 lang maiiwan sa house namin since my older sister will be celebrating the New Year with her Fiance sa new house nila sa Laguna.  I want to celebrate naman sana this year my way, yung hindi ako nag-aalanganin sa pag-kilos kasi I am not really a very sociable person.  Sila kasi bonggang costume party, with games, with performance eh hindi ako comfortable sa ganun.

Sana lang wag magtampo si mommy-in-law.  :(

sistah!

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #262 on: January 02, 2013, 11:28:18 am »
im annoyed at my in laws. actually, my MIL and [textspeak!] are quite nice naman. wala naman silang sinasabi sa akin na masama or anything. i think it's really just the feeling na iba ang tingin nila sa amin or sa akin.

like it was my kid's birthday recently. i told them naman several times na strict yung venue sa oras at since ayoko na magbayad ng extension sa oras, sana everyone arrives in time. family lang naman ang guests. syempre, they arrived an hour and a half late. so disappointing kasi they said they would do the opening prayer pa naman. and walang sabi sabi yan na male-late sila. as in deadma.

then during the holidays, we were invited to a party so they said, kita kita na lang doon at ibibigay nila yung gifts nila sa anak ko. syempre hindi na namin sila inabutan kasi super late na naman sila. parang wala silang consideration sa oras namin. to make up for it, they asked us to come over for dinner the next day. we showed up but of course, they had no food for dinner. i dont know if they expected us to bring the food pero kasi sila ang nag-invite, so inassume namin na sila ang maghahanda ng dinner.


Noylabmay

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #263 on: January 03, 2013, 05:05:34 am »
kakarimarim ka talga SIL. Khit na we move to another country kung makahingi ka pa rin
Happy new year bati mo ang kasunod na linya you need cash at paano? haller new year na new year di ka pa rin nag babago

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #264 on: January 05, 2013, 11:03:46 am »
Yung anak kong turning 2 yrs old this feb.,sinasabihan ni MIL na di raw tinuturuan mag mano.Oo alam ko sa kanila uso yon.sa amin kasi ang gusto ng lola ko,kiss lang.ayaw nya nag mano kami sa kanya.sasabihin pa na mabuti pa raw yung 6 months baby marunong.hello! >:( di naman marunong yun,dinidikit nila yung kamay nila sa noo nun eh >:( kaka bwiset.yun ang ayoko sa lahat.ikukumpara sa kung kaninong pilato yung anak ko.leche!! nag e-expect siya na mag mano lagi yung bata,napaka liit nun.saka kahit turuan ko,kailan lang ba sila nagkikita ng apo niya sa akin,pasko,birthday lang naman.masyado perfectionist tong matandang ito.

ok lang ba mainis ako kay father in law?kasi tuwing makikita anak ko,puring puri nila.kaso pagi nagkumura.ayoko ng ganun eh.kunwari sasabjin P.I. ka bata ka ang ganda mo,or walangh..a ka bata ka.ayaw ko kasi ang lutong mag mura,baka gayahin ng anak ko.ok naman.mag compliment pero wag na murahin diba.di kaya siya mainis pag sinabi ja wag kagsabi bad words :-D

sonia62

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #265 on: January 05, 2013, 11:28:22 am »
MIL ko sagad sa buto pagkamukhang pera. To think na milyon milyon pera nya sa bangko napakamukhang pera at napakataas pa ng pride. Binenta kasi namin ni hubby yung ipad 2 ko kasi pinalitan ko ng mini. Hinanapan ng buyer ni bil, usapan nila ni hubby basta 12k sa amin bahala na sya magpatong. May buyer na nakita si bil tumawad ng 12k, binigay na nya sa buyer without telling us na 12k ang tawad. Sabi nya madispose na lang daw kasi lam naman nya na ibabayad din namin sa mini yung napagbilhan. Eh di ok na. Tapos pinautang ni hubby si bil ng pangbili ng mini kasi di dw nya kaya bumili ng isang bagsak, so si hubby nagabono at huhulugan na lang nya kay hubby ng 6months, zero interest. So nung nabenta na yung ipad2 ko everytym na lang pupunta si hubby sa kanila daming satsat ni mil kesyo dapat daw binigyan nya si bil n pang-gasolina man lang etc. sabi ni hubby eh may usapan naman sila na 12k tapos si bil sinasabi na ok lang kahit di sya kumita importante madispose. Hala ayaw talaga pumayag ni mil kesyo dapat daw sensitive si hubby na dapat daw inabutan pa rin si bil. Sabi ni hubby eh pwede naman na sa iba na lang binenta yung ipad para kumita si bil, pwede naman na hindi binigay at 12k kasi bago pa yun saka hindi naman namin pinagkakitaan yun, alam naman nila na ibabayad din namin sa mini yun.  Sabi ba naman ni mil sana nga hindi na lang daw binenta kesyo iba daw talaga si hubby masyado maramot, etc. nabwisit si hubby sabi nya, kanino ba ko magmamana kungdi sa inyo. Hala nagwalkout at umiyak si mil. Kaya nung kinausap ni father in law si hubby sinabi nya lahat. Sabi nya nung naospital asawa ko nagkagipit gipit kami kanino kami umutang ng pera? Sa bangko! Ni hindi kami makalapit sa inyo kasi alam namin maraming sasabihin ang mama. Eh aminado naman si father in law na at this point in time hindi kaya ni mil na let go ang attachment nya sa material things lalo na sa pera. Grabe ewan ko kung bakit naging magulang pa sila. Awang awa ako kay hubby nung umiiyak. Ang sakit kaya na naturingang capable naman ang parents nya na tumulong sana sa kanya or sa amin and yet di nya malapitan kasi once nagtry sya humiram ng money (hiram so meaning ibabalik naman) sa mama nya at sinabi pa nya na kahit tubuan na lang, sabi ba naman tumutubo daw pera nya ng ganitong percent sa bank, tapos kukunin nya, etc etc,  so ayaw daw nya. Imagine ha 100k lang hinihiram nya sa milyon milyong pera ng nanay nya at nagoffer pa nga na kahit lagyan nya ng interest. Napakasakim grabe!

mayje6

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #266 on: January 12, 2013, 03:20:34 pm »
Mga sis, di ko na maintindihan kung mali ba ang naramdaman kong pagseselos sa mga SILs ko. Alam ni hubby yun noon pa na sa kanila lang ako nagseselos. Bale itong latest, nung Dec. 25. Dumating mga SILs niya from Manila the day before lang. We live in a compound at nung Christmas day, pumunta na ako sa house ng mga biyenan ko at dun ang lunch. OFW husband ko at wala siya ngayon at tuwing lunch time lang kami nagko communicate. While naghihintay sa text niya, narinig ko isang hipag ko nagsabi na nasa skype daw si hubby. So nagulat ako. Tapos ito na nga ang text niya asking if nasa bahay daw ba ako, tapos sinabi na nagsa skype nga daw sila sa kabila. So sabi ko andun lang ako sa sala. Nasa kwarto kasi sila. Tapos pinuntahan ako ng hipag ko at sinabihan na ka skype nga daw nila hubby ko, so pumasok na rin ako sa kwarto. The next day, may pinuntahan mga SILs ko at the usual ang schedule namin ni hubby. Sabi ko, di ka mag skype? Sagot niya wala naman daw ka skype. Di kasi kami nagsa skype dati kasi pangit connection ko, YM lang kaso tinigil niya kasi we had another issue noon dahil din sa selos issue with his sisters. Anyway, sabi ko well, we could try skype today at yun okay naman ang connection. We had fun chatting that day. The next 2 days I was busy and out for errands so text lang kami, on the 29th I opened skype again and he was online. I called him but he's not answering. Then there's the text na, they're on skype daw at mahirap daw signal for a conference (sabagay ayaw ko rin yung conference). Syempre dahil nga nakikipag usap siya sa kanila di yung mga text niya medyo delayed. Parang nainis ako at na feel ko tuloy na parang singit lang ako. Dun na nagsimula yung selos ko. We had a fight and he did not texted me anymore.

On January 1, lunch time, his sister is happilly announcing na naman na he's on skype and she corteously told me naman na he's on skype. So, I went in and his niece gave me the laptop. We just said something about something, no greetings whatsoever because he knows I'm not happy so no use in greeting me a happy new year. Then I said bye and gave back the laptop and went out. But honestly, I was expecting a text message man lang sana sa kanya on new year's day.

Anyeay, before they were finished, his sister passed by me (coming from where the laptop was) and I heard her tell their niece na igawa ng facebook si hubby ko at i-add silang lahat (di ko sila friends sa fb kasi ayaw din ni husband para wala daw akong makita na ikaiinis ko lang lalo sa kanila). Gosh, parang sumabog dibdib ko. Kasi ilang beses ko na sinasabi sa hubby ko na igawa ko siya ng fb, pero ayaw niya talaga. Tapos I would hear that. So I texted my hubby if he agreed na igawa siya ng fb at sinabi ko na inis na inis ako. I heard his niece murmuring pa kung ano ipapassword, ano birth year niya. The other sis asked me kung ano exact year at sumagot ako pero halatang inis ang boses ko. Then I asked, pumayag siya na igawa niyo siya ng fb? Ganun ba yun, ilang beses kong sinabi sa kanya igawa ko siya ayaw niya pero kayo u-oo siya? Di sila sumagot. Yung sis na nagsabi wala dun kaya di ko na confirm kung siya lang nag decide o umu-o si hubby. Di ako sinasagot ni hubby dun eh kaya hanggang ngayon hanging pa rin ako sa isyu ng fb.

Di ba mga sis, as his wife, ako dapat gumawa ng mga online accounts niya kung di niya magawa personally? At ang sakit sakit na parang na bypass lang ako. Di man lang sinabi saken na uy, okay lang ba na igagawa namin ng fb si kuya? or uy, igagawa namin ng fb si kuya. Hindi yung isang dipa lang ako nung pabulong niya sinabi sa pamangkin nila na igawa kuya nila. Asawa ko kaya yun?

Sa away namin ni hubby, sabi niya ilang araw lang daw akong magparaya di ko pa magawa. Lalong feeling ko singit lang pala ata talaga ako. On special occasions pala dapat nasa background lang ako. Last new year 2012 ganun din ngyari. We were on YM, ilang minutes pa lang, bigla natigil kasi tumawag mga sis niya. Natapos lang oras kasi papasok na siya sa work, di na kami nakapag usap uli. So, bale new year's day nakuha na naman nila yung time na gusto ko rin naman sana extra special din sa amin yun kasi new year's day yun.

Di ba sana mga sis niya i consider din nila na sa mga days na yun, kahit half lang ng time niya ang kunin nila kasi alam naman nila na yun lang din ang oras ng communication namin eh. Pwedi rin naman hayaan muna nila kami makapag usap, then okay lang naman saken kung tapusin namin ni hubby ang usapan agad para he can talk to them din naman. Ayoko lang yung inuunahan nila ako.

Mali ba ako na mag selos mga sis?

break_free

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #267 on: January 13, 2013, 01:05:45 am »
^ I understand you. Nakakaloka naman attatchment niya sa sister niya, at itong sister niya dapat bilang babae alam dapat niya na yung mga online account na yan eh trabaho yan ng asawa. Asar ako dyan sa asawa mo ha at sa sister niyang ewan.

Noylabmay

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #268 on: January 13, 2013, 02:13:18 am »
mga sis me mga ganung siblings talaga ganyan din ang asawa ko mashadong attached sa mga sis nya pero alam nya kung ganu ko kaselosa at hindi nya magugustuhan ang iaarte ko pag ganun kaya inuuna nya ko..ipaalam mo lang sis kung ano sintimyento mo

mayje6

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #269 on: January 13, 2013, 02:04:27 pm »
Thanks sis @Noylabmay and sis @break_free. Na clear ko na awhile ago yung sa fb issue. Napa oo na lang daw siya nung sinabi ng sis niya na mag fb siya para makita niya agad mga pictures na ipo-post nila. Hindi naman daw big deal yun? Sabi ko dapat sinabi nya na ako ang gagawa or magpapagawa na lang siya sa akin. Sa inis ko tinanong ko siya, so sino ang manager ng fb mo ngayon? Di man lang ako i-add? Di daw niya binubuksan ang fb na yun. Maliit lang daw na bagay sobrang pinalaki ko na. Hay... Talo talaga ako sa kanila!

Sabi niya alam naman daw niya na andiyan lang ako at maintindihan ko kung bakit sa kanila siya nakikipag usap sa mga araw na yun. Sabi ko hindi, gusto ko rin sa mga araw na special occasion, magkausap din kami. Yung kami lang muna. Magpaparaya naman ako kahit half ng time. Sabi ko sana mga kapatid niya naintindihan din yun, wag naman nila ubusin ang oras kung alam nila na sa mga araw na yun di pa kami nakakapag usap na dalawa. Sabi ko pa na ipakita naman niya sa mga kapatid niya ang importance ko bilang asawa niya para i respeto din nila yun.

Yung niece niya, bin-lock ata ako sa fb at di ko na makita account niya. Before December pa ata. Di alam ni hubby yun na ganun ka bastos ang pamangkin niya saken!

peenitokss

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #270 on: January 15, 2013, 04:38:08 pm »
My MIL has this attitude na "naniningil ng utang na loob". Madalas nyang isumbat pinagpa-aral nya sa hubby ko. Napakadependent. Okay lang sana kung sila lang ni Father in law. Kaso pati mga brothers ni hubby na may mga pamilya na din, pag nangailangan na hindi naman emergency, parang dapat obligado kami to share.

I have this bilas naman na masyadong know it all. At isa pang hate ko sa kanya is pag merong occassion, ang hilig magpasimuno ng share share daw. When the event comes na, ewan. Biglang yong share nya wala. Kung may occassion naman sa son nya ang hilig magparinig na sagot ni ganito yong ganyan. Hindi makapaghintay ng offer.

imnotmitch

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #271 on: January 16, 2013, 12:04:11 am »
@^^ nakakarelate me sayo actually hindi sya sa events/parties, sa lunch out or dinner, mahilig sya magyaya tapos pag bayaran na, eto na ka keso hindi daw siya kakain pero ang kasama nya super lamon!!! haist kaya maganda talaga kung nakaseparate ka sa mga ILs

peenitokss

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #272 on: January 16, 2013, 01:48:42 pm »
^kaimbiyerna no sis? buti na lang hindi ko madalas makasama mga inlaws ko..

nageinna

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #273 on: January 16, 2013, 05:40:32 pm »
i consider myself lucky dahil mababait naman inlaws ko. 6mos married palang kami and we're staying with my inlaws though may sariling floor kami ni hubby sa building. i remember during my first few weeks, mega adjust talaga ko. i am not used to being away with my family kasi family oriented talaga ko eh. i would remember SIL would go to our room once every night to check if im okay (to think na she's younger than me pa ha), i got sick two weeks after our wedding, and super touched lang ako kasi napakamahiyain ni SIL but she went to me and told me if i need someone to talk to, she's just there. alam niya kasi na nahohome sick ako. mahiyain rin ako kaya hindi ko rin ma approach si SIL as often as i would want. but i really appreciate everything she has done.

BIL naman, shy type din pero i know he tried his best to made me feel welcome. pag wala si hubby usually i would just stay sa room namin, i didnt know he would usually stay sa living room para samahan ako until hubby arrives. sinabi lang sakin ni hubby one time nung paguwi niya naabutan niya si BIL sa sala namin. and sanay parin ako gamitin yung terms na "niyo, kayo, sayo" pag dating sa mga gamit sa bahay nila hubby. like "gamit niyo" "kotse niyo". icocorrect nalang ako ni BIL "anong kotse niyo? kotse natin!" i couldnt ask for more. hindi man kami yung naghahang out every week, or nag bobonding, but still i feel lucky na kahit ganito lang kami walang conflict.

medyo may prob lang ako with my MIL. though ok naman kami overall. minsan hindi lang niya maiwasan makialam talaga. nasanay kasi ako making my own decisions. my parents would let me decide for myself kahit nung bata pa kami. kaya nung nandun na ko kina hubby, sobrang nanibago ko everytime MIL would meddle with my decision. and medyo controlling din. they would ask me to eat this, dont eat that. wear this and that. if kaya ko naman pagbigyan, i give in nalang para wala ng issue. but may times na hindi ko talaga maiwasan ma frustrate. iniisip ko nalang swerte parin ako sakanila. super generous sila samin ni hubby, even sa akin. lahat ng pwede at kaya nila ibigay samin ni hubby, binibigay nila without thinking twice. they make sure na comfortable living kami ni hubby. pero in the future, i would still want to have our own place ni hubby. yan ang dream ko para sa amin. i would also want to be independent.

lenjei

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #274 on: January 16, 2013, 07:53:26 pm »
Isa lang naman ang inlaw ko, which is my mother in law... Mabait sya,pero ang mga bagay na ayoko sa kanya:
1. magastos, 3 lang kami sa bahay kung makapagluto ng ulam 1kilong chicken, o pork. Nakakaumay kasi yun. Tsaka madalas sya bumili ng mga bagay na sobrang mahal, pero hindi naman kailangan.
2. Matampuhin, ewan ko kung nagmemenopause ulet sya, pero masyado na sya madame arte ngayon, lalo na pag pinaguusapan ang tungkol sa pera. Haay..

lenjei

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #275 on: January 16, 2013, 07:56:33 pm »
Isa lang naman ang inlaw ko, which is my mother in law... Mabait sya,pero ang mga bagay na ayoko sa kanya:
1. magastos, 3 lang kami sa bahay kung makapagluto ng ulam 1kilong chicken, o pork. Nakakaumay kasi yun. Tsaka madalas sya bumili ng mga bagay na sobrang mahal, pero hindi naman kailangan.
2. Matampuhin, ewan ko kung nagmemenopause ulet sya, pero masyado na sya madame arte ngayon, lalo na pag pinaguusapan ang tungkol sa pera. Haay..

twix

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #276 on: January 16, 2013, 09:51:19 pm »
hay! eto ang thread na madalas ko puntahan dahil eto ang number one problem ko sa ngayon,  ::)

bella_chick

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #277 on: January 18, 2013, 01:01:34 pm »
Hello Everyone. I have been keeping this ill feelings towards my in laws. At first they seem to like me but ever since they opened my facebook account and read my chat history, everything changed. I was engaged na at that time with my husband now and nagconfide ako sa friend ko na parang anlaki ng sustento na napupunta sa family nila which is like 30k a month habang hirap na hirap ang asawa ko mgwork overseas. I am also working overseas pero magkaibang country kame ng asawa ko. Tinitiis namen yung magkalayo para makasave for our future and finally live together na pero sa laki ng pinapadala sa kanila mukang matatagalan pa yun. I am not obliged to give money to my parents and I am earning twice as much as what my husband is earning. Minsan nabasa ko na nangungutang sya sa kasamahan nya sa work ng 2000 pesos and I felt really bad for him kasi lagi sya broke and I would always volunteer to pay for our dates and kahit sa wedding namen mas malaki din yung share ko. I am doing this whole heartedly because I love him but I think na ang pagtulong sa pamilya ay di dapat sobra sobra. My biyenan is super pakielamera, ayaw daw nya na sa hotel ang reception dahil hindi practical, kahit pangarap ko sa hotel na yun ay di na lang namen tinuloy bilang respeto sa bilin nila. It even came to a point na gusto nya yung magiging anak namen e sa kanya daw titira tutal mahilig naman daw kame magabroad. All my life, pangarap ko magkapamilya kaya nga I’m working hard kasi gusto ko pag dating ng mga anak ko mejo stable na kame. Eversince nabasa nila yung conversation ko with my friend, ang sil ko panay parinig sa twitter at facebook. Pinagtanggol ako ng asawa ko at syempre todo deny ang sil at ang sabi e paranoid lang daw ako. My mil confronted me also and told me na my husband promised her na kahit magsawa na sya e tuloy ang sustento at di pwede bawasan.

Nung ikakasal na kame alam naman nila na ang dameng gastos, lumipat sila ng inuupahang bahay na mas malaki, 4 bedrooms at ineexpect nila na si hubby ang magbabayad ng down payment and deposit. Wala na talagang pera si hubby kasi unexpected un and that was 2 months before the wedding. Nangutang sila sa gf ng bil ko sabay kwento na may tinangay daw akong 100,000 k sa asawa ko. Pinabasa sa akin ng isa ko pang bil who happens to be gay. Binalaan sya ng nasabing gf na lumayo sa akin dahil di daw ako dapat pagkatiwalaan.  This is before my prenuptial photo shoot ha. Nanginig talaga ako at naiyak sa inis at pagka hurt. Parang ayaw ko na ituloy ang shoot kasi pati ba naman gf ng kapatid nakikisali? Ginagawan pa ako ng story na chinismis ko daw na may bf tong gay bil ko. God knows wala akong sinsabi na ganun and I kept our secret talaga pero nagalit na rin sa akin si gay bil kaya nga kinausap ako before the shoot. Ang weird kasi nagsosorry ako pero wala naman ako ginagawa. Lagi ko inuuna feelings nila before mine e. Minessage ko sila na kahit kailan dii ako kumuha ng pera sa asawa ko. Alam ng asawa ko na lagi ako abonado at nahihiya na rin sya sakin. Ang bahay na nabili ko sa pilipinas ay buong loob kong isheshare sa asawa ko bilang conjugal property namen. May sinasabi pa sila na di daw nila kakainin mga pinapadala kong food dahil wala daw silang ka amor amor sa akin pero everytime na may matatanggap silang padala ko e panay post sa facebook at instagram ni wala man lang pa thank you sa akin or tag man lang. So kailangan nga bayaran ni hubby ang nasabing nautang. Nagulat na lang ako sa facebook pictures nila na nagpacater pa pala sila nung house blessing.

Before the wedding ay bumili kame ng shoes ni hubby, bilhan din daw namen ang daddy nya. Paguwi nya ay nagtext sa akin na nagagalit daw ang daddy nya dahil pangit ang sapatos gusto daw ay kagaya ng kanya. Inis na inis si hubby kasi nga tight na ang budget, ilang araw na lang wedding na. We’ve been calling them para magpasukat ng gown pero andameng alibis to the point na 3 weeks na lang e wedding na namen. Nagpasukat last minute na, amin ang tela pero sila namili ng style. Nung wedding day mismo hindi nila dinala yung gown istead may baon silang sarili nilang mga gown at mukang mga wedding gown dahil puti din. Nakikiusap ang wedding coordinator na sana daw ang bride lang ang naka white pero sabi nila kahit daw paano mangyare ay hindi  nila susuotin ang pinatahi namen dahil pangit ang tahi at hindi daw ganun gusto nila na design. May hinihirit pa na sa bagay mura ang tahi kaya ganyan ang kinalabasan. Sa totoo lang lahat gandang ganda sa gawa ng mananahi ko. Ang gown ko ay binili ko sa sarili kong pera nung pumunta ako sa States for my work, siguro ay gusto nilang sabayan. Para matapos na lang at wala ng gulo ay hinayaan ko na lang at kunware ay wala na lang issue. Pero naiisip ko talaga panu kaya yun sa pictures pag sama sama na nag mga entourage kasi abay si sil e. Pag dating ko sa simabahan lahat ng kamaganak nga asawa ko nakawhite. Malayong malayo sa color motif na nakalagay sa invitation ko. Speech ng parents di nagsalita si mil bumulong sa amin na ‘di na lang ako magsasalita at baka kung may pa masabi ko.’ Nung bumista kame dun ay panay ang parinig na sana raw kung magkakaanak kame ay magmana sa asawa ko dahil mabait daw ang asawa ko. Mga ilang beses yan inulit. Grabe talaga ang galit nila sakin dahil alam nilang tutol ako sa malaking sustento nila. Unang una wala ng nagaaral na kapatid si hubby, may mga trabaho na sila. Buti pa nga sila may maid sa bahay e kame sa abroad linis laba trabaho lahat talaga gawa namen. Pangalawa, tama bang buksan ang facebook ng may facebook? Humingi ako ng sorry sa nasabi ko pero inexplain ko din na para talaga sa akin ay malaki yun dahil di naman ganun kalaki ang sweldo ng asawa ko, paano pa sya mkakaipon. Kunware ay okay lang daw sa kanila at dapat daw ay lagi kame mgkasundo kalimutan na daw namen pero wag ko daw kalimutan na nangako asawa ko sa kanila. Naniwala ako na okay na ang lahat pero pailalim nila ko tinitira kaya naiinis na din ako. Mga buhay mayayaman sila di nila iniisip lungkot na tinitiis namen na magkahiwalay kame at ngiisa sa malayong lugar. Nagdesisyon na kame ng asawa ko na 10,000 na lang ang matatanggap nila kung saan sila kukuha ng pambayad sa malaki nilang bahay, maid at luho nila e hindi na namen problema yun. Sana imbes na magwala at magalit sila e magpasalamat sila dahil sa dame ng pambabastos na ginagawa nila sakin e sinabi ko pa rin sa asawa ko na wag itigil ang pagtulong yun nga lang e ilagay sa wasto para makapagsama na kame next year. God knows kung anong hirap ng kalooban pinagdadaanan ko sa pamilya nila. Pinagdadasal ko na lang na sana magbago pa sila at sana someday makalimutan ko mga ginawa nila sa akin.
« Last Edit: January 18, 2013, 01:17:07 pm by bella_chick »

caprice

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #278 on: January 18, 2013, 03:47:50 pm »
^ nakakapang-init ng ulo ILs mo, sis bella_chick. pinagsasabihan ba ng husband mo ang family nya? kasi parang wala akong nabasa na input ng husband mo except dun sa nag-decide kayo na 10k na lang ang ibibigay nya.

hm, if i were in your shoes lang naman ha, hindi na ako papayag na magkahiwalay kami ng husband ko dahil lang sa wala syang masave kasi income nya napupunta sa family nya. ang dating kasi, parang family nya ang 1st priority at 2nd lang ako.

lenjei

  • Guest
Re: Conflicts with my ILs: things that you don't like about them Part 2
« Reply #279 on: January 18, 2013, 03:49:25 pm »
^hi sis, tingin ko nga talagang malaking problem yan sa mga inlaws, yung about sa pera. Pakiramdam kasi nila inaagaw natin ang pera ng anak nila. Nakakainis minsan. Tapos, hindi nila maintindihan na ang gastos gastos na nila to the point na wala ng natitira sa pera ni hubby. At hindi na nga din nakakapag ipon. Sana nga magbago sila..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close