watch now

Author Topic: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)  (Read 141940 times)

chiqmom

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #500 on: April 10, 2013, 02:08:39 pm »
^maybe you can try siville inn. was not able to try the place personally though.

lakwatsa

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #501 on: April 10, 2013, 03:02:07 pm »
medyo scary pala villa angelina haha! feeling ko nasa heritage house ako sa vigan.  ;D

airish_2

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #502 on: April 11, 2013, 08:10:26 am »
balak namin bus pauwi para ma try lahat anung bus ang umaalis ng maaga dun? tsaka yung may cr ba yun nabasa ko kasi sa blog nakalimutan ko lang yung link :) ^^wala ako nabasa review sa seville inn sa villa angelina naman mukang okay :)

ayionick

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #503 on: April 11, 2013, 10:43:32 am »
^ok naman sa villa angelina, except that may pagka-creepy dahil sa naka-display na photo ng ancestors nung may-ari siguro ng place. not sure kung yung tubig din eh sadyang amoy, lasa at kulay kalawang. o nataon lang na ganun nung andun kame.

lakwatsa

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #504 on: April 11, 2013, 10:45:17 am »
^naku ako di ko irerecommend personally yun villa angelina. ok lang sana sa kin yun medyo scary na part kasi parang heritage house yun peg ng loob nya pero ang di ok sa kin e yun mabaho ang tubig nila. ang hirap ipang hilamos/toothbrush at ipang shower. amoy kanal e. :(

kwento ko pala yun trip namin (mahaba ito) ;D

1. from legazpi airport, dami mga touts hehe. magt-trike lang sana kami to central terminal. 50 pesos per trike daw sabi sa tourism office. tapos dun na lang kami sasakay pa-matnog. pero may kuya taxi na nag offer sa min metro. Avanza yun taxi nya. so sumakay na kami tapos nag offer sya ihatid kami sa matnog. 3500 daw ang rate nila pero 3k na lang nya bigay. (sa tourism office sabi nga 3-3500 daw ang rent from airport to matnog). so ayun inavail na rin namin para di na mahirapan sa byahe. may konting side trip pa yun sa grocery para bumili ng supplies at stop over para mag lunch. hehe.

2. si kuya eddie ang contact namin sa matnog. di na kami dumaan sa tourism office dun kahit may nakatext ako dati nun nagtatanong ako. yun kapatid ni kuya eddie ang boatman namin. later on nalaman namin sa kanya na sisingilin daw dapat kami ng 70/pax dun sa tourism pero siya na yun kumontra (VP sya ng association something for tourists, limot ko na) kasi daw wala naman maayos na facilities so bakit pa kami sisingilin. so ayun. ambait ni kuya, free gamit ng tent (na pinabili nya) tapos 1500 lang siningil sa boat overnight yun. ang mga pinuntahan namin Subic beach (overnight) then rock formation, juag lagoon, tikling island.
300 yun rent ng tent pampamilya yun size. tapos 400 yun table/cottage w/ ilaw kasi for overnight use. kainis lang may nakasabay kaming isang buong angkan na dun napwesto malapit sa min. haay hassle ang pagtulog namin. ang ingay nila mga pasaway.  >:(

bitin din kami sa swimming. late na kasi nakarating sa Subic beach. nagluto pa kami. tapos kinabukasan maaga naman 7am kami nagcontinue ng tour tapos di pala pwede mag swim sa Juag kasi madami tourists so mabubulabog daw mga fish pag pinagbigyan kahit sinong group na magswim. tapos pala bawal magswim dun pag naka sunblock dahil mamamatay mga fish. sa tikling island naman dahil private sya, bawal bumaba. pero bumaba pa rin kami sa likod hehe. swim ng konti lang tapos balik na sa matnog. nakiligo kina kuya eddie.

super bait ni kuya eddie. nakiluto at nakiligo kami sa kanila. nagbigay na lang kami ng tip. tapos hinatid pa kami ng misis nya sa sakayan ng jeep pa-Sorsogon.

3. hectic ang byahe kapagod. from Matnog, nagjeep kami to Sorsogon terminal 90 pesos pero etong si kuya konduktor nakakainis di agad binigay sukli namin tapos pagbaba hiningi ko 70 pa dapat sukli aba e 40 na lang binigay. talo daw sa bagahe namin. duh! wala naman sinabi na may bayad yun bagahe. :(

4. from sorsogon terminal nag van kami going to Putiao. 85 pesos ang pamasahe. waiting galore. buti saglit lang napuno na rin agad.

5. from Putiao, mega hintay ng jeep going to Donsol. 40 pesos pamasahe.

6. from Donsol, dami sumalubong na trike drivers. 20 daw per pax going to Woodland.

7. yun mga trike drivers may inooffer silang firefly watching. mas mura than the standard kasi along the way lang daw. marami naman daw fireflies kahit di ka na magboat.

8. max 6 lang talaga sa boat for butanding experience. pag di nabuo yun 6pax mapipilitan bayaran yun buong 3500 na boat fee. bale sa 6pax, 685/pax yun siningil sa min.

9. wala kami nakitang butanding. kahit dolphins. pangit din yun snorkeling ang lakas ng alon at wala makita. kaya ayun luhaan kaming umuwi hehe.

10. from donsol to legazpi naghire kami ng avanza taxi ulit. 1500 ang rate. tapos along the way kinausap na rin namin si kuya para i-city tour kami. 1500 daw pero natawaran namin 1300. Ang mga pinuntahan: Daraga Church, Cagsawa Ruins, Lignon Hill at Embarcadero/Blvd tapos drop off sa villa angelina. mailap si Mayon, nakatago sa clouds kaya sabi namin gigising kami ng maaga para makita sya ng buo at para makapalengke na rin.

11. kinabukasan ng umaga umalis kami ng 5:30am at pumunta sa embarcadero/baywalk. 70 pesos singil ng trike. wow! mayon in all her majesty! konting photo ops tapos nag trike na kami papuntang palengke. 10 per pax singil ni kuya. sa palengke, bumili kami ng giant prawns, fish at gabi. ang bait ni kuya dun sa stall na nabilhan namin. stall #55. libre yelo+asin+pack. kung sa palawan yun, may bayad na yun packing fee na yun. binigyan namin ng tip pero ang ginawa nya, nagtawag ng magbubuhat ng ice chest namin tapos dun nya binigay yun tip na inabot namin sa kanya. ang bait ni kuya talaga! love ko na sya. hehe.  ;D tapos nun nag trike kami 60 pesos singil pabalik na ng villa angelina para maihatid kami sa airport. free airport transfer kasi.

12. sa airport, wow, bubuksan pala talaga lahat ng dala mo. kahit yun nakastyro na fish, inisa isa pa yata tapos binawasan ng yelo. nagtagal kami dahil dun. hehe. ok lang din buti di naman nasira yun fish namin. 30 pesos yun terminal fee.

ayan

bluez

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #505 on: April 11, 2013, 11:00:25 am »
Hello any recommended budget friendly
beach resort in naga?? We'll be there
on Wed apr16 with hubby and 3 kids two nights.
The next day city tour naman sa legazpi..
TIa 💗💗💗

tammy1979

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #506 on: April 12, 2013, 03:59:09 am »
sis lakwatsa..napagod ako sa byahe nyo, hehe..pero buti naman nakita nyo rin si mayon, at same tayo, di rin kami nakakita ng butanding, medyo maiilap ang mga nilalang na ito, hehe..

lakwatsa

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #507 on: April 12, 2013, 08:31:08 am »
^korek sis kapagod talaga! buti na lang nag hire kami from airport to Matnog. kasi nun nag commute na kami from Matnog to Donsol, susme, parang walang katapusan na byahe.

tapos yun nga ang sad lang kasi ang haba ng binyahe namin tapos di nagpakita ang butanding. buti pa yun iba sa group namin kahit pano nakakita ng dolphins. nahati kasi kami dahil 7pax kami. so ang ginawa 4-3 kaso yun 3pax na nahiwalay, 2 lang yun nahanap nilang kasama kasi wala na ibang joiners. mas mahal tuloy binayad nila pero keri lang at least may nakita silang dolphins.

tara na lang sis sa oslob para sa whaleshark experience! haha!  ;D

shegothim

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #508 on: April 12, 2013, 12:09:23 pm »
dun sis unli ang butanding na makikita nyo.

riandrew

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #509 on: April 12, 2013, 06:32:51 pm »
may feeding program kasi sa oslob. hihi malayo ka palang, tanaw na ang mga tuki.

last year din nagpunta kami ng donsol, wala ding butanding. sabi ng mga locals, wala na nga daw dun.

matetreyes

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #510 on: April 13, 2013, 12:09:53 am »
korek PG lang ang peg ng mga tuki sa oslob!

@lakwatsa sa matnog area wala talagang pension house man lang? kailangan bumalik ng donsol or mag-camp?

lakwatsa

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #511 on: April 13, 2013, 09:34:32 am »
^meron sa matnog na mga accommodation pero di na namin napuntahan e. may tourism center sila. very basic nga lang ang itsura. makikita mo yun dun sa pics ko sa FB.

may budget na daw sila 12M yata para makapagpagawa ng maayos na center. yun may paliguan daw para sa mga tourist na mag a island hopping. think about yun honda bay tourist center sa palawan. parang ganun ang mangyayari. pero ang bait ni kuya eddie para lang kaming mga pamangkin nya na nagbakasyon sa kanila. hehe.

matetreyes

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #512 on: April 13, 2013, 11:25:21 am »
kumusta naman ang alon nung nag-island hopping? ano ang best time  to go there? habagat o amihan?

lakwatsa

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #513 on: April 13, 2013, 12:08:07 pm »
^di naman kami inalon sis. kalmado naman dagat. :) don't know about habagat and amihan. hehe.

matetreyes

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #514 on: April 13, 2013, 12:58:14 pm »
ay maganda yan, hindi masyadong buwis buhay!

ayionick

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #515 on: April 13, 2013, 01:04:41 pm »
^nakita kita sa walkway kagabi sis hehe!

Sarap lumangoy sa Subic Beach B. Sa A biglang lalim pero maganda din sana. Sa Tikling ang soft ng sand, malakas lang ang alon. Di kame makalangoy palayo sa island/shore kasi papuntang shore yung direksyon ng alon. Malakas yung alon para sa paglangoy pero sa boat di ramdam. Nakakaidlip nga ako e!

Saya sana magswim with big fishes sa Juag pero di na nga pwede. Di namin natanong kung san nila dinadala yung fishes.

matetreyes

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #516 on: April 13, 2013, 01:58:07 pm »
sis! hindi kita nakita! sayang!

teka bakit nga ba bawal magswim sa Juag? e di ba snorkeling site yun?

lakwatsa

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #517 on: April 13, 2013, 07:12:43 pm »
^sabi ni kuya di daw inaalis dun sa juag ang mga fish. meron daw dun super tagal na at tipong taon na andun. parang 9 years ganun at inaalagaan lang talaga.

di sya snorkeling site. private sya na parang fish pond ang dating. bawal mag swim kasi daw maraming tourists. so tipong pag pinagbigyan kami, makikita nun iba syempre gugustuhin din magswim, ayun mabubulabog daw ang mga fish kaya para fair bawal mag swim sa lahat.

tapos sabi kadalasan daw pag galing na ng subic beach di na rin pinapayagan mag swim dun kasi mga naka sunblock na. namamatay daw yun fish pag ganun. last time yata namatay daw 3 fish. kaya ayun, nakasulat na din talaga sa tarpaulin nila na bawal magswim ang may sunblock.

matetreyes

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #518 on: April 13, 2013, 07:30:58 pm »
aww sayang! kala ko pa naman pwede mag-snorkel dun sa juag. ganda p naman pictures ng mga fish nun sa net

ayionick

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #519 on: April 13, 2013, 08:53:17 pm »
^tatawagin dapat kita kaso natatakpan ako ng officemates ko hehe!

Ang dami varities ng fishes, ang laki din ng clams ano ba tawag dun? May puffer fish at parrot fish na loner. Nung una ayaw talaga kame papasukin sa vicinity ng juag, mukhang bawal na din talaga magdala ng tourists pero nag-usap muna yung boatman namin at owner ng juag bago kame pinayagan bumaba sa boat.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close