Author Topic: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...  (Read 197013 times)

evilwoman

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #400 on: April 17, 2013, 09:48:27 am »
@lqmom-ang pathetic ng mister mo.ilang taon na ba sya?12?! I also think may iba yan kaya kung ano na lang ang dinahilan sa yo. And ano yan,this past few months di nya kinumusta mga bata?btw,tuloy-tuloy pa din ba ang sustento?
Another question would be,how's your relationship with your in laws?may personal aking kakilala na nagkahiwalay dahil sa kakasulsol ng byenan.lahat ng kilos ni misis sa pinas binigyan ng malisya or pinapalaki at yun ang kwento lagi kay mister. :(

venson49

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #401 on: April 17, 2013, 03:13:43 pm »
hi, hope someone can give an advice. kanina lang ito as in kanina umaga lang nangyari. here's the situation. my husband doesn't have a job since 2009 pa. he's 42 y/o, marami na rin siyang nararamdamang sakit( both of us are diabetic, hypertensive ). we're married for 21 years na. i got married before i turned 18. we have 2 sons- 21 and 12. here is the problem. i am the only one working, my father just came home from the US (biglaan lang as in 2 weeks notice lang kami). beforehand naiisip na naminn, as in nagbibiruan na kaming mag-asawa na baka nga mangyari ito. kinausap ng father ko husband ko sa breakfast (topic- trabaho). ang kaso, nandun kami ng mga anak nya, pati [textspeak!] older brother ko. i thought he was ok. may pinuntahan [textspeak!] father, pag alis nya, ayun na. nagsimula ng maglabas ng sama ng loob ang asawa ko. nag impake sya at pumunta muna sa bahay nila(MIL  ko), saying "sabihin mo sa father mo hindi ko kaya abutin ang standard nya. high school graduate lang ako at walang pinagaralan, kaya ganito". i know he needed space. ito ngayun ang problem ko, how will i go from here? hindi ko pa nasasabi sa tatay ko ang mga nangyari dahil nasa office ako ngayun. pero yung husband ko, ayaw munang mag stay sa bahay habang andyan ang father ko. pwede ba naman yun- hindi pwede yun. hindi ko alam kung paano kami maguusap ng husband ko. tama naman ang father ko, since he is the man of the house, dapat talaga may trabaho sya. ang sagot naman ng husband ko- alam nya yuon, at hindi rin madaling tanggapin na ako ang nag work at sya ay nasa bahay.  paanong approach ang gagawin ko sa husband ko? paano ko sasabihin sa father ko na umalis ang husband ko sa bahay?

chedz.03

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #402 on: April 17, 2013, 03:33:45 pm »
Sis IQMOM- ayoko gawin kang paranoid or makadagdag pa sa burdens mo. Pero ang lalaki magaling gumawa ng problema kapag may kabit dahil malakas ang loob. Considering OFW sya dapat nga sabik sya sa atensyon mo at di sya makakatagal ng 4months na di kayo nag-uusap. Mababaliw yan kung di ka nya nakakausap sa sobrang miss sayo. Pero bakit natitiis ka nya lalo na ang babaw ng reasons nya.
More than 6years ka na nya asawa at nakadalawang anak na sya sayo bakit till now di pa sya naka move on sa past mo. If hindi nya ma-take na may nauna sa kanya sayo then bakit ka nya pinili in the first place? I am an OFW sis and nakita ko na iba't ibang mukha ng mga kababayan natin dito sa short span of time na nandito ako sa Saudi. May ibang kabit dito na nasisikmura katabi nila ang guy habang ka-chat ang misis sa pinas. Katwiran nila pag dito sa abroad sila ang asawa kanya ok lang.
Pag-isipan mo mabuti sis sana wag ka mabulag, investigate. At, di porke buo ang salary na binibigay sayo eh wala ng milagrong ginagawa yun sa abroad dahil may mga kabit dito na sila mismo gumagastos sa mga lalaki nila na may asawa sa pinas. Sinasabi ko ito sis hindi para pagbintangan mo asawa mo na ganito din nga ginagawa nya dahil marami padin naman ang matitino. Pero consider it as well. Naaawa kasi ako sa ibang legal wife sa pinas na akala nila hirap na hirap ang mga asawa nila sa abroad, di nila alam asikasong asikaso ng malalandi na kabit dito sa abroad.
Kanya ako, kahit mahirap malayo sa parents ko hanggat pwede di ko iiwan ang asawa ko dito dahil gaano man katino ang asawa mo minsan bumibigay din dahil sobrang pursigido ang mga kabit.

Pray hard sis na sana lead ka nya sa tamang direction at magawa mo ang tamang desisyon.

Priceless

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #403 on: April 18, 2013, 02:22:37 pm »
hi, hope someone can give an advice. kanina lang ito as in kanina umaga lang nangyari. here's the situation. my husband doesn't have a job since 2009 pa. he's 42 y/o, marami na rin siyang nararamdamang sakit( both of us are diabetic, hypertensive ). we're married for 21 years na. i got married before i turned 18. we have 2 sons- 21 and 12. here is the problem. i am the only one working, my father just came home from the US (biglaan lang as in 2 weeks notice lang kami). beforehand naiisip na naminn, as in nagbibiruan na kaming mag-asawa na baka nga mangyari ito. kinausap ng father ko husband ko sa breakfast (topic- trabaho). ang kaso, nandun kami ng mga anak nya, pati [textspeak!] older brother ko. i thought he was ok. may pinuntahan [textspeak!] father, pag alis nya, ayun na. nagsimula ng maglabas ng sama ng loob ang asawa ko. nag impake sya at pumunta muna sa bahay nila(MIL  ko), saying "sabihin mo sa father mo hindi ko kaya abutin ang standard nya. high school graduate lang ako at walang pinagaralan, kaya ganito". i know he needed space. ito ngayun ang problem ko, how will i go from here? hindi ko pa nasasabi sa tatay ko ang mga nangyari dahil nasa office ako ngayun. pero yung husband ko, ayaw munang mag stay sa bahay habang andyan ang father ko. pwede ba naman yun- hindi pwede yun. hindi ko alam kung paano kami maguusap ng husband ko. tama naman ang father ko, since he is the man of the house, dapat talaga may trabaho sya. ang sagot naman ng husband ko- alam nya yuon, at hindi rin madaling tanggapin na ako ang nag work at sya ay nasa bahay.  paanong approach ang gagawin ko sa husband ko? paano ko sasabihin sa father ko na umalis ang husband ko sa bahay?

Hi Sis Venson:

Matanong ko lang kung ano ang reaction mo at ang reaction ng mga anak mo habang ni-lelecturan ng tatay mo si hubby?

Sa totoo lang, kung pinaabot mo nang 21 years ang marriage nyo na ikaw ang tumatayong breadwinner, dapat siguro by now tanggap na ni hubby na ganyan talaga ang magiging reaction ng ibang tao, lalo pa ng father mo. Your father has your best interests at heart, and siguro mali man ang paraan or venue for him to lecture your husband, may point si daddy.

Kung ako sayo, kausapin mo si hubby na sya nalang ang umintindi, tutal wala naman atang mali or kasinungalingan dun sa sinabi ni father. At the same time, take daddy aside and tell him na sa inyong household, napagkasunduan nyo na na si hubby ang stay at home spouse, looking after the kids, the household, etc etc and it worked fine with you for over 21 years and you're happy with that arrangement. Ngayon, kung talagang walang silbi si husband and you want to let him know that enough is enough at kailangan syang mag banat ng buto at mag contribute man lang - let him be sa nanay nya muna para makapag-isip isip at mag usap kayo nang masinsinan after umalis na si father.

Something tells me na ginagawa lang excuse ni hubby na di sya nakapagtapos ng college kaya hindi sya nagtratrabaho...Hindi din magandang senyales na at the age that he is, plus lecture ni father in law nya (na may point naman) bigla syang tatakbo sa nanay nya...

ikaela

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #404 on: April 18, 2013, 03:37:34 pm »
honey_koh: I'm in the same situation as you are, minus the long maternity leave and the older 2-year-old kid. At first, my husband did not help around the house and was even impatient with our newborn baby.

What I did was I put my stern face on, sat my husband down, and told him point blank: "I need you to make better decisions. Baka nakakalimutan mo sino sa atin ang nanganak". Plus other things I'm not happy with. That made him feel really guilty. Ayun, umayos siya and now I'm happier, baby is happier, and our home is happier. There is a better work-family-life balance for all of us now.

I suggest straight out telling your husband to help you. Don't ask or nag -- tell him "I need you to help with this, this, and this". Lay it out for him what you need help with, be it chores or the baby. Being your husband, he shouldn't make excuses or deny you. Also, don't wait 'til you're full of it already, it would only make things worse.

If you can also find someone, a friend, a relative, or a hired sitter, to help you out, it would also be such a relief for you and your husband.
« Last Edit: April 18, 2013, 03:39:10 pm by ikaela »

euwie

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #405 on: April 18, 2013, 04:55:17 pm »
^sis beijhing, share ko lang sa yo experience namin ni mister.

Ldr kami from 2005- january 2010. We got married May 2009. Ok naman samahan namin, lahat ng pinapagawa ko sa kanya, ginagawa nya. Maski puyat sya, kapag gusto ko makipagchat, gigising yun. Ako pa pumipilit sa kanya na he needs to go out rin paminsan minsan, kasi ang nangyayari, mostky bahay office lang sya. Shifting sched ko dito sa uae, tapos nung 2009, naging FA ako.

Anyway, come nov 2009, may officemates mister ko na nagsabing ginagamit daw mister ko ng babaeng kinaiinisan nila sa office. Kasi daw si babae, iba daw talaga ang kalaguyo, ginagamit lang mister ko para daw hindi halata kasi 3 silang close. So naasar na ako sa babaeng yun, kasi pati mister ko sinasali pa nila sa kalokohan nila. I confronted mister, sabi nya wala daw syang alam dun. Nagkagalit galit si mister at yung 3 officemates nyang nagsumbong sa akin. Nagkabati rin sila nung nalaman ni mister na ang sinasabi namang may relasyon ay yung babae at yung isa pa nilang friend, akala daw kasi nya sya at yung babae ang sinasabi nilang may relasyon. Sa mga away away namin na yun, nagdare pa si mister na payag daw syang maghiwalay kami kung totoo daw sana sinasabi kong may kabit sya. E wala naman daw. He even swore na mag crash pa eroplanong sasakyan ng parents nya, wala daw talaga syang kabit.

Feb 2010, mister joined me here in uae. March 2010, nahuli ko sa ym ni mister sa cellphone nya yung conversation nila ng babaeng yun. Omg. Sila pala talaga ang magkabit!!!! Turned out, 2007 pa daw nagsimula ang kanilang landian. Nakakatakas si mister sa akin kasi shifting ako tapos naging FA pa. Saka ko lang nabigyan ng pansin talaga ang pictures nila sa multiply pati ang videos. How can i be so blind? I trusted him so much. To think halos maghiwalay na kami ni mister nung nagkakagulo kami nung 2009, he crushed my heart!

Ok nakami ni mister ngayon. Pero napakahabang proseso, and it took years para maging ok kami ulit. To be fair with him, lagi sya bumabawi. Buhay reyna ako sa kanya. Ok lang rin, nakaganti ako dun sa kabit nya. Oct 2010 umuwi kami para kunin last pay ni mister, nagkrus landas namin. Pagkalakas lakas ng sampal ko sa kanya lumipad ulo nya e.

What i'm trying to say here is, always keep your eyes open. I was blinded by love to see what was obvious. I never blamed myself for what happened dahil alam ko sa sarili ko wala akong ginawang masama. At may usapan kami dati na kung isa sa amin makakita ng iba, sabihin dapat para hindi na umasa yung isa, and we both should understand and accept it kasi ldr kami nun. Pero nung kinasal na kami, syempre ibang usapan na yun. Marriage sealed it already e, kaya dapat kaming dalawa na talaga for better or worse. Sorry napahaba post ko.

glamorosa_09

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #406 on: April 18, 2013, 06:36:57 pm »
@sistah

I suggest you research about adult adhd. Try mo lang magbasa sis. Most often, they cannot complete a task, jumps from one activity to another, have hard time focusing.

beijhing

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #407 on: April 24, 2013, 05:08:44 pm »
^sis beijhing, share ko lang sa yo experience namin ni mister.

^^salamat sis euwie. sa ngayon, we dropped the issue na. well akala nya ganon pero I AM KEEPING MY EYES OPEN 0_0

ang pinagkaiba kasi natin sis, you found solid evidence about his affair sa phone nya so walang kawala. ako kasi yung phone call and pictures lang ang hawak kong ebidensya. im not saying they meant nothing pero kung sabihin nyang may naninira lang sa kanya or wala namang ibig sabihin mga pics na yun, wala na kong iba pang hawak na proof. kaya nga talaga naisip kong mag-hire ng investigator. pero sa ngayon balik muna kame sa dati, im praying to God na kung may dapat talaga kong malaman, Sya na gumawa ng paraan. nakakastress din kasi na pigain ko sya tapos wala naman ako makuha, ako rin nahihirapan. benefit of a doubt na lang  :-\

momentum

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #408 on: April 26, 2013, 11:03:12 am »
^^ sis gnrn_026, what's holding you back from leaving him? based on your post parang hindi naman siya nagwowork kasi sabi mo palamunin lang siya and bagsak sa board. So out na sa factor ang financial dependence mo sa kanya as a reason for not leaving him

based on your post, lahat na ng klaseng support di niya binibigay sa inyong mag-ina,. which then brings me to the question again: what's stopping you from leaving him?  :-\

palamig

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #409 on: April 26, 2013, 08:05:55 pm »
paano naman kung si mister may kinalolokohan sa text.na nagagawa nya gising magdamag kausap yun..parang invisible na lang ako sa harap nya.

chedz.03

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #410 on: April 27, 2013, 10:02:22 pm »
Sis palamag- did you talked to your husband about that? For me, if you are not comfortable then tell him. Parang ano ba pinag-uusapan nila at
Gising sya magdamag kakatetxt? If i'm the wife lalo pag girl ang katxt nya, sasabihin ko sa girl kung ayaw nya matulog pwes wag nya idamay asawa ko. At kung ganun si hubby, sasabihin ko, matutulog ka ba o gusto mo durugin ko cellphone mo pati nadin ang ka-[textspeak!] mo. LOL amazona lang ang peg hehe.... Just kidding.

drag0nfly

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #411 on: April 29, 2013, 03:06:02 am »
Mga sis, bago palang ako sa GT so di pa ako makapag start ng new topic.  Dito ko nalang ilagay problem ko.

It seems that my husband does not want to work.  Mag 1.5 years na siyang walang trabaho.  Parang wala siyang drive to work.  Galing siya sa call center and ok naman ang position nya dati, supervisor.  Tapos nagresign siya kasi gustong mag business.  Nagawa naman niya yun kaso saglit lang and yung kinita niya dun ngayon halos wala na.  Actually hindi ko nga alam kung san siya kumukuha ng pera lately kasi di naman ako nagtatanong.  Sawang sawa na ako mag encourage sa kanya na maghanap ng trabaho kasi ilang beses as in ilang beses ko na siya pinagsasabihan/pinapakiusapan to start looking for a job (in a nice, loving way para wag ang dating is nagger ako).  Lagi nyang sinasabi na oo daw maghahanap na daw siya, pero wala naman akong nakikitang effort.  Nag offer na din ako na hanapan siya online and to send his resume din pero ayaw, gagawin naman daw niya yun.  Pero wala talga eh.  Day in, day out, kung hindi nakatambay dito sa bahay eh nasa labas with friends. 

Fortunately, di ako dependent sa kanya because I am earning well.  Kaso may pagka-old fashioned pa din siguro ako na dapat good provider ang lalaki.  Kaso sa nangyayari samen, ni hindi ko na nga hinihingi na malaki ang kitain nya.  Basta may steady job siya masaya na ako.  Sabi kasi siya ng sabi na feeling daw nya he's not cut out for the corporate life kasi ayaw nya ng de numero ang ginagawa nya.  Gusto nya talga negosyo.  Ang saken naman is, wala ka pa ulit pang capital for a new busines so magtrabaho muna traditionally sa isang company, mag ipon, then saka ka mag negosyo ulit.  Alam naman nya na hindi ko kayang punan ang capital kasi I'm still paying for my car, plus the monthly bills and savings din.  Hindi naman nya ako nirerequire na maglabas ng pera for negosyo, but still dba, anong plano nya sa buhay.  Buti nga wala pa kaming anak.  Yun pa, gusto na namin sana magkaanak pero pano naman yun ako lang ang kumikita?  Nabobother talaga ako and hindi ko na alam ang gagawin ko para kumilos siya.  Dinadaan ko nalang sa matinding dasal.  Nagtatanong na nga ang mom ko kung ano na daw ba ang work ni hubby pero nagsisinungaling na lang ako na merong mga sideline kasi ayokong masira siya sa mata nila. 

Mabait ang asawa ko pero eto talga ang nakikita kong problema sa kanya.  I told him that he's not getting any younger and baka mahirapan na siyang makahanap ng work kung hindi pa sya kikilos.  Minsan nga gusto ko nalang sumabog at sabihin sa kanya na hindi ka ba nagsasawa sa ginagawa mo araw-araw?  Gumigising araw araw na walang purpose, walang productive na naa-accomplish?  Hay talga mga sis.  Hope you can share you advice.  Salamat.

k_heart

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #412 on: April 29, 2013, 08:43:47 am »
^sis Dragonfly, ano ba talaga ang passion ng hubby mo? siguro from there, he or both of you can
pick kung ano ang bagay na business for him. Hindi naman kailangang malaki or bongga ang business.
mas ok actually, if he will start sa small business lang to test the waters ika nga. may mga lalaki
or even babae kasi talaga na hindi cut-out for corporate world. ganyan yung brother ko,
nagtrabaho din sa hotel for more than a year pero di nya carry. Then ayun nakahanap ng small business
na talagang pasok sa hilig nya. Ayun,ok na sila ng arrangement ng wife nya. Wife is a nurse naman.
Tyagain mo na lang your hubby and don't nag him but remind him or talk to him re what he really
wants for a business. Tricky at nakakainis na siguro talaga pero you need pasensya kasi hindi mo
naman pwede ibalik yung husband mo sa parents nya.he!he!

Sis Honey_koh, magkakasunod ang babies namin ni hubby ko at working mom din ako. At yung
hubby ko ay military officer so pagka panganak ko, 2 weeks lang sya present then balik
na sa far-flung places kung san sya assigned, I remember na years talaga na puyat ako dahil
sa sleeping at eating sked ng mag babies pero nasurvived ko at nasurvived ng maraming mommies
without help sa hubbies nila. Don't expect from him masyado lalo na at kakaiba naman pala ang sked
nya. Get a yaya asap.

brattilee

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #413 on: April 29, 2013, 11:57:51 am »
Sissies, help naman. Medyo mababaw lang pero nalulungkot ako. I've known hubby as a very reserved guy. He's not expressive nor makwento,I've learned to accept that in him or just I thought.

Oftentimes,super pinipilit ko siya magkwento, mag-open ng feelings nya ganyan. Tapos may nakasama kami yesterday na friend nya. Super kwento siya as in ang daldal nya talaga. Tapos doon ko lang din narinig mga opinions nya about certain things. I know this is really mababaw. I don't know if I'm just being sensitive or what pero nahurt talaga ako. Ang feeling ko hindi kaibigan ang turing nya sa akin samantalang ako he's my bestfriend. I practically tell him everything. Basta nakakalungkot.

k_heart

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #414 on: April 29, 2013, 03:17:59 pm »
^ ilan years na ba kayong married sis?

brattilee

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #415 on: April 29, 2013, 05:38:18 pm »
Mag 4 years sa May. Humupa na tampo ko kasi napunta ako sa isang thread na nagparealized sa akin gaano kabait si hubby. may flaws lang talaga na kailangan tanggapin at intindihin.

anyway, mababaw ba? may point naman ako diba? haha. kulit!

sweetpea blush

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #416 on: April 29, 2013, 06:12:41 pm »
^ brattilee kahit naman siguro ako sis magtatampo... i for one.. sinasabi lahat sa hubby ko tapos sya may reservation.. di sa ginagatungan kita.. pero siguro sadyang reserved na tao sya at mas nakakapagkwento lang sya ng todo sa guy friends nya .. try to talk about the things he likes, or issues na sa tingin mo interesting for him... kausapin mo lang without demanding anything...sanayin mo lang na ganun kayo.. eventually he will be voicing out his opinions to you...and hopefully will be talking to you the way you wanted him to open up to you.

brattilee

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #417 on: April 29, 2013, 08:00:57 pm »
yes. diba, nakakatampo talaga? ako kasi maski nadapa yung kapitbahay, pwede ko ikwento. although magaling naman siya makinig. at lahat naman pinapakinggan nya maski nonsense.
actually, ang kinakatampo ko lang naman talaga is yung pagiging open nya sa ibang tao at hindi sa akin. more of yun talaga e.

thanks sa advice sis.

k_heart

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #418 on: April 29, 2013, 11:33:03 pm »
^4 years actually is still not that long for a couple, may mga adjustment adjusment pa sis.
siguro may hiya factor pa sya. although i understand na nakakasama nga ng loob in a way.
sa mag asawa kasi iba't ia rin ang length ng adjustment period. in a way, lucky ka pa din sis kasi sya
naman ay always a willing ear.
tama si sis sweetpea, try to talk about his interest,wag mo din madaliin. at least sa guy friends nagku-
kuwento and not sa girl na friends.
kahit ako naman, may mga things na sa mga babae na friends ko mas madali ikuwento or ishare
more tha my husband kasi sometimes feeling ko mas maiintindihan nila ako kesa sa husband ko.
pero hindi naman sa lahat ng bagay. so baka ganun din yung hubby mo.

brattilee

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #419 on: April 30, 2013, 11:02:42 am »
Ang galing ang mamature nyo na. Ang saya saya talaga dito naeenlighten ka. Tapos kapag nasusulat mo na yung sama ng loob mo somehow gumagaan yung pakiramdam.bago pa lang kasi ako dito pero ang dame ko na natututunan.

Kinausap ko na si hubby. May linya pa ako na "I was never your friend,I'm just your wife" hahaha. Tapos nagpromise naman siya na itatry daw nya.we'll see.

Thanks super mga sis!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close