Author Topic: to all civil married, may plan pa rin ba kayo ni hubby magpakasal sa church?  (Read 74506 times)

nicegirl05

  • Guest
Re: to all civil married, may plan pa rin ba kayo ni hubby magpakasal sa church?
« Reply #200 on: February 27, 2013, 02:42:04 pm »
^^ sis wala pa, how much p/v mo? plan namin sa divi rin kami bili ng gown and barong pero rtw lang.

simplybrilliant

  • Guest
Re: to all civil married, may plan pa rin ba kayo ni hubby magpakasal sa church?
« Reply #201 on: February 27, 2013, 03:06:38 pm »
nakuha ko kasi sa promo rate nya sis. 18k lang with all these inclusions:
- prenup
- save the date
- 1 framed picture from prenup


- 2 photog, 1 videographer and 1 photog/videographer (tigkalahati daw) to get the small details sa wedding day
- avp
- avp of pictures taken on the day of wedding
- 1 framed picture from the wedding
- thank you cards
- tarpaulin
- leather personalized guestbook
- leather na photobook

nalimutan ko lang sizes nung photobook.  yan lang yung natandaan ko. baka nga may nalimutan pa ako.

swerte ko lang sis at nakilala ko cya habang nagpapakilala pa lang cya sa industry.  sure ako may future ang batang yun at pagdating ng araw baka di ko na kaya rates nya. inquire ka sa kanya sis. my fb cya. or i can pm you her cp number para ma send nya updated rates nya.  nagpabook pala ako sa kanya august last year.

Mommy•Shey

  • Guest
Re: to all civil married, may plan pa rin ba kayo ni hubby magpakasal sa church?
« Reply #202 on: February 27, 2013, 03:11:42 pm »
Yes, plan padin naming magpakasal sa Church. In 3-4 years time :)

DasmaMama

  • Guest
Hi, We're (civil) married for 6yrs na. Yes, we have plans of having a church wedding pero hindi pa ngayon. Dati plan namin is on our 10th wedding anniversary, kaya lang parang hindi pa kaya, by then pa lang kasi matatapos mabayaran yung car.

euwie

  • Guest
Yes. Hopefully sa 2016. Ang tagal pa pala nun!

ayami

  • Guest
Humirit na si MIL ko about the church wedding lalo na't nakagraduate kami ni hubby. Sa kanya ko pa talaga maririnig yun :)) pag-ipunan na raw namin as soon as may work na kami. :)

wowry

  • Guest
Were married for 2 and a half years na and we wanted to have a church wedding sana in 4 years time. Sana makaipon agad. :)

iristacey

  • Guest
supposedly after 5 years kaso we are expecting baby #2 kaya mukhang postphoned muna ulet :)

Girltalker2

  • Guest
Normally sa mga couples na magpapakasal, recommendation ko mag church wedding talaga sa umpisa palang.  Kasi kadalasan, pansin ko sa mga nagp postpone ng church wedding, lagi syang hindi priority. Sa dami ng gastos every day, tapos may mga anak na, hindi na sya na p prioritize. 

And I always believe, halos lahat ng babae, kung may partner sa buhay, kahit papano nangangarap din magwalk sa aisle with their hubby.

But at the end of the day, ang pinaka importante parin kasi is yung pagsasama ninyo. I for one had a church wedding and civil sabay, medyo engrande din ang kasal kasi venue is sa hotel with the complete entourage and same couturier kaming lahat, hair and make up, photographer etc the works.  Nice to have experienced it, but hindi din fruitful kasi we separated din.
« Last Edit: May 10, 2013, 10:00:14 am by Girltalker2 »

glamorosa_09

  • Guest
^I agree.

Pwede naman sigurong yung budget wedding na lang muna, magrent na lang ng gowns, and yung hair and make up, marami naman dyang parlors.

Meron na rin kasalang bayan inooffer ang mga simbahan, for free. Yun nga lang wala sigurong walking down the aisle, pareho lang sa civil.

Then yung magandang kasal talaga, anytime na meron nang ipon for a bigger budget.

misyeldico

  • Guest
Plano namin at first was Church Wedding, eh since nasa Singapore ako nagtatrabaho at nasa Pinas si Hubby. We have decided na dito na lang sa Singapore magpakasal, civil wedding. Wala kasing masyadong hassle sa requirements unlike dyan sa atin sa Pinas na need pang magseminar for 2-3weeks raw eh di kayang magleave ng matagal. Then sabi na lang namin, October this year kaso mukhang di makakayanang magipon agad at gipit na sa oras. So next year na lang, anniversary ng civil wedding namin. Syempre depende pa rin yan kung magkakababy kami before next year. Gusto na rin kasi naming magbaby. :) pero tuloy-tuloy lang sa pag-iipon for the church wedding, baby and future. Pangarap naming dalawa na magwalk down the aisle at iplan yung dream wedding namin. :)

cheerfulone

  • Guest
this June, we will be having our civil wedding muna, then next year na church wedding, hopefully, im 3 months preggy na and my in laws want na church wedding pero ayoko, bot because mas prefer ko ang civil but because of my growing belly. ayoko kasi lumakad sa altar na nag hehello ang belly ko sa madlang people and ayaw ko ng madalian, syempre gusto ko well prepared naman ang kasal ko yung lahat ng gusto ko and plano ko and naimagine ko is masunod..

dream wedding ang peg ko, pero kahit na ikakasal ako sa civil hindi ko inisip na hanggang dun na lang yun, kasi syempre sino ba namang babae ang ayaw makasal sa church..

actually my hubby also wants din talaga sa church, gusto din nya ako makitang lumalakad sa simbahan :)

mslcgrey

  • Guest
almost everything is set for our Christian wedding this december. majority, if not all, girls would love to experience a wedding na they can walk down the aisle and with all the trimmings. in my experience, of course mas okay na mas maaga instead na patatagalin pa. though, depende naman talaga sa situation yan.

a lot of couples got married civilly first because pregnant na si girl. siyempre, most of them would like to get back in shape muna so may waiting period pa. tapos syempre, mag-iipon pa which is mas mahirap kasi may baby na marami rin namang expenses. i guess most often than not, this is the reason why it take years before they have their church wedding.

siguro, it is something na dapat pareho nyong gusto so you can formulate concrete plans to achieve it.

example ko lang sa amin, we got civilly married first kasi gusto muna namin unahin ang house before the beautiful wedding. so we bought a house, paid for the equity and bought appliances and furnitures. now, kasabay ng pagbabayad ng monthly sa pag-ibig, we make sure na may naiipon kami that go to the wedding fund. this year wala kaming major travel. avoid din bumili ng mga appliances and gamit sa bahay na hindi masyadong kailangan. it also helps na i make sure na wala muna magiging baby. after the wedding, sige go kami but now i'm very strict dapat laging may protection. so talagang dapat decided kayo na gusto nyong gawin.

there are times na parang we want to scrap the plans. gamitin na lang ang naipon for putting up a 2nd floor in our house or a trip. but since we do want that wedding, kaya tuloy pa rin sa plans. nowadays, hindi na talaga pwede mag-cancel kasi baka magalit sa amin ang mga guests namin. almost half ng mang-gagaling sa manila na guests, may ticket na.

so for couples out there, talk about the wedding you want, your target date and budget tapos paano nyo maiipon ang budget na iyon na hindi nyo need mag-sacrifice sa basic needs nyo.

simplybrilliant

  • Guest
hi mga sis,

sa wakas tapos na din dream church wedding namin ni hubby after 10 years of being civilly-wed couple.  and sarap ng feeling, na finally we were blessed na sa church.  sarado katoliko kasi kami.  parang nakakapanghinayang nga mga sis pag iisipin ang gastos.  yung sa amin nga budget wedding na na masasabi pero lumobo pa din expenses to 200k (which is super mura na din compared sa iba kasi celeruega-tagaytay wedding kami).  pero sa tagal namin na nag-antay di naman namin pinanghihinayangan.  ang pera kinikita naman ulit so a lot is coming our way but the memories will stay hanggang pagtanda natin pati sa isip ng mga anak natin.. Quoting from the words of a friend: "WE ARE NOT ONLY SPENDING MONEY, WE ARE MAKING MEMORIES." :)

mslcgrey

  • Guest
^ happy for you sis... super true ng sinabi mo. yung money na gagamitin natin, kikitain pa rin naman yan. as long as natutustusan pa rin natin ang mga basic needs, there is nothing wrong in spending something that will make the couple happy.

nicegirl05

  • Guest
congrats sa inyo sis simplybrilliant, I'm happy for you. share naman ng pix jan kung ok lang..

dropdeadgorgeous

  • Guest
when i got married last year, inalis ko na sa isip ko ang church wedding. kasi iniisip ko na wag asahan at malaking pera ang gagamitin.
until one time habang nag uusap kami ni hubby ko, tinanong niya ako kung bakit ayaw ko daw magpakasal
sa cebu. hehhe..bigla akong kinilig kasi hindi ko sukat akalain na nasa plano pa rin niya na magpakasal
sa simbahan. i dont make it a big deal kung di ako makasal sa manila.
gora ako kahit saan pang sulok ng pinas yan..basta siya ang mag aantay sa akin sa harap ng altar..go na go ako!

simplybrilliant

  • Guest
^hi sis nicegirl05, nasa facebook ko na pics. pm mo ko bigay ko name ko. hehe

miss ira

  • Guest
Hello mga sis  :D. We had our Church wedding nung April as expected. Umuw grandparents, aunts and uncles ko from England. November 2012 palang nakabili na sila ng ticket. Talagang they wanted us to have a church wedding after a year ng civil wedding. magastos nga talaga kahit simple lang. Okay naman din samen para maexperience din ang feeling ng sa simbahan ikasal.  My aunts shouldered our cake and Photography/video then my parents shouldered the car na nirent nila na sasakyan ko, as well for the wedding gown and damit ni huby. Sa baclaran namin binili yung gown and it only cost P4K. Yung sa reception naman, my aunts still ang nagbayad. Gastos lang namin yung pinang-seminar namin  before the wedding.

sofiamarj

  • Guest
5 years married na rin kami, civil wedding din. Right now, wala pa sa plans kasi marami pang priority like saving for our baby's future at marami pang iba. Pero syempre naiisip ko rin na sana someday church wedding naman. Pag ok na ang budget :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close