jlo42655, sis, di na sya worth mahalin o iyakan, madaling sabihin kalimutan mo na sya, pero yun talaga ang tama, niloko ka nya, niloko nya ex din nya, napaka immature ng ex bf mo at kayang kaya nya kayo paglaruan at manipulate.
please di sya healthy, di ka rin matatahimik if dumating time na bumalik man sya sayo, pasalamat ka nga di ikaw ang pinili nya. wala ka ng sakit sa ulo, di yan magbabago, kawawa lang un girl na makakasama nya.
wag ka na mag pa bilog, pa bola, as much as possible, wag mo na kausapin o pansinin, mag palit ka na lang ng # mo para di ka na nya ma contact alisin mo na sya anything na mag kakaroon kayo ng communication, sa work naman ignore mo na lang sya, mahirap gawin pero dun din patungo mo, kaya better simulan mo na.
i know napakahirap maka move on, lalo na minahal mo ng todo, kinalimutan mo lahat,iniwasan mo lahat para sa kanya, pero sis, simulan mo na sya kalimutan, isipin mo lahat ng negatives, lahat ng panloloko nya, yung ginawa ka lang 2nd best, ginamit ka lang, isipin mo un time na hindi ka nya pinili..
maraming stages ka pa pag dadaanan, sis, need mo ng kausap, need mo ng outlet para makalimutan sya, iyak mo lang hanggang mapagod ka, mag lagay ka ng due date na hanggang dito na lang pagmukmok mo, then after nun mag start ka na kumilos.
sa ngayon, maranasan mo muna yan, pain, umiyak, magalit, then umiyak uli.
this time need mo na mag reach out sa mga friends mo, sa family mo, kahit isang tao lang makausap mo everytime na need mo mag rant, makakatulong yun. then tulungan mo rin sarili mo
bago pa lang ako dito kaya alam ko di pa ko pwede i pm, pero pag ok na sis, pwede mo ko kausapin pag need mo ng kausap especially sa madaling araw, gising ako at willing ako mag basa o makinig sayo.

cheer up, be thankful, nawala na sya.