Just got back from our CWC, LEgazpi and Donsol trip, my time to share info and experiences..
Day 1- arrived at Naga airport, makulimlim. Stayed in CWC, may sumundo na agad sa min sa airport, hassle free ang check in. We paid 1,350 for a small wooden cabin, actually naka-promo sya. Cute nung room, reklamo lang namin is yung sa CR, amoy septic tank everytime ifa-flush yung toilet, the rest, super ok naman. We did the basic wakeboarding, puro subsob moments ako sa tubig pero masaya naman, yun lang, ni hindi ako nakaabot sa kabilang side hehe. I think we paid 165 plus 500 refundable deposit each. Sobrang maginaw nung nagpunta kami, as in nanginginig ako sa lamig, ang lakas ng hangin, akala ko may bagyo, hehe.
Day 2- from CWC sumakay kami bus around 7am bound to Legazpi, paid 120 each and more than 2 hours ang byahe. Comfortable naman pero umuulan pa rin and as expected, nakatago si Mayon, huhuhu! Iniwan muna namin sa Pacific Mall ang mga gamit namin then we went to Lignon Hills, isang malaking katangahan kasi naiwan ko yng mga ni-research ko dito na mga directions on how to go to these places, ayun, mega ask kami sa mga locals and mababait at maayos naman silang sumagot. Then, nakilala namin sa Lignon Hills si Kuya Monching, tour guide sya dun na super bait at maasikaso. Sya yng nag-picture sa amin at naghatid sa Lignon, kino convince nya kami na mag ATV na kaso sabi namin papunta kami ng Donsol ng 3pm, saka maulan kaya pinostpone muna namin yung plan na mag ATV that day. After mag lunch ikot ng konti then sakay na kami ng van pa-Donsol, 75 ang fare. after more than an hour, nandun na kami.
Donsol - we stayed at Villa Jollie, we got the room for 1500/night inclusive of breakfast for 2. Good for 3 yung room, may AC, hot shower pero very basic lang yung place. Sobrang accomodating yung may ari, as asikaso nya lahat ng guest nya, pati pagluluto, ask nya talaga kung ipagluluto ka ba nya or hindi. Wala kaming plan mag firefly watching pero gumora na kami kasi
[textspeak!] naman kaming gagawin that night. Since 2 lang kami, inihanap nya kami ng kasama para maging 5 pax kaso isang American guest lang nya ang na-convince. Punta na kami sa site then dun na lang kami humanap ng makaksabay. Puro foreigner ang nandun, kami lang yata ang locals at yung 3 namin na nakilala at sila din naka share namin sa boat, bale naging 6 pax kami. Enjoy ang firefly watching, kakaaliw lang makakita ng maraming alitaptap, good thing nakisama na ang weather nung gabi. kita na ang mga starts, hehe. Kwela din yung tour guide sa boat, as in parang educational tour ang nangyari, dami namin tanong sa kanya, yung American na kasama namin, nakatanga lang sa min so tina-translate ko na lang sa kanya para di sya ma out-of-place hehe. We also paid 250 dun sa trike, roundtrip na yun.
Day 3 - Whaleshark interaction. akala namin hindi kami tutuloy kasi after ng firefly watching the other night umulan na naman magdamag. Buti umaraw na paggising namin as in ang init hehe. Nagpunta kami sa tourism office, ni-register na kami ng may ari ng Villa Jollie bago pa kami nagpunta at sila na ang hahanap ng kasabay namin pero since na convince namin yung american na mag try uli saka yung 3 Pinay na nakilala namin, ayun, complete na kami sa 6pax sa boat. Bale silang 4, 2nd time na gagawin. wala silang nakitang butanding eh. We paid 585 plus 100 as registration fee, pag foreigner 300 yata reg fee pero pag umulit ng tour, wala nang reg fee. Sad to say, wala kaming nakitang butanding. Pabalik na kami nun at nagakron kami ng konting hope na makakakita kami kasi nakita ng spotter namin na nag-ipon-ipon ang mga boat sa isang part ng dagat, so nagpunta kami dun at mukhang may sighting daw. Kaso pagdating namin dun wala kaming nakita, meron daw sana kasi lumubog agad yung butanding. Nag extend na kami ng 1 hour at wala talaga kaming nakita, kaka-sad talaga, hayyyy.
Nakabalik kami halos 12pm na. Ligo agad kami kasi babalik pa kami ng Legazpi for the ATV. Buti na lang may dalang car yung mga girls na na-meet namin, nakisabay kami kaya nakarating agad kami ng Legazpi ng mga 1pm, we had late lunch sa 1st Colonial Grill, ang sarap ng Grilled Liempo nila. We laso tried their ice cream, yung sili, calamansi, baileys saka yung tinutong, ang sarap in fairness pero kakaaliw yung lasa. Maanghang talaga yung sili ice cream, amazing! hehe.
Then after lunch, derecho kami ng Cagsawa Ruins, ang kulit nung isang teenager na nag alok mag pic sa min, kung ano anong pose ang pinapa try so game naman kami, hindi namin namalayan na super late na pala, eh kausap namin si Kuya Monching na susundo sa min sa Ellis Ecotel para sa 4pm ATV. Mga pasaway lang, ayun, nakarating kami sa Ellis ng 4pm, nakapag ATV kami halos 4:30 PM na, super ngarag at mukang gagabihin na kami so instead na tig-iisa kami ng ATV, pinagamit sa min yung malalaki na tig 3.5k, magka angkas na lang kasi wala daw ilaw yung maliliit, baka maaksidente raw kami pauwi pag walang ilaw. Enjoy naman yung ATV, medyo bitin lang kasi parang maikli lang yung tinakbo namin then aakyat pala dun sa Lava trail, akala ko aabot talaga sa MAyon, hehe.
After that, we checked in at Ellis Ecotel, nice yung hotel, comfortable ang beds, maliit yung rooms pero maganda ang bathroom, malakas ang shower. Reklamo ko lang, maraming maliliit na langgam na di ko alam kung san galing at yun nga, dinig na dinig nga ang ingay sa mga katabing rooms. Imagine, nanonood ako ng TV then naririnig ko yng kwentuhan ng nasa kabilang room, hindi ko exatly alam ang sinasabi nila but you can tell na nag-uusap talaga. Sana lang i-improve nila yun, kasi nakaka distract pati dun sa banyo, pati pag flush ng toilet sa kabila dinig na dinig, hehe.
Last day namin kanina, ayun, nagpakita si Mayon, as in super clear at buong-buo namin nakuhanan ng picture hehe. Kulang kami sa oras kaya ngaragan mga tours namin. Kakahinayang yung sa Donsol, kasi wala naman kami nakitang butanding at kinapos oras dahil dun, haayyyy..maybe next time, or baka sa Oslob na lang kami pumunta.
Sorry kung mahaba, detailed talaga ako magkwento hehe..pero I will post a summary ng mga numbers na pwede kontakin if ever gusto nyo ng mababait na guides at contact persons.
