Author Topic: How to win your ex back?  (Read 68340 times)

nageinna

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #20 on: February 25, 2011, 08:50:21 pm »
^goodluck sis! basta while no contact kayo ngayon, don't have high expectations ok para hindi ka gaanong masaktan kung sakali mang hindi na talaga magparamdam si ex. kung magparamdam ulit good for you since that's what you really wanted, if not ok narin at least nakapag start ka na mag move on ituloy tuloy mo nalang. good luck! ;)

misunderstood

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #21 on: February 26, 2011, 08:14:05 am »
ako din mga sis, help me naman.. gusto ko kasing humingi ng opinion or i want to see how other people sees the situation..

2 months na kami break ng bf ko of 5 years.. since college kami na.. meron na din kaming sariling bahay.. pero hindi kami nakatira dun.. investment palang naman..
after ilang days, meron na siyang bagong gf.. pero constant communication padin kami.. minsan nagkikita kami if may importanteng kung ano man.. nagss*x padin kami.. 3 times ng Jan, 1 time lang ngayong feb.. Ng January sabi niya, last na talaga ito, pero nasundan padin naman ng Feb.. Ang reason niya kaya siya nakipag break kase ayaw na daw niya ng problema.. sawa na daw siya.. ayaw na daw niyang maging dependent sakin.. pero ako, eto pa din.. kumakapit padin ako.. sabi niya, bahala na ang tadhana, kung tayo..tayo din naman.. minsan cold yung treatment niya.. pag may tinanong ako sa text, isang tanong isang sagot lang siya.. minsan naman okay siyang kausap..

nalalabuan na talaga ako.. ayoko pa bumitaw kase naniniwala pa din ako na pwede pang magbigay ng isa pang chance.. pero paano niya marerealize yun..

haay.. nakakalungkot..

nageinna

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #22 on: February 26, 2011, 03:49:20 pm »
^sis what do you mean nagka GF siya after ilang days? you mean after few days ng break up niyo meron na siya agad iba? aww if i may ask sis third party ba reason ng break up? mahirap yang sitch mo sis. pero i would definitely suggest na move on without him COMPLETELY. as in. wag mo hayaan na ganyan siya sayo sis na gawin kang pahingahan lang. you deserve someone better. he's just using you for his "needs". pag hindi ka niya kailangan wala siyang paki or cold siya to you, pero pag kailangan ka niya dyan siya magiging sweet or magiging "matino" and may GF parin siya now sis right? that gives you more reason para mas lalong lumayo sakanya. pagpalagay nga natin sis like you said pakiramdam mo may chance pa, eh pano kung naging kayo nga ulit, kaya mo ba ma take pag nalaman mo na may nangyayari parin sakanila ng gf niya kahit naging kayo ulit? nagawa na niya yun ngayon and trust me gagawin at gagawin niya yan ulit. lalo na sa dating ng sitch niyo ngayon he has control over you. DO NOT let him control your feelings sis. let him go. bakit aantayin mo pa na siya magsabi ng stop na? ikaw na mismo gumawa nun sis. sana the next time na mag booty call ulit siya you'll have the strength to reject him. magugulat yun. it's time na you value yourself naman. you deserve someone much better. goodluck sis! :)

iCleverClogs

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #23 on: February 28, 2011, 06:47:14 pm »
^ we're just the same sis. actually sakin naman di niya sinabing maghiwalay kami pero parang siya na rin ang nakipag break kasi ayaw na muna niya ng commitment... napepressure na raw siya...


ang hirap.. 10 days ulit NC ko. may communication pa rin kami. bigla ko nalang pinutol.  :-X

iCleverClogs

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #24 on: March 01, 2011, 08:01:08 am »
^ you mean you won?  :o
nagkabalikan na kayo?

ShoesAndTravel

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #25 on: March 01, 2011, 10:59:11 am »
Hahaha lahat ng sinabi ni iCleverClogs totoo promiseeeee ;) nakakatuwa [textspeak!] napakahabang post na yun... pero promise effective yan kasi ginawa ko yan sa ex ko 2 years ago... until now nagtetext padin paminsan! pumunta pa sa bahay ko 2 years ago nung ginawa ko yan. Ganun katindi. So go go go girls! :)

miss resilient

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #26 on: March 01, 2011, 11:00:47 am »
iyan kasi eh wag maghahamon kung hindi naman pala kaya.

samsung

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #27 on: March 01, 2011, 11:08:53 am »
sakin naman, umi-ffect nga yung NC, tapos nag ask sya ng date on March. Pero nag NO ako, titignan ko lang kung ipupursue, pero wala eh. haha. siguro talagang ayaw na nya.

Sa ngayon, i just let all the pain flow, dahan dahan ba. Pero nakakamiss pa din may humahawak ng bewang ko sa likod, minsan nga ako na lang humahawak sa bewang ko, haha.. baliw na!

kaya yan gels!

iCleverClogs

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #28 on: March 01, 2011, 06:36:42 pm »
Paano ba simulan ang NC kung yun nga, since Nov kami break pero after nun eh may communication?

As in bigla na lang ako mawala?  Hay, though minsan nga feeling ko kaya okay na siyang ganito set up namin kasi kampante na siya na andito lang ako anytime.

Nakakainis. Newbie ako dito...26 n pero newbie din sa break up kaya halos mabaliw-baliw na. walang focus ;(

The wound becomes deeper everyday...

Akala ko dati pag tumatagal [textspeak!] break up, mas magiging okay ako...pero mas nagiging masakit pala kasi napapagtanto ko na tumatagal kami na kaya niyang wala ako. Hay


Multo ba kita? Parang ikaw ako ah! LOL
Di mo naman tahasang bigla kang mawawala. Pero base na rin sa sinasabi mo nahihirapan ka nga kasi the wound is getting deeper everyday.


Tanong. Natry mo na bang subukan ang NC rule kahit ni one time lang? Kasi kung icocompare mo sis, mas magkakaroon ka ng konting peace of mind pag wala kayong contact sa isa't isa. Mas ma-fofocus mo ang self kesa sa kanya.


Masyadong contradictory kasi yung sinasabi mo na kampante ka sa ganong sitwasyon na may contact kayo tapos ikaw naman pala itong mas lalong nasasaktan sa nangyayari. Ano ba talaga ang gusto mo sis? Do you like the pain it flows on your senses everyday? kasi kung gusto mo yung pain eh di pwede mong icontinue yung conversation niyo. Pero sis, sa case ninyong dalawa, kahit pagbali baliktarin, IKAW ANG LUGI.


Nasasabi mong kaya niya na wala ka kasi nakabitin ka ere eh. Pag andyan ka, totoong kampante siya na andyan ka lang, na pwede ka niyang balikan anytime. Friends pa kayo which is more painful than doing NC rule. Para ka na rin naghuhukay ng sarili mong libingan. I don't think pag nakikita mo ang ex mo na may kasamang ibang babae okay lang sa'yo. Sa palagay ko masasaktan ka. While there is pain there is love.


Pareho tayo ng case, I'm running 26, November kami last nagbreak ng bf ko and meron pa rin kaming communication although there are times na nag NC ako sa kanya ng ilang beses and I'm more comfortable about it. Then just last week nagsend ako ng message sa kanya telling all my feelings, hinanakit, galit at tampo kasi di ako makapgsalita ng harap harapan and we're long distance pa naman. So ayun, kahit na siya ay nakikipagbalikan sakin, di ko gusto kasi may duda na ako, lalo na sa pagsisinungaling niya at kahit sabihin niyang mahal na mahal pa rin niya ako, di ko na mafeel ang spark kasi parang hilaw. Para siyang kabute na lulubog lilitaw.


I know you can do it sis. Isipin mo nalang ito.


No contact rule - Madadali ang pag move on mo where si BF matatagalan
Friends - Ikaw di makakamove on si Bf makakamove on.


Good luck alam kong kayang kaya mo yan.  :)

mavhy

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #29 on: March 01, 2011, 07:08:07 pm »
^Yes I believe in sis iCleverClogs advise on NO Communication. Yun lang you should set your reasons straight. Tanungin mo muna ang sarili mo kung gusto mo ba talagang makipagbalikan at bakit.

Tamang huwag maghahamon ng break kung hindi mo kaya because ehem its just plain too immature. Konting kibot lang break na tayo blah blah blah. Don't you remember why you love each other on the first place? Kahit anong gawin mo kahit sabihin mong sinasamba ka nya pag may dumating na iba may dadating. Don't waste your time being with someone na laro laro lang, I don't know maybe kung bata ka pa at gusto mo lang subukan go ahead pero magisip isip ka. Minsan kasi yan break break na yan nakakabawas din ng enthusiasm nyo for each other. Just stay happy. Yun mga walang kwenta pag awayan kebs na lang ;). Para di ka na mamroblema on how to win your ex back :).

Try the NC rule kung eepek pag hindi well maybe its not meant to be and get a life :)

iheartkulot

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #30 on: March 02, 2011, 11:28:05 am »
Hi sisses :)

to mhavy and iCleverClogs, salamat sa pagpansin ng post ko ha...

Si ex kasi, sinasabing mahal pa rin daw niya ako. Pero ayaw naman niya makipagbalikan. Actually, dapat padubai na ako nung Oct. Isa un sa sinisi niya bakit siya nakipagbreak daw, tas nasasakal daw siya sakin blahblah..Naguluhan lang ako, kasi bago ako magdecide na aalis for dubai, he knows naman na may financial problems sa family ko, being the eldest, I want to help din po, at isa pa siya sa nagsabing okay lang, hihintayin lang daw niya ako. After daw ng contract, pakasal na kami. tapos since akala ko nga aalis na talaga ako nung October, naging demanding ako sa time at naging selosa talaga. Hanggang sa di pa ako nakakaalis tas ayun nung Nov, he broke up with me. I tried na makipagbalikan, pero ang lagi niya sinasabi, di pa niya alam. Marami pa daw siya gusto gawin. Nadelay yung alis ko for dubai pa, pero I'm working na rin for the dubai company through their Ortigas office. anyways, naguusap pa rin kami, sinasabi pa rin niya na pagbalik ko from dubai, susunduin niya ako airport tas gagawin namin [textspeak!] mga gusto namin na magtravel etc.

Sa totoo lang, di ko alam if may iba ba o wala. Pero sa nakikita ko, mukhang nag-eenjoy nga siguro siya sa buhay binata at talagang busy rin siya sa work. Masakit lang minsan, nakakatampo kasi nung di pa siya stable sa work, he has lots of dreams for us...ako lagi gusto niya kasama. For a year ng relationship namin, siya yung clingy at nakakasakal, pero tiniis ko. Tas nung ako na yung naging clingy, at naging comfortable na siya sa work niya, pakiramdam ko, ganun n lang niya binitawan yung mga pangako niya. I'm turning 27 this May, first boyfriend ko siya. Hindi ko alam, mahal ko pa rin siya :(

nagtetext pa rin siya, tumatawag. though yesterday, nagstart na ako sa NC at super hirap ako, kaya nga di ko muna chinacharge at niloload fon ko. Sabi ng iba, magpalit ako number, eh kahit naman magpalit ako number, memorize ko lahat ng numbers niya.

Posible ba talagang mahal ka pero mas gusto ng taong yun mahalin daw ang sarili niya? Hay sisses. Pasensya na ha napahaba. Ewan ko ba. sobrang baba na rin nga ng self esteem ko. Tapos pumapayat ako. wala na ata akong 100lbs. Napapagalitan na ako ng nanay ko, kasi di sila sanay na payat ako. Kasi dati, di naman ako masasabing mataba pero bilog [textspeak!] katawan. Ngayon, prang wala ako tiwala sa sarili ko.

mavhy

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #31 on: March 02, 2011, 02:19:09 pm »
^Yep I agree. Been there, nung naghiwalay kami ng first bf ko (the relationship lasted for a year) I was so devastated. Mind you eto may third party pa pero pamartir ako. Move on kuno pero hinahabol habol ko padin sya (nakikipagdate padin ako sakanya). Until one day I realized tama na sobra na to. He's getting all the love from me and the other girl tapos ako padin ang kawawa. So I stopped. I stopped everything. Goodbye to you. I learned to enjoy life, work, my friends, my family. Hindi na ako nagmamadali maghanap ng pagibig kasi I was busy with my life (or probably I just grew up). After 2 years I met someone new, someone I know na mas deserving sa pagmamahal ko and I am ready to love again. We've been together for 2.5 years now and I know and believe he's the one. As for my ex, I think meron na din naman syang gf ngayon. I learned to let go. Natatawa na lang ako sa mga pinaggagawa ko dati. Charged it to experience ;).

Huwag mo ihinto ang buhay mo para sakanya. Dapat matuto syang sumabay ;)

iheartkulot

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #32 on: March 02, 2011, 02:41:16 pm »
I wish the pain would just go...

Ang hirap. alam mo yung akala mo okay ka na pero hindi pa. tas ikaw habang hirap na hirap ipakitang okay ka, bakit siya parang effortless ang pagiging masaya.

why does loving someone hurt like hell? bakit ba ang hirap magmove on. hay

mavhy

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #33 on: March 02, 2011, 04:54:14 pm »
^Nah ganyan talaga. Its the "wallowing" phase, dapat talaga pagdaanan. Hmmn tip lang ako ang ginawa ko isinulat ko sa papel lahat ng nararamdaman ko, lahat ng gusto kong sabihin sa kanya tapos sinunog ko (walang pwedeng magjudge sayo kasi feelings mo yan);). Nakakagaan ng loob para sa akin :).

iheartkulot

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #34 on: March 03, 2011, 10:32:18 am »
Salamat sa lahat ng sisses na sumasagot dito ha...minsan natatakot rin ako. kung ano ano naiisip ko. kahapon eh ang tagal ko tumawid. kasi parang pinagiisipan ko talaga kung magpasagasa na lang kaya ako...

Parang di nababawasan yung sakit eh. Parang kahit ano gawin ko, ganun pa rin.

mavhy

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #35 on: March 03, 2011, 12:10:04 pm »
^Huwag ganun, in the end ikaw padin talo :). Kakayanin mo yan sis ;)

jasive51

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #36 on: March 03, 2011, 12:59:49 pm »
may pag asa pa ba talaga??
wala naman na kasi sinasabi eh,puro paramdam lang

auane

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #37 on: March 03, 2011, 01:00:41 pm »
the key to lessen the pain is ACCEPTANCE.

mavhy

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #38 on: March 03, 2011, 01:08:51 pm »
^Correct. Walang makapagsasabi sayo na ready ka na at nakamove on ka na kundi ikaw lang. Unti unti you'll get to a better place ;)

iheartkulot

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #39 on: March 04, 2011, 01:41:41 pm »
sisses. kapag naman may eb dito whatsover, pa join ha.

it's nice knowing new people. siguro kailangan ko talaga maging strong. tama, mahirap to pero dapat kayanin.

:)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close