This site is a relief, this is my story
I have a son, 6 years old, and yung fiance ko may 7 year old son din, he was never married, pero nasa custody nya yung bata, tatay naman ng anak ko passed away when my son was a baby, at first kung titignan namin paraang dali lang dahil pareho kaming masaya, madami kaming plan for our kids, super warm ang pagtanggap sakin ng family ng fiancé ko, even his kid. Kaya hindi nagging mahirap para sakin na mahalin sya at tumayong mommy nya.
Then he met my son.
Right now, we're facing major problem sa mga bata, my fiance's kid started to act strange. Kapag wala ang dad nya, he started to say and do bad things to my son, like "uwi ka na sa inyo, ayaw ko sayo" "wag mo ako dikitan at lapitan", "wag mo galawin mga laruan ko" etc., there are times na kukunin nya yung mga toys nya na madalas hawakan ng son ko then itatago nya, for me as a mom, hindi ko maitatanggi na masakit para sakin yung makita yung ginagawa sa anak ko, but of course sinisiksik ko pa din sa utak ko na mga bata sila, na baka nagseselos lang yung anak ng fiance ko. I'm not really good at this, I spent my 6 years alone with my kid..I don't know how to handle this, hindi ko alam kung paano ako magsasalita na hindi lalabas na kinakampihan ko yung anak ko, hindi ako nagagalit sa anak ng fiance ko because napamahal na din sya sakin, instead I feel sorry for him because ganito ang naging epekto sa kanya dahil sa pag-iwan sa kanya ng BM (Biological Mother) nya, threat ang nagiging tingin nya sa anak ko, feeling nya iiwan sya and hindi sya mahal.
I spoke to my fiance about this, I told him na he should spend more time with his son, kasi mas mafefeel nung bata na secured sya, my fiance admit naman na nawawalan sya ng time sa bata, sabi ko sa kanya na gusto kong tumayong mommy ng anak nya, but how will i do that kung threat ang tingin nya sa amin ng son ko.
I really don't know what to do, i want to speak with his kid, you know, mother-son talk.,but I don’t want to pressure him neither, any suggestion po na pwede ko pang gawin, please.