watch now

Author Topic: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)  (Read 141969 times)

lakwatsa

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #480 on: March 05, 2013, 09:42:08 pm »
^oks thanks sis. Sana nga pumayag. Papasa naman na bata batuta mga kasama ko hehe. ;D

tammy1979

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #481 on: March 06, 2013, 01:12:21 am »
^^ thanks for the info. I've already inquired sa Vitton Resorts, 2.2k ang room nila for 2 pax, 1.8k sana pinakamura kaso fully booked na daw. Then pwede nila kami i-arrange na mag whale shark tour na isasama kami sa ibang tourist. Bale 3.5k divide by 6 daw, plus 100 na reg fee yun daw babayaran. ang mahal pala ng accommodation sa Sorsogon, hehe.

Yung sa ATV, nag text ako dun sa number sa site nila, ang tagal mag reply, then tinanong lang ako kung kailan tapos wala na uling text. ganun ba talaga sila? hehe..may ibang number pa pwede pagtanungan sa Your Brother ATV?


Thanks uli..:) This weekend na ang travel namin, excited na! hehe

eeatrice

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #482 on: March 06, 2013, 10:11:31 pm »
^sis tawagan mo na lang, mas madali sila kausap kung tatawagan mo :)

tammy1979

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #483 on: March 06, 2013, 10:23:26 pm »
yun na nga lang siguro gagawin ko, hehe..so, kasama na sa rate yung sundo at hatid sa papuntang donsol? morning ba ang pinaka ok gawin ang ATV?

eeatrice

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #484 on: March 07, 2013, 09:23:00 pm »
^sis ang alam ko kasama lang ATV tour iyong hatid/sundo sa airport/hotel/within legazpi city


darkmocha

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #485 on: March 10, 2013, 01:26:44 am »
Hi mga sis, meron ba dito nakapag-landtravel na from manila to bicol with a 1 yr d baby? How long was it? Ok and safe ba or mas adviseable talaga if by airplane?
Pls advice, thanks!!

tammy1979

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #486 on: March 12, 2013, 01:26:28 am »
Just got back from our CWC, LEgazpi and Donsol trip, my time to share info and experiences..

Day 1- arrived at Naga airport, makulimlim. Stayed in CWC, may sumundo na agad sa min sa airport, hassle free ang check in. We paid 1,350 for a small wooden cabin, actually naka-promo sya. Cute nung room, reklamo lang namin is yung sa CR, amoy septic tank everytime ifa-flush yung toilet, the rest, super ok naman. We did the basic wakeboarding, puro subsob moments ako sa tubig pero masaya naman, yun lang, ni hindi ako nakaabot sa kabilang side hehe. I think we paid 165 plus 500 refundable deposit each. Sobrang maginaw nung nagpunta kami, as in nanginginig ako sa lamig, ang lakas ng hangin, akala ko may bagyo, hehe.

Day 2- from CWC sumakay kami bus around 7am bound to Legazpi, paid 120 each and more than 2 hours ang byahe. Comfortable naman pero umuulan pa rin and as expected, nakatago si Mayon, huhuhu! Iniwan muna namin sa Pacific Mall ang mga gamit namin then we went to Lignon Hills, isang malaking katangahan kasi naiwan ko yng mga ni-research ko dito na mga directions on how to go to these places, ayun, mega ask kami sa mga locals and mababait at maayos naman silang sumagot. Then, nakilala namin sa Lignon Hills si Kuya Monching, tour guide sya dun na super bait at maasikaso. Sya yng nag-picture sa amin at naghatid sa Lignon, kino convince nya kami na mag ATV na kaso sabi namin papunta kami ng Donsol ng 3pm, saka maulan kaya pinostpone muna namin yung plan na mag ATV that day. After mag lunch ikot ng konti then sakay na kami ng van pa-Donsol, 75 ang fare. after more than an hour, nandun na kami.

Donsol - we stayed at Villa Jollie, we got the room for 1500/night inclusive of breakfast for 2. Good for 3 yung room, may AC, hot shower pero very basic lang yung place. Sobrang accomodating yung may ari, as asikaso nya lahat ng guest nya, pati pagluluto, ask nya talaga kung ipagluluto ka ba nya or hindi. Wala kaming plan mag firefly watching pero gumora na kami kasi [textspeak!] naman kaming gagawin that night. Since 2 lang kami, inihanap nya kami ng kasama para maging 5 pax kaso isang American guest lang nya ang na-convince. Punta na kami sa site then dun na lang kami humanap ng makaksabay. Puro foreigner ang nandun, kami lang yata ang locals at yung 3 namin na nakilala at sila din naka share namin sa boat, bale naging 6 pax kami. Enjoy ang firefly watching, kakaaliw lang makakita ng maraming alitaptap, good thing nakisama na ang weather nung gabi. kita na ang mga starts, hehe. Kwela din yung tour guide sa boat, as in parang educational tour ang nangyari, dami namin tanong sa kanya, yung American na kasama namin, nakatanga lang sa min so tina-translate ko na lang sa kanya para di sya ma out-of-place hehe. We also paid 250 dun sa trike, roundtrip na yun.

Day 3 - Whaleshark interaction. akala namin hindi kami tutuloy kasi after ng firefly watching the other night umulan na naman magdamag. Buti umaraw na paggising namin as in ang init hehe. Nagpunta kami sa tourism office, ni-register na kami ng may ari ng Villa Jollie bago pa kami nagpunta at sila na ang hahanap ng kasabay namin pero since na convince namin yung american na mag try uli saka yung 3 Pinay na nakilala namin, ayun, complete na kami sa 6pax sa boat. Bale silang 4, 2nd time na gagawin. wala silang nakitang butanding eh. We paid 585 plus 100 as registration fee, pag foreigner 300 yata reg fee pero pag umulit ng tour, wala nang reg fee. Sad to say, wala kaming nakitang butanding. Pabalik na kami nun at nagakron kami ng konting hope na makakakita kami kasi nakita ng spotter namin na nag-ipon-ipon ang mga boat sa isang part ng dagat, so nagpunta kami dun at mukhang may sighting daw. Kaso pagdating namin dun wala kaming nakita, meron daw sana kasi lumubog agad yung butanding. Nag extend na kami ng 1 hour at wala talaga kaming nakita, kaka-sad talaga, hayyyy.

Nakabalik kami halos 12pm na. Ligo agad kami kasi babalik pa kami ng Legazpi for the ATV. Buti na lang may dalang car yung mga girls na na-meet namin, nakisabay kami kaya nakarating agad kami ng Legazpi ng mga 1pm, we had late lunch sa 1st Colonial Grill, ang sarap ng Grilled Liempo nila. We laso tried their ice cream, yung sili, calamansi, baileys saka yung tinutong, ang sarap in fairness pero kakaaliw yung lasa. Maanghang talaga yung sili ice cream, amazing! hehe.

Then after lunch, derecho kami ng Cagsawa Ruins, ang kulit nung isang teenager na nag alok mag pic sa min, kung ano anong pose ang pinapa try so game naman kami, hindi namin namalayan na super late na pala, eh kausap namin si Kuya Monching na susundo sa min sa Ellis Ecotel para sa 4pm ATV. Mga pasaway lang, ayun, nakarating kami sa Ellis ng 4pm, nakapag ATV kami halos 4:30 PM na, super ngarag at mukang gagabihin na kami so instead na tig-iisa kami ng ATV, pinagamit sa min yung malalaki na tig 3.5k, magka angkas na lang kasi wala daw ilaw yung maliliit, baka maaksidente raw kami pauwi pag walang ilaw. Enjoy naman yung ATV, medyo bitin lang kasi parang maikli lang yung tinakbo namin then aakyat pala dun sa Lava trail, akala ko aabot talaga sa MAyon, hehe.

After that, we checked in at Ellis Ecotel, nice yung hotel, comfortable ang beds, maliit yung rooms pero maganda ang bathroom, malakas ang shower. Reklamo ko lang, maraming maliliit na langgam na di ko alam kung san galing at yun nga, dinig na dinig nga ang ingay sa mga katabing rooms. Imagine, nanonood ako ng TV then naririnig ko yng kwentuhan ng nasa kabilang room, hindi ko exatly alam ang sinasabi nila but you can tell na nag-uusap talaga. Sana lang i-improve nila yun, kasi nakaka distract pati dun sa banyo, pati pag flush ng toilet sa kabila dinig na dinig, hehe.

Last day namin kanina, ayun, nagpakita si Mayon, as in super clear at buong-buo namin nakuhanan ng picture hehe. Kulang kami sa oras kaya ngaragan mga tours namin. Kakahinayang yung sa Donsol, kasi wala naman kami nakitang butanding at kinapos oras dahil dun, haayyyy..maybe next time, or baka sa Oslob na lang kami pumunta.

Sorry kung mahaba, detailed talaga ako magkwento hehe..pero I will post a summary ng mga numbers na pwede kontakin if ever gusto nyo ng mababait na guides at contact persons. :)


lakwatsa

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #487 on: March 12, 2013, 09:20:41 am »
^aww sad naman sis wala kayo nakitang butanding. pero at least nasilayan nyo si Mayon! :D

tammy1979

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #488 on: March 13, 2013, 04:25:02 am »
^^ Yup, yun na lang ang kunswelo de-bobo namin hehe..kung di siguro nagpakita si Mayon eh talagang maiiyak na ko hehe..

Sa mga gusto mag ATV, pwede nyo i-contact si Kuya Monching 0930-904-2563. Sobrang mabait kasi sya and connected din naman sya sa Your Brother kasi dun ka din nya dadalhin, accredited tour guide sya ng DOT. Kasi itong si Cyrel Chan hindi marunong magreply sa text. Iko-confirm nya lang sa email tapos sasabihin tatawagan kayo pag susunduin na. NEver kami naka receive ng call, tapos kami na nga tumawag lahat ng CP unattended. Etong si Kuya Monching, talagang mega follow up sa min, then ang tyaga nya naghintay kasi nagpasaway kami, hindi kami sumunod sa oras. Ang ipinangsundo nya is yung Hilux ng Your Brother then dinala kami sa site, akala nga namin sya ang guide namin, nagulat kami bigla sya nawala. may pasok daw sya ng 9pm, eh almost 5pm na kami nag start sa ATV. Sayang, di ko man lang sya nabigyan ng tip. Basta, super bait sya, promise! hehe. Sana sa pag recommend ko sa kanya sa GT eh makabawi man lang ako sa kanya. :D

Sa Donsol naman, ang malalapit na resort sa Tourism office is yung Vitton Resort at yung Dancalan. YUng Villa Jollie malapit din, mga 2 mins walk, katabi lang sya halos ng Dancalan. pinakamura ang accommodation nila, mabait pa yung may ari.

airish_2

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #489 on: March 13, 2013, 08:18:51 am »
ask ko lang po kung yung oriental hotel sa legazpi albay ay may shuttle service? or any hotel dun na may shuttle service  :)

tammy1979

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #490 on: March 13, 2013, 09:08:01 pm »
^^ may shuttle service ang Oriental Hotel and i think pati yung Hotel Venezia.

airish_2

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #491 on: March 14, 2013, 07:58:34 am »
buti naman may mga pagpipilian kami at free pa ata ang airport transfer :)

lakwatsa

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #492 on: March 14, 2013, 08:36:09 am »
ano massuggest nyong accommodation sa legazpi na ok ang location?

plan kasi namin from donsol after ng butanding experience e punta sa legazpi para makadiretso naman sa pasyal dun. ETA at legazpi most likely 2pm, ano pa kaya pwede namin mapasyalan? 9am flight kinabukasan e so wala na time mamasyal.

tammy1979

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #493 on: March 14, 2013, 09:54:55 pm »
^^ sis..for me depende yan kung magkano budget mo at kung san mo gusto malapit. We stayed in Ellis Ecotel, price is ok na pero yung location for me is hindi masyado ok. Nadidiliman ako may riles bago dumating dun although maraming tricycle na pwedeng sakyan naman. Tapos yung sa kainan, medyo limited lang din. Meron isang hotel na nasa tabi lang ng kinainan namin na 1st Colonial Grill, Villa Amada Hotel yata yung name, ok yung location kasi nasa main road sya, so I think mas matipid mag commute hehe..

If you want yung malapit sa airport, there's Vista Al Mayon and yung Salvador Hometel yata yun, not really sure kasi nadaanan lang namin habang papunta ng airport.

lakwatsa

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #494 on: March 15, 2013, 08:30:10 am »
^salamat sis. check ko yan Villa Amada Hotel. ekis din sa min ellis kasi wala silang triple room. need pa namin magbook ng single room kung dun kami. e ayun nga dahil super saglit lang kami sa legazpi, di rin advisable na yun mahal na accommodation pa kunin namin.

sis baka may suggestion ka ng pwede namin mapagkasya from 2pm-7pm na legazpi tour? priority namin yun cagsawa ruins, mga ilang oras ba ideal dun? tapos di ko sure kung kaya pa makapag lignon hill after. :-\

tammy1979

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #495 on: March 17, 2013, 09:20:46 pm »
i think magkalapit lang ang Cagsawa Ruins at Lignon Hill, pasok yang 2-7pm mo na tours. Dun sa Cagsawa Ruins kaya kahit 30mins lang na mag stay dun, wala naman ibang makikita kundi yung ruins ng bell tower saka mga souvenirs kung plan mo mamili. And marami ka makikilala na mga kabataan dun who will offer to take your photos na may iba-ibang tricks, yun lang medyo nagpatagal sa min, hehe..Tip or donation lang ibibigay mo ok na sa kanila.

Then sa LIgnon Hill, medyo mahaba-habang lakaran na pataas, siguro mag allot ka ng more than 1 hour dito especially kung mag zipline ka pa. Pero kami kasi ayaw namin maglakad ng malayo kaya nag motor kami pataas, yun nga, si Kuya MOnching ang nag offer sa min. 20 pesos each lang naman then 20 pesos entrance yata. Sulit na 20 pesos kesa mapagod kami ng bongga hehe. text mo sya if ever nasa Lignon Hill kayo since lagi naman sya nandun.

Wala ako mai-recommend na ibang tour kasi yang 2 yan lang din napuntahan namin, hehe..pero kung type nyo mag ATV, kaya pa rin yan sa 2-7pm. Magstart ang ATV nyo ng 2pm then siguro matapos kayo ng 4pm tapos pwede nyo na isunod ang Lignon at Cagsawa. hope this helps.

lakwatsa

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #496 on: March 17, 2013, 09:26:27 pm »
^thank you ulit sis! :)

lakwatsa

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #497 on: April 03, 2013, 02:01:52 pm »
how much yun terminal fee sa legazpi airport?

ayionick

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #498 on: April 03, 2013, 08:28:02 pm »
^30-40 ang nababasa ko sis. :)

airish_2

  • Guest
Re: Bicol Region - Sorsogon, Albay, Camsur trip (thread II)
« Reply #499 on: April 06, 2013, 11:35:13 pm »
city tour balak namin meron bang accomodation na tipong pang backpackers? Change plan kasi kami.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close