Author Topic: After discovering that he cheated, how did u move on? ok pa kayo or hindi na?  (Read 182070 times)

feisty_angel4

  • Guest
pa join mga Sis, I am in the same boat with you, I can truly relate.

smoothie

  • Guest
this happened to me 3 weeks ago. to be specific, i confirmed everything on valentine's day. ang saya diba? :)

What did you do after you discovered that he cheated on you and what did you do to move on?
- since we were living with his family, i said goodbye to them, pack up our things (me & my kids), destroyed his collection, confronted the girl without him knowing that it was my plan that day. then did not talk to him for 2 weeks. we are working things out. i'm still trying to move on. it's hard.

Is your relationship still ok? Are you still together?
yes and we are working things out. he apologized for what has happened and we made conditions/terms that we think would be beneficial for our marriage. but honestly, we just got back last week so it's still too early to tell.

Do you still feel the pain of what happened?
definitely, that it's killing me. i'm trying to keep my mind busy so that i can't think about it.

Do you still trust him after that? what did you do to bring the trust  back? still to early to tell.

*CuTiE*

  • Guest
i experienced this when we were still at the bf/gf stage... na-forgive ko naman and now, we're married... but there are times na medyo nagdududa na gagawin nya ulit... and its been like 5 or 6 years ago na. so mahirap ibalik yung trust... at nakaka-praning...  ;)

blue19

  • Guest
stage ba talga ito sa marriage na we all have to go through?!  hindi nga tyo nag-iisa pero ang dame pala. sana wala na lang ganito... :(

euwie

  • Guest
^sana nga sis e. dapat kasi, may law against mga kabit to protect wives as well. kasama yun sa 10 commandments ha. isipin nyo, the kabits can emotionally hurt the legal wives tapos tayong mga legal wives walang magawa, kasi anong isasampa nating kaso sa mga magnanakaw ng asawa? tapos si legal wife kapag makita si kabit, syempre nafufrustrate, ang gagawin, mananampal si legal wife. tapos sino pa ang pwedeng makasuhan? si legal wife kasi nanakit physically. daya di ba. pero napaisip ako bigla. siguro kasi sa dami ng may kabit sa politika, imposible tong mangyari. ayayay asar!

fegloria1954

  • Guest
^sana nga sis e. dapat kasi, may law against mga kabit to protect wives as well. kasama yun sa 10 commandments ha. isipin nyo, the kabits can emotionally hurt the legal wives tapos tayong mga legal wives walang magawa, kasi anong isasampa nating kaso sa mga magnanakaw ng asawa? tapos si legal wife kapag makita si kabit, syempre nafufrustrate, ang gagawin, mananampal si legal wife. tapos sino pa ang pwedeng makasuhan? si legal wife kasi nanakit physically. daya di ba. pero napaisip ako bigla. siguro kasi sa dami ng may kabit sa politika, imposible tong mangyari. ayayay asar!

euwie, ang daming punto sa mga binanggit mo about the travails of a betrayed wife.  Ang hirap talaga - kailangang i-prove mong ibinabahay.  E paano na kung  hindi naman ibinabahay, para nga hindi mabato ng  concubinage?

euwie

  • Guest
^^kaya nga sis fe e. I think dapat gawan ng law, Hindi yung binabahay Lang, kasi Hindi lang naman kapag binahay ang isang babae e dun Lang masasabi na kabit sya. Alam mo sis fe, I am doing my best para maka move on pero talagang sobra sobrang hirap. Kasi ganito rin talaga ako, Hindi talaga makalimot. We really wanted to attend the retrovaille program pero limited Lang time namin whenever we go for vacation kasi ofw kami. Nagpaalam nga ako sa manager ko to extend my leave sa May para makapag marriage counselling Pero di ako pinayagan. Hindi Nya naiintindihan ang impact ng marital problem namin. :( kaya what we plan to do is have a fun filled vacation para super bonding kami pero alam ko iba pa rin Kung may attend-an kaming program for hurting couples like us. hay :(

eimerej5

  • Guest
sis euwie, mahirap talaga when your partner betrayed your love and trust...

for me i really don't believe in the forgive and forget thingy... Because how can someone forget such betrayal and pain... yes, pain do subsides as time passes by but to forget what happened? i dont think so... not unless you'll hit your head hard and have amnesia! lolz!

kidding aside.... i did have forgiven my husband but will never forget that once in our marriage life that he flirted with someone... sometimes i still feel the pain but we are working things out.. its been a yr since i confronted him... but he showed me he was sorry and still is trying to win my whole trust and love again...

passionfruity

  • Guest
euwie, ang daming punto sa mga binanggit mo about the travails of a betrayed wife.  Ang hirap talaga - kailangang i-prove mong ibinabahay.  E paano na kung  hindi naman ibinabahay, para nga hindi mabato ng  concubinage?

And to add narin, sa pagkakaalam ko kelangan caught in the act talaga na nagtatalik before magkaruon ng kaso if my idea is correct. So kelangan pa talagang hintayin na may mangyari bago gumawa ng action. Eh di ba prevention is better than cure dapat?

eimerej5

  • Guest
bakit nga ba napaka unfair ng batas about sa paghuli sa asawang nangangaliwa... dapat nasa ganun
situation mo mahuhuli sila... kaya madami ang natutuluyan dahil sa nahuli nga in the act na nakikipagtalik sa iba ang mga partners nila... d b sa mga news is napatay ang asawa or bf or gf dahil nga sa nahuli... hayz... ang hirap talaga...

tapos kapag girl ang gumawa super bad ka na... kapag guys, wala lang... parang ang pogi pa nila di ba... ump!

Tigershark09

  • Guest
Any pain requires healing. I think its harder to deal with the emotional pain of betrayal than any other physical pain. Lalo na siguro yung first time mo nalaman na niloloko ka. At hindi madaling makalimot, mas madali pang magpatawad. You doubt yourself, your partner, you doubt everyone around you. Yuo feel shameful, revengful and very angry. Let yourself heal. Leaving the realationship right away withoug giving it a good a fight is a sign of cowardness. May ilan-ilan lang mga cases na masasabi ko na iwan mo na ang mister mo, yan siguro ay kung wala na talaga siyang pagmamahal, walang remorse, walang guilt.  Pero kung minsan pa lang nangyari, umiiyak, nagmamakaawa at humihingi ng second chance, I'd say go for it. Make it work! Wala namang perpektong tao. It will not be easy especially sa taong niloko but it will be worth it in the end. This will bring you closer and your relationship stronger. Pero kung ulitin pa ulim patayin mo na! hahaha!

eimerej5

  • Guest
sis tigershark has a point.. if it happened once give him another chance to redeem himself... if he fails well thats another story...

ask ko lang mga sis, naiinis kasi ako... usapan namin ni hubby no more erasing of text msg pero when i check our cell bill and compare it with the texts on his cell, may mga msgs pa din siya na binubura... i wanted to ask him but i am trying so hard not to kasi ayoko naman isipin niya na im spying or not trusting him... kaya lang nakakainis na... i thought he is being honest pero may secrets pa din...

ano ba ang magandang gawin? advices naman o... how can i trust him completely again kung ganun naman ang ginagawa nya... hindi naman lahat ng msg binubura may mga ilan lang, its like omitting it from being read.. i dont know why... kung wala naman ibig sabihin yung mga text na yun, i mean if theres nothing malicious about it, why delete it right?! kung wala lang talaga un...

naloloka na ako kakaisip dito... isa pa lagi nya kasama un kasi nga officemates sila and they are in the same dept.. they all eat together.. tinetext niya or tinetext siya na kakain na pero its a group msg kapag siya ang ngtext, its for all. wala naman masama sa text na un pero ang kinaiinisan ko yung reply erased from that particular person lang naman ang lagi niya binubura... i dont know what to think na...

smoothie

  • Guest
we are more or less in the same situation. sa akin naman it has come to the point na nasasakal siya sa kaka-check ko. so what i did was i just let it go. hindi ko na tinitignan yung cellphone para wala ng temptation.

but he knows na wala akong trust sa kanya. bahala na.

what i did na lang was that take into considerations yung parang naging complaints niya sa akin. tapos kung ulitin pa niya yun. sa kanya na talaga ang problem.

eimerej5

  • Guest
sis smoothie, ako naman i did try and still am trying not to
ask him about it. until now,  i am not asking him kung bakit ganun. when we already
have an agreement or rather lets say we already talked about it nawala ngang burahan ng msgs...
ang sa ken lang,if he really is true to his words and sincere to what he told me then bakit ganun pa din?
id rather know even if it hurts than being betrayed or fooled... i dont want to be the last to know.


Tigershark09

  • Guest
well, ako din dati ganyan. away kami sa text ni hubby pero wala, tinigilan ko na rin. kasi magkakasakit lang ako ng kakaisip, wala namang matutulong sa akin or sa aming dalawa. Kaya isang araw na lang wala na akong care. hindi ko man lang hinahanap yun celfone niya, wala akong pake kapag tumutunog at lalong hindi ko binabasa kung ano ang nandon. Sinabi ko lang sa kanya 'wag ka nang mag-effor pang mag-delete diyan dahil wala na akong care! mapapagod ka lang! huwag ka lang papahuli dahil hindi ka makakalabas ng buhay sa bahay na to...ha ha ha!" Aba! reverse psychology nga, dahil siguro hindi ko na siya hinuhuli, tinamad na rin ang lokong mag-text. as in maghapon di niya ginagamit ang cp nya, pakalat-kalat lang sa bahay. wala na kasing effect sa akin kaya wala na ring thrill sa kanya ;)

smoothie

  • Guest
^bwisit talaga mga lalaki. nakakainis.

eimerej5

  • Guest
hay... bakit ba ganun? sila na nga ang mat ginawang mali pero sila pa ang galit kapag natatanong?!

why oh why??

feisty_angel4

  • Guest
Ayy, pa-join din mga Sisses about this cp thing... sa akin nama, kinuha ko yung dalawang cp's hehe..para wala talaga kaming pag aawayan..^^

bakitako

  • Guest
Hello mga sis. Ive been reading only girltalk thread pero di ako nag reregister. But now ginawa ko, kasi tulad ng iba, ive been cheated by my husband. Worse malapit lang sa lugar namin yung girl, 3blocks away at nagkaanak pa sya. Ako pa ang nakadiskubre, 8mos preggy na ako that time at yung anak nya sa iba ay 4mos na. Di ko nililikot ang cel ng asaw ko pero that night ginawa ko at nakita kp pix ng anak at nung babae. Itinangi nya hanggang sa napaamin ko sya. Di ko alam kung matatag ba ako pero di ako makaiyak, ni hindi ko nga sya sinaktan o pinagpapalo like the usual na teledrama. Nasabi ko lang, mahal ko sya pero kailangan kong mag-isip.

Sinabi nya sa akin na nung nabuntis nya, naghiwalay na sila at pinauwi nya sa probinsya nila yung babae, kasi nahihiya daw sa akin. Yun nga lang nagpapadala sya sustento paunti unti. Nagsisisi daw sya kasi wala naman ako ginagawa masama nagawa pa nya yun, binibigyan ko pa nga family nya kasi sa amin umaasa magulang at kapatid (as in kapag may kailangan kami at maluwag ako sa pagbibigay kasi im just sharing our blessings) Dahil actually nagbubusiness kami at ako mismo yung mas incline, tipong pag tumigil ako wala na income, sya yung support pag may delivery o kailangang bilhin sa labas, etc. Sa totoo nga wala pa nga ako sinasabihan ng naging sitwasyon namin kahit kapatid kong babae at bestfriend ko, kahit close kami. Kasi nahihiya ako sa kanilang umiyak, kasi tingin nila strong personality ako, kasi parang mapapahiya ako na pinagmamalaki ko asawa ko kung gaano ako kamahal at gaano ako katiwala na di nya gagawin yun, yun pala magagawa nya sa akin yun. Ni hindi pumasok sa isip ko o pinagdudahan ko man lang asawa ko kahit sinasabi ng bestfriend at kapatid ko na baka may babae. Sobrang luwag ko din naman kasi, pag aalis nga magpapaalam lang, di man lang tatanungin kung ok lang ba sa akin. Tapos sabi ko hanggang 12pm lang sya, umuuwi 3am. Pag di naman naalis nasa labas ng bahay, 12pm na lagi pumapasok ng bahay kasi tinawagan ko ng umuwi sya. Pero pinagaawayan namin yung ganung pagiging matropa nya, na lagi ko nga syang niyaya ng hiwalay kung mas gusto nya tropa nya. Kasi maghanap kako sya ng babae na papayag sa ginagawa nya, pinapayagan ko na nga sya pero bigyan nya kako ng limitasyon. Pero wala, tipong pag tinawagan mo 20 missed calls, nakakagigil sobrand iyak ako lagi.

Tapos mas matindi pala ang sakit na maloloko ka. Ang sakit sakit pala, sobrang sakit, sya lang kasi ang naging lalaki sa buhay ko, 1st and last. Pag binibiro ko nga sya baka nambabae na sya pero lagi nya sinasabi, nakatingin ang Diyos, at saka ayaw nya broken family. Saka bago kami ikasal 8 years naging kami, daming babaeng nagpapakita ng motibo, kinukwento nya lang sa akin. Akala ko talaga sobrang kilala ko na. Hindi sya nawawalan ng i love you na salita sa akin, lagi nyang sinasabi mahal na mahal nya ako kahit nung di ko pa nadidiskubre. 
 
Pero yun, ang inisip ko pa din anak ko dahil dalawa na at ayoko ng broken family. Di ako nagagalit sa babae kase napakabata, parang 18, e 33 na kami. Sabi ko lang ayoko ng may kontak pa sila. Napakamartir ko pa nga kasi naawa ako sa bata kaya nagpadala pa nga ako pera 30k para may pang start sila at di kokontak s asawa ko para humingi ng pera. Sabi ko magtayo tindahan kamo. Kasi kami nagsimula sa 20k lang at pautang utang pero ngayon, ok na yung negosyo namin.

Ngayon nagbago na nga sya, nagpapaalam na sa akin, di naglalabas ng bahay, laging gusto akong yapos, tapos i love you ng ilove you. Pero parang di na pumapasok sa isip ko yung i love you nya. Sabi ko nga sa kanya sana ginawa mo yun nung di pa tayo mag asawa kasi ngayon kahit sinabi kong napatawad ko na sya bakit nasasaktan pa din ako, bakit di mawala sa isip ko yung ginawa nya. Parang pakiramdam ko ginagawa nya yun kasi nasaktan nya ako. Na baka hindi nya na talaga ako mahal kasi. Na baka di nya lang ako mahiwalayan kasi masarap ang buhay nya ngayon, may sasakyan, may sustento pamilya nya, out of town vacation, etc. Paano ba ireset ang isipan ng tao kasi parang awang awa ako sa sarili ko e. MInsan tinanong ko sya kung mahal nya ba talaga ako, sabi nya mahal na mahal kita, natukso lang ako kasi bata, makinis, nilapitan sya o nagpakita ng intensyon. Ang realidad daw kasi ng buhay 90% ng lalaki nagagawa yun, dahil sa layaw ng laman. Pero kahit ilang beses nya daw ulit ulitin na mahal nya ako, kung di ko man daw paniniwalaan, sana di ko na daw sya pinatawad. Kasi paano ko daw sya pagtitiwalaan ulit. :-(


engroselle

  • Guest
i feel for you sis. same boat tayo.  :'(

hubby fathered a child after we had two of ours. the girl, didn't know he was married, so they both said. pero she was 34 at that time (feb 2009). di ba sya nagtaka na ni isang kamag-anak hindi sya ipinakilala ng hubby ko? kung teenager sya, maiintindihan ko pa. pero 34???? landi na yun! desperate na siguro magkaanak kasi matanda na sya. btw, im turning 31 at that time, and hubby was turning 36...

ang hirap ng sutuation kasi kahit ikaw ang legal wife, parang ikaw pa ang naninimbang...with our case kasi, nobody knows about this. not a single soul from my family. only his brother, his wife and 10 of our friends.

the girl is not asking for support. nor visitation schedule. hubby does not insist. ayaw nya din ng gulo for me & kids, 3 na sila ngayon.

but girl has now an FB account, named after the child. andun pics nung mag-ama...after delivery and nung 2nd bday... i called hubby's attention. tinanggal ng girl. i saw it too na tinanggal nya nga. after a month, eto na naman. bumalik same pics. hindi ko inaalis na magkaroon sila ng pics mag ama. but keep it to themselves na lang. wag na nya ipost. proud pa sya? alam sa office nila yata, na may family na si hubby or baka sinabi nyang hiwalay na sila... respeto lang sa mga anak ko. dahil kami pa rin ang nagdadala ng apelyido, hubby did not give his name to the child. i have a copy of the birth cert.

i called hubby re the re-posting of pics. he told me to calm down. sabi ko kasi, ako na ang kakausap since hindi naman nakinig sa kanya. but he begged na sya nalang. baka daw kasi matrigger pa yung babae to ask for legal support. ayaw nya. ayaw nya madamay sa gulong ginawa nya ang mga bata. kasi the money that was suppose to be for them, mahahati sa kabila. and it's unfair for our kids. wala silang kasalanan... the girl naman is not asking for support, but if i piss her off, baka daw gamitin nyang leverage yun. ayaw nya ng eskandalo pa.

bakit ganun? tayo ang legal wife, pero wala tayong magawa sa ganitong sitwasyon?  :'(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close