Author Topic: How to win your ex back?  (Read 68428 times)

twilkai

  • Guest
How to win your ex back?
« on: February 23, 2011, 12:30:17 pm »
--deleted--
« Last Edit: October 21, 2015, 07:53:38 am by twilkai »

muymuy

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #1 on: February 23, 2011, 04:12:29 pm »
5 days pa lang naman....
pwedeng nagpapa kipot lang yun.. ( I know kasi ilang beses na kami nag break nung ex ko...at gaya mo, ako din yung break dito, break doon )

habang wala ka pa naman nababalitaan na my ibang girl, baka magkabalikan pa kayo niyan. siguro naiinis lang sayo yun dahil puro break bukambibig mo..

hayaan mo muna siya..*S-P-A-C-E*
if mahal ka nun, magtetext din yun! pero pag isang buwan na, wala pa...........ahehe! break na nga kayo  ;D ;D

iCleverClogs

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #2 on: February 23, 2011, 07:25:34 pm »
5 days pa lang naman....
pwedeng nagpapa kipot lang yun.. ( I know kasi ilang beses na kami nag break nung ex ko...at gaya mo, ako din yung break dito, break doon )

habang wala ka pa naman nababalitaan na my ibang girl, baka magkabalikan pa kayo niyan. siguro naiinis lang sayo yun dahil puro break bukambibig mo..

hayaan mo muna siya..*S-P-A-C-E*
if mahal ka nun, magtetext din yun! pero pag isang buwan na, wala pa...........ahehe! break na nga kayo  ;D ;D


Even two weeks of no communication sis. It only means that the guy is less interested in you.


Winning back an ex takes a lot self control on our part kasi  opposite siya masyado sa gusto nating mangyari. At this very moment, yung ways na ginagawa ko, it actually makes my ex back but I'm not doing this on purpose of doing. I do this because I want him to completely out of my system.


nageinna

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #3 on: February 23, 2011, 07:56:45 pm »
sis let him be. if like niya na no communication muna kayo then give that to him. usually kasi if gusto pa niya talaga makipagbalikan sayo siya mismo kokontak sayo niyan. tama give him space. baka dun marealize niya na namimiss ka rin niya. if hindi na talaga siya magparamdam,let him go nalang. kasi kung gusto pa niya gagawa at gagawa yan ng paraan.

iCleverClogs

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #4 on: February 23, 2011, 08:26:03 pm »
As far as I know, pag ikaw girl, lagi mong hinaharass si ex sa text, lalo mo siyang inilalayo sa'yo. Kasi nakikita niya sa sa'yo na clingy or needy ka. Ayaw ng lalaki kasi na dependent sa kanila ang babae. Sila yung nagsusuyo sa atin, hindi tayo, so it's a turn off for them kung parati natin sila tinetext. If you really love a man, then giving him the freedom he wanted is the best thing you can do. Para na rin marealize niyong dalawa kung saan ba kayo nagkamali at nagkulang sa isa't isa.


Lahat na yata ng article about how to win back an ex ay nabasa ko na. Pero sad to say kahit ako mismo, mahirap gawin ito lalo na ngayon. But it's true talaga sa mga nababasa ko. Extra careful lang yan to do the deed. Kaya isang pagkakamali mo lang, nako, fail na ang strategies mo.


Sis, if you want him that bad to win him back. CUT all sorts of communication. Make him wonder why you are not his radar anymore. Rule of thumb yang NC rule eh. Let me ask you. Why you are harassing him on text? Kasi di mo kinaya ang rejection nya di ba? What if i-reverse mo ang situation, ikaw naman ang mag-reject sa kanya. Trivia! Rejection is the most common fear among men. Kaya nga lahat ng klaseng taktikang panliligaw gagawin nila, makuha lang yung gusto nila sa babae at para di sila mabusted KASI masakit ma-reject. So pag ginagawa mo yung rejection sa ex mo, psychological torture na yon sa kanya. Pushing male's hot button would ignite his curiosity to look for you if you are out of his radar.  ;)

angel_babyteen

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #5 on: February 23, 2011, 11:30:03 pm »
0T..i l0ve y0ur p0st naman sis iclevercl0gs,helpful sa mga katulad k0ng makulit,hehe,yung gust0 everday may text,hehe
Btt..sis try m0 f0ll0w advice ni sis ab0ve,kasi kung mahal ka talaga sya na gagawa ng way,g0odluck :-)

douxmadchen

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #6 on: February 23, 2011, 11:31:48 pm »
pajoin. ang cute ng thread.  8)

poshbags

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #7 on: February 24, 2011, 12:35:24 am »
i definitely agree.

take time to do your thing and let him do his. let him think that you don't have the time to think of him anymore, that makes him wonder why he is not in your system anymore. he'll be going crazy running after you instead.  ;)


iam_ria

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #8 on: February 24, 2011, 05:40:36 am »
sorry, OT.

is he worth it?

iCleverClogs

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #9 on: February 24, 2011, 09:17:30 am »
^ i've got your point. i think this time the guy call it quits.. sawang sawa na siguro siya sa sitwasyon nila...


anyways, kung gusto ni TS to win her ex back, then she should abide what she reads.

chaichikay

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #10 on: February 24, 2011, 03:41:26 pm »
if mahal ka nun, magtetext din yun! pero pag isang buwan na, wala pa...........ahehe! break na nga kayo  ;D ;D

couldn't agree more. tayo kasi mga girls bukambibig ang break pero di natin kayang panindigan talaga, pero once ang guy na magsabi, gosh wala ng bawian!  :(

samsung

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #11 on: February 24, 2011, 04:07:11 pm »
@iCleverClogs - yung post mong mahaba... na-enlightened ako ng sobra! haha TIA!

pero sige kayaning ko yang NC na yan! thanks gels! :)

nageinna

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #12 on: February 24, 2011, 04:46:00 pm »
As far as I know, pag ikaw girl, lagi mong hinaharass si ex sa text, lalo mo siyang inilalayo sa'yo. Kasi nakikita niya sa sa'yo na clingy or needy ka. Ayaw ng lalaki kasi na dependent sa kanila ang babae. Sila yung nagsusuyo sa atin, hindi tayo, so it's a turn off for them kung parati natin sila tinetext. If you really love a man, then giving him the freedom he wanted is the best thing you can do. Para na rin marealize niyong dalawa kung saan ba kayo nagkamali at nagkulang sa isa't isa.


Lahat na yata ng article about how to win back an ex ay nabasa ko na. Pero sad to say kahit ako mismo, mahirap gawin ito lalo na ngayon. But it's true talaga sa mga nababasa ko. Extra careful lang yan to do the deed. Kaya isang pagkakamali mo lang, nako, fail na ang strategies mo.


Sis, if you want him that bad to win him back. CUT all sorts of communication. Make him wonder why you are not his radar anymore. Rule of thumb yang NC rule eh. Let me ask you. Why you are harassing him on text? Kasi di mo kinaya ang rejection nya di ba? What if i-reverse mo ang situation, ikaw naman ang mag-reject sa kanya. Trivia! Rejection is the most common fear among men. Kaya nga lahat ng klaseng taktikang panliligaw gagawin nila, makuha lang yung gusto nila sa babae at para di sila mabusted KASI masakit ma-reject. So pag ginagawa mo yung rejection sa ex mo, psychological torture na yon sa kanya. Pushing male's hot button would ignite his curiosity to look for you if you are out of his radar.  ;)

couldn't agree more sis. napaghahalata tuloy kung sino mga experts dito haha. +100 :D

omneecka

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #13 on: February 24, 2011, 06:04:47 pm »
are the tactics/strategies mentioned above are still applicable if its already more than 2 yrs ago since the break-up?

thank u! =D

omneecka

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #14 on: February 24, 2011, 06:07:28 pm »
Can I Get Her Back? 101 Tips to Help You
http://www.articlesbase.com/breakup-articles/can-i-get-her-back-101-tips-to-help-you-3532060.html


is this also applicable if i want "him" back? kasi di ba sabi nila magkaiba ang girls sa boys in many ways. so same treatment din kaya sa guys if girls wants them back?

thank u again! =D

iCleverClogs

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #15 on: February 24, 2011, 08:49:05 pm »
couldn't agree more sis. napaghahalata tuloy kung sino mga experts dito haha. +100 :D


Haha! Apir tayo diyan sis. Siyempre share naman natin yung experience natin sa iba di ba?


are the tactics/strategies mentioned above are still applicable if its already more than 2 yrs ago since the break-up?

thank u! =D


Sis kahit more than 10 years na kayong hiwalay ni BF mo, magkakabalikan pa rin kayo if you really that eager to win him back.


Ito madalasan ang nakasanayang sabihin ng iba na dapat sa break up may "closure" na magaganap. Di ako pumapatol sa ganyang mind set kasi WALA naman talagang closure sa relationship eh kundi "ACCEPTANCE". Kaya kahit ibang couple na diborsyado at nakuhang pang magreconcile kahit ilang years na silang hiwalay.


When trying to get back an ex make sure you abide the following No Nos


1. No Begging - This is an infuriating fact to all the desperate girls out there. Hala, sa sobrang panic dahil ayaw mawala si boyfie, beg dito beg doon. Promise dito promise doon. Naku po! Hindi mo makukumbinsi ang ex mo ng ganyan iha! Lalong maiirita ang BF mo, lalo pa't ayaw na niya sayo. Para mo na kasing ibinababa ang dignidad mo. Magtira ng respeto sa sarili.


2. No Text Terrorism - Text ng text tapos wala namang reply. Mas lalong iinit ang ulo at dugo mo niyan kasi di ka pinapansin. Some guys, tatawanan ka lang kasi masyado kang clingy at needy sa kanila. Eh ayaw pa naman ng lalaki ng ganoong klaseng babae.


3. No Drunk Dialing - Dahil sa bigo, nagpakalunod sa alak si babae, ngayong lasing na, ayan! Tumatawag at hinaharass si ex. Sinisisi sa lahat kumbakit naging miserable ang buhay niya. Girl tigilan na iyan. Masyado ng mababaw ang tingin sa'yo ng lalaki. Konting respeto naman sa sarili kasi nakakawala ng respeto din yan sa lalaki.


4. No Revenge - Paselosen si ex? Tatalab kaya? Niloloko mo naman ang sarili mo eh. Gumagamit ka ng tao para lang mapagtakpan ang sakit mo. Di lang ikaw ang masasaktan kundi pati yung pinatulan mong ka-rebound. It's a big NO NO.


5. No friends - "Can we still be friends?" This is the most common line often told by our ex BF. Ang daming reasons eh kung bakit gustong makipag friend ni ex sayo. (1) He's not yet over with you. (2) Booty call (3) Spare tire (4) Consolation dahil sa guilt niya sa nangyari kung bakit nagbreak kayo. Refuse the friendship! Bakit ka makikipagkaibigan sa kanya gayung durog na durog na ang ego at confidence mo sa ginawa niyang pananakit sayo?


Mahirap ibalik ang taong mahal mo. Kung ikaw ang nakikipag break sa kanya, totohanan na kasi, huwag takutin at baka maniwala. So kapag sinabi na ni lalaki na ayaw na niya, aba iha! Magbalot balot kana kasi bihira lang binabawi ng lalaki ang mga sinasabi nila. Kung ayaw na nila, AYAW na talaga nila.


Dapat disiplinahin ang sarili sa pagtupad ng NC rule.


Question: Hanggang kailan ang NC Rule?
Answer: Hangga't di ka pa kumakalma. Hangga't kaya mo ng makipag-usap uli sa kanya nang matino at hindi ka na nagpapanic. At hangga't kaya mo ng makipagreconcile sa kanya pero ayaw mo ng makipagbalikan sa kanya. Kung pipilitin mo akong magbigay ng figures, 30 days ang pinaka minimum allowance of days na wala ka sa radar niya.


Question: OMG!!! Tumawag si ex! Ano ang gagawin ko?
Answer: Sagutin ko agad? T****! Huwag mo munang sagutin. Hayaan mong tumawag siya ng ilang beses bago mo sagutin ang tawag niya. Kasi pag sinagot mo agad, iisipin nun, "Naku, hinihintay lang niya pala ang tawag ko." Bumigay ka kasi agad eh, kaya tuloy nahalata ni BF mo na dedz na dedz ka pa rin sa kanya. Eh anong effect nun? Siyempre lalaki ang ulo nun. Ikaw ba naman may babaeng patay na patay sayo, anong iisipin at mararamdam mo? Di ba ego boost? Mas lalong ka niyang pahihirapan dahil alam niya na kahit di siya magkontak sayo, andyan ka parin nakatunganga at naghihintay na magring ang cp mo. Huwag maghintay, maghanap ka ng ibang pagkaabalahan para di ka mababagot. Kasi pag di nagparamdam si ex mo ngayon, naku, sasakit na nanaman ang dibdib. Iiyak ka nanaman.


Question: If persistent  si BF. Ano ang sasabihin
ko?
Answer: Make the conversation short and simple! At first at least 2-3 minutes. Ang bilis naman! OO, ganyan kabilis at kaigsi. Huwag agad bibigay. Huwag ilaglag agad ang panty. If he says "Hello. Kumusta na?". Says, "Okay lang. Oh ba't napatawag ka?"... Response ni BF "Namiss kasi kita eh." (Kinikilig ka naman... Relax lang!) Anong sasabihin mo? "Namiss din kita"... Ay anak ng latex! Huwag ganyan. Sabihin mo "Nakakamiss talaga yung times na magkasama tayo." Para naman safe. Tapos, hayaan mong si ex mo ang talker kasi siya naman ang tumawag di ba? Dapat siya ang maraming sasabihin hindi ikaw para di niya mahalata na bitter ka. Paano ba tatapusin ang 2-3 minutes? Magkunwari ka! Iparinig mo sa kanya na may ginagawa ka. Na busy ka! Hayaan mong magtanong siya kung ano ang ginagawa mo. Sabihin mong "Busy kasi ako eh. Pwede mamaya nalang ng ____ or sa Lunes..etc etc" or "Pasensiya na may gagawin pa kasi ako eh. Next time nalang." End call Tapos! Para mabitin. Sabihin mo kay ex mo na tumawag ng ganitong oras, para malaman mo kung susundin ba niya o hindi kasi kung di na siya interesado sayo, di yan tatawag ng ganyang oras, pero kung positive naku expect na magriring ang phone mo ng ganyang oras.


Kung gusto mong makuha ulit ang BF mo, idisiplina ang sarili at huwag magpanic. Magkunwari kang tanggap mo na ang break up kahit ang totoo hindi pa.


Marami pa sana akong sasabihin pero hanggang dito na lang muna.


P.S. Di ako galit mga sissies ha. Na-carried away lang ako sa emotion ko. LOL. Base on my experiences lang at sa mga nababasa ko. Tanchu!
« Last Edit: February 24, 2011, 08:53:43 pm by iCleverClogs »

auane

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #16 on: February 24, 2011, 09:29:38 pm »

omneecka

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #17 on: February 25, 2011, 09:50:59 am »
@ sis iCleverClogs:

grabe! i super like your advises as in may pinaghugutang experience.. hehe!

i started last night i-unfriend common friends namin sa fb and i even blocked him para di na nya ko ma-search and i also removed him in my ym's contacts.

sana mag-work! hehe! =D

omneecka

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #18 on: February 25, 2011, 10:00:37 am »
share ko lang ito:

http://www.facebook.com/video/video.php?v=155864571096378




thanks for sharing this sis! ang ganda and very helpful! =D

iCleverClogs

  • Guest
Re: How to win your ex back?
« Reply #19 on: February 25, 2011, 10:14:04 am »
@ sis iCleverClogs:

grabe! i super like your advises as in may pinaghugutang experience.. hehe!

i started last night i-unfriend common friends namin sa fb and i even blocked him para di na nya ko ma-search and i also removed him in my ym's contacts.

sana mag-work! hehe! =D


Haha! Kahit uulit ulitin ko yan sis kelangan ko pa rin masterin kasi tulak ng bibig kabig ng dibdib ako minsan. hehe...


Well good luck na lang sa atin mga sis kasi ganyan din ang ginagawa ko ngayon sa ex ko  ::)  ,, 6 days pa lang ha pero effective.. aw! bahala siyang maghabol.  :P  haba ng hair... LOL.


Move on pa rin tayo kahit ano mang mangyari.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close