^sis beijhing, share ko lang sa yo experience namin ni mister.
Ldr kami from 2005- january 2010. We got married May 2009. Ok naman samahan namin, lahat ng pinapagawa ko sa kanya, ginagawa nya. Maski puyat sya, kapag gusto ko makipagchat, gigising yun. Ako pa pumipilit sa kanya na he needs to go out rin paminsan minsan, kasi ang nangyayari, mostky bahay office lang sya. Shifting sched ko dito sa uae, tapos nung 2009, naging FA ako.
Anyway, come nov 2009, may officemates mister ko na nagsabing ginagamit daw mister ko ng babaeng kinaiinisan nila sa office. Kasi daw si babae, iba daw talaga ang kalaguyo, ginagamit lang mister ko para daw hindi halata kasi 3 silang close. So naasar na ako sa babaeng yun, kasi pati mister ko sinasali pa nila sa kalokohan nila. I confronted mister, sabi nya wala daw syang alam dun. Nagkagalit galit si mister at yung 3 officemates nyang nagsumbong sa akin. Nagkabati rin sila nung nalaman ni mister na ang sinasabi namang may relasyon ay yung babae at yung isa pa nilang friend, akala daw kasi nya sya at yung babae ang sinasabi nilang may relasyon. Sa mga away away namin na yun, nagdare pa si mister na payag daw syang maghiwalay kami kung totoo daw sana sinasabi kong may kabit sya. E wala naman daw. He even swore na mag crash pa eroplanong sasakyan ng parents nya, wala daw talaga syang kabit.
Feb 2010, mister joined me here in uae. March 2010, nahuli ko sa ym ni mister sa cellphone nya yung conversation nila ng babaeng yun. Omg. Sila pala talaga ang magkabit!!!! Turned out, 2007 pa daw nagsimula ang kanilang landian. Nakakatakas si mister sa akin kasi shifting ako tapos naging FA pa. Saka ko lang nabigyan ng pansin talaga ang pictures nila sa multiply pati ang videos. How can i be so blind? I trusted him so much. To think halos maghiwalay na kami ni mister nung nagkakagulo kami nung 2009, he crushed my heart!
Ok nakami ni mister ngayon. Pero napakahabang proseso, and it took years para maging ok kami ulit. To be fair with him, lagi sya bumabawi. Buhay reyna ako sa kanya. Ok lang rin, nakaganti ako dun sa kabit nya. Oct 2010 umuwi kami para kunin last pay ni mister, nagkrus landas namin. Pagkalakas lakas ng sampal ko sa kanya lumipad ulo nya e.
What i'm trying to say here is, always keep your eyes open. I was blinded by love to see what was obvious. I never blamed myself for what happened dahil alam ko sa sarili ko wala akong ginawang masama. At may usapan kami dati na kung isa sa amin makakita ng iba, sabihin dapat para hindi na umasa yung isa, and we both should understand and accept it kasi ldr kami nun. Pero nung kinasal na kami, syempre ibang usapan na yun. Marriage sealed it already e, kaya dapat kaming dalawa na talaga for better or worse. Sorry napahaba post ko.