share ko lang sis experience ko:
LMP: Dec. 04, 2012
Jan. 15. 2013 - Positive na ako sa pregnancy test, test ulit ako ng Jan. 16 & Jan. 17 - all positive
Jan. 17 - punta na kami OB, preggy na nga daw ako
Feb. 16 - first TransV, nakita na nga ni OB na blighted ovum, balik daw ako after 2 weeks for 2nd TransV
March 1 - start na ng spotting, mahina lang parang taghabol lang
March 2 - 2nd TransV, naiba na daw yung shape ng sac, sabi ni OB observe muna namin, kase ang dami nya daw case na no need na ng d&c at kusa ng lalabas yung sac, binigyan nya ako reseta ng Iron kase nga nag spotting na ako & antibiotic for infection kung sakali daw may smell yung discharge ko
March 3 - may mahinang bleeding na parang mens, after lunch sumakit ng puson ko, hilab talaga sya then inom daw ako mefenamic acid sabi ni OB pag hindi ko kinaya ang pain, para syang dysmenorrhea, isang mefenamic lang inom ko, medyo tiniis ko na rin yung pain after mawala effect ng mefenamic, by 6 pm lumabas na yung sac & dinala namin sa laboratory ng hospital
March 4 - balik ako kay OB, then IE nya ako close na nga daw cervix at no need na ng d&c
syempre sobrang lungkot kami ni hubby, 1st baby namin yun, nung first TransV ko at sinabi nga ni OB na blighted, tinatagan ko sarili ko sa harap lang ako ni hubby napa-iyak naisip namin hindi pa talaga time, thankful kami at hindi na ako na d&c at hindi rin nag bleeding ng sobra, thankful din kami sa OB ko kase hindi nya agad advice na pa d&c agad ako, syempre kung sa ibang doctor yun, gusto agad nila d&c for extra income nila, sabi ni OB malakas daw loob ko, mas okay daw yun para mabilis ang recovery
April 9 - nagkaron na ulit ako ng mens, at balik regular na ulit cycle ko, right now pinapaubaya ko na kay papa Lord kung kelan nya ulit kami bibigyan ng baby, in His own perfect time

God Bless us!