Author Topic: What do you do, while moving on with your breakup?  (Read 31439 times)

chuvaeklavu

  • Guest
Re: What do you do, while moving on with your breakup?
« Reply #60 on: February 24, 2011, 10:05:09 am »
gawin mo ng gawin lahat ng bagay na makapag papasaya sayo.. queber teh.. yung parang wala ng bukas.. wag mo din hayaang mag isa ka.. ok lang ngumalngal to death, pag di mo iniiyak yan e masakit sa dibdib.. ang bigat.. maiisip mo yung guy palagi pero pwede mong labanan.. wag kang magpakaplastic, magalit ka kung feel mo.. kung makakatulong sayo..

isipin mo, ang ganda-ganda mo.. the best! it worked for me.. akin ang huling halakhak.. LOL!


sis natawa naman ako! thank you naman teh...
well ngayon happy na ko... wala ng pain pero sobrang namimiss ko pa din.. pero so true nilalabanan ko...

Single pa din ako ang sobrang enjoy ko! parang ngayon lang ako nakawala! hahaha....

chuvaeklavu

  • Guest
Re: What do you do, while moving on with your breakup?
« Reply #61 on: February 24, 2011, 10:07:08 am »
@ sweety -- kame dito ng mga friends ko sa FN we get together para masaya! ngayon ngang March meron kame Baguio!
last time spa ang jogging! ang saya!

sweetylicious143

  • Guest
Re: What do you do, while moving on with your breakup?
« Reply #62 on: February 24, 2011, 10:09:01 am »
sis chuva! hindi naman din sya babaero kaya lang ang diko kinaya sa kanya is yung ugali nyang palaging tamang hinala LDR kasi kami at isa pa nakakapagsalita na sya sa kin ng masasakit na salita andun na yung namumura na nya ko sabihan ba naman akong bwisit sa buhay nya after nun tumatak sa utak ko yun and dun nako nagdecide na ayoko na pagod nako kakaisip na para akong mababaliw sakit sa ulo araw araw magkakaayos kami ngayon after 2-3 days away na naman nakow papangit lang ako lalo sa kanya mas mabuti na yung wala ka iniintindi...kaya ayun hiniwalayan ko na maghabol sya ngayon diko na sya papansinin etchos sya  :D

chuvaeklavu

  • Guest
Re: What do you do, while moving on with your breakup?
« Reply #63 on: February 24, 2011, 10:12:40 am »
CORRECT! ok lang na hiwaayan mo siya!
Hirap talaga ng LDR sis... Palaging dudaciuos ang feelings niya...

Marami pa diyan, u n g everyday pwede ka i-comfort!(kilig)

ako crush crush lang ako ngyon... feeling ko HS... hahaha...

iCleverClogs

  • Guest
Re: What do you do, while moving on with your breakup?
« Reply #64 on: February 24, 2011, 12:33:00 pm »
Makisabat lang...


sis sweety, mahirap talaga ang LDR, it takes a lot of patience and humility para di masira ang relationship. Pero pag ako, tatawaging b****t sa buhay ng lalaki? Nako, foul na yan. Ayoko. Ganyan ako sa dati kung bf, nagmumurahan kami. Parang di lalaki yung kaaway ko. Parang palengkera  :D .

chuvaeklavu

  • Guest
Re: What do you do, while moving on with your breakup?
« Reply #65 on: February 24, 2011, 12:50:43 pm »
not good talaga pag walang respect sa isat isa...

sweetylicious143

  • Guest
Re: What do you do, while moving on with your breakup?
« Reply #66 on: February 24, 2011, 01:38:27 pm »
sis iclever..yup sobrang hirap talaga lalo na sa kin first time ko lang ma encounter ganitong set-up na relationship for me ok na sana tanggap ko na ganun ang situation namin as long na nakikipag communicate naman kayo sa isat isa im willing to wait naman kahit ganu katagal pa bago kami magkita....ng unang mga months nagkahiwalay kami ok pa pero habang tumatagal andun na yung paghihinala nya na kesyo may lalaki na daw ako sumasama ako matulog sa ibang lalaki syempre sa kin masakit yun kasi alam ko naman sa sarili ko na hindi totoo yun hanggang sa napansin ko nawawala na respeto nya sa kin everytym na nagaaway kami sa chat nagmumura na sya na put****ina sunod sunod yun flood nya pa sa ym window ko kahit na hindi nya direct na sinabi na may *mo* alam ko naman para sa kin yun kya parang nawawalan na din ako ng respect sa kanya to the point na parang diko na sya mahal nawawala na yung feelings ko sa kanya kya nagdecide na talaga ako iwan sya nagkakasakitan na lang kasi kami hindi na ko masaya pag nagkakausap kami wala na yung kilig and excitement parang wala na lang siguro sa mga pinagsasabi nya rin sa kin...

hay naku! ngayon pag uwi nya dito ng pinas wala na syang babalikan at wala na syang gf. na magaantay sa kanya at kung magkakasalubong man kami ulit ng landas sasabihin ko na lang sa kanya *who you?*  ;D


iCleverClogs

  • Guest
Re: What do you do, while moving on with your breakup?
« Reply #67 on: February 24, 2011, 01:50:03 pm »
saan ba nag-abroad ang BF mo sis?


Ang sakit sakit no, pag ikaw ang iniwan. Parang gumaganti ang tadhana sakin ah.


Anyways, as much as possible yung respect sa isa't isa dapat andyan yan eh, di dapat mawawala. Kasi nakakawala na ng gana at saka di na maibabalik pa sa dati ang lahat. Kapag nasanay na kasi, eh comfortable na siyang sabihin sayo ang ganyang bagay.
Dun sa pagdududa. Alam mo ang naisip ko? Di kaya, yun ang ginagawa niya sa labas kasi para siyang sira eh kung makapagduda sayo. Eh ang lalaki, galit sila sa ibang tao pag ganun ang ugali pero sila naman itong gumagawa. You know naman, lahat ng kasamaan sa mundo, nasa abroad na. Tapos lalaki pa siya. Di kaya siya matukso sa tawag ng laman?
Ako nga eh, di na ako umaasa na ang ex ko, walang bf dun sa labas. Yun pa! Eh saksakan ng babaero yun. Galit sa kapwa salawahan at super seloso, eh siya din naman ang mahilig gumawa nun. Noon yun nung di pa kami. Di ko nga alam kung nung time na kami eh naging faithful siya sakin.
Yaan mong mawala ka sa radar niya sis. Maloloka yun sa kakaisip na ang dating patay na patay na girl sa kanya eh wala na sa buhay niya. Ang sakit kaya mawalan, kaya magdusa siya. Aw...man hater na ako. LOL

sweetylicious143

  • Guest
Re: What do you do, while moving on with your breakup?
« Reply #68 on: February 24, 2011, 02:20:50 pm »
SEAFARER sya sis! pareho lang din pala tayo dati din syang babaero at madami naging gf. nun pero yun din yung hindi pa kami kaya nga sya hiniwalayan ng asawa nya dahil sa ugali nyang ganun sobrang bait kasi ng asawa nya kahit na daw na madami ng ebidensya nakikita asawa nya wala lang sya naman namihasa porket wala lang yung ginagawa nyang pambabae tuloy lang sya kaya ko naman nlaman lahat yan kasi nakuwento nya rin sa kin yun ng andito pa sya....then ng next na alis nya na sila pa yung asawa nya naman ang nagluko nanlalaki din ng nalaman nya yun galit na galit sya at sya pa may gana nakipaghiwalay sa asawa nya kahit na may isa silang anak....but ng nakilala nya daw ako nagbago na daw sya hindi na tulad ng dati e,malay ko din ba kung talagang faithful na sya diba di naman 24hrs. nagkakausap kami...tapos ngayon ako pa paghihinalaan nya na may lalaki daw kapal ha! minsan nga sabi ko sa kanya gawin ko na lang kayang totoo mga pinagsasabi nya sa kin para kahit paghinalaan nya ko hindi na masakit sa kin kasi talagang totoo na but hindi ako ganun e,coz i believe in karma din...ngayon ko lang din napagisip isip kung nagawa nya nga sa asawa nya before wut more na sa kin pa gf. pa lang nya ko diba at sabi nga nila ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw siguro gawain nya pa rin kaya kung ano ano na lang pinagsasabi nya sa kin hindi nya naisip kung nasasaktan ako o,hindi...

ay naku! ayoko magpakalosyang na lang sa hindi naman deserving para sa kin at hindi ko rin pinangarap na magpaka martir at mura murahin lang ng isang lalaki di sya kawalan..

nainaj

  • Guest
Re: What do you do, while moving on with your breakup?
« Reply #69 on: March 07, 2011, 11:25:48 am »
wala pa ako sa break up stage...cool off??  :-\

sa ngayon kahit alam namin pareho na we are still around for each other, gusto ko kahit papaano maka-move on.i lost myself kasi sa aming 7+ years relationship.

reading this thread helps me..

pero sa ngayon, cry to death na muna ko.umiyak nang umiyak parang wala nang bukas...tapos i am presently engrossed sa work load ko para iwas ako para makapagcommunicate sa kanya.

OT ata.sorry

prettyehmjay28

  • Guest
Re: What do you do, while moving on with your breakup?
« Reply #70 on: March 21, 2011, 05:56:49 am »
this one really works for me:

TOTAL MAKEOVER. I cut my hair (well, madalas itong gawin ng mga babaeng stress sa lovelife. LOL)

buy new clothes, magpaganda ka! para sila naman ang makakuha ng atensyon mo. forget about the money. pera lang yan, makakaahon ka din dyan. ang importante makamove on ka from your past. love and pamper yourself. treat yourself sa spa, salon and everything! sureball ako, makamove on ka. makakhook ka pa ng iba ahha! (thats the bonus side. ;p)

sheryllynn

  • Guest
Re: What do you do, while moving on with your breakup?
« Reply #71 on: March 21, 2011, 12:39:33 pm »
I grieve for a month, I cry and try not to communicate with my ex. I even blocked him in my facebook account. But after the grieving. I try to reinvent myself, like a make over, change my hair style and color. Anything that can make me feel good. I also try on a few dates, spend more time with my family and friends.

itouch23

  • Guest
Re: What do you do, while moving on with your breakup?
« Reply #72 on: March 28, 2011, 01:08:46 am »
sis chuva! hindi naman din sya babaero kaya lang ang diko kinaya sa kanya is yung ugali nyang palaging tamang hinala LDR kasi kami at isa pa nakakapagsalita na sya sa kin ng masasakit na salita andun na yung namumura na nya ko sabihan ba naman akong bwisit sa buhay nya after nun tumatak sa utak ko yun and dun nako nagdecide na ayoko na pagod nako kakaisip na para akong mababaliw sakit sa ulo araw araw magkakaayos kami ngayon after 2-3 days away na naman nakow papangit lang ako lalo sa kanya mas mabuti na yung wala ka iniintindi...kaya ayun hiniwalayan ko na maghabol sya ngayon diko na sya papansinin etchos sya  :D

woah almost same situation, the difference is kami parin.. parang i want to break up with him sa sakit ng nararamdaman pag nagaaway kami pero i'm too attached to him na i dont want to loose him,. haha

chuvaeklavu

  • Guest
Re: What do you do, while moving on with your breakup?
« Reply #73 on: March 28, 2011, 04:45:40 pm »
Mga Sis, if you feel na hindi na tama a n g relationship you need to let go...
kesa mag waste ka ng another 1 yr or 2 yrs to be with your partner then ending with the wrong person.

you can't do it all by yourself you need GOD to help you para mahiwalayan... kayo din makakadetermine if the relationship is still beneficial for you or for your partner ONLY...
or are you blinded na cos of LOVE...

If you are married that's a different situation...



ButHonestly

  • Guest
Re: What do you do, while moving on with your breakup?
« Reply #74 on: March 28, 2011, 06:13:40 pm »
Love. Learn. Let go. Move on. Repeat.

kutzy12

  • Guest
Re: What do you do, while moving on with your breakup?
« Reply #75 on: March 28, 2011, 07:34:29 pm »
sis chuva... kaya mo yan!!!! ako nga 6 1/2yrs nakaya ko. sa una mahirap pero later on makikita mo why kayo nagkahiwalay. kung talagang kayo, dadating ang time nun. pero pag ndi naman, meron pa rin dadating na tao na para sayo.
give urself time to grieve. ok lang yan. lahat ng tao nasasaktan. let time heal your wound....   ;)

koalaa

  • Guest
Re: What do you do, while moving on with your breakup?
« Reply #76 on: March 28, 2011, 07:39:19 pm »
Mga Sis, if you feel na hindi na tama a n g relationship you need to let go...
kesa mag waste ka ng another 1 yr or 2 yrs to be with your partner then ending with the wrong person.

you can't do it all by yourself you need GOD to help you para mahiwalayan... kayo din makakadetermine if the relationship is still beneficial for you or for your partner ONLY...
or are you blinded na cos of LOVE...

If you are married that's a different situation...

this is true. Kesa tumagal pa kayo, mas masakit at mas mahirap ng pakawalan.

chuvaeklavu

  • Guest
Re: What do you do, while moving on with your breakup?
« Reply #77 on: March 29, 2011, 11:21:14 am »
sis chuva... kaya mo yan!!!! ako nga 6 1/2yrs nakaya ko. sa una mahirap pero later on makikita mo why kayo nagkahiwalay. kung talagang kayo, dadating ang time nun. pero pag ndi naman, meron pa rin dadating na tao na para sayo.
give urself time to grieve. ok lang yan. lahat ng tao nasasaktan. let time heal your wound....   ;)

Thanks Sis, still on the healing process... i dont want to replace him yet cos im not ready...
may mga manliligaw ako ngayon pero i dont entertain them that much....
Pero i have this crush, binubuhos ko na lang my kilig to this person,,,,hihhii

kutzy12

  • Guest
Re: What do you do, while moving on with your breakup?
« Reply #78 on: March 30, 2011, 08:15:13 pm »
hmmm... its your choice pero sana give yourself time to be alone. just enjoy yourself being with your family and friends. kasi pag binuhos mo attention mo ngayon sa isang tao. baka makasakit ka lang sa huli. kasi pag down ka at may nagbibigay ng attention sayo.. akala mo siya na. been there, done that... inaamin ko nagawa ko na rin ganyan pero ndi ok eh. mas maganda pa rin [textspeak!] ikaw lang muna.

pray lang ng pray.. be strong!

Red Rack 21

  • Guest
Re: What do you do, while moving on with your breakup?
« Reply #79 on: May 26, 2013, 09:24:52 am »
when i was single my style was locked myself inside the  room and listen to my favorite cd at dim light lang. hahaha. contemplating much on what went wrong. then on some days hang out with my gay friends na mga nakakatawa lahat. life goes on  ;D ;D ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close