Hello mga sis. Ive been reading only girltalk thread pero di ako nag reregister. But now ginawa ko, kasi tulad ng iba, ive been cheated by my husband. Worse malapit lang sa lugar namin yung girl, 3blocks away at nagkaanak pa sya. Ako pa ang nakadiskubre, 8mos preggy na ako that time at yung anak nya sa iba ay 4mos na. Di ko nililikot ang cel ng asaw ko pero that night ginawa ko at nakita kp pix ng anak at nung babae. Itinangi nya hanggang sa napaamin ko sya. Di ko alam kung matatag ba ako pero di ako makaiyak, ni hindi ko nga sya sinaktan o pinagpapalo like the usual na teledrama. Nasabi ko lang, mahal ko sya pero kailangan kong mag-isip.
Sinabi nya sa akin na nung nabuntis nya, naghiwalay na sila at pinauwi nya sa probinsya nila yung babae, kasi nahihiya daw sa akin. Yun nga lang nagpapadala sya sustento paunti unti. Nagsisisi daw sya kasi wala naman ako ginagawa masama nagawa pa nya yun, binibigyan ko pa nga family nya kasi sa amin umaasa magulang at kapatid (as in kapag may kailangan kami at maluwag ako sa pagbibigay kasi im just sharing our blessings) Dahil actually nagbubusiness kami at ako mismo yung mas incline, tipong pag tumigil ako wala na income, sya yung support pag may delivery o kailangang bilhin sa labas, etc. Sa totoo nga wala pa nga ako sinasabihan ng naging sitwasyon namin kahit kapatid kong babae at bestfriend ko, kahit close kami. Kasi nahihiya ako sa kanilang umiyak, kasi tingin nila strong personality ako, kasi parang mapapahiya ako na pinagmamalaki ko asawa ko kung gaano ako kamahal at gaano ako katiwala na di nya gagawin yun, yun pala magagawa nya sa akin yun. Ni hindi pumasok sa isip ko o pinagdudahan ko man lang asawa ko kahit sinasabi ng bestfriend at kapatid ko na baka may babae. Sobrang luwag ko din naman kasi, pag aalis nga magpapaalam lang, di man lang tatanungin kung ok lang ba sa akin. Tapos sabi ko hanggang 12pm lang sya, umuuwi 3am. Pag di naman naalis nasa labas ng bahay, 12pm na lagi pumapasok ng bahay kasi tinawagan ko ng umuwi sya. Pero pinagaawayan namin yung ganung pagiging matropa nya, na lagi ko nga syang niyaya ng hiwalay kung mas gusto nya tropa nya. Kasi maghanap kako sya ng babae na papayag sa ginagawa nya, pinapayagan ko na nga sya pero bigyan nya kako ng limitasyon. Pero wala, tipong pag tinawagan mo 20 missed calls, nakakagigil sobrand iyak ako lagi.
Tapos mas matindi pala ang sakit na maloloko ka. Ang sakit sakit pala, sobrang sakit, sya lang kasi ang naging lalaki sa buhay ko, 1st and last. Pag binibiro ko nga sya baka nambabae na sya pero lagi nya sinasabi, nakatingin ang Diyos, at saka ayaw nya broken family. Saka bago kami ikasal 8 years naging kami, daming babaeng nagpapakita ng motibo, kinukwento nya lang sa akin. Akala ko talaga sobrang kilala ko na. Hindi sya nawawalan ng i love you na salita sa akin, lagi nyang sinasabi mahal na mahal nya ako kahit nung di ko pa nadidiskubre.
Pero yun, ang inisip ko pa din anak ko dahil dalawa na at ayoko ng broken family. Di ako nagagalit sa babae kase napakabata, parang 18, e 33 na kami. Sabi ko lang ayoko ng may kontak pa sila. Napakamartir ko pa nga kasi naawa ako sa bata kaya nagpadala pa nga ako pera 30k para may pang start sila at di kokontak s asawa ko para humingi ng pera. Sabi ko magtayo tindahan kamo. Kasi kami nagsimula sa 20k lang at pautang utang pero ngayon, ok na yung negosyo namin.
Ngayon nagbago na nga sya, nagpapaalam na sa akin, di naglalabas ng bahay, laging gusto akong yapos, tapos i love you ng ilove you. Pero parang di na pumapasok sa isip ko yung i love you nya. Sabi ko nga sa kanya sana ginawa mo yun nung di pa tayo mag asawa kasi ngayon kahit sinabi kong napatawad ko na sya bakit nasasaktan pa din ako, bakit di mawala sa isip ko yung ginawa nya. Parang pakiramdam ko ginagawa nya yun kasi nasaktan nya ako. Na baka hindi nya na talaga ako mahal kasi. Na baka di nya lang ako mahiwalayan kasi masarap ang buhay nya ngayon, may sasakyan, may sustento pamilya nya, out of town vacation, etc. Paano ba ireset ang isipan ng tao kasi parang awang awa ako sa sarili ko e. MInsan tinanong ko sya kung mahal nya ba talaga ako, sabi nya mahal na mahal kita, natukso lang ako kasi bata, makinis, nilapitan sya o nagpakita ng intensyon. Ang realidad daw kasi ng buhay 90% ng lalaki nagagawa yun, dahil sa layaw ng laman. Pero kahit ilang beses nya daw ulit ulitin na mahal nya ako, kung di ko man daw paniniwalaan, sana di ko na daw sya pinatawad. Kasi paano ko daw sya pagtitiwalaan ulit. :-(