watch now

Author Topic: Stepmothers club:Share your stepparenting experiences here. Stepchildren welcome  (Read 32899 times)

babbyviltas

  • Guest
^that's right sis. Kaya sa mga sister naten dito na stepmom alagaan nyo ang mga SD nyo. Hindi nyo man sila makuhang mahalin bilang isang tunay na anak, irespeto nyo man lang sila bilang tao at itrato nyo ng tama. Darating ang panahon na babalik sa inyo lahat ng kabutihang ibibigay nyo sa kanila.

I agree with you sis. Tama yan, kaso at this point of my life, parang wala na, ayaw ko na siya makita, makasama. On the day when I get married, I don't have any plans of inviting the wicked witch. Gusto ko yung bio mom. Sampal yun sa mukha niya. Thank goodness, there's a thread like this here in gtalk, may outlet ako. haha

guilleanne

  • Guest
Ako sis, I just gave birth...I really don't know what my SD is feeling right now. She's almost 13...for her whole life siya lang ang anak ng bio dad and bio mom niya. Her BM is unmarried...

I would appreciate tips on how to handle her...Nahihirapan ako kasi she's also at that stage na teens na. Plus, one of the things I really dislike about her is that she's burara and makalat..Her dad kasi raised her so minsan parang boy siya.

You should re assure her na no love lost for her. wag nyo sya i out of place isama nyo sya sa pag bond kay baby. I have a bio kid din and super love naman sya ng mga kuya nya, prinsesa nila. As in inaalagan nila at super protektado nila na pinapagalitan nila yung yaya nun dahil sa konting bagay na tungkol kay baby like dapat linisin mabuti yung mga gamit ni baby.

I have kwento pala, yung eldest stepson ko kasi teen na rin 15 year old yung talaga pasaway na kasi teen na, at malaking problema ko sa kanya ang academics nya, tamad mag aral laging bagsak. last year pinag stop ng papa nya kasi repeater and walang natutunan miski noun at adjective hindi alam. pero yung 2nd stepson ko naman achiever, medyo mahina talaga sa school si eldest, mahina kasi mag pick up tapos na paka addic sa computers na nagbubulakbol lagi nasa computer shop. Now yung nagmamagaling na SIL ko kesyo nagbabako na raw yung anak nya eh nagalit minamaltrato ko raw ang pamangkin nya hindi pinag aaral. My Gosh! Hindi problema sakin ang pera yung tatay ang ayaw ienrol yung anak nya at walang sariling work ang hubs ko, ex seaman sya ayaw na sumampa and since may source of income naman na ako ok lang pero late last year nakapag put up na sya ng business with capital coming from me rin 2 years na since nag retire sya sa pagbabarko, ang pera ko pera rin ni hubs sya nga humahawak ng money namin tapos ako yung pinagsisiraan sa school ng stepson ko bale august na nun, sabi ni SIL ieenrol daw nya si stepson at kukunin sa bahay namin. Sabi ng hubs ko go ahead kung kaya mo patinuin yan. Tapos ako pa nakipag usap sa SIL kahit ang angas nya sakin, sabi ko kung matutulungan nya sa pag aaral yung stepson ko mas gusto ko yun, tulungan in a sense na matutukan nya para hindi na bumagsak at yung tuition ako ang magbabayad wag sya mag alala. Tapos sabi ko dapat every weekend uuwi yung bata kasi family kami dapat hindi masira yun at sana kako wag sya magsasalita ng hindi maganda sa bata kasi family kami.

So the next day pumunta ako sa school nakausap na raw nila yung SIL ko at tatangapin nila kahit 2 months late na. Tapos ako ang nagbayad ng tuition. nung mga unang lingo kung ano ano hinihingi nababayaran sa school. tapos after awhile yung bata dumiretso sa bahay mula school pinapatawag daw ako. aba ito palang si SIL eh hindi ibinabayad yung mga hihingi saking pambili ng mga t shirt at uniform. tapos nung nirepremand yung bata kasi hindi naka uniform eh pumunta dun si SIl at nang away ng principal kasi ayaw pautangin ng PE uniform eh nagbigay na ako ng pambili for that, nagalaw nya and hinihintay nya muna yung padala ng anak nya kaya ganun. Eh binayaran ko na lang ulit. Sabi ko ok lang na nagalaw nya yung pera kasi in a way natutulungan nya ako kay eldest stepson kasi kala ko mapapatino nya and less stress din sakin na nandun si stepson sa kanya kasi hassel talaga minsan yung batang yun.

By December (syempre samin nagbakasyon) naririnig ko nagrereklamo na yung bata, na pinagdadamutan daw sya, inaapi daw sya dun sa auntie nya, nag susumbong sa kapatid nya at sa helper namin dati tapos pinararating nila sakin dahil close naman sakin yung 2nd stepson ko. Pero hindi ko sinabi sa hubs ko kasi baka sabihin nya sinisiraan ko yung kapatid nya and I'm waiting din na yung anak nya mismo ang magsabi. May pagka sinungaling din kasi si eldest stepson minsan mamaya dun sabi lang nya yun kasi dinidisiplina sya ng auntie nya.

By january nagsumbong na yung bata sa tatay nya. And nagsabi na gusto na nya umuwi. So pinauwi na namin. Tapos kung ano ano na nakakarating samin na reklamo ng auntie nya tungkol dun sa bata. Eh ako nga dito lang ako nagsasabi pero sa ibang tao na kilala ko never akong nag kwento na problema ko yung bata lalo na sa family ko kasi ayaw kong masira sila.

Tapos itong si stepson, atleast he know mas better buhay nya kasama kami-ako. Wala naman syang ibang choice kasi ayaw naman ng bio-mom nya at sa kwento nila eh mas grabe pa yung bio-mom nya kasi pinapayagan ng bio-mom nya na gulpihin at pag tripan sila nun ng bf nya habang nasa barko papa nila. Sa experience nila sa 2 aunties nila 1 auntie where they stayed nung hindi pa ako nakikilala ng papa nila tapos itong second aunt nya eh parehas bad experience. Now eh medyo Ok na sya, kasi sabi ng papa nya pag pasaway sya at hindi mag aral mabuti eh dun sya ulit sa auntie nya. takot na.

So nakatulong parin sakin papaano yung nang yari kasi natauhan si stepson na, may rules naman talaga dapat, and that mas may malasakit pa ako sa kanya kesa kadugo nya.

murasaki

  • Guest
^bilib ako sa haba ng pasensya mo...SD ko nasa kakulitan din...pasensya na lang at pagmamahal ang binibigay ko

beatrize zuri

  • Guest
^^ grabe naman pala yung mga in laws mo, ang sasama ng ugali hindi naman ibang tao yung pinag dadamutan nila kung di pamangkin nila, anak ng kapatid nila. buti sis di ka nagalit nung nagalaw yung money, grabe talaga mga parasites!
 
atleast narealized din ni stepson na mas ok dyan kesa sa mga aunties' niya.
 
ako rin may stepson 8yo naman makulit pero malambing, kaya lang lagi silang nagaaway nung youngest dau ko na 2 yo,  ;D  ganon ata talaga pag panganay at bunso. pero in fairness naman sa kanya, pag tinatanong siya ni husband kung gusto niya magbakasyon sa bio mom niya ako pa ang tinatanong niya like kanina, sabi niya sakin, "is it ok mom if il spend my vacation with mommy w.?"  "kasi i dont like you getting mad" nagulat nga ko sa sinabi niya sinabi ko na lang ok lang sakin basta 1 week ka lang kasi walang makulit sa house at walang mang aasar kay bea, tumawa lang siya and he hugged me. haay! sarap talaga maging mommy, kung pwede lang na san sakin na lang siya nang galling why not?! pero that's life.
« Last Edit: April 28, 2012, 08:28:39 pm by beatrize zuri »

guilleanne

  • Guest
 yung mga bro in law ko sis kasundo ko, pero yung mga sil puro bruha. hehe. Pinag aagawan kasi nila yung mga bata dati dahil kung nakanino yung mga bata sa kanila babagsak yung allotment nuon. Eh nung naging kami ni hubs tangap ko naman yung mga kids, nung hindi pa sila sa akin nakatira mabait sila sa akin, nung nilipat na sila ni hubs sakin ayun ginera na ako nung araw mismo na umalis si hubs at umakyat ng barko.

mabait sila sa akin pag need nila pera, yung utang na lista sa tubig. pero pag walang kailangan ni hindi ako makuhang ngitian sa grocery. kaloka lang. pero syempre freebies yang mga in laws. hehe.

Sweet naman din ng stepson mo sis, ako nga mas naging mahaba pasensya ko nung nagkaroon ako ng sarili kong anak. Although mahaba na talaga to begin with pero yugn eldest stepson ko talaga ang laging sumusubok ng pasensya ko nuon pa. Pero yun nga atleast medyo mas mabait sya ngayon. Sya kasi ang medyo naghahanap sa bio mom nya. Ang bio mom nya is just around here naman same province kami kaso never nag paramdam eversince she left with her bf 8 years ago.

beatrize zuri

  • Guest
ay naku sis, eto nga eh kausap kanina ni hubby si bio mom at gusto makipagkita sa stepson ko. well ok naman sakin na magbakasyon siya don kaya lang paano kung hindi na naman consistent yang pagkikita nila? imagine? 3 yrs ago pa yung huling pagkikita nila at birthday pa ni SS yon. ewan ko ba?
 
atleast may kasundo ka naman sa kanila kahit papano, sabagay ang mga guys kasi walang pakialam sa mga ganyang issues.
« Last Edit: May 02, 2012, 10:20:51 pm by beatrize zuri »

black_star13

  • Guest
This site is a relief, this is my story

I have a son, 6 years old, and yung fiance ko may 7 year old son din, he was never married, pero nasa custody nya yung bata, tatay naman ng anak ko passed away when my son was a baby, at first kung titignan namin paraang dali lang dahil pareho kaming masaya, madami kaming plan for our kids, super warm ang pagtanggap sakin ng family ng fiancé ko, even his kid. Kaya hindi nagging mahirap para sakin na mahalin sya at tumayong mommy nya.
Then he met my son.
Right now, we're facing major problem sa mga bata, my fiance's kid started to act strange. Kapag wala ang dad nya, he started to say and do bad things to my son, like "uwi ka na sa inyo, ayaw ko sayo" "wag mo ako dikitan at lapitan", "wag mo galawin mga laruan ko" etc., there are times na kukunin nya yung mga  toys nya na madalas hawakan ng son ko then itatago nya, for me as a mom, hindi ko maitatanggi na masakit para sakin yung makita yung ginagawa sa anak ko, but of course sinisiksik ko pa din sa utak ko na mga bata sila, na baka nagseselos lang yung anak ng fiance ko. I'm not really good at this, I spent my 6 years alone with my kid..I don't know how to handle this, hindi ko alam kung paano ako magsasalita na hindi lalabas na kinakampihan ko yung anak ko,  hindi ako nagagalit sa anak ng fiance ko because napamahal na din sya sakin, instead I feel sorry for him because ganito ang naging epekto sa kanya dahil sa pag-iwan sa kanya ng BM (Biological Mother) nya, threat ang nagiging tingin nya sa anak ko, feeling nya iiwan sya and hindi sya mahal.
I spoke to my fiance about this, I told him na he should spend more time with his son, kasi mas mafefeel nung bata na secured sya, my fiance admit naman na nawawalan sya ng time sa bata, sabi ko sa kanya na gusto kong tumayong mommy ng anak nya, but how will i do that kung threat ang tingin nya sa amin ng son ko.

I really don't know what to do, i want to speak with his kid, you know, mother-son talk.,but I don’t want to pressure him neither, any suggestion po na pwede ko pang gawin, please.
« Last Edit: May 07, 2012, 04:15:46 pm by black_star13 »

black_star13

  • Guest
This site is a relief, this is my story

I have a son, 6 years old, and yung fiance ko may 7 year old son din, he was never married, pero nasa custody nya yung bata, tatay naman ng anak ko passed away when my son was a baby, at first kung titignan namin paraang dali lang dahil pareho kaming masaya, madami kaming plan for our kids, super warm ang pagtanggap sakin ng family ng fiancé ko, even his kid. Kaya hindi nagging mahirap para sakin na mahalin sya at tumayong mommy nya.
Then he met my son.
Right now, we're facing major problem sa mga bata, my fiance's kid started to act strange. Kapag wala ang dad nya, he started to say and do bad things to my son, like "uwi ka na sa inyo, ayaw ko sayo" "wag mo ako dikitan at lapitan", "wag mo galawin mga laruan ko" etc., there are times na kukunin nya yung mga  toys nya na madalas hawakan ng son ko then itatago nya, for me as a mom, hindi ko maitatanggi na masakit para sakin yung makita yung ginagawa sa anak ko, but of course sinisiksik ko pa din sa utak ko na mga bata sila, na baka nagseselos lang yung anak ng fiance ko. I'm not really good at this, I spent my 6 years alone with my kid..I don't know how to handle this, hindi ko alam kung paano ako magsasalita na hindi lalabas na kinakampihan ko yung anak ko,  hindi ako nagagalit sa anak ng fiance ko because napamahal na din sya sakin, instead I feel sorry for him because ganito ang naging epekto sa kanya dahil sa pag-iwan sa kanya ng BM (Biological Mother) nya, threat ang nagiging tingin nya sa anak ko, feeling nya iiwan sya and hindi sya mahal.
I spoke to my fiance about this, I told him na he should spend more time with his son, kasi mas mafefeel nung bata na secured sya, my fiance admit naman na nawawalan sya ng time sa bata, sabi ko sa kanya na gusto kong tumayong mommy ng anak nya, but how will i do that kung threat ang tingin nya sa amin ng son ko.

I really don't know what to do, i want to speak with his kid, you know, mother-son talk.,but I don’t want to pressure him neither, any suggestion po na pwede ko pang gawin, please.

murasaki

  • Guest
Sakit sa ulo ang SD ko nowadays. as in matigas ang ulo pero nakikita ko naman na takot din sya saken in a way na alam nya na magagalit ako. 7 seven y.o. na sya goin to 8 on august. then my daughter is 3 y.o. they always fight sa mga bagay bagay. pero si SD naman maaasahan pagdating sa kapatid nya. she knows how to mix her sister's milk, know how to wash her sis's pwet after poopoo. obviously she's big na. pero ewan ko ba recently matigas ang ulo in a way na ipipilit ang gusto kahit sinabi ko na, na hindi pede.

like kahapon, si mama ko ang bantay nila. si SD nangungulit kay mama na pupunta daw sya sa bahay ng lola para icheck kung nandun ang papa nya. ayaw naman payagan ng mama ko kasi baka bigla mawala kasi dami balita na kinikidnap. sabi ni mama ko matulog na ayun nagiiyak daw na akala mo pinapalo sa iyak. hay nako hindi ko na alam gagawin komay makulit na nga ako na 3 y.o. tapos pati sya makulit din.

sinermonan ko sya kagabi pero pinaliwanag ko kung bakit ako nagagalit. iniiwasan ko din kasi na mapagod ang mama ko sa pagbabantay sa kanila. yung anak ko matitiis pa ng mama ko, pero sya baka hindi. mahirap maghanap ng yaya kaya hanggat maari gusto ko si mama ko ang magbantay.

ang sakit sa ulo @_@

murasaki

  • Guest
I have a friend na may kalivein na may anak na. If I were to give her advice sasabihin ko na wag yung lalaking yun ang piliin kasi may anak na.

I have 8 y.o SD. 8 mos. pa lang sya nung nagkakilala kami. sabi ko noon matututunan ko din sya mahalin kagaya ng pagmamahal na balak ko ibigay sa magiging anak namen. my baby came ngayon 3 y.o na sya. magkalaro na sila at madalas hindi magkasundo sa mga bagay bagay pero minsan masaya naman silang naglalaro.

dahil nga sa hindi ko maibigay ang pantay na pagmamahal natatakot ako na baka matanim ng grudge ang SD ko at ibully ang baby ko. which is medyo nangyayari na sya ngayon. kurot, paiyak, sasabihan ng kung ano ano para lang makuha ang gusto nya. dahil alam nya nasusunod ang maliit kaya sa baby ko nya sinasabi. na minsan napapasama ang baby ko.

kung alam ko lang na ganito pla hindi ko na sana itinuloy ang pagpapakasal. but who knows? ngayon nagdadasal na lang ako na sana maging malawak pa ang pangunawa ko at maging mapagmahal. alam kong mali na magalit sa SD ko, pero madalas hindi ko mapigilan. kung pede nga lang tanggalin ang nararamdaman ko na ito gusto ko sana mawala para makapamuhay kami ng maayos at wala akong galit o pagsusungit na nararamdaman sa kanya.

I still try my best to a mother to her. dont judge me nahihirapan talaga ako. balak ko magkababy ulit.  magiging ok pa din kaya pag nagkababy ulit kami ni husband? sana.....

guilleanne

  • Guest
true sis, its hard or we really cant love them unconditionally like our bio kids. pero what works for me, before i act iniisip ko muna am i being fair. am i doing this kasi im diciplining them or dahil nabubwisit lang ako. if dahil nabububwisit lang ako, imbes na maging unfair ako sa kanila tago na lang ako sa kwarto or labas ako ng bahay and reward myself. sometimes i punish my husband instead, open na rin kasi kami sa usapan na yan at alam nya na because naging vocal na rin ako sa kanya na effort ang maging stepmom. so far sis kita ko na [textspeak!] pinag hirapan ko sa mga stepsons ko they are diciplined the way i liked them to be. last november kasi major away kami ni hubby na lumayas ako dala baby ko for 5 days. and i was very surprise na tuwang tuwa mga boys nung umuwi na ako. hehe.

murasaki

  • Guest
True. being a stepmother needs effort at balance. at importante din maging fair. ako hindi ko maibigay ng fair ang pagmamahal ko but when it comes to things they need I make it a point na pareho sila meron hindi sobra hindi kulang. I discipline them fairly. kapag pinapagalitan ko yung isa I make sure na ganun din ang disiplina na ginagawa ko sa bio kid ko.

yndy

  • Guest
Almost 1year namin hindi nakita yun SD ko dahil kinuha ng bio mom nya. Recently dinadala sa amin to spend the weekend. Dito na nagsimula ang problem namin sa kid. Super tigas na ng ulo and hindi mapagsabihan, ang galing pa sumagot at mapang-away na din. May pinag-aaral kasi kami na pamangkin ni hubby. Grade 6 yung bata and grabe kung awayin nya yung bata. Hindi kasi sha pinapatulan, just before new year since busy kami, my SIL and I went to the market at sila 2 lang naiwan sa bahay. Pag-uwi namin we learned na sinabunutan nya yun ate nya and hintak from our house to my ILs house. Kinausap na namin, napagalitan na din pero parang wala lang sa kanya. Eto ngayon ang sakit ng ulo namin ng SIL ko and even si hubby napalo na din sha.

Romina

  • Guest
I'm not a stepmom but I have a stepmother. I was 9 years old when my dad decided to divorce my mom after going to the Philippines for a month vacation. After 6 months, he married his mom's next door neighbor in the Phils. According to my mom, everything was perfectly fine until he went for a vacation. So they got married, my dad gave the cars and house to my mom. And after that, hindi na nagparamdam. My paternal grandparents loves my mom dearly and they were the one who picked up on their son's responsibility. When I was 14, my dad biglang pumasok ulit sa buhay ko. I now have 3 half-siblings by that time. He asked me if I want to live with him, syempre oo naman ako. Thinking na I finally have my dad back in my life na.. Stepmom at first was ok, very civil. Then I noticed that my dresser, where I keep my mom's letters, is not the same way as i left it. Yun pala she would go to my room and read my letters, diaries etc. Her own son tattle-taled on her. And she would always find ways for me to get in trouble with my dad. Like I didnt wash dishes and left the kitchen dirty before going to bed, the laundry dont smell like they were washed, and that I complain about having to walk to school in the morning. I kept mum nalang every time na sinisita ako which pisses her more. My mom begged me to go back home to her pero I told her 1 year lang, marxperience ko lang ang pakiramdam ulit ng may tatay. SP even controls my allowance, the $20 I get for a week, she made it $20 a month. My mom had to send me money secretly and I had to hide my ATM card in my locker sa school. I know my stepmom dont like me noong una ko palang syang nameet. Eventually, naging hate.
Ako naman, I keep trying to gain her trust, her amor. I don't know why. Until my dad eh parang ngabago ng pakikitungo sa akin, dun na ako naging walang pakialam. I remember one time, my stepmom told him that she heard me say shut up to my brother, a couple minutes later, my dad's literally slapping my ass with a belt. Never akong napalo ng nanay ko, sya pa nauna. I couldn't wait for the school year to be over so i can go back to my mom, I was 15 na that time. I even thought of running away pero I figured wala naman ako mapupuntahan pag ginawa ko yun. My stepmom goes to church every Sunday, wears conservative clothes, puts on a wonderful personality on the outside, pero pag kami kami nalang, dun lumalambas yun insecurities nya and lahat gagawin nya to get rid of me. She even started telling me na I would eventually go blind after I got my first eyeglasses. And before I graduate from highschool, I would end up being pregnant! Wtf woman! She would have loved to see me fail in life. Even if wala naman akong ginawa sa kanya. I never even answer back to her kasi I'm not close to her naman to talk back. I can do that to my own parents but not her. And she made me look like I'm a bad daughter and not a good influence to her kids. Even sa Phils, gusto sya rin ang bida. Andaming rumors na pinagsasabi sa mga kapatid nya doon. That one year i spent with them made my who i am right now. I'm 26 now, married with no kids yet, a nurse, and content with my life. No matter how many times she tried to bring me down to fail before, it didnt work. By the way, when I was 22, I decided to finally cut my father off. I don't speak to him and his kids anymore. The only family I have is my mom and my husband. Pag wala naman pupuntahan, no matter how many times you try, wala rin.

murasaki

  • Guest
ang bio mom ng SD ko ay nagpaparamdam nanaman. nung una nagtatanong sa hubby ko kung may bakante daw na apartment malapit samen. sabi ni hubby bakit daw malapit pa samen. para daw malapit kay SD at magkaron sila ng time to bond.

hindi pumayag si hubby at nakipagargumento. hindi din ako payag na mapalapit ang bahay ng ex ni husband kasi magugulo ang tahimik naming pamumuhay lalo na si SD. nagiiba kasi ang ugali ni SD pag napupunta sa biomom nya. inaaaway nya ang anak ko feeling nya secured sya kasi may MAMA sya. yung feeling nya kaya nya lahat kasi sinusunod sya. kasi nga mahirap ang sitwasyon nya kaya pinagbibigyan sya at ramdam nya na spoil na spoil sya sa biomom nya. ang tendency si SD nagiging brat.

na ayaw ko kasi yung anak ko ang magiging kawawa . inaaway ni SD at kung ano ano ang sinasabi. kesyo aalis na daw sya dun na daw sya sa biomom nya(sinasabi nya to sa anak ko) ito namang anak ko iiyak. at feeling ko gustong gusto umiiyak ni SD anak ko kasi paulit ulit yun or pag may gusto si SD sa anak ko na kunin yun ang panakot nya masunod lang sya.

murasaki

  • Guest
ang hirap ng may STEPDAUGHTER lalo na pag kasama sa buhay/bahay lalong lalo na pag buhay pa ang bio mom ng STEPDAUGHTER.

alam ko kailangan ko sya mahalin at alagaan just like my own para na rin sa ikabubuti nya. kailangan ko sya iguide at palakihin sa kung ano ang tama. mahalin kagaya ng pagmamahal ko sa anak ko. na hindi sya dapat lumaki na maging rebelde at magtanim ng sama ng loob.

PERO PAPAANO KO MAIIWASAN NA HINDI KO SYA TALAGA KAYANG MAHALIN AT RAMDAM KO NA HINDI KO SYA ANAK. pinipilit na maging mabuting ina at pinapaliwanag ko din sa kanya ang kaibahan ko at ng mama nya.

na napapagalitan ko sya kasi nakikita ko ang mali sa araw araw na kasama ko sya sa bahay. samantalang ang mama nya minsan lang sila magkita kaya hindi sya nito papagalitan o sisitahin. na minsan lang sila magkita ng mama nya kaya ganun ang trato sa kanya. espesyal.

nitong nakaraan lang ipinakita nanaman ni SD ang ugaling ayaw na ayaw ko sa kanya. nasa batangas kami magkalaro sila ng pinsan nya kasama ang anak ko pero ang ginagawa nya inaaway ang anak ko at sinusulsulan pa yung pinsan nya na iwanan at awayin ang anak ko.

hindi tuloy ako mapakali na mapalayo sila kasi baka binubully nya pag hindi ako nakatingin.

nung pauwi na kami gusto nya magpaiwan pero hindi pumayag asawa ko, pero papayag na sana pero tinanong ako sabi ko hindi.....ang sama ko ba? pero may dahilan naman talaga wala kami maiiwan na pera kay SD at walang maghahatid sa kanya pabalik ng maynila. at ayoko na rin na maiwan sya. kasi selfish ako? haaaaayyyy


dati sabi ko matututunan ko din sya mahalin....kung hindi man fully pledge na mother love at least man lang mapalaki ko sya ng maayos at may takot sa diyos.

bubbles1823

  • Guest
hay nako hindi kona alam ang gagawin, may stepdaughter rin ako 13y.o na hindi naman ako nagpalaki sknya nakasama nya bio-mom nya hanggang 8y.o sya.. ang kaso nga hindi napalaki ng maayos ng nanay pasaway na bata at sobrang sinungaling pa pinabayaan lang kc sa yaya. dati nung nagsasama pa yung bio-mom at yung partner ko ngaun hindi sya sumama sa dad nya kc turo ng ina na wag sasama kapag hindi sya kasama kaya maka nanay to dati. hanggang sa ipakilala ni bio-mon c SD sa new boyfriend dun pa sya nakatira sa bahay na inuupahan nila year 2008.. mahal nya lang anak nya pag nangangailangan na sya ng pera meron nang asawa at anak ang bio-mom ni SD gang ngaun mukhang pera parin ni walang concern sa anak. dec2008 umalis cla ng bahay dala c SD pumunta ng davao, nagdedemand c BM nang sobra sobrang sustento buti nalang at hindi pumayag dad ng SD ko. nalaman nya kc may bf na c BM na asawa na nya ngaun. cut ko nalang story mga sis.. meron akong EVIL SD grabe ang sama ng ugali hindi kona alam pano sya idisiplina ang tatay naman deadma lang minsan nga yun pa dahilan ng pag aaway namin. kung maka sagot sagot walang galang pag napagsasabihan sya pa galit at nagsusulat sa papel ng kung [textspeak!]-ano meron pang gusto na nya mag suicide, ganyan BM nya konting problem lang nagtatangkang magpakamatay.. hindi naman ako perfect pero tinuturing ko sya na parang sarili kong anak ako nag aasikaso ng lahat sknya simula ng magsama kami ng partner ko bali 4years kona kasama c SD.. yung hindi nagawa ng BM nya ako ang pumuno pero bakit ang samasama parin ng ugali ng SD ko. ganyan ba talaga pag broken family? bakit ko kailangan mag suffer sa ugali masama ng SD ko, nung grade3,4,5. ok pa sya
sinusunod nya pa ako pero ngaun kahit dad nya sinasagot sagot narin nya ng walang galang. hindi naman sya baliw nagbabaliw baliwan lang para lagi kaawaan sya kampihan ng dad nya. mga sis hindi ako naging masamang stepmom sknya sinubukan ko naman syang mahalin e pero sa tuwing lalabas marama nyang ugali nawawala pagmamahal ko. hirap na hirap na ako sa SD ko hindi madali maging instant mom sa SD na pasaway. pano ba maghandle nito mga sis? hindi naman ako biolenteng tao. sobrang sinungaling pa ng SD ko. puro kabutihan na nga ipinakita ko sknya tapos ano kasamaan lang balik. ito pa kinalmot nya pa ako sa braso ko at haba, dad nya nga never ako sinaktan tapos itong hindi ko naman anak bwisit talaga.. hay mga sis hindi kona alam pano to ihandle, pag nagsusumbong ako sa dad nya mas kinakampihan pa anak nya kesa sakin na asawa nya lagi nya dahilan iba ugali anak nya rebelde.. help mga sis gulong gulo nako.. wala pa naman kami sarili namin anak, ang hirap pakisamahan anak nya. ;((((

guilleanne

  • Guest
sa tingin ko lang ang problema sis is adolesence not entirely your or her broken family.


well dapat kasi magkakampi kayo ng asawa mo sa pag disiplina ng bata, maging step child man or bio child. mahirap pag di kayo hand in hand sa pag disiplina and worst kung makita ng bata na kinakampihan sya sa mali kasi mawawalan ng respeto sayo.


kung di pa kayo kasal ng partner mo and wala kayong anak my best advice is to run forest run!


pero 2nd advice talk to your partner. hindi mo masuheto yung bata, maybe dapat sya na ang mag suheto. because the truth is parents ang responsible sa pag disiplina ng bata, and you are not even legally responsible (since youre not married) or even acknowledge or respected as her parent. in short pwede ka mag keberbells dun sa bata, stress-free kung ayaw mo disiplinahin.



3rd advice is if you really love the kid then dont give up on her. yung mga kids na messed up just needed someone to not give up on them. just dont expect to be appreciated, agad agad. kasi they are kids, realizations of your effort may take years or baka di pa. hehe.


just remember WE had a CHOICE in the situation our step kids doesnt.




murasaki

  • Guest
medyo mahirap talaga pag teenager na. si SD din ngayn 9yrs old medyo nagiiba na ang ugali in a way na hindi na sya masyado sumusunod unless sasabihin ko ng paulit ulit. hindi na sya yung matigas ang ulo na makulit na bata. ang makulit na ngayon ang anak ko na 4 yrs old.

basa ka lang ng how to handle 13 yrs old baka sakali makakuha ka ng technic. ang mga ganyan kasi medyo reserve na sila lalo na pag hindi nasanay na maglabas ng damdamin sa magulang. lilipas din ang ganyan nyang ugali. basta ang mahalaga bingyan mo sya ng napakahabang pasensya na pag tumanda sya iyon ang maaalala nya ang pagmamahal mo na walang kapares.

sa palagay ko kasi mahalaga ang pagtatanim ng pagmamahal sa bata kahit na ano pa ang ugali nya

sana maging maayos kayo at goodluck sis

bubbles1823

  • Guest
thank u sa advice mga sis..

sarili nya kasing ina hindi sya nagawang mahalin, magiging mabait lang sya sa anak nya kung may makukuha syang pera sa dad ni SD, hindi nya naranasan pano magkaroon ng isang ina yung bang aasikasuhin ka ipagluluto mo ng pagkain yung pagmamahal ng tunay nyang ina hindi naibigay sknya yun.. ewan ko ba wala yatang puso c BM ni SD e.. c SD ko anak lang ni partner sa labas hindi sya legitimate child, kaso nga pano madisiplina ng ama e lagi syang wala sa bahay bali kapag walang school kami lang ni SD sa bahay,, alam nyo mga sis iba sya talaga hindi sya makuha sa pagmamahal. gusto nya sya lagi ang nasusunod lalo mahirap syang kasama pag nasa labas na lagi nakasimangot. adik sa internet pag nakikipagchat sya ayaw nyang naiistorbo,lalapitan or kakausapin mo sya naiirita sya.. nung grade 6 nga yun nakipag relasyon sa tomboy wala kaming kaalam alam, nalaman lang namin nung makita ko yung recollection letter sknya.. ang tinuro kc ng BM nya magsinungaling wag magsasabi ng totoo sa dadi nya,, walang kwentang ina sya. lahat tuloy ng nakita ng bata sa ina at turo nito hanggang ngaun nasa kanya parin ginagawa nya parin. mabait c BM kapag may kailangan sya sayo or may ipapabili sya pero after nyang makuha kailangan nya ayan balik na uli sya sa pagiging maldita.. alam nyo ba mga sis sabi ng ama nya sobrang sama talaga ugali ng bata na yan.. sa girls catholic school pa yun nag aaral pero ala natutunan magandang ugali, sagad na sagad na talaga pasensya ko kay SD e kahit anong tanim mo nang pagmamahal hindi mo sya mapag  babago.. kaya tama ka sis guilleanne bahala na ama nya mag disiplina sa kanya.. naituro kona sa kanya lahat ng dapat nya matutunan ngaun kung ayaw nya sumunod problema na nya yun. mas maganda kc habang baby pa ituro mo ang tama yung nakakaintindi na sya.. yung ibang bata kapag napagsabihan mo mali ginagawa nya dba hindi na umuulit. hindi na to bata 1st year higschool na at nagmemens narin..

nag usap na kami ng husband ko, sabi nya sya nadaw bahala sa anak nya... dahil may asawa na at anak BM ni SD lalong pinabayaan nya na talaga yung bata never na nya binibisita unless may money involve mabilis na mabilis yun pupunta sa amin. ang sakit malaman ng katotohanan na kaya lang sya magpapakita sa anak e kailangan nya ng pera.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close