^naku ako di ko irerecommend personally yun villa angelina. ok lang sana sa kin yun medyo scary na part kasi parang heritage house yun peg ng loob nya pero ang di ok sa kin e yun mabaho ang tubig nila. ang hirap ipang hilamos/toothbrush at ipang shower. amoy kanal e.

kwento ko pala yun trip namin (mahaba ito)

1. from legazpi airport, dami mga touts hehe. magt-trike lang sana kami to central terminal.
50 pesos per trike daw sabi sa tourism office. tapos dun na lang kami sasakay pa-matnog. pero may kuya taxi na nag offer sa min metro. Avanza yun taxi nya. so sumakay na kami tapos nag offer sya ihatid kami sa
matnog. 3500 daw ang rate nila pero
3k na lang nya bigay. (sa tourism office sabi nga 3-3500 daw ang rent from airport to matnog). so ayun inavail na rin namin para di na mahirapan sa byahe. may konting side trip pa yun sa grocery para bumili ng supplies at stop over para mag lunch. hehe.
2. si
kuya eddie ang contact namin sa matnog. di na kami dumaan sa tourism office dun kahit may nakatext ako dati nun nagtatanong ako. yun kapatid ni kuya eddie ang boatman namin. later on nalaman namin sa kanya na sisingilin daw dapat kami ng
70/pax dun sa tourism pero siya na yun kumontra (VP sya ng association something for tourists, limot ko na) kasi daw wala naman maayos na facilities so bakit pa kami sisingilin. so ayun. ambait ni kuya, free gamit ng tent (na pinabili nya) tapos
1500 lang siningil sa boat overnight yun. ang mga pinuntahan namin
Subic beach (overnight) then rock formation, juag lagoon, tikling island.
300 yun rent ng tent pampamilya yun size. tapos
400 yun table/cottage w/ ilaw kasi for overnight use. kainis lang may nakasabay kaming isang buong angkan na dun napwesto malapit sa min. haay hassle ang pagtulog namin. ang ingay nila mga pasaway.

bitin din kami sa swimming. late na kasi nakarating sa Subic beach. nagluto pa kami. tapos kinabukasan maaga naman 7am kami nagcontinue ng tour tapos di pala pwede mag swim sa Juag kasi madami tourists so mabubulabog daw mga fish pag pinagbigyan kahit sinong group na magswim. tapos pala bawal magswim dun pag naka sunblock dahil mamamatay mga fish. sa tikling island naman dahil private sya, bawal bumaba. pero bumaba pa rin kami sa likod hehe. swim ng konti lang tapos balik na sa matnog. nakiligo kina kuya eddie.
super bait ni kuya eddie. nakiluto at nakiligo kami sa kanila. nagbigay na lang kami ng tip. tapos hinatid pa kami ng misis nya sa sakayan ng jeep pa-Sorsogon.
3. hectic ang byahe kapagod. from Matnog, nagjeep kami to
Sorsogon terminal 90 pesos pero etong si kuya konduktor nakakainis di agad binigay sukli namin tapos pagbaba hiningi ko 70 pa dapat sukli aba e 40 na lang binigay. talo daw sa bagahe namin. duh! wala naman sinabi na may bayad yun bagahe.

4. from sorsogon terminal nag van kami going to
Putiao.
85 pesos ang pamasahe. waiting galore. buti saglit lang napuno na rin agad.
5. from Putiao, mega hintay ng
jeep going to Donsol. 40 pesos pamasahe.
6. from Donsol, dami sumalubong na trike drivers. 20 daw per pax going to Woodland.
7. yun mga trike drivers may inooffer silang firefly watching. mas mura than the standard kasi along the way lang daw. marami naman daw fireflies kahit di ka na magboat.
8. max 6 lang talaga sa boat for butanding experience. pag di nabuo yun 6pax mapipilitan bayaran yun buong
3500 na boat fee. bale sa 6pax,
685/pax yun siningil sa min.
9. wala kami nakitang butanding. kahit dolphins. pangit din yun snorkeling ang lakas ng alon at wala makita. kaya ayun luhaan kaming umuwi hehe.
10. from donsol to legazpi naghire kami ng avanza taxi ulit.
1500 ang rate. tapos along the way kinausap na rin namin si kuya para i-
city tour kami. 1500 daw pero natawaran namin
1300. Ang mga pinuntahan:
Daraga Church, Cagsawa Ruins, Lignon Hill at Embarcadero/Blvd tapos drop off sa villa angelina. mailap si Mayon, nakatago sa clouds kaya sabi namin gigising kami ng maaga para makita sya ng buo at para makapalengke na rin.
11. kinabukasan ng umaga umalis kami ng 5:30am at pumunta sa embarcadero/baywalk.
70 pesos singil ng trike. wow! mayon in all her majesty! konting photo ops tapos nag trike na kami papuntang palengke.
10 per pax singil ni kuya. sa palengke, bumili kami ng giant prawns, fish at gabi. ang bait ni kuya dun sa stall na nabilhan namin. stall #55. libre yelo+asin+pack. kung sa palawan yun, may bayad na yun packing fee na yun. binigyan namin ng tip pero ang ginawa nya, nagtawag ng magbubuhat ng ice chest namin tapos dun nya binigay yun tip na inabot namin sa kanya. ang bait ni kuya talaga! love ko na sya. hehe.

tapos nun nag trike kami
60 pesos singil pabalik na ng villa angelina para maihatid kami sa airport. free airport transfer kasi.
12. sa airport, wow, bubuksan pala talaga lahat ng dala mo. kahit yun nakastyro na fish, inisa isa pa yata tapos binawasan ng yelo. nagtagal kami dahil dun. hehe. ok lang din buti di naman nasira yun fish namin.
30 pesos yun terminal fee.
ayan