Hi sisses

to mhavy and iCleverClogs, salamat sa pagpansin ng post ko ha...
Si ex kasi, sinasabing mahal pa rin daw niya ako. Pero ayaw naman niya makipagbalikan. Actually, dapat padubai na ako nung Oct. Isa un sa sinisi niya bakit siya nakipagbreak daw, tas nasasakal daw siya sakin blahblah..Naguluhan lang ako, kasi bago ako magdecide na aalis for dubai, he knows naman na may financial problems sa family ko, being the eldest, I want to help din po, at isa pa siya sa nagsabing okay lang, hihintayin lang daw niya ako. After daw ng contract, pakasal na kami. tapos since akala ko nga aalis na talaga ako nung October, naging demanding ako sa time at naging selosa talaga. Hanggang sa di pa ako nakakaalis tas ayun nung Nov, he broke up with me. I tried na makipagbalikan, pero ang lagi niya sinasabi, di pa niya alam. Marami pa daw siya gusto gawin. Nadelay yung alis ko for dubai pa, pero I'm working na rin for the dubai company through their Ortigas office. anyways, naguusap pa rin kami, sinasabi pa rin niya na pagbalik ko from dubai, susunduin niya ako airport tas gagawin namin
[textspeak!] mga gusto namin na magtravel etc.
Sa totoo lang, di ko alam if may iba ba o wala. Pero sa nakikita ko, mukhang nag-eenjoy nga siguro siya sa buhay binata at talagang busy rin siya sa work. Masakit lang minsan, nakakatampo kasi nung di pa siya stable sa work, he has lots of dreams for us...ako lagi gusto niya kasama. For a year ng relationship namin, siya yung clingy at nakakasakal, pero tiniis ko. Tas nung ako na yung naging clingy, at naging comfortable na siya sa work niya, pakiramdam ko, ganun n lang niya binitawan yung mga pangako niya. I'm turning 27 this May, first boyfriend ko siya. Hindi ko alam, mahal ko pa rin siya

nagtetext pa rin siya, tumatawag. though yesterday, nagstart na ako sa NC at super hirap ako, kaya nga di ko muna chinacharge at niloload fon ko. Sabi ng iba, magpalit ako number, eh kahit naman magpalit ako number, memorize ko lahat ng numbers niya.
Posible ba talagang mahal ka pero mas gusto ng taong yun mahalin daw ang sarili niya? Hay sisses. Pasensya na ha napahaba. Ewan ko ba. sobrang baba na rin nga ng self esteem ko. Tapos pumapayat ako. wala na ata akong 100lbs. Napapagalitan na ako ng nanay ko, kasi di sila sanay na payat ako. Kasi dati, di naman ako masasabing mataba pero bilog
[textspeak!] katawan. Ngayon, prang wala ako tiwala sa sarili ko.