I want to know what did you do after you discovered that he cheated on you and what did you do to move on?
*** I still haven't moved on, I just found out about the "cheating" nung July 20 lang, pero the "cheating" happened last July 13, 2013, yan yung date kung saan sila una nagkita at nag sex ng ka affair nya.
After I found out about the cheating, I dug deeper, kinausap ko ang girl, pinaamin ko sya sa details ng affair, and I made sure to screenshot everything. Gusto ko may bala ako in case I would file for annulment.
I asked some people na hindi ko ka close, ayoko sa mga taong friends ko dahil magiging bias sila sa advice nila.
Is your relationship still ok? Are you still together?
*** We're still together, OK? No definitely not. Gusto ko makipag hiwalay, ayaw nya, nanghihinayang din ako, and somehow may galit sa puso ko para sa mga babae, pero mas galit ako sa kanya. Minsan nakakalimutan ko ang galit kasi nakikita ko naman nag eeffort sya, pero pag minsan nahuhuli ko sya magsinungaling kahit sa slightest reason, talagang galit na galit ako sa kanya at bumabalik lahat. Lagi naman nyang sinasabi na gagawin nya lahat maging ok lang kami. Mahirap kasi ngayon asa abroad sya.
Do you still feel the pain of what happened?
*** Sobra sobrang pain, umabot pa sa point na blamed myself, marami sya ka flirt since April ko lang nalalaman ang lahat, until nitong July para akong sinampal sa mukha, marami syang ginagawang kababuyan sa YM, marami syang SOP, sex on chat, etc. Pero hindi ko ini expect na meron syang magiging kabit dun, as in literal na kabit that went on for months. Until the day na nalaman ko, may communication pa sila nung babae. Till now galit na galit ako, kahit nangako ako na hindi ko gagantihan ang babae, on the side, gumagawa na ako ng ways, kahit ayoko pero pinipigilan ko parin ang sarili ko.
Do you still trust him after that? what did you do to bring the trust back?
*** No, and honest ako sa kanya when I told him na ang trust ko sa kanya asa negative na, na isang beses ko pa syang mahuling mag sinungaling sa kahit na pinasimpleng bagay, wala na kami. Wala akong idea kung mababalik pa ang dati, dahil ilang taon din ang dumaan na niloloko nya ako ng hindi ko alam.
do you still feel that maybe he is still with someone else or still with the old sl*t that broke your trust and faith in him?
*** Alam ko namang wala na, pero minsan pumapasok sa isip ko na baka nagko communicate pa talaga sila nung mga babae nya, lalo na yung kabit, pag umaabot sa ganun, inaatake ako ng galit at sya napagbubuntunan ko.
Share your experiences and thoughts about this....
Umaabot kami ng halos 20hrs a day sa skype, dahil lagi ako nakabantay na, kailangan bawat galaw nya alam ko, lahat ng password ng email, facebook, wechat nya alam ko. Kung may di ako kakilala na nag message sa kanya nagiging away talaga. I'm slowly becoming a monster, na madalas pinag sisisihan ko kung bakit di nalang ako makipag hiwalay at ini stress ko ang sarili ko sa buhay ko sa kanya.
Ngayon, unti unti na akong natutukso sa iba, ayoko mangyari pero at the back of my mind, gusto ko makaganti. Pinagpe pray ko parin na ilayo nya ako sa tukso.