Mga sis, di ko na maintindihan kung mali ba ang naramdaman kong pagseselos sa mga SILs ko. Alam ni hubby yun noon pa na sa kanila lang ako nagseselos. Bale itong latest, nung Dec. 25. Dumating mga SILs niya from Manila the day before lang. We live in a compound at nung Christmas day, pumunta na ako sa house ng mga biyenan ko at dun ang lunch. OFW husband ko at wala siya ngayon at tuwing lunch time lang kami nagko communicate. While naghihintay sa text niya, narinig ko isang hipag ko nagsabi na nasa skype daw si hubby. So nagulat ako. Tapos ito na nga ang text niya asking if nasa bahay daw ba ako, tapos sinabi na nagsa skype nga daw sila sa kabila. So sabi ko andun lang ako sa sala. Nasa kwarto kasi sila. Tapos pinuntahan ako ng hipag ko at sinabihan na ka skype nga daw nila hubby ko, so pumasok na rin ako sa kwarto. The next day, may pinuntahan mga SILs ko at the usual ang schedule namin ni hubby. Sabi ko, di ka mag skype? Sagot niya wala naman daw ka skype. Di kasi kami nagsa skype dati kasi pangit connection ko, YM lang kaso tinigil niya kasi we had another issue noon dahil din sa selos issue with his sisters. Anyway, sabi ko well, we could try skype today at yun okay naman ang connection. We had fun chatting that day. The next 2 days I was busy and out for errands so text lang kami, on the 29th I opened skype again and he was online. I called him but he's not answering. Then there's the text na, they're on skype daw at mahirap daw signal for a conference (sabagay ayaw ko rin yung conference). Syempre dahil nga nakikipag usap siya sa kanila di yung mga text niya medyo delayed. Parang nainis ako at na feel ko tuloy na parang singit lang ako. Dun na nagsimula yung selos ko. We had a fight and he did not texted me anymore.
On January 1, lunch time, his sister is happilly announcing na naman na he's on skype and she corteously told me naman na he's on skype. So, I went in and his niece gave me the laptop. We just said something about something, no greetings whatsoever because he knows I'm not happy so no use in greeting me a happy new year. Then I said bye and gave back the laptop and went out. But honestly, I was expecting a text message man lang sana sa kanya on new year's day.
Anyeay, before they were finished, his sister passed by me (coming from where the laptop was) and I heard her tell their niece na igawa ng facebook si hubby ko at i-add silang lahat (di ko sila friends sa fb kasi ayaw din ni husband para wala daw akong makita na ikaiinis ko lang lalo sa kanila). Gosh, parang sumabog dibdib ko. Kasi ilang beses ko na sinasabi sa hubby ko na igawa ko siya ng fb, pero ayaw niya talaga. Tapos I would hear that. So I texted my hubby if he agreed na igawa siya ng fb at sinabi ko na inis na inis ako. I heard his niece murmuring pa kung ano ipapassword, ano birth year niya. The other sis asked me kung ano exact year at sumagot ako pero halatang inis ang boses ko. Then I asked, pumayag siya na igawa niyo siya ng fb? Ganun ba yun, ilang beses kong sinabi sa kanya igawa ko siya ayaw niya pero kayo u-oo siya? Di sila sumagot. Yung sis na nagsabi wala dun kaya di ko na confirm kung siya lang nag decide o umu-o si hubby. Di ako sinasagot ni hubby dun eh kaya hanggang ngayon hanging pa rin ako sa isyu ng fb.
Di ba mga sis, as his wife, ako dapat gumawa ng mga online accounts niya kung di niya magawa personally? At ang sakit sakit na parang na bypass lang ako. Di man lang sinabi saken na uy, okay lang ba na igagawa namin ng fb si kuya? or uy, igagawa namin ng fb si kuya. Hindi yung isang dipa lang ako nung pabulong niya sinabi sa pamangkin nila na igawa kuya nila. Asawa ko kaya yun?
Sa away namin ni hubby, sabi niya ilang araw lang daw akong magparaya di ko pa magawa. Lalong feeling ko singit lang pala ata talaga ako. On special occasions pala dapat nasa background lang ako. Last new year 2012 ganun din ngyari. We were on YM, ilang minutes pa lang, bigla natigil kasi tumawag mga sis niya. Natapos lang oras kasi papasok na siya sa work, di na kami nakapag usap uli. So, bale new year's day nakuha na naman nila yung time na gusto ko rin naman sana extra special din sa amin yun kasi new year's day yun.
Di ba sana mga sis niya i consider din nila na sa mga days na yun, kahit half lang ng time niya ang kunin nila kasi alam naman nila na yun lang din ang oras ng communication namin eh. Pwedi rin naman hayaan muna nila kami makapag usap, then okay lang naman saken kung tapusin namin ni hubby ang usapan agad para he can talk to them din naman. Ayoko lang yung inuunahan nila ako.
Mali ba ako na mag selos mga sis?