Author Topic: After discovering that he cheated, how did u move on? ok pa kayo or hindi na?  (Read 181993 times)

bakitako

  • Guest
thanks engroselle  :) ang bait mo pa pala kasi pinapayagan mo pa sya na makita anak nya dun sa girl. dati sinabi nya sa akin na gusto nya makita, wala naman daw kasalanan bata. sabi ko kaya nga ako nagpabigay pera para wala na silang kontak. sabi ko nung ginawa nyo sana yun, naisip nyo na, na di kayo ang magsa-suffer kundi yung magiging bunga.
kamusta naman kayo ng hubby mo? paano nyo naibabalik yung dati? kasi ako parang pag nandyan sya sa tabi ko ok na ako pero pag wala na sya laging naiisip ko yung ginawa nya. kasi parang pakiramdam, pinatawad ko sya agad ng ganun ganun na lang kaya pwede nya gawin ulit.
minsan nga nakontak ako ng girl sa FB, tinawag akong karibal at ikamusta ko daw sya sa asawa nya. Di ko nireply kasi wala nga ako galit dun sa babae, dun nga ako sa asawa ko pa ako nagalit. Sabi ko pag yung babae ay manggulo dito or mag post sa wall ng kung [textspeak!]-ano at malaman ng anak nya at pamilya ko, makikipaghiwalay na ako sa kanya. tama ng ako na lang masaktan, wag na yung mga anak ko at pati pamilya ko. Ayaw ko kasing maawa sila sa akin, ayokong kaawaan nila ako, ayokong sabihing ang tali-talino mo pero pagdating sa ganyang bagay nagpakatanga ako. Paano ko ba ikokondisyon ang isip ko, kahit sabihing ayokong isipin pero laging sumasagi pa din. Kasi pag naiisip mo lagi, nakakaisip ka na dapat yata nakipaghiwalay na lang ako, dapat yata gantihan ko ito para maramdaman nya ang sakit. 

eimerej5

  • Guest
hello mga sis!

its been sometime since i log in here at FN... madami n pala ng post dito sa thread na hindi ko pa nabasa....

its really helpful to post or lets say tell our sisses here about our situation.. some of us have the same thing going on and even if not, everyone is always here to give their advices, opinions and help to us...

its a good thing that we are here to listen when no one wants to hear us and to talk when no one wants to talk to us...

It lightens the burden in our hearts...

be strong ladies... kaya natin yan... for ourselves, our family, friends and loved ones...

eimerej5

  • Guest
Hello mga sis. Ive been reading only girltalk thread pero di ako nag reregister. But now ginawa ko, kasi tulad ng iba, ive been cheated by my husband. Worse malapit lang sa lugar namin yung girl, 3blocks away at nagkaanak pa sya. Ako pa ang nakadiskubre, 8mos preggy na ako that time at yung anak nya sa iba ay 4mos na. Di ko nililikot ang cel ng asaw ko pero that night ginawa ko at nakita kp pix ng anak at nung babae. Itinangi nya hanggang sa napaamin ko sya. Di ko alam kung matatag ba ako pero di ako makaiyak, ni hindi ko nga sya sinaktan o pinagpapalo like the usual na teledrama. Nasabi ko lang, mahal ko sya pero kailangan kong mag-isip.

Sinabi nya sa akin na nung nabuntis nya, naghiwalay na sila at pinauwi nya sa probinsya nila yung babae, kasi nahihiya daw sa akin. Yun nga lang nagpapadala sya sustento paunti unti. Nagsisisi daw sya kasi wala naman ako ginagawa masama nagawa pa nya yun, binibigyan ko pa nga family nya kasi sa amin umaasa magulang at kapatid (as in kapag may kailangan kami at maluwag ako sa pagbibigay kasi im just sharing our blessings) Dahil actually nagbubusiness kami at ako mismo yung mas incline, tipong pag tumigil ako wala na income, sya yung support pag may delivery o kailangang bilhin sa labas, etc. Sa totoo nga wala pa nga ako sinasabihan ng naging sitwasyon namin kahit kapatid kong babae at bestfriend ko, kahit close kami. Kasi nahihiya ako sa kanilang umiyak, kasi tingin nila strong personality ako, kasi parang mapapahiya ako na pinagmamalaki ko asawa ko kung gaano ako kamahal at gaano ako katiwala na di nya gagawin yun, yun pala magagawa nya sa akin yun. Ni hindi pumasok sa isip ko o pinagdudahan ko man lang asawa ko kahit sinasabi ng bestfriend at kapatid ko na baka may babae. Sobrang luwag ko din naman kasi, pag aalis nga magpapaalam lang, di man lang tatanungin kung ok lang ba sa akin. Tapos sabi ko hanggang 12pm lang sya, umuuwi 3am. Pag di naman naalis nasa labas ng bahay, 12pm na lagi pumapasok ng bahay kasi tinawagan ko ng umuwi sya. Pero pinagaawayan namin yung ganung pagiging matropa nya, na lagi ko nga syang niyaya ng hiwalay kung mas gusto nya tropa nya. Kasi maghanap kako sya ng babae na papayag sa ginagawa nya, pinapayagan ko na nga sya pero bigyan nya kako ng limitasyon. Pero wala, tipong pag tinawagan mo 20 missed calls, nakakagigil sobrand iyak ako lagi.

Tapos mas matindi pala ang sakit na maloloko ka. Ang sakit sakit pala, sobrang sakit, sya lang kasi ang naging lalaki sa buhay ko, 1st and last. Pag binibiro ko nga sya baka nambabae na sya pero lagi nya sinasabi, nakatingin ang Diyos, at saka ayaw nya broken family. Saka bago kami ikasal 8 years naging kami, daming babaeng nagpapakita ng motibo, kinukwento nya lang sa akin. Akala ko talaga sobrang kilala ko na. Hindi sya nawawalan ng i love you na salita sa akin, lagi nyang sinasabi mahal na mahal nya ako kahit nung di ko pa nadidiskubre. 
 
Pero yun, ang inisip ko pa din anak ko dahil dalawa na at ayoko ng broken family. Di ako nagagalit sa babae kase napakabata, parang 18, e 33 na kami. Sabi ko lang ayoko ng may kontak pa sila. Napakamartir ko pa nga kasi naawa ako sa bata kaya nagpadala pa nga ako pera 30k para may pang start sila at di kokontak s asawa ko para humingi ng pera. Sabi ko magtayo tindahan kamo. Kasi kami nagsimula sa 20k lang at pautang utang pero ngayon, ok na yung negosyo namin.

Ngayon nagbago na nga sya, nagpapaalam na sa akin, di naglalabas ng bahay, laging gusto akong yapos, tapos i love you ng ilove you. Pero parang di na pumapasok sa isip ko yung i love you nya. Sabi ko nga sa kanya sana ginawa mo yun nung di pa tayo mag asawa kasi ngayon kahit sinabi kong napatawad ko na sya bakit nasasaktan pa din ako, bakit di mawala sa isip ko yung ginawa nya. Parang pakiramdam ko ginagawa nya yun kasi nasaktan nya ako. Na baka hindi nya na talaga ako mahal kasi. Na baka di nya lang ako mahiwalayan kasi masarap ang buhay nya ngayon, may sasakyan, may sustento pamilya nya, out of town vacation, etc. Paano ba ireset ang isipan ng tao kasi parang awang awa ako sa sarili ko e. MInsan tinanong ko sya kung mahal nya ba talaga ako, sabi nya mahal na mahal kita, natukso lang ako kasi bata, makinis, nilapitan sya o nagpakita ng intensyon. Ang realidad daw kasi ng buhay 90% ng lalaki nagagawa yun, dahil sa layaw ng laman. Pero kahit ilang beses nya daw ulit ulitin na mahal nya ako, kung di ko man daw paniniwalaan, sana di ko na daw sya pinatawad. Kasi paano ko daw sya pagtitiwalaan ulit. :-(




sis, i feel ur pain... natawa lang ako kasi bakit ganun, sila na nga ang may ginawa den parang sinabi pa sayo na sana hindi mo n lang siya pinatawad kung hindi mo din siya paniniwalaan... its unfair.. ofcourse hindi naman ganun kadali na makalimutan ang nangyari at saka sympre he have to prove himself again to you not just for a certain time but for a long time...

mahirap talaga kapag trust ang nasira, hindi madaling ibalik un... there will always be a feeling of doubt... Believe ak sayo sis, binigyan mo pa talaga ng pera yung girl at naawa ka pa... hay... ang bait mo... sabagay hindi naman dapat madamay yung baby...

god will surely help you go thru everything kasi u have a good heart... be strong...

eimerej5

  • Guest
thanks engroselle  :) ang bait mo pa pala kasi pinapayagan mo pa sya na makita anak nya dun sa girl. dati sinabi nya sa akin na gusto nya makita, wala naman daw kasalanan bata. sabi ko kaya nga ako nagpabigay pera para wala na silang kontak. sabi ko nung ginawa nyo sana yun, naisip nyo na, na di kayo ang magsa-suffer kundi yung magiging bunga.
kamusta naman kayo ng hubby mo? paano nyo naibabalik yung dati? kasi ako parang pag nandyan sya sa tabi ko ok na ako pero pag wala na sya laging naiisip ko yung ginawa nya. kasi parang pakiramdam, pinatawad ko sya agad ng ganun ganun na lang kaya pwede nya gawin ulit.
minsan nga nakontak ako ng girl sa FB, tinawag akong karibal at ikamusta ko daw sya sa asawa nya. Di ko nireply kasi wala nga ako galit dun sa babae, dun nga ako sa asawa ko pa ako nagalit. Sabi ko pag yung babae ay manggulo dito or mag post sa wall ng kung [textspeak!]-ano at malaman ng anak nya at pamilya ko, makikipaghiwalay na ako sa kanya. tama ng ako na lang masaktan, wag na yung mga anak ko at pati pamilya ko. Ayaw ko kasing maawa sila sa akin, ayokong kaawaan nila ako, ayokong sabihing ang tali-talino mo pero pagdating sa ganyang bagay nagpakatanga ako. Paano ko ba ikokondisyon ang isip ko, kahit sabihing ayokong isipin pero laging sumasagi pa din. Kasi pag naiisip mo lagi, nakakaisip ka na dapat yata nakipaghiwalay na lang ako, dapat yata gantihan ko ito para maramdaman nya ang sakit. 



i feel for you sis. same boat tayo.  :'(

hubby fathered a child after we had two of ours. the girl, didn't know he was married, so they both said. pero she was 34 at that time (feb 2009). di ba sya nagtaka na ni isang kamag-anak hindi sya ipinakilala ng hubby ko? kung teenager sya, maiintindihan ko pa. pero 34???? landi na yun! desperate na siguro magkaanak kasi matanda na sya. btw, im turning 31 at that time, and hubby was turning 36...

ang hirap ng sutuation kasi kahit ikaw ang legal wife, parang ikaw pa ang naninimbang...with our case kasi, nobody knows about this. not a single soul from my family. only his brother, his wife and 10 of our friends.

the girl is not asking for support. nor visitation schedule. hubby does not insist. ayaw nya din ng gulo for me & kids, 3 na sila ngayon.

but girl has now an FB account, named after the child. andun pics nung mag-ama...after delivery and nung 2nd bday... i called hubby's attention. tinanggal ng girl. i saw it too na tinanggal nya nga. after a month, eto na naman. bumalik same pics. hindi ko inaalis na magkaroon sila ng pics mag ama. but keep it to themselves na lang. wag na nya ipost. proud pa sya? alam sa office nila yata, na may family na si hubby or baka sinabi nyang hiwalay na sila... respeto lang sa mga anak ko. dahil kami pa rin ang nagdadala ng apelyido, hubby did not give his name to the child. i have a copy of the birth cert.

i called hubby re the re-posting of pics. he told me to calm down. sabi ko kasi, ako na ang kakausap since hindi naman nakinig sa kanya. but he begged na sya nalang. baka daw kasi matrigger pa yung babae to ask for legal support. ayaw nya. ayaw nya madamay sa gulong ginawa nya ang mga bata. kasi the money that was suppose to be for them, mahahati sa kabila. and it's unfair for our kids. wala silang kasalanan... the girl naman is not asking for support, but if i piss her off, baka daw gamitin nyang leverage yun. ayaw nya ng eskandalo pa.

bakit ganun? tayo ang legal wife, pero wala tayong magawa sa ganitong sitwasyon?  :'(



sis, naisip ko lang, badtrip talaga yang pagpopost ng pics ha, ok hindi nga nya alam noon na may asawa n yung guy but now she knows and is posting pics pa din?

so talagang proud siya na naging kabit siya because she is exposing it in the internet.... what if may makakitang relatives at friends nyo? ang hirap naman nyan... sana the girl would listen. magpost na lang siya ng pics nilang mag-ina at wag na isama pa yung sa husband mo... nakakainis ha....

and the thing nga is ang mga legal wife pa ang nakikiusap... tama ba un....
« Last Edit: May 24, 2011, 04:01:31 am by eimerej5 »

engroselle

  • Guest
thanks engroselle  :) ang bait mo pa pala kasi pinapayagan mo pa sya na makita anak nya dun sa girl. dati sinabi nya sa akin na gusto nya makita, wala naman daw kasalanan bata. sabi ko kaya nga ako nagpabigay pera para wala na silang kontak.   
i knew about the child nung almost 2 months na. so i did not know about the pics nung sa delivery. at nung bday, di ko din alam un. i just found out a month after. natatakot syang sabihin sa akin dahil alam nyang di pa ako nakakamove on. he spared me the pain. hindi sya nagtagal sa party. i know kasi nasa bahay agad sya nun. hindi ko sya pinapayagang pumunta and he doesnt want to also. he knew he made a mistake. if the other party doesnt demand, hindi sya pupunta. wala sila communication for 2 years. Nung 2nd bday lang sya pinapunta. wala sya sa binyag, wala din sa 1st bday or any occasion...

as of now, we're happy. except for the times na naaalala ko yung nangyari or yung mga pics na ganyan and it ruins our day. kasi iyak ako ng iyak. mas sweet kami ngayon sa isat isa kasi mas narealize namin yung worth ng bawat isa. minsan naiisip ko na pwede naman pala kami maging masaya, bakit kelangan pang mangyari to... he's been very patient with me. he assures me everytime na magiging maayos ang family namin. marami syang plano para sa amin...

sis, naisip ko lang, badtrip talaga yang pagpopost ng pics ha, ok hindi nga nya alam noon na may asawa n yung guy but now she knows and is posting pics pa din?

so talagang proud siya na naging kabit siya because she is exposing it in the internet.... what if may makakitang relatives at friends nyo? ang hirap naman nyan... sana the girl would listen. magpost na lang siya ng pics nilang mag-ina at wag na isama pa yung sa husband mo... nakakainis ha....

and the thing nga is ang mga legal wife pa ang nakikiusap... tama ba un....
my sentiments, exactly. i've been trying to keep evrything under wraps for everyone's peace. pero sya, mega post ng mga pics. and nung 1st time, ginamit pa nya apelyido namin. kapal talaga!
and now, nahihirapan ako kasi i'm torn between fighting for our right as legal family and yet baka sa pagpursue ko nito, kami naman ang balikan nya with regards sa visitation and financial support...  :'(

i didn't tell my parents or my siblings re this. ayoko masira tingin nila sa pamilya ko. kawawa mga bata,e. tuwing makikita nila kmai, yun ang iisipin agad nila... magulo ang married ife ng 2 kapatid ko. and they come to me for help. if they knew of my situation, paano na sila? sa ibang tao pa sila pupunta? i dont want to give my parents more pain and intindihin... i got married at 19 and ayokong sabihin nila sa akin that it was a mistake from the beginning...  :'(

confusedgirl51

  • Guest
bakitako, kakainis naman yong asawa mo... >:( siya pa may gana magsabi na sana hindi mo na lang siya pinatawad kung hindi mo siya mapaniwalaan sa mga sinasabi niya. Of course if you are cheated basta ka na lang ba maniniwala. Eh kung sa kanya mo kaya ginawa yon baka nga binugbug ka  niya at pinalayas. Advice ko lang. protect your properties kasi conjugal yan, meaning may share si illegitimate child. Sakit ng ulo yan na ang pinaghirapan mo makikishare ibang tao. Parang may ugali din si inanakan eh, may guts pa magmessage sa yo sa FB. Hindi malayong maghabol yan pag nagipit lalo na when it comes to enrollment ng bata. Aba mahal din kaya magpa aral. And If I were you sasabihin ko sa family ng asawa mo kalokohan niya, para naman hindi santo tingin nila sa anak nila (sa akin lang to ah sis, of course I know you have a lot to consider regarding this).
« Last Edit: May 30, 2011, 09:00:46 am by confusedgirl51 »

bakitako

  • Guest
thanks eimerej5, sabi ko sa kanya di naman ganun kadali, pinatawad kita kasi may mga anak tayo, ayoko ng broken family kung wala siguro at para sa sarili ko lang desisyon kahit na mahal ko sya, baka wala ng patawaran yun. Sabi nya baka iiyak iyak daw ako kapag wala na sya, natural iiyak ako pero mawawala din yun.

engroselle, buti ka parang kahit papaano medyo naka-move on ka na. ive been strong for my kids lang talaga. pero talagang lagi pa din ako nagiisip. siguro parang kulang pa din yung kwento nya sa akin, gusto ko talaga malaman lahat lahat para isang sakit na lang. kasi minsan kapag inoopen ko at tinatanong ko about sa girl, tinatakpan nya na lang bibig ko, wag ko na daw banggitin o simulan kasi paano daw ako makakalimot, e di naman daw sya ang masasaktan kundi ako lang din.

confusedgirl actually nung nanganak ako, ate nya nagbantay sa akin sa ospital, inopen ko. Sabi ko wag na sabihin sa ibang kapatid, ke nanay at tatay. Iniiyak ko lang, gusto ko nga lang siguro kahit isa man lang sa kapatid nya may alam sa kalokohan nya.

Tanong ko pala mga sis, nung nabuko nyo ba mga hubby nyo at nung umamin, nakita nyo ba silang umiyak nung humingi ng tawad? Actually tinanong ko sa kanya yun, sabi nya nilalakasan nya lang loob nya. Ang isa lang na nagustuhan ko sinabi nya, Thank you kasi pinatawad ko sya, sa totoo lang daw di pa sya handang umamin kasi di pa sya handang iwan namin sya.


nadialicious16

  • Guest
After he cheated, hindi na kami kagaya ng dati. Though we're still together pero may lamat na. Nagbago naman sya pero anjan pa rin yung kapag tinotopak ako,hindi ko matanggap ang ginawa nya. Ewan.

december

  • Guest
@sis bakitako, parang walang ka-remorse remorse sa katawan.  nung nabuko ko si hubby na may kalandian (pero di ako sure kung naging sila talaga kasi kumbaga naubol) di naman sya umiyak bagkos sa akin pa galit kung bakit daw pinakialaman ko cellphone, akala nya masisindak nya ako.  niyakap nya lang ako at bumulong na sorry pero parang hindi hinde sincere sa tingin ko kaya umabot ng ilang weeks bago ako nakipagbati sa kanya.  pero sa text sya nagmamakaawa na ibalik na daw namin sa dati, na kibuin ko na daw sya, pero di naman sya umiyak at lumuhod.  ngayon kung saan saan nalang cp nya iniiwan pero malakas ang kutob ko na may isang cp pa sya para sa kalandian nya.

engroselle

  • Guest
engroselle, buti ka parang kahit papaano medyo naka-move on ka na. ive been strong for my kids lang talaga. pero talagang lagi pa din ako nagiisip. siguro parang kulang pa din yung kwento nya sa akin, gusto ko talaga malaman lahat lahat para isang sakit na lang. kasi minsan kapag inoopen ko at tinatanong ko about sa girl, tinatakpan nya na lang bibig ko, wag ko na daw banggitin o simulan kasi paano daw ako makakalimot, e di naman daw sya ang masasaktan kundi ako lang din.

hindipa rin ako nakakamove on. pinipilit ko lang para sa mga anak ko. kailangan,e. pero pag ako na lang mag-isa, umiiyak ako. ayaw nya pagusapan yung nakaraan. kasi masasaktan lang daw ako lalo. pero it's part of my healing process. dapat malaman ko yung extent ng pinatatawad ko. right ko yun. ano yun, basta pinatawad kita, ok na lahat???

i can see the remorse in my hubby. he's sorry for everything. mahal nya kami. nagkamali lang talaga sya. hindi nya alam what came over him. nasa oras ang uwi nya ngayon, we take time to go out. we try to do things together. this coming sch year, lilipat na kami sa sarili naming bahay. eversince kasi, we've been living sa house ng parents nya, although di naman kami nagkikita ng inlaws ko kasi nagwowork din. malayo sa bahay, so nagrerent. sat and sun lang andun. so parang solo din namin yung house. pero syempre iba when it's your own house...

kaya gusto ko sana, clean slate kami. start over talaga. last night kasi nalaman ko na pumunta pala sya sa 1st bday. it was 2 weeks after i gave birth sa 3rd namin. i was in the province then. he didn't tell me kasi hindi healthy for me. mastress lang ako. at kung magpaalam man sya, baka hindi ko rin daw payagan. pero kahit daw ganun, pipilitin pa rin nyang pumunta. he wanted to say sorry dun sa girl. i told him na papayagan ko naman sya, kasi wala naman kasalanan yung bata. sana lang sinabi nya nun pa or kaya nung malaman ko na nung 2nd bday e pumunta sya. sana umamin na sya nun....

he's insisting kasi na prob nya yun (sila). na i dont need to be involved, buhay nila yun. basta ang family namin, ok. wag ko na daw isipin yung kabila...pero hindi kako. buhay ko rin yun. i have a right to know. dahil sya ang pinaghahatian namin. at sya ang buhay ko. right ko na malaman if he's with them dahil every minute na andun sya, oras yun na supposedly spent sa amin. at nagsisinungaling sya every time na pupunta sya dun. e di lalo lang nadadagdagan kasalanan nya. pwede naman syang magsabi sa akin,e. hindi pa nya sinubukang magpaalam sa akin.

when i decided na tanggapin sya uli, i knew then kung ano magiging situation ko. na magkikita at magkikita silang mag ama. pero i feel alienated pagdating sa kabila. dahil hindi ako kino-consult ni hubby re them. or nagpapaalam man lang... i told him na i was a friend first before i became his wife, pero bakit ngayon hindi ko maramdaman na friend nya ako kasi hindi sya nagsasabi ng problema sa akin. ayaw nya na daw dagdagan kasi yung hurt ko. pero mas dinadagdagan naman nya kasalanan nya pag pumupunta sya sya dun kasi he's lying to me re his whereabouts...

every occasion na nalaman kong nagpunta sya sa kanila, like 1st and 2nd bday, i found out about it by myself lang. walang self confession from him...

tinatakpan nya mata ko sa totoong nangyayari. he wants na palagi lang akong masaya. which is true. masaya kami pag magkakasama kami. para syang MMDA na maglalagay ng malaking billboard para takpan yung squatter sa gilid ng tulay...

should i just be contented with his reasons or should i insist na iinvolve nya ako sa kabila?  :-\

engroselle

  • Guest
question: if pupunta si hubby to visit the kid, gusto ko kasama ako. just to make sure na yung bata ang dinadalaw nya at hindi yung nanay. pero how do you go about that? pasasamahin kaya nung nanay yung bata sa hubby ko? and if dun lang sila sa house ng girl, san ako pupuwesto? sa kotse? sa gate?  ;D

nakakatawa pero hindi ko alam kung paano gagawin ko. basta alam ko na i have to be there, for security reasons, no. pero paano diskarte nun?...  :-\

smoothie

  • Guest
how about si girl ang papuntahin mo na lang sa bahay niyo?


engroselle

  • Guest
how about si girl ang papuntahin mo na lang sa bahay niyo?

nobody in our family knows about the other party... and we intend to keep it that way for as long as we can. bata pa kids ko,e...

confusedgirl51

  • Guest
Tanong ko pala mga sis, nung nabuko nyo ba mga hubby nyo at nung umamin, nakita nyo ba silang umiyak nung humingi ng tawad?

react lang ako about this, men are men, hindi aamin ang mga yan hanggat hindi sila caught in the act, to answer the question bihira lang iiyak na lalaki to ask for forgiveness sa partner nila. Kadalasan sorry lang maririnig mo without further explanation kung bakit. And they tend to close the book na parang ganun ganun lang. Yon ang nakakinis kasi we as girls wanted details for closure pero para sa kanila kapag nabuko sila sasabihin nila sorry and lets start all over again. Kaya nga andun pa rin yong doubt natin kasi everyday may nalalaman tayo hidden stories pa nila ng kalaguyo/kabitch/kafling which reminds of their betrayal. 

destiny_27

  • Guest
ang awkward naman nun sis kung sasama ka sa kanya. if you can feel naman his sincerity and his love for you, let him na lang siguro. kasi masasaktan ka lang pag nakita mo sila and walang magiging komportable ni isa man sa inyo. suggestion lang naman kasi honestly kung ako nasa lugar mo hind ko din alam gagawin ko. mahirap kasi magdecide when you're still hurting.

nadialicious16

  • Guest
sis engroselle, what if hindi sa bahay ng babae papuntahin ang asawa mo tutal anak naman nya ang bibisatihin nya why don't they go to the mall na lang.pasyal pasyal ba at ang babae ang pahatirin mo hwag ang tatay. sumama ka kung mamamasyal sila at ang babae siempre hindi kasama. at sis, kung hindi man alam sa inyo or sa side ng asawa mo,malalaman at malalaman din nila yan.

engroselle

  • Guest
Tanong ko pala mga sis, nung nabuko nyo ba mga hubby nyo at nung umamin, nakita nyo ba silang umiyak nung humingi ng tawad?

react lang ako about this, men are men, hindi aamin ang mga yan hanggat hindi sila caught in the act, to answer the question bihira lang iiyak na lalaki to ask for forgiveness sa partner nila. Kadalasan sorry lang maririnig mo without further explanation kung bakit. And they tend to close the book na parang ganun ganun lang. Yon ang nakakinis kasi we as girls wanted details for closure pero para sa kanila kapag nabuko sila sasabihin nila sorry and lets start all over again. Kaya nga andun pa rin yong doubt natin kasi everyday may nalalaman tayo hidden stories pa nila ng kalaguyo/kabitch/kafling which reminds of their betrayal. 

exactly! cheaters but then they're the ones who make the rules pa. kaya din siguro ako di makamoveon is because ang dami kong nalalamn na hindi nya sinabi sa akin. pinaniwala ka na A yun, yun pala B. Syempre hurt ka na naman. in effect, parang paulit-ulit kang niloloko...

ang awkward naman nun sis kung sasama ka sa kanya. if you can feel naman his sincerity and his love for you, let him na lang siguro. kasi masasaktan ka lang pag nakita mo sila and walang magiging komportable ni isa man sa inyo. suggestion lang naman kasi honestly kung ako nasa lugar mo hind ko din alam gagawin ko. mahirap kasi magdecide when you're still hurting.

i can see and feel the sincerity pero kasi once you've been brazen, iba na. mas maingat ka. mas cautious ka sa nangyayari. hanggat maaari, ayaw mong magkaroon ng opportunity na may mangyaring di maganda... hindi ako ganito dati. dati, pinaniniwalaan ko lahat ng sabihin nya, ngayon, maingat nako. natuto akong lumaban dahil sa nangyari sa aking ito...

sis engroselle, what if hindi sa bahay ng babae papuntahin ang asawa mo tutal anak naman nya ang bibisatihin nya why don't they go to the mall na lang.pasyal pasyal ba at ang babae ang pahatirin mo hwag ang tatay. sumama ka kung mamamasyal sila at ang babae siempre hindi kasama. at sis, kung hindi man alam sa inyo or sa side ng asawa mo,malalaman at malalaman din nila yan.

this may work pa siguro... ihatid ni girl yung bata sa mall, meet namin and then umuwi na sya. kami ni hubby ang kasama ng bata. ihatid naming 2 after. basta hindi ako papayag na silang 3 lang...

i know na malalaman ng mga bata in time. pero hindi muna siguro ngayon. inaayos pa naming mag-asawa kaming 2. mas macoconfuse ang mga bata kung kami mismong mag-asawa e hindi pa adjusted sa situation...

jelly

  • Guest
ang sikip sa dibdib basahin mga post dito...nakakasad na may mga asawa talagang nagloloko...nagloko na nagkabunga pa...di ko pa to nararanasan pero i am constantly reminding my husband na wag gagawin to..and prayers na wag sya matukso..seryoso ako na pag niloko nya ako bubugbugin ko sya..saka sasaksakin.seryoso ako nung sinabi ko yan. di naman ako selosa mabuti na yun alam nya ano kaya ko gawin pasalamat na lang kasi takot sya malugi negosyo nya kaya di daw sya magloloko...inisip yun negosyo hehe pero at least may takot sya.bilib ako sa mga kaya tumanggap ng asawa kahit na ganun ang nangyari. ang mommy ko after 19 years saka nalaman na may anak ang dad ko sa iba.after 30 yearsof being married na puno sya ng tiwala sa dad ko.ayan...matanda na sila pareho pero yun galit ni mommy halos same pa din when she first found out.parang pabalik balik daw..kahit anong pilit na kalimutan...




bakitako

  • Guest
mga sis sa palagay nyo ba kinukwento talaga ng lalaki yung lahat lahat. tama si confusedgirl, masakit kasi pag may malalaman kang ibang bagong story. dati kahit na anong kwento sa akin na kesyo nakita daw asawa ko sa motel di ako naniniwala sa sobrang taas ng tiwala ko, tatanungin ko lang sya pag sinabi nya hindi, okay na sa akin kasi nga wala naman akong kaba sa dibdib. Pero nitong nahuli ko na nga sya parang maski yung naging yaya ng anak namin inisip ko at tinanong ko sya baka pati yun pinatulan. di naman daw, ito lang talaga. hanggang kailan kaya mananatili sa dibdib ang sakit :(

mga sis tinanong ko asawa ko kung pinagmit niya yung surname, di nya daw alam, tinanong daw sya, sabi nya bahala ka. sabi ko bakit ganun ang sagot nya, di man lang nya sinabing wag na at para pag nagasawa, di madaming apelyido anak nya. sabi ko kasi baka nagbabait baitan ka pa sa babae kaya yung babae umaasang balang araw maging kayo. tapos kung nagkaanak sa iba, yung bata may habol sa ari-arian? hay sari sari talaga pumapasok sa utak ko. 

bakitako

  • Guest
saka pala mga sis ang pakiramdam ko kaya lang sya nagbabago ay dahil yung ang naging kondisyon ko sa kanya, ayoko ng matropa, hanggang 10pm na lang sya pag kailangang lumabas pero pag hindi bahay lang. ayoko na nung hobby nya, dun kasi ang start kaya sya napatropa maigi, yung paintball almost weekly naglalaro tapos pag weekdays nagkakayakagan pa na tipong 3am na uuwi. kasi nung di ko nahuhuli, madalas pa din akong umiyak kasi almost everyday nasa labas ng bahay hanggang 12am, tapos pag nagpunta sa tropa, madaling araw 2-3am umuwi. take note, buntis pa ako ng time na yun na laging iniiyakan ko yung sobrang matropa nya.
what if kung di ko nalaman? what if kung di nya nabuntis? sila pa din kaya at ako ay parang t**** lang?
makaka move-on kaya ako kung gantihan ko sya? manlalake ako. para pareho kaming nasaktan at pareho kaming mag-move on? :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close