watch now

Author Topic: INTROVERTS - You're in!  (Read 100258 times)

jeloeight

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #220 on: August 10, 2012, 05:34:12 pm »
I swear,sobrang nakakarelate ako sa topic na to  :) And ngayon ko lang narealize,introvert pala ako  ;D
Nung una,I felt din na I wasn't normal,pero hindi pala ako nagiisa. I have few,as in,FEW friends lang talaga. I prefer to stay at home all the time and be in my room. It makes me feel good being distant from people or noises. They irritate me.Hehe. Pero pag may mga gatherings,especially within the family,kahit pilit, I try to attend,pero bihira talaga. I hate showy celebrations/occasions wherein I need to mingle with others,kahit relatives ko pa. I just feel IT's NOT ME,napaplastikan ako sa sarili ko when I try to prolong the conversation or even smile when I feel opposite inside  :P Minsan nga napagisipan pa ako na may problema sa pagiisip kasi hindi talaga ako lumalabas ng bahay,at ewan,parang takot ako sa tao? Hehe. And I agree sa ibang sisses dito na introverts are good in expressing their emotions through writing  :) I love to write  :) Just like now  ;D

nixie-devyn

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #221 on: August 10, 2012, 11:22:05 pm »
^ true! everytime I smile when I don't want to, it really shows.. and I prefer to be with 3-4 pals only, I just feel like I don't really need a whole bunch of friends.. masaya maraming kakilala pero yung mga close n sasama ko pag my lakad konti lang talaga .. if I'm around more than 5 people, pinipili ko lang yung magiging kaclose ko .. and totoo madalas ako nasasabihang suplada when I'm not.. I'm just either shy, or most of the time, hindi feel mgmingle ..
wow, I'm not alone

ayami

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #222 on: August 11, 2012, 10:33:39 pm »
Di ko sure kung introvert ako kasi sabi sa retreat result ko extrovert daw ako e. pero lahat ng friends ko introverts (hinati nung retreat master into introverts and extroverts yung grupo that night of activity). nagtaka ako. silang apat andun tapos nahiwalay ako. pero just like most people here di ako ganun ka-sociable. nung college ako wala akong organization, palagi akong hiwalay sa block ko at wala akong kasama. nung lumipat ako ng panibagong major, may 3 akong naging friends, di na nadagdagan. yung Elementary school friends ko sila pa rin hanggang ngayon. feeling ko sad nga life ko e. wala akong girlfriends (puro boys kasi friends ko) lalo na nung kinasal ako wala na di na kami naghahang-out kasi awkward na.

Filipinasadhart

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #223 on: August 12, 2012, 09:51:16 pm »
Wow, Can I joined? Mas gusto ko mag-isa. Pero minsan masarap din ang may kasama pero usually mas gusto ko 2 or 3 lang. Ayoko kase ng marami.  Saka pili Lang din ang kaibigan ko kase nadadala ako usually madalas umutang sa akin at panay palibre Kaya medyo umiiwas ako. Kaya sabi ko hay mamumuhay na Lang ako mag-isa.  Pero there are times na naghahanap ka ng kasama. Pero sabi ko pipiliin ko yun Mga kakaibiganin ko.

cristyles

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #224 on: August 14, 2012, 05:13:01 pm »
^Same here sis, 2-3 persons usually ang maximum numbers na gusto kong kasama, included na ako dun huh! hehe! Ayun nga hindi ako magaling pag grupo na marami talaga. Minsan mas gusto ko rin manuod ng sine at magshopping mag-isa. Naguguluhan ako pag maraming kasama  :P .

molybdenumstudios

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #225 on: August 15, 2012, 12:14:05 pm »
Self-proclaimed introvert right here!

sweetyashie

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #226 on: August 26, 2012, 11:23:50 pm »
count me in. i like people around naman but within my circle of friends, there's one or two na talagang pinaka close ko lang. like some of you here, i like to shop alone by myself. since nung bata pa ako, i like to do things on my own. but sadly minsan nafi-feel ko yung ina-isolate nila ko, kasi nga sobrang tahimik ko. i guess because i lack self confidence that's why i grew up being like this. and i can say na this also affects me with regards sa trabaho. lalo na kapag  yung mga seniors talaga, hirap akong mag reach out.

Prunella

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #227 on: August 29, 2012, 05:33:32 am »
I'm in. :)

crazycoolchic19

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #228 on: August 30, 2012, 05:54:23 am »
Nun bata ako introvert ako pero naget over ko yun nun HS naging active sa school.nakakatulong ng malake ang school sa social development.husband ko pa extrovert , pero may time pa rin na umaatake introvert ko,im not really friendly wala akong friends sa neighbor namin, wala akong close na relatives kung makipagusap man sila sakin feeling ko gusto ko tumakbo or ayoko silang makakasalubong or makaksabay sa daan o san man, marami ako kakilala sa muka..may mga gustong makipagkaibigan sakin,, but casual lang ako, choosy ako sa tao.yung  mga nakasanayan ko na at nakalakihan ko na at kakilala ko ng matagal sila mga gusto ko.

Prunella

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #229 on: August 30, 2012, 08:51:35 pm »
Ever since I was a kid, I preferred being alone na (my being the only child probably has something to do with it too). I enjoy staying at home, reading a good book/doing a movie marathon. I also like to shop and eat out alone. I have very few friends and I don't mind not being Ms.Congeniality.

Huntress Krystle

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #230 on: August 30, 2012, 09:16:09 pm »
Nice thread!  ;D Sige share ko din story ko...

I've been an introvert since childhood. Ganun na kasi talaga personality ko. Nung nag-aaral pa ako from elementary to college, I was never a part of the "it/popular crowd." Dun ako parati sa mga bookworms or sa nerds. Pero hindi din naman ako yung tipong honor student. I just prefer their company kasi hindi ako makasabay sa puro gimik, inuman, talks about the opposite sex, partying, etc.

During elementary and HS, I even experienced bullying. Although verbal lang naman. Andun yung pinagtatawanan yung suot ko kasi baduy daw, or napaka boring ko daw kasi ayaw ko mag-party. I even transferred school nung 2nd year HS ako because one of the popular and very pretty girls there (higher batch) was bullying me non-stop (sinusundan pa ako sa banyo para tuksuhin, etc.) because she found out na crush ko din yung crush nya. From the same school din, a gay student na bully was always teasing me because I always wore this favorite gold necklace na may sentimental value sakin. Based sa experience ko, yung mga sikat na crowd parati yung nang-bully sakin nun. Nagsisisi nga ako eh. I should've fought back instead of wallowing in self-pity.  ;D

Nung college ako, nag-improve na experiences ko (lol). Although introvert pa din ako, mas nagkaron nako ng onteng confidence. Pero ganun pa din ako - bookworm, geek, video game and anime fanatic, animal rights advocate, etc. Pero proud na ako sa kung ano ako and I embrace it. I noticed kasi na yun usually yung reason kumbakit hirap ako makahanap ng true friends. Kasi nawi-weirduhan sila sakin. Old soul kasi ako eh. So hindi ako usually updated sa kung ano ba yung "uso" or yung "in." Eh diba yung ibang tao, kapag ganun ka eh lalayuan ka at tingin sayo weirdo ka or loser. Pero ok lang. Hindi naman ako kasing-immature nila na hindi marunong umunawa sa trip o interes ng ibang tao.  ;)

So ayun ang aking munting istorya. Introvert ako and I prefer a handful (kahit nga isa or dalawa lang eh) of intimate friends rather than a huge circle na halos puro acquaintances lang.  ;D Luckily, may best friend ako ngayon na parang kambal ko dahil parehas na parehas kami ng hobbies.  :-* Kaya ko din kahit mag isa lang ako for example mag-mall or manood ng sine. I could even survive without a man. To others, that might seem like a loser-type of personality. Pero sakin, as long as you're happy and not stepping on other people, respeto nalang sana.
« Last Edit: September 11, 2012, 09:42:05 pm by Huntress Krystle »

ayami

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #231 on: August 30, 2012, 09:33:39 pm »
^^ Only child din ako :)

^ aba parehas tayo ng storya, except ang kinaaadikan ko naman Japanese anime. bullied din ako ng "popular kids". honor student ako since Elementary school till high school. I remember madalas kami tuksuhin kasi ako lang at yung best friend ko ang members ng girl scouts na mahilig parehas sa anime. tawag pa nga samin "pares pares anime anime" haha. well later on super sikat na ang anime sa Pinas, who would've thought? that was early 2000s kasi and wala pang Youtube.


Huntress Krystle

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #232 on: August 30, 2012, 11:04:34 pm »
^ aba parehas tayo ng storya, except ang kinaaadikan ko naman Japanese anime. bullied din ako ng "popular kids". honor student ako since Elementary school till high school. I remember madalas kami tuksuhin kasi ako lang at yung best friend ko ang members ng girl scouts na mahilig parehas sa anime. tawag pa nga samin "pares pares anime anime" haha. well later on super sikat na ang anime sa Pinas, who would've thought? that was early 2000s kasi and wala pang Youtube.
Wow buti ka pa honor student.  8) Eh anong ginawa mo dun sa mga nag-bully sayo? Di mo din ba pinatulan? Nakakatawa nga eh. Yung iba ko kasing schoolmates noon na nag-bully sakin eh asa FB ko din. Syempre, iniisip ko, ang tatanda na namin ngayon at laughing matter nalang yung mga ginawa nila sakin dati dahil childish pa sila noon. Pero natatawa na lang ako na hanggang ngayon eh mga feelingera/suplada pa din sila. I guess some people will never change. :)

Mahilig din ako sa anime sis. Di nga lang katulad dati na sobrang adik ko talaga. Medyo nag mellow na ako ngayon but the interest will always be there.  ;D Oo nga eh, sikat na sya ngayon. And sadly, madami na ding geeks na nagiging pangit ang ugali at nagreresort sa cyberbullying. Pero syempre madami pa din yung cool at maaayos.  :)
« Last Edit: September 11, 2012, 09:41:28 pm by Huntress Krystle »

ayami

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #233 on: August 30, 2012, 11:30:47 pm »
^ tinry ko gumanti dati, nung high school tinangay ko yung English book nung isa sa bully namin then initsa ko sa malayong bakanteng lote. yung karamihan, patago lang namin iniinsulto. nagcocompose ako ng lyrics na pang-asar sa kanila gamit ang tono ng anime songs. tapos pagpipistahan namin ng mga kapwa ko binubully. may nicknames din sila samin ng bestfriend ko na kami lang nakakaalam. pero ngayon nagkalimutan naman na mahigit 10 years na.

yung high school bullies naman ayaw ko pa rin same pa rin sila inom inom kahit nagyayaya mag get together ayoko makihalo. ang badtrip nga non dati yung husband ko nakikisama sa kanila (well initially naman kasi nung high school kasama sya sa popular kids bilang host dahil sa bahay nila yung inuman or siya ang tagabayad kakapal nila users talaga). may isang beses, Valentines day noong mag bf-gf pa kami, di sya sumama sakin para lang sa mga yon. aba ipinagdrive pa nya to Laguna. nagalit ako nang bongga.

in short up to now may galit ako sa high school bullies ko (recent past pa kasi mga 7 years ago lang lol). bahala sila sa buhay nila. haha

xxmiakaxx

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #234 on: August 30, 2012, 11:32:25 pm »
wow i Belong here Lolz

Being an Introvert is kinda cool
nun elementary days ko    i love being with my self .. sa library sa canteen  nakikilala lang ako sa school kasi laging nananalo ang mga drawings ko sa Assay and poster making contest  pero hindi ako approachable  mukha daw akong masungit hehe.. tahimik lang ako at hindi masyado nakikihalubilo ... untill nun nakasabay ko na un brother ko sa same school  kasi 2years lang gap namin eh kahit nsa higher batch ako  un mga classmate ko natutuwa sa kanya  ... nun nandyan na sya medyo unti unti  nag improve ako  at kahit na un minsan lumalapit lang sakin ibang tao para maging friend din nya ...hindi naman ako naging bitter doon  kasi alam ko mas confident ako dahil nasa same school kami ... hangang HS din same school parin kami  ... ang mga small group parin sinasamahan ko kung di mga science nerd eh anime fan din ....
I have Pet noon si Kimberly (cat) na  inuwi ko sa bahay  kung di anime eh si kim inaatupag ko sa bahay''

masaya na ako sa mga simpleng bagay lang at kahit school at Bahay lang routine ko ... di ako nalulungkot at minsan nag mamadali pa akong umuwi para lang abangan un favorite kong Anime show na dati nasa prime time ....  hehe 
nun collage  mas focus ako sa studies ko  hindi na kami same school ni brother


nun time na nag ka problem kami sa  Family  isa isang  nawala un mga taong akala kong kaibigan ko siguro ayaw ma eskandalo or mapahiya  kapag na invole sakin  ... kaya mas lalo naging selective ako sa mga na na kikilala kong tao mybe ill try ko protect my self

may time na may nang liligaw  sakin na classmate ko   na sa sobrang tagal ko mag decided
kung sasagutin ko ba sya o hindi eh hindi na naka intay at  naging sila nun isa kong close  friend in just a 1week na unfortunately we had a same first Name ... nasaktan ako  pero dahil nga ayaw ko na dumagdag sa problema ng family ko well  patuloy ang life  ang mas mahala naman sakin eh  matapos ko studies ko ...

^^ all people i meet come and go  ... pero there a one friend na talagang Ill  treasure ko the most
siguro nga Pinag tagpo talaga Kami ng tadhana para malagpasan lahat ng pinag dadaanan namin
 masasabi ko Bestfriend ko talaga sya ..
and  I always Be thankful  and Bless  for Having a True Best friend   




Introverts make up about 60% of the gifted population
but only about 25-40% of the general population.

Huntress Krystle

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #235 on: August 30, 2012, 11:54:11 pm »
@ayami: Ang tapang mo pala dun sa mga nang-bully sayo. Sana ganun din ginawa ko lol. Duwag kasi ako dati eh hay. Ganun talaga eh. Madaming bullies na hanggang nagkaron na sila ng pamilya at tumanda na eh ganun pa din ang ugali at may superiority complex pa din. We're lucky di tayo nagkaganun.  8) 8)

@xxmiakaxx: Nice story hehe. Yang mga kaibigan-kuno na biglang naglalaho kapag nagkukwento o nagsasabi ka na ng problema, peke yang mga yan. Ang tunay na kaibigan, tanggap lahat ng flaws mo at laging handa makinig sa problema mo. :) Unfortunately, di mauubusan ng mga users at japeyks sa mundo at kakaramput lang ang mga tunay na kaibigan.  ;D

Buti di din kayo nahihiya sa pagiging introvert ninyo. Wala naman kasing masama dun diba? Karamihan ng mga introverts na kakilala ko (bias aside) are deep, intelligent people na masarap at may sense kausap despite their being anti-social.  :)
« Last Edit: September 11, 2012, 09:41:09 pm by Huntress Krystle »

ayami

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #236 on: August 31, 2012, 12:00:30 am »
actually naaattach ako sa mga kapwa ko tahimik sa classroom. tapos somehow, ginagather ko sila unconsciously then may so-called group na rin kami. syempre pili, hehe dapat mahilig din sa anime. parang barkada pero hindi kasi kaniya-kaniyang trip pa rin. nung college nga, malaman ko lang na mahilig sa anime, click na. pero di nagtatagal friendships ko sa college. iba kasi sa UP yung experience ko hindi kami block as in same subjects. free kasi mamili ng courses to take so basically, kaklase mo siya sa isang subject, the rest hindi na. sa majors lang magiging classmates tapos iba iba pa sched. ang lonely ng university life ko, swear. nagrevolve lang tuloy sa boyfriend. haha

xxmiakaxx

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #237 on: August 31, 2012, 12:47:19 am »
@ Huntress Krystle

Un Pagiging Introvert ko pa nga nagiging protection ko sa cruel world
nice din story mo sis  siguro kung tayo mag kaka school mate noon  saya yun ;D
yan mga popolar kids bully na feeling F4  kayang kaya ko yan ilampaso  (yabang)  lol
happy akong maging Introvert at ma meet ang mga ka fellow introvert hehe

@ Ayami
nakaka bilib naman yan  pag laban nyo sa bully  dapat lang yan at ipag tangol mo sarili mo
 nice mahilig karin pla sa anime  hehe  ako din lalo na yun panahon natin  super epic ang mga anime
at unforgettable nga stories
« Last Edit: August 31, 2012, 12:53:41 am by xxmiakaxx »

molybdenumstudios

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #238 on: August 31, 2012, 02:00:17 pm »
Basically, introverted talaga ako eh, although I am approachable naman. Thing is, I really do not mingle with the popular kids, as in OK lang ako with the nerds, geeks, because mas enjoy pa silang kasama.

mayger03

  • Guest
Re: INTROVERTS - You're in!
« Reply #239 on: September 03, 2012, 08:06:03 am »
introvert din ako. bf ko lang yung nakaka-alam ng totoong feelings ko talaga sa mga bagay-bagay. i felt so comfortable lang with my family and some of my friends. di ko feel na makig close sa new kakilala kasi im afraid na maging kaaway ko lang. lol! hirap kasi pakisamahan ugali ko. and mostly pinapakita ko yung downside ko. so swerte ang magiging close ko kasi loyalist ako.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close