Author Topic: Blighted Ovum  (Read 20328 times)

Nuriko

  • Thead Killer
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 125
Re: Blighted Ovum
« Reply #20 on: April 28, 2013, 12:40:39 pm »
had my 2nd tvs yesterday. 8wks aog ako, the gestational sac measured 25mm pero it's empty pa rin. this is my first pregnancy pero eto agad . grabe, super devastating. wala naman akong symptoms ng blighted ovum, wala akong bleeding at nawala na rin cramps ko. di talaga ako makapaniwala na sakin pa pwede mangyari to at hanggang ngayon ayoko pa rin maniwala. sabi ni ob magpa tvs daw ako sa iba tomorrow para sa 2nd opinion pero i'll wait till next week, baka sakaling may miracle..

l0u5nn

  • Probationary
  • Posts: 2
Re: Blighted Ovum
« Reply #21 on: April 30, 2013, 04:13:14 pm »
Medyo matagal na din walang update dito sa thread (Blighted Ovum) so let me share my experience and hoping somehow, someone from our fellow gts will learn and inspire from my misadventures. I got married last Nov 2011 and we ttc 6 months after. Sabi ko papaalaga na ako sa OB at an early stage para healthy kami ni baby. To my dismay, I was diagnosed with Dermoid Cyst on my left ovary last June 2012 and they had to remove it along with my left ovary via CS. Para akong sinakluban ng langit at lupa that time. It so hard to accept knowing na regular naman ang menstruation ko and wala ako nararamdaman. In-born daw so wala na ako nagawa than to accept God's will. It was devastating because I only have 50% chance of giving birth.

God is really good! :) Last Jan 13, 2013 I tested postive! My hubby and I were so happy since it's our first baby (first apo on both sides pati). It's something that we wanted so desperately! Everything happened to no avail..the pregnancy is no longer feasible at 6w and a couple of days. Technically, I'm supposed to be at 8w based on my LMP but I guess the baby stopped growing at 6w.  :( It was a blighted ovum. Nag stop paglilihi ko the moment I start bleeding. I have had to go to 3 different OBs trying to see what we could do to save the baby. I had to go through D&C the same day I had spotting. Aside from physical pain, it was really an emotional rollercoaster for me. Thank God that I have my husband all throughout. (Mas naiintindihan nya ang mga pangyayari kesa sa akin). Until now I got teary eyed whenever I remember what happened. My angel is in a much better place now.  :)

Sabi ni doc looking on the brighter side at least na test na di ako infertile and that nag function yung right ovary ko. Then God revealed something how marvelous his works are! Imagine kung isa lang ang ovaries natin.. ano na ako ngayon? Well, that's another story! I made some research and the most common reason for blighted ovum are chromosomal abnormalities. Kaya kung nagtuloy man si baby merong complications. Surely, everything happened for a reason and God have better plans for us.

In God's mercy and time he will give us the desires of our hearts! Just hang in there and keep on praying! Sending baby dust to y'all!  :-*
« Last Edit: April 30, 2013, 04:26:27 pm by l0u5nn »

l0u5nn

  • Probationary
  • Posts: 2
Re: Blighted Ovum
« Reply #22 on: April 30, 2013, 04:31:14 pm »
had my 2nd tvs yesterday. 8wks aog ako, the gestational sac measured 25mm pero it's empty pa rin. this is my first pregnancy pero eto agad . grabe, super devastating. wala naman akong symptoms ng blighted ovum, wala akong bleeding at nawala na rin cramps ko. di talaga ako makapaniwala na sakin pa pwede mangyari to at hanggang ngayon ayoko pa rin maniwala. sabi ni ob magpa tvs daw ako sa iba tomorrow para sa 2nd opinion pero i'll wait till next week, baka sakaling may miracle..

My prayers are with you sis! Nothing is impossible just keep the faith!

Nuriko

  • Thead Killer
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 125
Re: Blighted Ovum
« Reply #23 on: May 02, 2013, 11:17:06 am »
^thanks sis. :) sis, pang ilang weeks na nung nagbleed ka? pano mo nalaman na nagmi-miscarry ka na nun? pakidescribe yung pain, yung bleeding etc.

3rd tvs ko last april 29 and sadly, same pa rin ang result. pero i'm not losing my faith. my ob insists that i undergo another tvs para mafinalize nya na at ma d&c na ako. grabe lang, parang naasar sya nung nakita nyang hindi ako nagprepare for d&c that same day at sabi pa it won't do us good. parang naiirita pa sya kasi umaasa pa kami. napaka insenstive. papalitan ko na sya  >:(
next week na ko magpapa tvs. 8 weeks ako pero no signs talaga e. no pain, no spotting. as in wala lahat. if ever same result pa rin, i'll wait na lang til dumating yung signs ng miscarriage mismo , saka na lang magpa d&c. i won't die on spot naman kung magbleed ako. tigas ulo ko eh :D

Pookiekai

  • Happy wifey, happy soon-to-be mommy.
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 35
Re: Blighted Ovum
« Reply #24 on: May 02, 2013, 03:00:14 pm »
^sis nuriko, when I had my blighted ovum, I just waited for me to bleed. During the first day, worried na ang hubby ko na mawalan daw  ako ng dugo ng marami so he wanted me to go to the hospital and have the d and c. Matigas ulo ko, sabi ko kaya ko ang pain... Mas takot kako ako sa anesthesia, at sa procedure esp that wala akong kakilalang OB sa hospital na pag aadmitan sa akin. On the third day, lumabas ang gestational sac then the pain stopped, but may bleeding pa ng 1-3days pero minimal na. When I visited my OB (malayo clinic nya), she did an ultrasound and said my endometrium is thin already and she can no longer see any tissues or clots.. Then nun in-IE nya ako, closed na cervix ko. Sabi nya, kung pumunta daw ako sa kanya the first day of my bleeding, na d and c nya ako.

I dunno if my katigasan ng ulo saved me from a minor surgical procedure o pwedeng kung minalas lang ako, baka nagkakomplikasyon ang miscarriage ko. I'm not saying na you should wait for it to be passed out naturally kasi syempre me risk involved  din. Pero ask another OB kung hindi approachable OB mo. Yun akin kasi, binigyan naman nya akomng choice, d and c or wait na lang.
We're having a little boy. :)

Nuriko

  • Thead Killer
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 125
Re: Blighted Ovum
« Reply #25 on: May 02, 2013, 04:49:04 pm »
^sis ilang weeks ka na nung nagbleed ka at lumabas yung gestational sac?

yan din katwiran ko eh. ayoko makaranas ng general anesthesia, takot lang din talaga ako. maghihintayin rin ako para sa peace of mind ko. kung magbleed eh di blighted ovum nga. di kasi ako matatahimik kung lagi ko na lang iisipin na sana naghintay ako kasi baka sakaling meron pala.

Pookiekai

  • Happy wifey, happy soon-to-be mommy.
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 35
Re: Blighted Ovum
« Reply #26 on: May 03, 2013, 12:06:27 pm »
^sis Nuriko, matagal ako naghintay. Nagduphaston pa ako nun, kaya natagalan ako,magbleed... Nun nakita sa ultrasound na walang fetal pole at heartbeat, pinagstop na ako ng OB. After 3days nun wala pampakapit, nagstart na ko magbleed. Mga 2 days akonun nagbleed, on the third day pa lumabas ang gestational sac. After nya lumabas, hindi na masakit tsaka kumonti na yun bleeding ko.
« Last Edit: May 03, 2013, 12:08:52 pm by Pookiekai »
We're having a little boy. :)

syiereel

  • Probationary
  • Posts: 9
  • a wife, a mother, a friend and a fighter!
Re: Blighted Ovum
« Reply #27 on: May 04, 2013, 03:10:40 pm »
Same tayo ng experience sis nuriko. I was supposed to be 7weeks pregnant yesterday and on my ultrasound 5weekd 1 day pa lang daw si baby. Gestational sac lang ang meron at walang yolk sac. Sabi ng ob ko baka daw blighted ovum. So pinagwawait nya pa kami ng 2 weeks para maconfirm talaga kung ano ba talaga. Grabe! Sobra kong nadepressed nun! Buong maghapon akong nagiiyak.
The moment a child is born, the mother is also born.  She never existed before.  The woman existed, but the mother, never.  A mother is something absolutely new.

vuzhia

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 687
Re: Blighted Ovum
« Reply #28 on: May 04, 2013, 05:20:25 pm »
share ko lang sis experience ko:

LMP: Dec. 04, 2012
Jan. 15. 2013 - Positive na ako sa pregnancy test, test ulit ako ng Jan. 16 & Jan. 17 - all positive
Jan. 17 - punta na kami OB, preggy na nga daw ako
Feb. 16 - first TransV, nakita na nga ni OB na blighted ovum, balik daw ako after 2 weeks for 2nd TransV
March 1 - start na ng spotting, mahina lang parang taghabol lang
March 2 - 2nd TransV, naiba na daw yung shape ng sac, sabi ni OB observe muna namin, kase ang dami nya daw case na no need na ng d&c at kusa ng lalabas yung sac, binigyan nya ako reseta ng Iron kase nga nag spotting na ako & antibiotic for infection kung sakali daw may smell yung discharge ko
March 3 - may mahinang bleeding na parang mens, after lunch sumakit ng puson ko, hilab talaga sya then inom daw ako mefenamic acid sabi ni OB pag hindi ko kinaya ang pain, para syang dysmenorrhea, isang mefenamic lang inom ko, medyo tiniis ko na rin yung pain after mawala effect ng mefenamic, by 6 pm lumabas na yung sac & dinala namin sa laboratory ng hospital
March 4 - balik ako kay OB, then IE nya ako close na nga daw cervix at no need na ng d&c

syempre sobrang lungkot kami ni hubby, 1st baby namin yun, nung first TransV ko at sinabi nga ni OB na blighted, tinatagan ko sarili ko sa harap lang ako ni hubby napa-iyak naisip namin hindi pa talaga time, thankful kami at hindi na ako na d&c at hindi rin nag bleeding ng sobra, thankful din kami sa OB ko kase hindi nya agad advice na pa d&c agad ako, syempre kung sa ibang doctor yun, gusto agad nila d&c for extra income nila, sabi ni OB malakas daw loob ko, mas okay daw yun para mabilis ang recovery

April 9 - nagkaron na ulit ako ng mens, at balik regular na ulit cycle ko, right now pinapaubaya ko na kay papa Lord kung kelan nya ulit kami bibigyan ng baby, in His own perfect time  :) God Bless us!
Death - the last sleep? No, it is the final awakening......

Nuriko

  • Thead Killer
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 125
Re: Blighted Ovum
« Reply #29 on: May 12, 2013, 12:09:55 am »
@syiereel
sis kumusta ka na? alam ko nakakadepress talaga, kahit ako ilang araw umiyak nung nagconclude yung unang sonologist na blighted ovum daw. pero sis malay mo late ka lang nag-ovulate kaya 5 weeks pa lang si baby. basta pray ka lang na sana tuluy tuloy ang pregnancy mo. goodluck sis. balitaan mo kami


@vuzhia
buti ka pa sis mabait yung OB mo. yung ob ko, nung tinext ko sa kanya na nagkaron ako ng konting brown discharge (nakita ko lang sya nung nag wiwi ako at nung nagwipe ng tissue pero sa undies ko wala), eh minadali nya akong pumunta ng delivery at kailangan ko na raw ng d&c. ni wala nga akong nararamdaman nun, walang pain at hindi na nasundan yung spotting ko. ang problem ng sakin ay sumasakit yung likod at kaliwang hip ko pag naglalakad. so ayun, di ko sinipot si OB kahit na nasa delivery room na raw sya. kainis kasi yung excitement nya sa d&c eh!

the next day nagpa tvs ako ulit (4th and last) at dun ko na lang idedepende kung magpapa d&C ako. eto yung second opinion sakin at  blighted ovum nga talaga.  nagpasched na ko ng d&c kinabukasan kahit na walang spotting at walang cramping. natatakot rin kasi ako na baka biglang duguin ako kung saan man abutan. what if nasa byahe ako nun? ano gagawin ko? at least naghintay na siguro ako ng sapat na panahon at nagkonsulta sa magkaibang sonologist para mapatunayan na blighted nga..

so ayun, nagpa d&c na lang ako tutal mababawi ko rin naman yung magagastos sa hospital at may 2 months maternity leave. sayang din yun. :P matagal ko ng pangarap magkaron ng bakasyon grande tulad nito. madalas kasi akong nagrereklamo na bitin lagi ang bakasyon at lagi akong nagwiwish ng mahabang bakasyon. totoo pala yung kasabihang be careful what you wish for. ayoko na tuloy basta magwish xD

vuzhia

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 687
Re: Blighted Ovum
« Reply #30 on: May 14, 2013, 11:46:10 am »
^ako rin sis na approve maternity leave, 60 days kaya pahinga rin kahit hindi na d&c...magpaka healthy na lang muna tayo sis, para preparation sa next pregnancy, darating din yun in His own time  :)
Death - the last sleep? No, it is the final awakening......

syiereel

  • Probationary
  • Posts: 9
  • a wife, a mother, a friend and a fighter!
Re: Blighted Ovum
« Reply #31 on: June 21, 2013, 02:32:29 pm »
Hello mga sissies. I had a natural miscarriage na. First week of may i had a heavy bleeding. Tumagal sya ng 1week. Ayun na pala un. Pero wala syang pain. Puro bleed lang. Almost every 3 hrs nagpapalit ako ng pads. After 5days ng bleeding i decided na magpatransvaginal ultrasound ayun confirm. Wala na si baby. Malinis na ang uterus ko at no need for dnc. Grabe! After lumabas nung sonologist nagiiyak na ko. Sobrang depress ako. Lalo na nung gumabi na at matutulog na kami. Bigla na lang akong humagulgol. Di ko mapigilan. Sobrang heartbreaking!
The moment a child is born, the mother is also born.  She never existed before.  The woman existed, but the mother, never.  A mother is something absolutely new.

erty

  • :) <3 <3 <3 :)
  • Probationary
  • Posts: 1
Re: Blighted Ovum
« Reply #32 on: July 21, 2013, 01:30:23 pm »
First baby sana namin, na conclude na blighted ovum 8w 2d nun july 12 , pero wala pa rin cramps or spotting/bleeding hanggang ngayon... Discomfort lang paminsan minsan super minor kirot sa puson pero super wala lang yun sakit kaya halos di ko matandaan kung kelan sumakit. Scheduled na ako for d&c sa thursday july 25.. Kinakabahan ako kasi takot ako sa swero at mga inje injection na yan :(

anngutierrez

  • Newbie
  • *
  • Posts: 17
Re: Blighted Ovum
« Reply #33 on: September 25, 2013, 03:23:21 pm »
I was also had a blighted ovum last year,same month,almost 6 weeks pa lang,inadvise na ako for d&c.I went to 3 doctors and lahat sila blighted ovum,gestatinal sac lang,no fetal pole..

After a year,missed my periodand tested positive twice on PPT.Im so happybut im scared but im hoping this time...sana derecho na ngayon..next week papa ultrasound na ako

dropdeaad

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 186
Re: Blighted Ovum
« Reply #34 on: December 07, 2013, 06:57:29 pm »
Sis yung blighted ovum po ba pwedeng kusang lumabas? Kasi nadetect na blighted ovum ako kaso close po yung cervix ko pero nagbleed nako ng malaks at sumasakit puson gusto ko sana natural ng lumabas eh.

vuzhia

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 687
Re: Blighted Ovum
« Reply #35 on: December 08, 2013, 08:10:21 am »
^yes sis pwede, sa akin ganung nangyari parang nag start ako mag spotting ng friday, then punta ako kay OB ng Saturday ultrasound nya ako, tapos antayin na daw namin lumabas ng kusa kase marami syang case na ganun, then Sunday afternoon sumakit puson ko na parang dysmenorrhea tapos around 6 pm lumabas na sya, nilagay ko sa bottle na may alcohol dinala ko sa lab, then nung lumabas result & IE ako ng OB ko nailabas ko naman daw lahat kaya no need na ng D&C

be strong sis! God Bless!
Death - the last sleep? No, it is the final awakening......

dropdeaad

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 186
Re: Blighted Ovum
« Reply #36 on: December 08, 2013, 11:04:04 am »
Lumabas na din yung sakin kagabi eh mga 30 mins umabot yung sakin parang maglelabor ka sa sakit tapos pagere ko may lumabas na buong dugo then small sac. Sana nga no need nako magD&C humina nadin yung dugo pero yung pain na nararamdaman namin ng boyfriend ko sobrang sakit until now parang nadudurog padin puso ko. Hopefully next time maging okay na next baby naminC

vuzhia

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 687
Re: Blighted Ovum
« Reply #37 on: December 08, 2013, 01:11:01 pm »
^thats good sis, sa case ko naman hindi na ako umiri, nakahiga kase ako sa bed nung sumasakit puson ko then maya maya bumaba ako sa kitchen then naramdaman ko na lang na parang may heavy flow, pagtingin ko nga sa napkin ko nandun na yung sac

sis don't worry & don't loose hope, ako nag blighted ovum ng March 2013, May 2013 preggy na ulit, 29 weeks na ako ngayun at Due date na sa February, pray lang sis & lakasan ang loob, yun ang naging sandata ko, God Bless us!
Death - the last sleep? No, it is the final awakening......

dropdeaad

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 186
Re: Blighted Ovum
« Reply #38 on: December 08, 2013, 06:36:05 pm »
Thanks sis :) medyo humina na bleed ko so far. Hehe kahit gusto ko muna sundan kaso tapusin ko muna studies ko sis maybe soon na. Congrats to your baby ingatan mo siya sis God bless to your baby :)

morrigan-erinyes

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 111
Re: Blighted Ovum
« Reply #39 on: December 11, 2013, 08:43:47 am »
My first pregnancy was blighted ovum with missed miscarriage (the sac won't come off).

We're TTC for 2 months and now I'm one day late.


 


Latest Stories

Load More Stories
Close