couldn't agree more sis. napaghahalata tuloy kung sino mga experts dito haha. +100
Haha! Apir tayo diyan sis. Siyempre share naman natin yung experience natin sa iba di ba?
are the tactics/strategies mentioned above are still applicable if its already more than 2 yrs ago since the break-up?
thank u! =D
Sis kahit more than 10 years na kayong hiwalay ni BF mo, magkakabalikan pa rin kayo if you really that eager to win him back.
Ito madalasan ang nakasanayang sabihin ng iba na dapat sa break up may "closure" na magaganap. Di ako pumapatol sa ganyang mind set kasi WALA naman talagang closure sa relationship eh kundi "ACCEPTANCE". Kaya kahit ibang couple na diborsyado at nakuhang pang magreconcile kahit ilang years na silang hiwalay.
When trying to get back an ex make sure you abide the following No Nos
1.
No Begging - This is an infuriating fact to all the desperate girls out there. Hala, sa sobrang panic dahil ayaw mawala si boyfie, beg dito beg doon. Promise dito promise doon. Naku po! Hindi mo makukumbinsi ang ex mo ng ganyan iha! Lalong maiirita ang BF mo, lalo pa't ayaw na niya sayo. Para mo na kasing ibinababa ang dignidad mo. Magtira ng respeto sa sarili.
2.
No Text Terrorism - Text ng text tapos wala namang reply. Mas lalong iinit ang ulo at dugo mo niyan kasi di ka pinapansin. Some guys, tatawanan ka lang kasi masyado kang clingy at needy sa kanila. Eh ayaw pa naman ng lalaki ng ganoong klaseng babae.
3.
No Drunk Dialing - Dahil sa bigo, nagpakalunod sa alak si babae, ngayong lasing na, ayan! Tumatawag at hinaharass si ex. Sinisisi sa lahat kumbakit naging miserable ang buhay niya. Girl tigilan na iyan. Masyado ng mababaw ang tingin sa'yo ng lalaki. Konting respeto naman sa sarili kasi nakakawala ng respeto din yan sa lalaki.
4.
No Revenge - Paselosen si ex? Tatalab kaya? Niloloko mo naman ang sarili mo eh. Gumagamit ka ng tao para lang mapagtakpan ang sakit mo. Di lang ikaw ang masasaktan kundi pati yung pinatulan mong ka-rebound. It's a big NO NO.
5.
No friends - "Can we still be friends?" This is the most common line often told by our ex BF. Ang daming reasons eh kung bakit gustong makipag friend ni ex sayo. (1) He's not yet over with you. (2) Booty call (3) Spare tire (4) Consolation dahil sa guilt niya sa nangyari kung bakit nagbreak kayo. Refuse the friendship! Bakit ka makikipagkaibigan sa kanya gayung durog na durog na ang ego at confidence mo sa ginawa niyang pananakit sayo?
Mahirap ibalik ang taong mahal mo. Kung ikaw ang nakikipag break sa kanya, totohanan na kasi, huwag takutin at baka maniwala. So kapag sinabi na ni lalaki na ayaw na niya, aba iha! Magbalot balot kana kasi bihira lang binabawi ng lalaki ang mga sinasabi nila. Kung ayaw na nila, AYAW na talaga nila.
Dapat disiplinahin ang sarili sa pagtupad ng NC rule.
Question: Hanggang kailan ang NC Rule?Answer: Hangga't di ka pa kumakalma. Hangga't kaya mo ng makipag-usap uli sa kanya nang matino at hindi ka na nagpapanic. At hangga't kaya mo ng makipagreconcile sa kanya pero ayaw mo ng makipagbalikan sa kanya. Kung pipilitin mo akong magbigay ng figures, 30 days ang pinaka minimum allowance of days na wala ka sa radar niya.
Question: OMG!!! Tumawag si ex! Ano ang gagawin ko?Answer: Sagutin ko agad? T****! Huwag mo munang sagutin. Hayaan mong tumawag siya ng ilang beses bago mo sagutin ang tawag niya. Kasi pag sinagot mo agad, iisipin nun, "Naku, hinihintay lang niya pala ang tawag ko." Bumigay ka kasi agad eh, kaya tuloy nahalata ni BF mo na dedz na dedz ka pa rin sa kanya. Eh anong effect nun? Siyempre lalaki ang ulo nun. Ikaw ba naman may babaeng patay na patay sayo, anong iisipin at mararamdam mo? Di ba ego boost? Mas lalong ka niyang pahihirapan dahil alam niya na kahit di siya magkontak sayo, andyan ka parin nakatunganga at naghihintay na magring ang cp mo. Huwag maghintay, maghanap ka ng ibang pagkaabalahan para di ka mababagot. Kasi pag di nagparamdam si ex mo ngayon, naku, sasakit na nanaman ang dibdib. Iiyak ka nanaman.
Question: If persistent si BF. Ano ang sasabihin ko?Answer: Make the conversation short and simple! At first at least 2-3 minutes. Ang bilis naman! OO, ganyan kabilis at kaigsi. Huwag agad bibigay. Huwag ilaglag agad ang panty. If he says "Hello. Kumusta na?". Says, "Okay lang. Oh ba't napatawag ka?"... Response ni BF "Namiss kasi kita eh." (Kinikilig ka naman... Relax lang!)
Anong sasabihin mo? "Namiss din kita"... Ay anak ng latex! Huwag ganyan. Sabihin mo "Nakakamiss talaga yung times na magkasama tayo." Para naman safe. Tapos, hayaan mong si ex mo ang talker kasi siya naman ang tumawag di ba? Dapat siya ang maraming sasabihin hindi ikaw para di niya mahalata na bitter ka.
Paano ba tatapusin ang 2-3 minutes? Magkunwari ka! Iparinig mo sa kanya na may ginagawa ka. Na busy ka! Hayaan mong magtanong siya kung ano ang ginagawa mo. Sabihin mong "Busy kasi ako eh. Pwede mamaya nalang ng ____ or sa Lunes..etc etc" or "Pasensiya na may gagawin pa kasi ako eh. Next time nalang."
End call Tapos! Para mabitin. Sabihin mo kay ex mo na tumawag ng ganitong oras, para malaman mo kung susundin ba niya o hindi kasi kung di na siya interesado sayo, di yan tatawag ng ganyang oras, pero kung positive naku expect na magriring ang phone mo ng ganyang oras.
Kung gusto mong makuha ulit ang BF mo, idisiplina ang sarili at huwag magpanic. Magkunwari kang tanggap mo na ang break up kahit ang totoo hindi pa.
Marami pa sana akong sasabihin pero hanggang dito na lang muna.
P.S. Di ako galit mga sissies ha. Na-carried away lang ako sa emotion ko. LOL. Base on my experiences lang at sa mga nababasa ko. Tanchu!